Daniel and his unexpected gestures

549 27 1
                                    


Napasinghap si Chandria kasabay ng biglaang pagbilis ng puso niya. "What... what started here?" nauutal niyang tanong.

Umiling lamang si Daniel at hindi siya sinagot. Kagat-labing pinagmasdan ni Chandria ang likod ni Daniel habang naglalakad ito palapit sa isang bench. Umupo doon ang binata.

Sumunod si Chandria kay Daniel ngunit hindi siya naupo sa tabi nito. Nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ni Daniel. Tamang distanya lang upang marinig niya ang ilang ulit nitong paghinga nang malalim.

"Dan..." pabulong niyang tawag sa binata.

Si Daniel ay nag-angat ng tingin. Sandali silang nagkatitigan ni Chandria. Nakakapanlambot ng tuhod ang malamlam nitong titig. Ngunit sa ekspresyong pinapakita ni Daniel, alam niyang may bumabagabag dito. Halata ang pagod sa mukha nito.

"Daniel, umm..."

Napa-tsk si Daniel at umiwas ng tingin. "I don't want to keep secrets from you anymore." mariin nitong wika habang hinihilamos ang palad nito sa sariling mukha.

Mariing naglapat ang labi ni Chandria habang pinapanood niya ang bawat galaw ni Daniel. Rinig niya ang frustration sa boses nito. Naaawa siya sa binata ngunit hindi niya rin ito magawang daluhan.

A part of her wants to, but the other side tells her not to. Perhaps, she is too stiff and unsweet when it comes to moments like this. She is not the type of person easily shows concern and sympathy to someone, no matter how important that person is.

Napakagat-labi si Chandria. Naguguilty siya kahit na wala naman siyang kasalanan. "Are you... alright?"

Gusto niyang matawa sa kanyang sarili at sa parehong pagkakatao'y gusto niyang sabunutan ang sarili. Napamura siya sa kanyang isipan dahil sa sariling katangahan. She was too stupid not to realize what she asked him. Of course, he's not okay. It was obviously obvious. Daniel is not in his well state.

Umawang ang labi ni Chandria nang hilain ni Daniel ang kanyang kamay. Inilapat iyon ni Daniel sa bibig nito. Natigilan siya nang dumampi ang labi ni Daniel sa likod ng palad niya. Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos ng kuripot nitong halik, idinampi agad ni Daniel ang noo nito sa palad niya. Nanatili ang kamay ni Chandria doon habang nilalaro nito ang mga daliri niya. Nakagat-labi ni Chandria ang sariling labi upang pigilan ang sariling mapamura sa kilig. Damn Daniel and his unexpected sweet gestures!

Hindi pa man siya nakakabawi sa kilig ay napalitan iyon ng gulat nang marinig ang tawanan ng isang grupo ng kababaihan sa 'di kalayuan. Si Daniel ay nanatiling nakayuko habang hawak ang kamay niya. Mukhang wala itong pakialam kung sino man ang makakakita sa kanila.

Napalingon siya agad sa pinanggalingan ng ingay at nakita ang pagpasok ng grupo sa garden. Nang magkatinginan sila ng isang babae doon ay natahimik itong bigla.  Ganoon din ang mga kasamahan nito. Awtomatikong tumaas ang kanyang kilay at mabilis na namula ang pisngi.

Ilang segundo pa'y nakita niyang nagngitian ang mga ito. May isa pang tumili na parang kinikilig. May narinig pa siyang sumigaw ng 'Relationship Goals' bago ito tumalikod at tuluyang umalis sa garden.

Namumulang tumikhim si Chandria. "Dan, let go of my hand," seryosong utas niya. Takot siyang may dumating ulit.

"No." nanghihina ang boses nito nang magsalita. Umi-iling ang binata at lalo pang hinigpitan ang paghawak nito sa kanyang kamay. "I want to hold your hands now."

Napahinga si Chandria nang malalim at hinayaan na lang si Daniel sa gusto nito. Kahit na nangalalay na ang kanyang paa sa pagtayo ay nanatili siya sa kanyang pwesto.

Ilang minuto silang natahimik bago muling nagsalita si Daniel. "This is the place where I first met you." mahinang wika nito. Muling dumampi ang kamay nito sa likod ng kanyang kamay. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang balat.

"Oh... okay." Iyon lang ang tangi niyang naisagot. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin.

"Kasama mo noon ang mga kaibigan mo dito. Nagkakatuwaan kayo noon sa isang bench. Kami naman ng mga kaibigan ko, tahimik lang sa isang tabi." Narinig niya ang tipid nitong pagtawa. "Iyong mata ko, nakatutok lang sayo. Tinitignan ko ang bawat galaw mo. Kung paano ka ngumiti, kung paano ka umirap, kung gaano ka kaganda kapag nagtataas ka ng kilay."

Mabilis na tumaas ang kilay niya habang pinipigilan ang paglitaw ng ngiti sa kanyang labi. "Really?" Hindi niya mapigilang magkomento.

"Yeah." Paos ang boses ni Daniel nang sumagot ito. "I've always adored you back then. Kaya nga noong lumapit ka sa 'kin, nagulat talaga ako. It was unexpected. You introduced yourself to me and even kissed my cheeks in front of my classmates."


Her brows automatically raised up. She tried to remember things but it was a failure. Nothing happened. No memory was revived.

"What happened next? Sinungitan mo rin ba ako pagkatapos?" sarkastiko niyang tanong.

"No." matigas na tanggi ni Daniel. Marahan nitong pinisil ang kamay ni Chandria at muling nagsalita. "Pagkatapos ay agad ka ring bumalik sa mga kaibigan mo. Naririnig ko kayong naghahagikhikan at ako naman, bugbog-sarado sa kantyaw ng mga kaklase ko."

Kagat-labi niyang hinimas ang buhok ni Daniel gamit ang libreng kamay. "Did I really do that to you?" natatawa niyang tanong.

Nag-angat ng tingin si Daniel. Nagkasalubong ang kanilang tingin ngunit agad din itong umiwas. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.

"You did." Narinig ang pagbigat ng hininga nito. "And you even made me fall deeper in just a snap. It was a simple liking and yet I was eager to court you, so I did."

Parang tinambol ang tenga ni Chandria. "You courted me? Really?" Tumaas ang kilay niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.


Mahinang tumawa si Daniel. Siguro'y pahiwatig iyon ng pagsang-ayon.

"Wait!" Nangunot ang noo ni Chandria. "Where's the part of David Ford now?"


Tumaas ang isang sulok ng labi ni Daniel. "We're still at the beginning of the story, Chandria."











The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now