Change

596 32 4
                                    

Napatitig si Chandria sa kanyang repleksiyon sa salamin. Hindi na masyadong halata ang namumugto niyang mata na galing sa ilang oras niyang pag-iyak kagabi. Maayos itong natakpan ng concealer. Itim na ang kanyang buhok. Taliwas sa kulay ng suot niya ngayon, isang puting seamless perfect fit dress.

Pinahiran niya ang pulang lipstick ang kanyang labi at mariin itong pinagdikit. "There." Nginitian niya ang sariling repleksiyon. "I'm off to go."

Mabilis siyang lumabas sa kwarto at bumaba sa sala. Nilihis niya ang tingin sa mahabang sofa. Ayaw na niyang maalala ang narinig mula kay Daniel kagabi. Presko pa iyon sa kanyang isipan pero pilit niya iyong kinakalimutan. Sobrang sakit kasi. Baon na baon. Punong-puno na siya sa pasakit na dulot ni Daniel. Nakakasakal na.

Iyon na rin siguro ang nagmulat sa kanyang isipan na bigyang-halaga rin ang sarili. Hindi siya magiging masaya kung magdedepende lamang siya sa isang tao. Tama na ang kabaliwan niya sa binata. Ngayong alam na ni Chandria kung saan ang limit niya, hindi niya na hahayaang masaktan ulit siya dahil kay Daniel. 

Ipinilig niya ang sariling ulo at iwinaksi ang kanyang iniisip. Dumiretso siya sa pinto at pinihit ito pabukas. Napaatras si Chandria nang biglang lumitaw sa kanyang harapan ang bulto ng isang lalaki. Tumaas ang kanang kilay niya nang mapagtantong si Vince iyon na nakasuot ng tuxedo. May malapad na ngiti sa mukha nito. Ngunit napawi iyon nang dumapo ang tingin nito sa kanyang buhok.

Nagsalubong ang kilay ni Vince, senyales na may namumuong tanong sa isipan nito. "You look... weird." Lumapat ang daliri ni Vince sa kanyang buhok ngunit agad niyang tinaboy ang kamay nito.

"Don't touch my hair, freak!" Sinamaan niya ng tingin ang binata at pabirong sinuntok ang balikat nito.

Mukhang walang epekto kay Vince ang suntok niya. Tinawanan lamang siya nito bago muling nagsalita, "Are you for real?"

Inirapan niya ang kaibigan. "Yes, I am for real, Vince. I am still Chandria. I just looked different now and you're not used to seeing me like this. Too plain and white."

"White isn't your style." May mapanuksong ngiti sa labi ni Vince. Humalukipkip ito. "So, what's with the change? Is this about your Daniel again?" Mataman siyang tinitigan ni Vince. "Are you inlove or are you hurt?"

"Both." She faked a laugh. "Deeply inlove and deeply hurt."

Tumikhim si Vince at biglang sumeryoso ang mukha nito. "Come here." Iminuwestra nito ang hintuturo patungo sa kanya. "Let me hug you first before we go to your father's party."

Hindi siya nag-atubiling humakbang palapit sa binata. Mabilis niyang pinulupot ang braso niya sa beywang ni Vince at ibinaon ang kanyang mukha sa dibdib nito. She felt no awkwardness. She felt no kilig, either. But her heart, it somehow lightened up when Vince comforted her with just a friendly hug. Even just for a while, she has escaped from the suffocating pain.

Unang bumitaw si Chandria. May bumara sa kanyang lalamunan nang sumagi sa isip niyang magpasalamat kay Vince. Mahirap iyon para sa kanya. Hindi niya naranasang direktang magpasalamat kay Vince kahit na malapit ang loob nila sa isa't-isa. Pero ngayon, susubukan ni Chandria.

"Uhmm... Vince, thank you for the comfort." There. She finally said it. Somehow, it felt great. She felt her ties loosened up.

Muling lumitaw ang mapaglarong ngisi sa mukha ni Vince. "Really Chandria? Thank you?" panunudyo nito kasabay ng panggagaya sa tono at boses niya.

Napasimangot si Chandria. "Kainis ka, Vince! Nag-effort ako tapos tatawanan mo lang?" Pinandilatan niya ang binata bago hinigit ang pulsuhan nito. "Halika na nga! Malalate na tayo sa party ni Dad niyan, e."

The Bitchesa's DownfallМесто, где живут истории. Откройте их для себя