Battle of her weak heart and memory

606 28 1
                                    

"Mauna ka nang pumasok sa kotse." seryosong wika ni Daniel habang inilalahad kay Chandria ang paperbag na naglalaman noong damit na binili ni Daniel para sa kanya. "Doon ka na magbihis."

"Are you effin' serious?" sarkastikong tanong ni Chandria. Tumaas ang kanang kilay niya habang inaabot ang paperbag. "Paghuhubarin mo ako sa loob ng kotse mo?"

Sumandal lamang si Daniel sa kotse nito at humalukipkip. Hindi ito sumulyap sa kanya kahit saglit man lang. Diretso lamang ang tingin nito sa isang kotse sa unahan.

"Bakit? Hindi ka pa ba sanay?" nanunuyang tanong ng binata.

Umawang ang labi ni Chandria. Tila may tumusok sa kanyang puso dahil sa narinig. Alam niya kung anong pinapahiwatig ni Daniel. He still thinks she's that kind of woman who could possibly strip inside a man's car. He still thinks she's a slut. Perhaps, that's what he's trying to imply by what he said awhile ago.

Nanghina ang sistema ni Chandria. Tinakasan siya ng mga salitang pwede niya sanang isagot kay Daniel. Ilang beses na siyang napagsalitaan ng masama ni Daniel pero ito ang unang beses na hindi niya ito nagantihan o nainis man lang. Napakagat-labi na lamang si Chandria at walang protestang pumasok sa kotse ni Daniel.

Sinigurado niyang sarado ang pinto ng kotse bago siya naghubad. Dali-dali rin niyang sinuot ang puting long sleeve na binili ni Daniel. Hindi niya ginalaw ang itim niyang pants sapagkat wala naman siyang ipapalit. Mabuti na lang talaga at hindi naisipan ni Daniel na palitan din ang suot niyang jeans ngayon.

Tinignan niya ang sariling repleksiyon sa rearview mirror. Inayos niya ang kanyang buhok at itinali ito sa isang neat bun.

Tumakas ang isang malakas na singhap sa labi ni Chandria nang buksan ni Daniel ang driver's seat. Nabigla siya sa biglaang pagpasok ng binata ngunit nagpasalamat na lang din siya na hindi siya nito naabutang hubad pa.

Nang tumingin si Chandria sa gawi ni Daniel ay nasalubong niya ang walang ekspresyong mukha nito. Seryoso lamang itong nakatingin sa kanya. Dumausdos ang mata nito mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang katawan. Napakurap si Chandria ng dalawang beses nang makita kung paano dilaan ni Daniel ang ibabang labi nito habang tinatapik ng sarili nitong hintuturo ang steering wheel.

Ilang saglit pa'y nag-iwas din ito ng tingin at umayos ng pagkakaupo. Nanatili lamang si Chandria sa kanyang posisyon. Nakahilig siya paharap sa binata at hindi ito nilulubayan ng tingin.

Tumikhim ito at biglang nagtanong, "Where's my 'thank you' now?"

Chandria's lips automatically parted when she heard him speak. His baritone voice held authority and manliness. It's like he's already demanding and not asking. And just damn! He was effortlessly making her swoon.

"Ah..." Bumuka ang kanyang bibig ngunit agad din itong sumara.

"Hmm?"

Napamura siya sa kanyang isipan. Hindi niya makuhang magsalita ng diretso. Nahihirapan siyang magpasalamat dahil hindi naman niya ito madalas ginagawa. Pakiramdam niya kasi ay hinihila niya ang sarili pababa kapag nagpasalamat siya.

"Ano...uhh..." Umiwas siya ng tingin bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Thank you, Dan."

Hindi sumagot si Daniel ngunit tinitigan siya nito. Ilang segundong ring nakulong ang paningin ni Daniel sa kanya bago nito pinaandar ang makina ng sasakyan. Bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse habang sinisimulan ng binata ang pagmamaneho. Dahil walang maisip na topic, hindi na lang din nagsalita si Chandria.

Biglang umakyat ang kuryosidad sa sistema ni Chandria nang mapansing huminto ang kotse sa likod ng isang nipa hut. Napagtanto niyang isa itong cottage sa Sto. Domingo. Iyong nasa tabi ng dagat na pinuntahan nila ni Daniel noon matapos bisitahin ang construction site.

Unang lumabas si Daniel at umupo sa hood ng kotse. Sumunod na rin si Chandria makalipas ang ilang segundo. Nang siya'y tuluyang makalabas, sumalubong sa kanyang matang naniningkit ang kulay-rosas na ulap. Dumampi sa kanyang pisngi ang malakas na ihip ng hangin. Mabuti't hindi nakalugay ang kanyang buhok ngayon dahil kapag nagkatao'y nagulo na ito.

Kahit na nakasuot siya ng long sleeve, hindi pa rin niya matakasan ang ginaw ng buong lugar kaya niyakap niya ang sarili nang maupo siya sa tabi ni Daniel. Ngayong mas malapit na siya kay Daniel, napansin niyang hindi talaga ito nakaupo sa hood, kundi nakasandal lang ang pang-upo nito doon. Tahimik lamang si Daniel at diretso ang tingin sa maliliit na alon ng dagat. Ang tanging naririnig ni Chandria ay ang hampas ng alon at tawanan ng mga taong nasa paligid.

Ilang segundo ring walang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa marinig niya ang malakas na tikhim ni Daniel. Taas-kilay siyang lumingon sa gawi nito. Nakita niyang ganoon pa rin ang posisyon ng binata.

"I like it here." biglang sambit ni Daniel.

"Why?" Kumibot ang labi ni Chandria. Bigla siyang nakaramdam ng kuryosidad sa sinabi ni Daniel.

Tumaas ang sulok ng labi ni Daniel at dahan-dahan itong lumingon sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, nakita niyang may kung anong kislap ang mata ni Daniel. Hindi niya iyon magawang pangalanan.

"We made good and bad memories here." pabulong na sagot ni Daniel. Mahina itong tumawa pagkatapos at umiling-iling. "But I won't be telling you the bad things yet."

"So..." Chandria's eyebrows curved upward. It amazed her to see Daniel chuckling in front of her but she chose to managed to conceal the happiness she felt. She kept herself calm and serious as she continued, "What the good memories then?"

Namungay ang mata ni Daniel at biglang naglaho ang pilyong ngiti sa labi nito. Napalitan iyon ng isang seryosong ekspresyon. Dinilaan ng binata ang ibabang labi nito habang bumababa ang mariin nitong titig mula sa kanyang mata patungo sa kanyang bibig.

"What do you think?" nanunuya ang boses ni Daniel nang magsalita at biglang lumapat ang kamay nito sa kanyang beywang. "Hmm?"

Bahagyang napaatras si Chandria sa kanyang kinauupuan ngunit agad din siyang hinila ni Daniel palapit. Lalong lumiit ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Mataman ang pagtitig ni Daniel sa kanyang labi.

"We had our first kiss here..." mahinang sambit ni Daniel na naging dahilan ng panlalaki ng kanyang mga mata.

Naramdaman niya ang mainit na hininga ni Daniel bago dumampi ang labi nito sa tungki ng kanyang ilong. Nahirapan siyang huminga dahil sa ginawa ng binata. Nanginig ang tuhod ni Chandria kasabay ng lalong paghuhumerentado ng kanyang puso. Unti-unting bumaba ang labi ni Daniel sa nakaawang niyang labi. Alam ni Chandria kung saan ito patungo. Gusto niya ring maramdaman ang halik ni Daniel.

Second passed, Daniel already brushed his lips onto hers. Her eyes suddenly closed and her body stiffened. Yet, she did not hesitate to answer his kisses. Up and down their lips go until it gets deeper and more passionate. Her heartbeat was racing fast as their lips locked on a slow-paced kiss.

Though she felt heaven at this moment, Chandria could not deny that something's going wrong inside her system now. She knew this isn't just about her feeling towards Daniel, but this is about the battle of her weak heart and memory against Daniel's wicked manipulation. And she feared that she may lose this one.


The Bitchesa's DownfallOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz