Mistress

556 29 6
                                    


"What are we doing in this kind of place, Daniel?" Namamaos ang boses ni Chandria habang binabagtas nila ang sementadong daan ng sementeryo.

Nauuna ang binata sa paglalakad kaya binibilisan niya ang paglakad upang makasabay ito. Hindi man madilim sa lugar ay nakaramdam pa rin siya ng pangingilabot. Tumataas ang kanyang balahibo sa tuwing dumadako ang kanyang tingin sa mga lapidang nasa berdeng damuhan.

Nanginginig ang kamay at tuhod ni Chandria dahil sa pinaghalong kaba, takot at kuryosidad na bumabalot sa kanyang sistema. Kung may isang lugar mang hindi niya nanaising puntahan, iyon ay ang sementeryo. Naaalala niya kasi ang pagkamatay ng kanyang ina, lalo na ang araw ng libing nito na hindi man lang nadaluhan ng kanyang ama. Ang pangyayaring iyon ang siyang nag-udyok sa kanyang kamuhian ang sariling ama.

Hindi makakalimutan ni Chandria ang araw na iyon. August 14, 2012. Bahagya siyang napahinto sa paglalakad nang biglang may sumagi sa isip niya. Iyong araw na iyon din ang nakalathala sa newspaper kung kailan nangyari ang aksidenteng kinasasangkutan niya.

Lalo siyang kinilabutan sa kanyang napagtanto kaya pilit niya itong iwinaksi sa kanyang isipan. Muli siyang naglakad ng mabilis nang makita ang distansya nilang dalawa ni Daniel.

"Dan, it's so creepy here," hindi niya mapigilang sambitin ang nararamdaman habang hinahabol ito. "Can't we just go back home now?"

"No. Hindi tayo nagsayang ng oras dito para umuwi lang agad." ma-awtoridad nitong sambit at nagpatuloy pa rin sa paglakad. Bitbit nito sa kanang kamay ang bulaklak na binili sa flower shop.

Walang nagawa si Chandria kundi sumunod. Hindi rin naman niya maatim na bumalik sa kotseng mag-isa. Nang mapansing huminto si Daniel sa paglalakad ay huminto na rin siya. Nanatili siya sa likod ng binata. Hinayaan niya munang mailagay ni Daniel sa gitna ng dalawang lapida ang bulaklak na bitbit nito. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa tabi nito.

Ngayon, nasa harap nila ang dalawang lapida. Agad na kumabog ang puso ni Chandria nang mapansin kung anong nakaukit na pangalan doon. David Ford at Mary Ann Ford. Muling tumaas ang mga balahibo ni Chandria nang umihip ang malakas na hangin.

"My mother..." Mabigat ang hininga ni Daniel nang magsalita ito sa kanyang tabi. "Like what happened to your mom, she died because of depression."

She could not help but let out a gasp. So, the grave she's looking at now is where Dan's mother was buried. There was suddenly a small amount of guilt that pinched her heart. Yet, she has no idea where it came from.

"Namatay siya isang taon matapos ang pagkamatay ni Papa." Puno ng pait ang boses nito habang binibigkas ang salitang papa.

Napaawang ang labi ni Chandria nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng binata. Sigurado siyang si David Ford iyon, ang lalaking sinasabi ng news na kasama niya sa aksidente.

"Si David Ford... ang papa mo..." Tila may pumipitik sa ulo ni Chandria habang binibigkas ang bawat salita. Bumibigat din ang kanyang paghinga. "Papaanong magkasama kami sa iisang aksidente? Noong araw na iyon, libing ni Mommy. Pero bakit nagkaroon ng aksidente?" Mabilis niyang hinarap si Daniel at marahang hinawakan ang braso nito. "Dan, naguguluhan ako."

Napansin niya ang pag-igting ng bagang ni Daniel. Nanatili ang mga mata nito sa lapida habang siya ay pinagmamasdan ang marahang paggalaw ng dibdib nito. Para bang humuhugot ito ng malalim na hininga upang pigilan ang sariling sumabog.

Ilang segundo pa'y humarap din si Daniel sa kanya. Namumungay ang mga mata nito. "Seryosong-seryoso ako noon sa panliligaw sayo hanggang sa puntong pinakilala na kita sa pamilya ko. Tuwang-tuwa sila noon lalo na si Mama. Pinaglilihian ka pa nga ni Mama noon. Halos araw-araw siyang nakikiusap sa akin na dalhin kita sa bahay. That time, pinagbubuntis pa niya si Aliyah at alagang-alaga pa siya ni Papa." Pagak itong tumawa at muling sumulyap sa lapida ng ina na nakapatong sa berdeng damo.


"Hanggang sa manganak si Mama, ikaw ang bukambibig niya. Naging malapit ka sa pamilya ko pero ayun pa rin ang estado natin. Nagliligawan. And that was fine with me. To see my girl treating my family as hers, it was enough for me." Gumuhit ang ngisi sa labi nito. "Diba, Ma?" malambing na sambit ni Daniel na para bang naririnig ito ng kanyang ina.

"Why are you saying all of these now?" Kagat-labing wika ni Chandria. "It feels like a different Chandria in that story of yours."

Sinundan niya ng tingin ang marahas pag-iling ni Daniel. "Yeah, ibang-iba ang pagkilala ko noon sayo. Maybe, I was blinded by my adoration to you that I didn't even see you're actually capable of ruining our family."

Kasabay ng muling pag-ihip ng malamig na hangin, biglang lumakas ang tibok ng puso ni Chandria. Natigilan siya at agad nagkasalubong ang kanyang kilay.

"You've said it twice." mahinang wika niya habang matamang tinitigan si Daniel. "You said I ruined your family. But how? What happened? Come on, Dan, tell me."

Hindi na napigilan ni Chandria at mabilis niyang hinablot ang braso ng binata, dahilan upang tuluyan humarap ito sa kanya. Nakita niya ang pagrehistro ng iritasyon sa mukha ni Daniel ngunit agad din itong naglaho nang magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi napansin ni Chandria na nangingilid na pala ang kanyang luha dahil sa frustration na nararamdaman.

"Tell me, Chandria. Gusto mo ba talagang malaman?" seryosong sambit ni Daniel.

Marahang tumango si Chandria bago niya binitawan ang braso ni Daniel. "Of course, I want to know. I am desperate to know, Dan!"

"Damn." malutong na pagmumura ni Daniel kasabay ng pagtalikod nito sa kanya. Hinilot nito ang sariling sentido kasabay ng malakas nito pagbuga ng hangin. "Why is this fucking hard?"

"Dan, ano ba!"

"You killed my parents. Kung hindi dahil sayo, hindi sana madidisgrasya si Papa. Kung hindi dahil sayo, hindi sana mamatay si Mama sa depresyon at hinanakit. Pinagkatiwalaan ka namin, Chandria. Pero anong ginawa mo? You killed them both."

"Iyon lang pala ang kinasasama ng loob mo? Just freaking forget it, Daniel! They're dead now." Nanlalamig man ang kanyang buong katawan, nagawa pa rin ni Chandria na depensahan ang sarili niya.

"Forget it, huh?!" Umalingawngaw ang sigaw ni Daniel sa buong lugar. "You think I can fucking forget it?! You were my father's mistress, damn it!"

Biglang nanigas si Chandria sa kanyang kinatatayuan. Tinakasan siya ng kulay sa mukha. Samu't-sari ang nararamdaman niya ngayon. Bumalot ang takot sa kanyang sistema dahil sa nakikitang galit ni Daniel ngunit nangingibabaw pa rin ang gulat at pagkalito. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya maintindihan ang lahat. Hindi niya kayang paniwalaan ang pinagsasabi ni Daniel.

"Me? Your father's mistress?" Hindi makapaniwalang sambit ni Chandria habang tinuturo ang sarili. "Ganoon ba ako kababa noon para pumatol sa isang may asawa?"

Umigting ang panga ni Daniel habang pinapasadahan siya nito ng masamang tingin mula ulo hanggang paa. Naririnig niya rin ang malutong nitong pagmumura. Ilang segundo rin siyang naghintay bago nagsalita ang binata.

"I hate you..." namamaos na sambit ni Daniel.

Tuluyan nang lumandas ang luha sa pisngi ni Chandria dahil sa binitawang salita ni Daniel. Masakit. Sobrang sakit! Nasanay na siyang ipagtulakan ni Daniel palayo ngunit iba pa rin pala ang pakiramdam na marinig mismo kay Daniel na hindi siya nito gusto.

Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kanyang umiiyak. Wala na rin naman siyang pakialam kung sino ang nasa paligid. Ang tangi niyang naririnig ay ang malalim na buntong-hininga ni Daniel.

Naninikip na ang kanyang dibdib habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha. Sa pagkakataong ito, napagtanto niyang may nag-iiba na. Unti-unti na siyang napapanghinaan ng loob.

"Bakit ako nagkakaganito?" mahinang bulong niya sa sarili.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now