Bulletproof (Querio Series #1)

By Barneyeols

277K 10.7K 899

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Olivia Emerald Villafuerte

Kabanata 21

4.9K 220 22
By Barneyeols

Kabanata 21
Tatanggapin

After the trip, they were all tired kaya umuwi na sila at nagpahinga. Bernice joined them since mananatili pa ang iba doon.

"Pakibaba ako sa tapat ng school. My driver's there." Bilin ni Bernice kay Paris.

Seryoso si Bernice sa akong tabi. Hindi siya nagsasalita hindi gaya noon na puro siya kumento sa mga bagay bagay.

"Yes, Ma'am." Sagot ni Paris at sumulyap sa rear view mirror.

Tumikhim naman si Olivia dahil sa tahimik na paligid sa loob ng sasakyan. Ganoon din siguro ang nararamdaman ni Kristoff kaya binuhay nito ang radio. Sila ni Paris ang nasa unahan.

Nakatulog na pala siya at nagising na lang na nakatigil na sila sa tapat ng school. May ilang lalaki ang humahakot sa gamit ni Bernice na ngayon ay nasa labas at kausap si Kristoff.

Inayos niya ang sarili at lumabas din. Dumikit agad ang mga mata ng mga ito sa kaniya.

"Olivia, thank you for letting me tag along." Sabi ni Bernice at bumeso pa.

Ngumiti si Olivia.

"Sure. That's fine. Mag-iingat kayo ha?" Bilin niya.

She found a sister in Bernice. Mataray man minsan at adventurous pero kapag kailangan mo, palaging nariyan. Kumaway si Bernice at tinapik si Kristoff sa balikat bago sumakay sa sasakyan.

Naiwan sila ni Kristoff sa labas. Nilagay niya ang takas na buhok sa likuran ng kanyang tainga bago tinuro ang kotse.

"Let's go?" Tanong niya. Tumango si Kristoff at binuksan pa nito ang pintuan para sa kanya.

Sumakay si Olivia at pinanood ang binata na pumasok sa backseat katabi niya. Nahigit naman ang kanyang hininga doon. She can feel the heat of his arms now. Halos nagkadikit na kasi sila.

"Tara na, Paris." Utos nito.

Umandar ang sasakyan patungo sa bahay. Halatang ang pagod ng kanyang team dahil matapos makapasok sa mansyon ay nagsibabaan agad ang mga ito para magpahinga.

Saglit lamang ding nagpaalam sina Paris at Kristoff na halatang pagod na pagod na din. They didn't talk like what he said. Naiintindihan naman niya iyon dahil buong araw siyang binabantayan ng mga ito.

Natulog na lamang din siya. Gabi na nag bumaba siya para sa hapunan. Pinaghanda siya ng katulong ng pagkain.

Nasa kalagitnaan siya nito ng marahas na bumukas ang backdoor at niluwa si Borris na nagmamadali. Ka sunod noon ang boses ni Diana na halatang nakikipagtalo.

"Borris!" Sigaw nito pero natigil din ng makitang kumakain siya sa mesa. Tumaas ang kilay ni Diana at umalis para sundan si Borris.

They are fighting again. Hindi mawari ni Olivia kung bakit pinagtatyagaan ni Borris si Diana. Mas malala pa nga ito kaya sa kanya.

Kumain na lang siya. Nang dumaan ang katulong dala ang juice ay tiningnan niya ito.

"Kumain na ba ang mga bantay, Manang?" Tanong niya.

Tumango ang katulong at pinagsalin siya.

"Oo. Pinakain na namin kanina pa." Sagot ni Manang at umalis din agad.

Natapos siyang kumain ay umakyat ulit siya para silipin mula sa kwarto niya ang barracks. May mga ilaw pa doon. May ilang mga bantay ang nagkakatuwaan sa labas. Ngunit wala si Kristoff.

Napagod kaya iyon?

Hindi maiwasang mapaisip ni Olivia sa sinabi nito. Kung kakayanin niya daw ba ang hindi siya makita nito palagi? Kapag ba naging sila ay palaging ganoon? Puro tawag lang?

Napaisip siya sa sinabi ni Kristoff. Ayaw niya ng ganoon pero hindi niya alam kung mararamdaman niya pa ba sa iba ang nararamdaman niya ngayon sa binata.

Mababaliw na ata siya. Humiga siya sa kama at nilagay ang nga braso sa ulo.

Kailan pa naging ganito kakumplikado ang lahat? Simula ng dumating ang lalaki ganoon na. Noon naman, puro lakwatsa at pagtakas sa bantay ang inaalala niya.

Sumigaw siya sa unan sa sobrang frustration. Nagpagulong gulong pa siya sa kama niya.

"Can't sleep or maybe thinking something?"

Nahulog siya sa sobrang gulat sa boses na nagsalita. Napamura siya sa utak niya ng makita si Kristoff na nakasandal sa bintana at nakatanaw sa kanya sa kama.

"C-Captain? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"We will talk, right?" Sagot nito at umupo sa harapan ng study table. Binuklat pa nito ang ilang libro.

Umupo si Olivia at tiningnan ang malapad na likuran ng binata. Lumunok siya para sundan pa ang mga tanong.

"Umakyat ka sa bintana? Paano kung nahuli ka?" Tanong niya.

Sinarado ni Kristoff ang libro at iniikot ang upuan para harapin si Olivia. Hinagod niya ng tingin ang dalaga na mabuti naman at nakasuot ng disente.

"I ordered them to go away." Sagot niya at sumandal pa para ilagaw ang mga braso sa harapan ng dibdib.

"Tch. You really have your ways, too. What are we gonna talk about?" Tanong ni Olivia pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib.

"About what I said," diretsong sabi nito. "I am serious."

Kinagat ni Olivia ang labi niya.

"May pag-asa ba ako kung ganoon?" Tanong ni Olivia.

Ngumuso si Kristoff na tila pinipigilan ang pagsilay ng ngiti.

"You have everything on your hands. Kung handa kang magtiis, handa akong sumugal. Don't give me false hope, Olivia. I am not fan of playing games."

"You're going very far. Gaano katagal?" tanong niya.

Sumeryoso ang mukha ni Kristoff. This is why he hates commitments. Alam niyang mangyayar ito kapag sumugal siya. The country need his service at iyon ang hindi niya pwedeng tanggihan na nangangahulugang dapat isakripisyo ang sariling kagustuhan.

"Walang kasiguraduhan. Kung gusto ng pamahalaan na ilagay ako sa pinakasulok ng bansa sa kahit na gaanong tagal ng panahon , iyon ang mangyayari." Sagot niya.

Tila nadurog si Olivia doon. Nagkaroon nga siya ng karapatan pero parang wala rin dahil hindi sila palagi magkasama.

Pinapanood lang siya ni Kristoff. He knows what she's thinking. Noong una pa lang, alam na niyang ganito ang mangyayari kung binigyan niya ng pag-asa ang dalaga. Iyon ang reason kung bakit palagi niyang tinutulak ito palayo.

Tumayo si Kristoff at namulsa.

"I am not forcing you to give me an answer right now, Olivia. I'll go for now."

Lumapit si Kristoff para tapikin ang ulo ng dalaga bago tumungo sa bintana. Binuksan nito ang bintana at tumalon doon.

Sa takot na baka nasaktan ito, tumayo si Olivia para silipin ang kalagayan niya. Nadatnan lamang niya na normal na naglalakad ito papunta sa direksyon ng barracks.

He's unbelievable! Third floor ang kwarto ni Olivia. Napanganga na lang si Olivia.

Hindi niya alam ang gagawin. Kaya naman napuyat siya kaiisip. Antok na antok pa siya noong gisingin ng katulong para sa klase niya.

Humihikab siyang sumakay sa sasakyan. Agad dumikit ang mga mata ni Kristoff sa kanya kanya inayos niya ang upo niya.

"Good morning..." Bati niya at pumikit para makaidlip.

Nagising na lang siya na nakahilig siya sa matigas na braso ni Kristoff. Nakatingin ito sa labas kaya hindi napapansing mulat na siya.

Tumayo si Olivia kaya nagkatinginan sila. Kinusot niy ng mukha sa possibleng dumi roon.

Hindi naman naapektuhan si Kristoff at binuksan pa ang pintuan para makalabas siya. Mapula ang mga pisngi ni Olivia doon.

She should stop blushing like a highschool girl. Nauna siyang naglakad bago pa mapansin ni Kristoff o Paris ang pagpula ng kanyang pisngi.

Umupo siya sa upuan at tumabi sa kanya si Kristoff. Hindi naman siya mapakali at niyuko na lang ang ulo niya ng may dalawa ng pares ng itim na sapatos ang tumigil harapan niya.

Nag-angat siya ng tingin sa nakangising si Clarence Cho, may hawak na bola sa kaliwang kamay.

"C-Clarence." She immediately called. Kumindat si Clarence at yumuko pa para mas lalo siyang makita.

"This Saturday, huh? Don't forget. I need my lucky charm." He coolly said.

Lumunok si Olivia hindi dahil sa nakuhang mga atensyon kundi dahil sa titig ni Kristoff na halos dumikit na sa kanya.

"Ah, s-sige." Pilit na ngiti niya kay Clarence.

"Wanna watch my practice game?" Tanong pa ng binata.

"No. She can't." Sabat ni Kristoff sa kanya.

Napanganga si Olivia at umani naman ng iritasyon iyon para kay Clarence. Kumportable si Kristoff na nakaupo t parang wala lang ang sinabi niya.

"Sino ka para magdesisyon para sa kanya?" Tanong ni Clarence.

"Ako ang bantay niya." Sagot lang ni Kristoff at ngumiti pa na nang-aasar.

Tumahimik ang ilang nakakarinig dahil sa namumuong tensyon.

"See? Bantay ka lang. You're just here for her safety. Hindi ikaw ang magdedesisyon para d'yan." Pagalit na sabi ni Clarence.

Umiling si Kristoff at nilagay ang braso niya sa harapan. Tumaas pa ang kilay niya na tila di nagustuhan iyon.

Kinagat ni Olivia ang labi. She does not like what will gonna happen.

"Really? Bakit di mo muna tanungin si Olivia... kung sino ba ako para sa kanya, Totoy."

Mas lalong nagalit ang hitsura ni Clarence doon.

Totoy? Tinawag niyang 'totoy' si Clarence? Ang isa sa mga hinahangaan ng kababaihan? Isip ni Olivia.

Nang maramdamang natulala siya doon, hinarap niya ang dalawa ng naghihintay ng sagot niya.

"What, Olivia? Who's this guy?" Tanong ni Clarence.

Dumikit ang mga mata ni Olivia kay Kristoff. Marahang nakatingin ito sa kanya.

"H-He's just the captain of my protection squad."

Kita niya ang disappointment sa mga mata ni Kristoff. Umigting din ang panga nito. Musika sa tenga naman ang mga ito kay Clarence.

"Tss." He stopped a chuckle and looked at Olivia with too much happiness. "So, wanna join me... After class?"

Natigilan si Olivia. She just answered Clarence's question. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang mukha ni Kristoff gay'ong sinabi naman nito na hindi niya minamadali ang dalaga.

Tumayo si Kristoff at tumikhim. Namulsa ito at tinuro ang labas.

"Lalabas muna ako...... Ma'am." He hurriedly strode his way to the door. Sinundan ni Olivia ang likuran nito bago nawala sa dagat ng mga estudyante.

Ma'am? Did he just call me, Ma'am? Nawiwirduhang tanong ni Olivia sa utak niya. Nawala lang iyon ng harangan ni Clarence ang paningin niya.

"Hey, Olivia. Are you okay?" Tanong nito at hinawakan siya sa braso. Sinilip niya ang kinaroroonan ni Kristoff pero hindi niya makita.

"H-Huh?" Tanong niya, 'di makasunod sa sinasabi ni Clarence sa kanya.

"I'm asking if you wanna watch our practice game?" Tanong ulit ng binata.

Kinagat ni Olivia ang labi bago tumingin kay Clarence. Tipid siyang ngumiti at umiling. Tinagtag din nito ang kamay na nasa braso niya.

"I-I'm sorry. I need to go." She scattered all her things and walked to the door.

Nadatnan niya si Paris na nakikitawa sa ilang mga college girls na nandoon. Napatuwid ito ng tayo ng makita siya.

"Si Kristoff?" Nagmamadali niyang tanong.

"Sa kotse daw muna. Bakit? May nangyari ba?" Tanong nito.

Umiling si Olivia at tumakbo na pababa sa hagdanan kahit panay ang tawag ni Paris. Nadatnan niyang naninigarilyo ito at nakasandal sa dingding habang kausap sina Jack, Louie at Dylan.

"Ma'am!" Tawag ni Dylan ng makita siya nito na halos hinihingal.

"C-Captain..." She huffed and raised her hand para pigilan itong magsalita.

Kunot ang noo ni Kristoff at binuga ang usok ng sigarilyo. Tinapon nito ang sigarilyo at tinapakan.

"Leave us, alone for now. We'll just talk." Sabi ni Kristoff.

Umalis naman agad ng tatlo. Inayos ni Olivia ang sarili niya. Binuksan niya ang kotse at pumasok sa passenger's seat. Nakuha naman ni Kristoff iyon at pumasok na rin sa driver's seat.

"Nasaan si Paris?" Malamig na tanong ni Kristoff.

Tumaas ang kilay ni Olivia. Really?

"Can we talk what happened there?" Tanong ni Olivia.

"Anong gusto mong pag-usapan, Ma'am?" Tanong nito.

"Fuck! Please stop that Ma'am thing!" Hindi napigilang mura niya. Umigting ang panga ni Kristoff sa biglang pagtataas ng boses nito.

"Akala ko ba hindi mo ako minamadali sa sagot ko? Eh, bakit tunog demanding ka kanina?" Tanong ni Olivia.

"Hindi kita minamadali, kaya nga umalis na lang ako 'diba? Bago ko masuntok iyong 'totoy' na iyon?" Iritang sabi ni Kristoff.

Ngayon lang niya narinig ang tono na iyon ni Kristoff. Palaging seryoso o kaya naman malamig ito.

"Totoy?" Tanong ni Olivia.

"Did I get you offended? Totoo namang totoy pa ang isang iyon. Tss. Go back to your class and have Paris with you." Seryosong sabi noon.

"Ang gulo mo, Kristoff! You are driving me nuts." Utas ni Olivia.

"And you think you're not driving me nuts, Olivia?" Hamon nito.

"After you kiss me when you're drunk? When you fucking throw yourself that blackout night? Fuck, you mess—" Olivia had the urge to kiss him to cut his confession.

Her mind went blank and she decided that she should kiss him or she'll be forever regretful for not doing it.

Kristoff was caught off guard. Then, after minutes, he started to deepen the kiss. Hinawakan niya sa batok si Olivia para mas lalo itong ilapit sa kanya.

Tumigil iyon ilang segundo. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa ginawa niyang paghalik sa binata.

"Tinatanggap ko na." She said.

Nilingon siya ni Kristoff. Hinarap niya ang binata at matapang na tinitigan sa mukha.

"Tinatanggap ko na. Kung oras man ang kalaban ko dito... ayaw ko nang sayanging pa. Handa akong sumugal. Handa akong magtiis, Kristoff. Let me be damned if it's with you." Pag-amin niya.

She's not sure but she's ready to try. Wala naman talagang kasiguraduhan kapag nagmahal ka. Sabi nga ng matatanda, na ang pag-ibig parang sugal. Minsan talo, minsan panalo. Ayaw ni Olivia na umuwing pinagsisihan ang lahat sa huli. Kung natalo man siya, mas mabuti nang sinubukan niya.

"Kung nabibigla ka lang—" Pinigilan na nama niya na magsalita ang binata.

"Stop, Kristoff. Hindi ako nabibigla. I knew from the start that it will this way. There's no denying about it."

Huminga ng malalim si Kristoff at sinandal ang ulo niya sa manibela bago tumingin sa kanya.

"I can't be a hands on boyfriend. I can't promise you, that we'll see each other often because of my job."

"I don't care."

"I'll be very far away from you after this task. Can you handle it?

Tumango si Olivia.

"I can." Siguradong sabi niya.

Pumikit ng mariin si Kristoff at umupo ng maayos. Hinawakan niya ang kamay ni Olivia at hinalikan ito ng mararahang halik.

"Then, let us be damned." He cursed at stroked her cheeks with tenderness.


#BPKab21
Tweet and follow me : @Barneyeols

Continue Reading

You'll Also Like

5K 125 12
One day while Wilbur was performing on tour, a light fixture that wasn't hung properly fell right on top of him. Quackity, his fiancé was on the back...
83.2K 3.7K 17
The doll that your sister brought from the orphanage wasn't just any doll. It was a rare item. A collectible. A friend. Aeron was all she had before...
517K 33K 41
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
493K 17.3K 195
(Fan TL) Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of...