Bulletproof (Querio Series #1)

נכתב על ידי Barneyeols

277K 10.7K 899

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die... עוד

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Olivia Emerald Villafuerte

Kabanata 18

4.6K 195 28
נכתב על ידי Barneyeols

Kabanata 18

Lumabas si Olivia natapos ang ilang minuto. Kumatok kasi ang classmate niya na pinapatawag sila sa dalampasigan.

Nakashorts siya at simpleng sleeveless top. Maraming tao ang naroon na nagtatawanan. Tahimik siyang naglakad papunta sa gilid ng may lumapit sa kanya.

"Oh, you're here?" Tanong niya Kay Bernice na halatang tinatamad sa nangyayari.

Humikab ito at naupo sa tabi niya.

"Yeah. May subject din kaming seniors sa prof na 'to. Required din kaming sumama." Bulong nito.

Dumating din ang prof nila. Nagsabi lang ito ng house rules na dapat sundin sa loob ng tatlong araw.

"Bawal maging roommate ang lalaki at babae. Bawal din ang lumabas ng kwarto pag lights off na. At lalong lalo... Bawal ang alak." Sabi nito kaya nag-alma ang mga estudyante lalo na ang mga lalaki.

"Boring..." Bulong ni Bernice sa kanyang tabi at tumitig ulit sa professor.

"Binibigyan naman tayo ng kalayaan na gumala at magswimming. That sounds good." Sabi naman noong isa.

Tumawa si Bernice doon.

"Yeah. I just realised... I'm one of the seniors. And the seniors always break the rules." Nakangising sabi nito at kinindatan si Olivia.

Oh, how she wants to join them pero alam niyang mahihirapan siyang tumakas lalo na at kasama niya ang mga bodyguards at kasama pa niya sa kwarto si Kristoff.

"I think, I'll pass. Exhausted ako." Sabi ni Olivia.

Bernice groaned at her response.

"You're being kill joy! But whatever... Do your bodyguards always throw you weird gazes?"

Kumunot ang noo ni Olivia sa sinabi nito. Kita niya ang pagsulyap ni Bernice sa direksyon kung saan niya huling nakita ang mga bantay niya.

"Huh?"

"That one..." Sabi ni Bernice. "The one with the blue shorts, he's really annoying."

Tiningnan ni Olivia si Paris na nakanguso at panay ang tingin sa nga babaeng nakabikini.

"Hindi naman. Mabait 'yang si Paris... Maloko lang at madaldal."

"Paris? Sounds gay to me." Humalakhak si Bernice.

Natigil lang ang tawa nito ng idimiss sila ng professor. Nagpaalam ito sa kanya dahil tinawag siya ng roommate nito.

Tumayo na din si Olivia para makabalik sa kwarto niya. Ginugutom na siya at nais niyang kunin ang wallet.

"Kristoff moved his things to your room. This will be exciting." Sabi ni Paris na tumabi sa kanya.

Agad siyang nainis doon at siniko ito. Umirap siya at binigyan ito ng dirty finger.

"Paris, you should learn when to shut up. Kasi sabi ni Bernice you're annoying and sounds gay." asar niya.

Nalaglag ang panga ni Paris sa sinabi ni Olivia. Kaagad naman siyang iniwan ni Olivia doon at pumasok sa kwarto niya. Nadatnan niyang nakaupo sa isang kama si Kristoff, iyong katabi ng bintana. Buhay ang TV at nanonood ito ng TV series.

Natigil siya ng magtama ang paningin nila. Tumikhim si Kristoff.

"Is this your bed? I can transf—"

"No. No. It's okay. Dito na lang ako sa katabi ng wall para safe." She answered and grabbed her bag.

"K-Kain lang ako sa labas. Kumain na din kayo ng dinner niyo." utos niya.

Hindi na niya hinintay si Kristoff at umalis na. Saka lang siya makahinga ng makasakay sa elevator. Naghanap siya ng kakainan sa baba. Namataan pa niya sina Jack, Dylan at Lui sa hindi kalayuan.

Sinenyasan niya ang mga ito na lumapit sa table niya na pinaunlakan ng mga ito.

"Upo kayo dito. Uh, sabayan niyo akong kumain." She said.

Nakikiramdam na nagkatinginan ang tatlo kaya napailing siya.

"Come on, guys. It's so lonely here." Sabi ni Olivia.

"Ma'am, we can't leave the parameter. Mapapagalitan kami ni Sir Kristoff." sabi ni Jack.

Ngumiwi si Olivia. Gusto lang niyang nakilala ang tatlo. Palagi na lang si Paris ang nakakausap niya at minsan, nakakasawa na din dahil masyado siyang maingay.

"Oh, come on! It's just a meal. Umupo na kayong tatlo. Ako na ang bahala sa abnormal niyong Captain." pilit niya.

Umorder na din ang tatlo. Noong una ay awkward pa pero kalaunan ay nag-umpisa na siyang magtanong. They're not that bad. Mula sila sa mga middle class na pamilya. May mga hitsura din sila at dahil sa pagsusundalo ay lalo silang kumisig. With all their tight shirts and muscles, hindi na siya nagtataka na pinagtitinginan ngayon ang table.

Naputol lang ang pagkain namin ng dumating si Kristoff. Halos mabulunan ang tatlo at mabilis na tumayo para harapin ang kapitan.

"What are you doing here?" Tila kidlat ang tanong na iyon.

"Pasensya na po, Sir." Sagot ni Dylan at tumayo ng tuwid.

"Bakit niyo iniwan ang parameter check? Hindi ba malinaw ang assignment na binigay sa atin ni Senator?" Sabi pa niya.

"Come on, Kristoff. Can't you just wait 'til they're done with their dinner?" Naiiritang sabi ni Olivia.

"Ma'am, huwag po kayong mag-alala. Tapos na po kami." Sabi ni Jack at tinanguan ang dalawa ng kasama.

Umirap si Olivia.

"Oh, shut it... Hindi pa nga nangangalahati iyong inorder niyo. Sit here and finish your dinner."

Hindi nalaman ng tatlo kung sino ang susundin.

"No."

"Captain, I'm your boss. Can't you take my order? Let them eat first. Nasaan si Paris? I don't want you guys to do your job with an empty stomach. Kumain ka na din muna and stop blabbering." kontra niya.

Umangat ang kilay ni Kristoff sa sinabi ni Olivia.

"You're not my boss, Olivia. Your uncle is my boss." Giit niya at binalingan ang tatlo. "Sit and finish your dinner then go back to your posts."

Tumango ang tatlo at sumaludo pa sa ngayon ay tumatalikod na sundalo. Uminom ng tubig si Olivia habang umupo ulit ang tatlo.

"Sadya bang ganyan kasungit 'yang Captain niyo?" Tanong niya.

"M-Medyo lang po. Nung nakaraan 'yan lang sumungit ng todo." Sagot ni Lui.

"Nakakainis siya minsan. Err, wait let me correct that... Nakakainis siya all the time!" Rant niya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya, Ma'am. Nung nasa PMA kami at senior namin siya palagi siyang pinupuri ng mga instructor namin kasi responsable, matalino at magaling 'yan." sabi ni Lui.

Tumaas ang kilay ni Olivia.

"Teacher's pet?" Tanong niya pa.

Umiling si Jack.

"Hindi. Fair ang trato sa lahat sa PMA, Ma'am. Sadyang maraming namamangha sa kanya kasi nababalanse niya lahat ng subject tapos hindi pa siya kailan pumalpak sa kahit na anong ibato. Kaya nga tinawag na bulletproof iyon ng isa sa mga pinakamatapang na instructor doon. Kasi kahit siya... Humanga kay Captain."

Okay, she gets it. Mukhang kahit noon pa man sobrang perfect perfect na nitong si Kristoff.

"Eh, girlfriend? Wala bang nalink sa kanyang babaeng sundalo doon?" Kuryusong tanong niya.

"Bakit, Ma'am? Interesado ka kay Captain gaya ng sabi ni Sir Paris?" Inosenteng sabi ni Dylan.

"Sinabi ni Paris iyon sa inyo?" Naiiritang sabi ni Olivia.

Mukhang totoo nga ang sinabi ni Bernice tungkol rito. Annoying talaga at parang bakla! Lalaki ng pero sobrang chismoso.

"Hindi ba, Ma'am?" Tanong ni Dylan.

"H-Hindi! Huwag nga kayong magpapaniwala diyan kay Paris." Aniya.

"Madaming nagkakagusto diyan, Ma'am pero ni isa walang nilingon o naging girlfriend. Pihikan masyado."

"Eh? Pihikan? Eh, si Av?" Tanong ni Olivia. Narinig niya kay chismosong Paris ang pangalan ng ex ni Kristoff.

Umiling ang tatlo.

"Hindi po namin alam. Kasi ang sabi ni Sir Paris bago pa lang pumasok ng PMA nagkahiwalay na ang dalawa. Mukhang ang pagsusundalo ang dahilan ng hiwalayan." Sabi ni Lui.

Tumango si Olivia. She's really curious about Av. Siguro ay sobrang perfect noon para maging first and only girlfriend ng nag-iisang Kristoff Querio. Nasa kanya ang korona.

Matapos kumain ay binayaran ni Olivia ang bill kahit na panay ang tanggi ng tatlo. But she had a great time kaya hindi niya tinanggap iyon.

Mag-isa na lang siya sa table. Kinuha niya ang phone niya at nag-internet doon. Nang nakuha ang sukli, ay umalis siya para maglakad lakad sa dalampasigan.

Umupo siya sa buhagin at pinagmasdan ang malinaw na langit. Pagod na siya pero ayaw niya pa ding bumalik sa takot na nandoon si Kristoff.

Nagtagal siya ng tatlumpung minuto. Hinihintay niya na dumating si Paris para again siyang magpahinga na pero wala.

And speaking of Paris... Nasaan ang isang iyon?

Nagpasya nang pumasok ni Olivia sa kwarto niya. Nagpapasalamat siya ng wala pa doon si Kristoff. Mabilis siyang naligo at nagtoothbrush.

Rinig niya ang pagbukas ng pintuan at ang pagsara nito. Hindi na siyang nag-abala pa dahil dala naman niya ang damit niya sa banyo at di niya kailangan lumabas ng nakatapis.

But when she's about to change her clothes, hindi niya makita ang panty niya. Napamura siya ng malakas at naisip na naroon si Kristoff sa labas dahil rinig niya ang ingay mula sa TV.

Binuksan niya ng konti ang pintuan at sinilip doon si Kristoff. Nakatalikod ito sa kanya at nagsasalin ng tubig sa mini counter.

Nakita niya ang pulang panty sa paanan ng kanyang kama... hindi kalayuan kay Kristoff. Nang akmang haharap na ang binata ay agad niyang sinara ang pintuan ng banyo.

"Oh, shit!" Mura niya at binuksan ulit ito para magmanman ng makita niya si Kristoff na nakatayo sa paanan ng kama niya, hawak hawak ang pulang panty niya.

Nilingon siya nito na nakaigting ang panga. Mabuti na lang at nagtapis siya ng roba at mabilis na kinuha ito sa binata para ilagay sa kanyang likuran.

"I-I'm sorry. This is clean don't worry. Nahulog ko ata bago pumasok sa cr." Paliwanag niya.

Hinagod siya ni Kristoff ng tingin mula pala pataas sa kanyang mukha at bakas doon ang hiya niya.

"You're not wearing your panty under that robe?" Tanong niya na tila pinipigilan ang sumabog sa galit.

Nalaglag ang panga niya sa diretsong pagkakatanong noon ni Kristoff. Hinilot ni Kristoff ang ulo niya at hirap na hirap na tumingin sa kanya.

"You, brat! Gusto mong matulog dito ang isa sa kanila and yet you're acting naughty." Giit niya.

"I'm not. Nahulog nga lang 'to!" Sabi ni Olivia.

"Oh, yeah? Paano kung 'di ako ang kasama mo sa kwarto?" Pangaral ni Kristoff.

"Then, are you saying that I should thank you kasi ikaw ang kasama ko?" Naiinis na tanong ni Olivia.

"I am not saying that! Kung hindi ako ang kasama mo di—"

"Kung hindi ikaw ang kasama ko wala sana ako dito para magpaliwanag tungkol sa panty ko at sana hindi ako nahihirapan. It's so much easier if it's one of the other guys." Putol niya sa pangaral nito sa kanya.

"If the other's see you sa ganitong ayos... They'll think that you're seducing them. Look at you," Ani Kristoff.

"Well, I am not sedu—"

"Fuck! Just get inside and wear that goddamn panty." Putol din sa kanya nito at hinawakan ang kanyang batok na tila pagod na pagod na siya.

"F-Fine." Tila nagising si Olivia sa pakikipag-away rito at dali-daling pumasok sa Cr.

Pulang pula ang mukha niya ng tingnan nya ang sarili sa salamin. Anong nangyari?

Kaya naman sa sobrang niya ay tinagalan niya ang pagboblow dry ng buhok niya sa loob.

Nadatnan niyang nakaupo pa din sa dulo ng kama si Kristoff at tutok sa TV. Naglakad siya papunta sa kama niya at humiga.

Nagulat siya ng biglang tumayo si Kristoff at kinalas ang sinturon niya. Tinagtag din nito ang lalagyan niya ng baril na tila nagmamadali.

"W-What are you doing?" Tanong ni Olivia.

Kita na ang muscles nito sa braso na nagfeflex sa din nitong magtagtag ng gamit sa pantalon.

"A-Anong gagawin mo?" Ulit niya ng wala siyang nakuhang sagot.

Nilingon siya ni Kristoff na kunot noo.

"Maliligo." Sabi nito at mabilis na pumasok sa banyo. Napatalon pa siya ng marinig ang lakas ng pagkakasara noon.

Napahawak siya sa dibdib niya sa sobrang lakas ng kabog noon. Wait, akala niya ba ay may mangyayari sa kanila?

Napapikit siya at tumayo sa kama para kunin ang remote at ilipat iyon sa ibang channel. Nilakasan din niya ang volume ng sa ganoon ay nawala sa utak niya ang mga pangyayari. Naglagay na siya ng lotion at kung ano pa ng bumukas ang pintuan. Nakamuscle shirt at shorts na lumabas si Kristoff. Gamit ang isang kamay ay tinutuyo nito ang buhok niya.

Nagkatinginan sila at agad siyang nag-iwas ng tingin. Tumikhim si Olivia habang nagtutuyo pa rin ng buhok si Kristoff na nakaupo na ulit sa kama niya.

"You can watch what you want. Nilipat ko sa cartoon network eh." Sabi ni Olivia.

Tumikhim din si Kristoff.

"It's fine with me." Tipid na sagot sa kanya nito.

Nabibingi na siya sa sa katahimikan at tanging ingay lang mula sa TV ang nagbibigay buhay ng biglang nawalan ng kuryente.

Dahil may takot sa dilim si Olivia ay agad siyang napatili at nagtatakbo sa direksyon ng kama ni Kristoff.

Mabilis na nagmura si Kristoff sa tiling iyon ni Olivia at tumayo na para daluhan ang dalaga ng maramadaman niyang may kung ano ang bumangga sa kanya.

Dahil hindi siya handa para doon ay napahiga siya sa kama at bumagsak sa naman sa kanya ang mabangong katawan ni Olivia.

Humigpit ang hawak ni Olivia sa shirt ni Kristoff sa takot ng lumiwanag ang kwarto dahil sa pagbubukas ng pintuan.

Inilawan ni Paris ng flashlight ang dalawa. Sabay sabay nalaglag ang panga ng apat na lalaki sa nadatnan. Hindi alam ni Lui, Dylan at Jack ang gagawin kung titingin o mag-iiwas ng atensyon sa dalawa.

Si Kristoff na nakahiga, si Olivia na nasa ibabaw nito... magkalapat ang mga labi.


#BPKab18

Follow me on twitter: @Barneyeols or leave me any comments here?

המשך קריאה

You'll Also Like

1.7M 142K 65
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
14.5K 437 57
Raise Acelle Davis was a daughter of the governor in the city. She wasn't an ideal daughter, she's a hardheaded partygirl in town, her doings start a...
277K 17.7K 48
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
1.7M 55.8K 75
Alexander, James and Skye were triplets. They were stolen from their family at the age of 4. The family searched for them day and night never giving...