Bulletproof (Querio Series #1)

By Barneyeols

277K 10.7K 899

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Olivia Emerald Villafuerte

Kabanata 16

4.3K 175 25
By Barneyeols

Kabanata 16

"Mama, saan tayo pupunta?" Tanong ni Olivia na hawak hawak ng kanyang ina sa kamay. May ice cream siya sa kabilang kamay.

"Papakilala kita sa Papa mo. Hindi ba sabi mo 'yun ang wish mo sa birthday mo?" Nakangiting sabi ng mama niya.

Ngumiti ng malapad si Olivia. Iyon ang hiling niya sa seventh birthday niya at hindi niya akalaing matutupad agad iyon.

Tumigil sila sa isang gate. Lumapit ang isang guard sa kanilang para tanungin.

"Pwede bang makausap si Mayor Villafuerte?" Tanong ng kanyang ina.

Namamangha si Olivia sa ganda ng bahay sa loob ng gate. Kita niya ang fountain sa gitna, at may mga batang nagtatakbuhan doon.

"Sino sila?" Tanong ng guard.

"Ako si Ofelia Urdaneta. Pakisabi at makikilala niya ako." Sabi nito sa guard. Sakto namang may lumapit na babaeng mayordoma sa kanila.

"Tinyo, buksan mo ang trangkahan, lalabas sina Mayor..." Napatingin ito sa kanya at nanlaki ang mga mata.

"Lia... Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng mayordoma.

"Manang Rose, kailangan ko pong makausap si Mayor."

Natahimik ang mayordoma at napatingin kay Olivia na may walang kamuwang muwang.

"Hindi magandang oras ito para diyan, Lia. Ang padre de pamilya na si Don Emanuel ay sinugod sa hospital."

"Pero... Manang... importante ito. Alam niyo naman..."

May bumusinang sasakyan sa harapan. Binaba nito ang bintana at tumingin sa kanilang nagtatalo.

"Manang, ano ito? Nagsosolicit?" Dumungaw ang isang babaeng may alahas na perlas at nagtaas ng kilay.

"Ma'am Esmeralda." Sabi ni Manang Rose na halatang kinakabahan.

"Solicit o scholarship? Mabuti pa'y pumunta sa tanggapan ni Eduardo sa tamang araw. Alam mo namang nasa hospital si Papa." Ani to pero halatang naiinis.

Dinungaw ni Ofelia ang bintana ng sasakyan at nanglaki ang mga mata nito.

"Mayor," Sabi ni Ofelia.

Tumikhim ang Mayor at tiningnan ito sa balisang mukha. Dumungaw pa ito para tingnan si Olivia na hawak hawak ngayon ni Ofelia. Halata ang kaba nito.

"O-Ofelia... "

"Mama, akala ko pupuntahan natin ang Papa ko?" Biglang singit ni Olivia.

Nagulat ang lahat sa sinabing ito. Mabilis na tumikhim si Mayor at sinarahan ang bintana ng sasakyan at punaharurot ito kahit na sunud-sunod ang sigaw ni Ofelia sa pangalan nito.

Nagising na lang si Olivia sa kakaibang kwarto. Pawis na pawis siya nang mapanaginipan muli ang ilang tagpo noong kanyang pagkabata. Hanggang ngayon ay malinaw pa din ang mga detalye ng mga iyon. Ang pagpasok niya sa mundo ng mga Villafuerte.

Tila isang masamang panaginip iyon. Ang alaala niya sa kanyang ina, ang pagpasok ng mga Villafuerte, ang pagsira nila sa buhay ng kanyang ina. Matagal na din simula ng huli siyang managinip noon.

Tumunghay siya mula sa pagyuko . Nabalik sa kanyang isip na iba ang kwarto kung nasaan siya. Di gaya ng kanya na halos pink ang mga gamit, halatang panglalaki ito. Blue at gray ang mga gamit dito.

Tinanggal niya ang kumot na nakatapis sa kanya. Iba na ang damit niya. Isang malaking itim na t-shirt at basketball short. Nilingon niya ang purse at nakitang naroon sa bedside table.

"What the fuck?" Mura niya ng makitang isang buong araw na ang lumipas at alas said na ng gabi.

Isang araw siyang makatulog sa kwartong ito. Lumabas siya para makita kung kanino ang bahay na ito. Ang naaalala niya, kasama niya si Clarence bago siya mag pass out.

"Oh, you're awake, I see..." Napalingon siya sa boses ng lalaki na mula sa kitchen.

Nagkatinginan sila ng pamilyar na si Gregory Querio. What the hell is she doing here? Paanong napadpad siya sa pamamahay ni Gregory.

"I know what you're thinking. You're so drunk, nagpass out ka pa with an unknown guy. So, I had to step in and take you here." Nakangising sabi niya.

Unknown? Is he referring to the ever famous UAAP player as 'unknown'?

"Are you alone here?" Tanong ni Olivia.

"Yup."

Hinawakan naman niya ang katawan niya. Mukhang nakuha iyon ni Gregory habang nagbubukas ng take-outs at tina-transfer iyon sa plato.

"Don't worry. I slept on the other room. A woman housekeeper, changed your clothes. And the doctor told me you're not dead. You're just sleeping." Anito at tinapik ang mesa.

"I bet you're hungry as hell. Come on, sit."

Wala naman siyang nagawa at umupo na dahil talaga ng gutom na gutom na siya. Pinagsalin siya ni Gregory ng tubig.

"How come you're on the club? You're deployed in PMA right?" Tanong niya.

Mahigpit ang academy. Alam niyang hindi basta basta ang pag-alis doon. Ngumisi siya at pinakita ang paa niyang nakacast.

"Nagka-accident ako sa PMA. The doctor told me to have my second opinion dito sa Manila. And they advised me to bed rest for four days." Paliwanag niya.

"You're advised to bed rest and you went to the club?"

Tumaas ang kamay ni Gregory.

"Yeah... Hindi naman paa ang gamit sa pag-inom. Though, I didn't have the chance to dance."

Natigil siya sa pag-iinterview ng mapalingon sa bukas na TV. Balita iyon kaya natigilan siya.

"Hey, wait... Did you tell my family or at least your brother? Baka akala nila ay nakidnap na ako?" Tanong ko.

Mamaya ay may search and rescue operation na ang mga Villafuerte. It's been almost a day.

"No. Wala akong number ng family mo. And my brother... Heck, no. I don't want to tell him. I want to see him frustrated." Humalakhak pa siya na akala mo ay may nakakatawa doon.

"You...what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Olivia.

It means, nobody knows na nandidito siya and yet, parang wala lang na kumakain sa harap niya ang gagong si Gregory for the sake na mafrustrate si Kristoff?

"The heck is wrong with you!" Uminom si Olivia at agad na pumasok sa kwarto para tingnan ang naka-airplane mode na cellphone.

Nagdagsaan ang text at tawag na namiss niya. Binuklat niya ang mga nag-aalalalang texts ni Borris, Paris at ng kanyang protection squad.

Tumayo siya at kinuha ang damit niyang pinagpalitan. Amoy alak iyon pero wala na siyang pakialam. She needs to go home. Maging ang purse ay kinuha na niya.

"Alis ka na?" Casual na tanong ni Gregory.

Tumango siya habang inaayos ang hoodie.

"Yep. Thanks for the short stay. I badly need to go home. See you around." Sinara niya ang pintuan.

Bumaba siya sa condo unit ni Gregory at pumara ng taxi. Kabado siya habang bumabyahe pabalik sa mansyon.

Paniguradong aabutin siya ng sermon mula kay Senator, kay Diana, Esmeralda, Borris at Kristoff.

Pagkababa niya ay lumapit siya sa tao sa gate. Nang kakilala siya ay agad na binuksan ang gate at tumawag sa landline.

Hindi na niya pinansin iyon at naglakad papunta sa mansyon. Namataan niya sina Borris at Kristoff na nag-uusap sa palibot ng isang kawayang mesa sa labas at halatang seryoso ang mga ito. Nakabihis at mukhang may pupuntahan sila.

"Sir! May tawag nandito na daw si Ma'am!" Sigaw noong isa mula sa quarters.

Lumingon sa akin si Kristoff at kita ko ang pagdilim ng tingin niya.

"I know. She's here." Sabi niya kaya naglingunan sila sa akin. Mabilis ang lakad ni Borris at Paris sa akin.

"Where have you been, Olivia?!" Sigaw ni Borris at tiningnan kung may sugat ako.

Dumamba naman ng yakap si Paris na parang batang makita ang kanyang magulang.

"Ma'am! You made us worry! Anong nangyari? Nakatanggap na lang kami ng tawag na nawawala ka." Nag-aalalang sabi ni Paris.

Ngumiti ako ng tipid para siguraduhing ayos lang ako.

"I'm fine, guys. Nakitulog ako sa isang kaibigan."

"At least you should have called! Tinakasan mo na naman sila, Olive. Ayokong pinaghihigpitan ka pero masyadong matigas ang ulo mo." Pangaral ni Borris.

"I know... Borris, stop it. Alam kong sesermunan din ako ni Diana sa loob. Isa lang, okay?" Tinapik ni Olivia ang balikat ni Borris at diretsong naglakad papasok.

Diretsong ang lakad niya sa nakadiin ang pangang si Kristoff. Iniiwas niya ang kanyang mga mata at pumasok na sa bahay.

Kagaya ng inaasahan, pinagsalitaan siya ng masasama ng mag-ina. Pinalampas lang niya ang pangaral sa pagiging matino at 'di kahiya hiya. Matapos iyon ay naglakad siya sa kwarto para maligo.

Nagtext din siya kay Dani na okay na ang lahat at nakauwi na siya. Nagskype sila at kinuwento niya ang nangyari.

"Really? Are you sure nothing happened between you two? I heard he's a notorious playboy!" Sabi niya.

"He's a playboy but I am sure he doesn't need to rape a girl. Have you seen him? Any girl would gladly answer his sexual whims." Papuri ni Olivia kay Gregory.

He's a Spanish decent, a Querio...and well, Kristoff Querio. They have the same genes.

Nagpaalam siya at bumaba na para uminom ng tubig. Sa haba ng tinulog niya, hindi na siya muling nakatulog pa.

Nakakita din siya ng ice cream kaya nilantakan niya iyon. Sumusubo siya ng tumunog ang phone niya s tawag mula kay Clarence.

"I heard you're home." Aniya sa malamig na boses. "Are you okay?"

"Yup. I am fine, Clarence. I'm sorry for making you all worried. By the way, you didn't tell my family? Alam mo kung sino ang kumuha sa akin, right?" Tanong ko.

"No. I only know his face. He threatened me that he would report me kissing you, if I tell anybody. And I'm guilty, too. Why? Did he do something bad?" Tanong niya.

Umiling si Olivia kahit na hindi naman niya nakikita iyon.

"No. He's my friend. He just helped me and that's it. I asked him not to tell anyone." Sabi ko na lang para matapos na ito.

Bumukas ang backdoor at pumasok doon si Kristoff. Saglit silang nagkatinginan at dumiretso ito sa dispenser para kumuha ng tubig.

"Ah, Clarence. I'll hang up... I need to do something." Pinatay niya ang tawag at kinain ang ice cream ng mabilis para makaakyat na sa kwarto niya.

"Where have you been?" Nagulat siya ng magsalita ang nakatalikod na binata.

"Uh... Sa friend ko. Sorry." That's all she could say.

Binaba ni Kristoff ang braso niya sa sink at tumango. Humarap ito sa kanya.

"And was it hard to send just one text about your whereabouts?" Tanong nito muli sa mas seryosong tono.

"Nakalimutan ko." Sagot ni Olivia na nagpataas ng kilay ng binata. Tinitigan naman ni Olivia ang tunaw na ice cream sa kanyang baso.

"Try, harder. Try, Olivia." Bulong nito.

"Tinakasan mo ang bodyguards mo? I punished them for their negligence. I fired the squadron's leader." Giit niya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. He fired who?

"Why did you do that? Wala silang kinalaman dito! It was their sleeping hours."

"Tss. I called bullshit on that. If they can't make a stubborn girl stay, how can they protect the country?"

"Ibalik niyo ang mga pinatalsik niyo. They need their jobs." Giit ni Olivia.

Galing siya sa hirap. Alam niya kung paano mabuhay ng walang pera, walang makain. That was her situation before she met her father. Siya at ang kanyang ina.

"No... That's the consequence of your actions." Sabi ni Kristoff.

Umiling siya. Binaba ni Olivia ang kubyertos na hawak hawak.

"I know, I'm wrong. Just... Let them have their jobs back. I just did it because I want to be preoccupied." sabi niya.

Tumayo ng tuwid si Kristoff at unti-unti ay hunakbang papalapit sa kanya. Umupo siya sa kaharap na silya ni Olivia.

"Preoccupied for what?" Tanong niya. Titig na titig siya sa mga mata ni Olivia.

"Is this about what happened at that party?" Tanong ni Kristoff.

Hindi nagsalita si Olivia at nag-iwas ng tingin. Tila naging kumirmasyon iyon kay Kristoff at wala siyang inisip kundi masabi ang gusto niyang sabihin.

"Olivia, stop it. If you're rebelling because of what I said... You can't do anything about that. I still stand by my decisions. I don't like you." ulit niya.

Tumayo si Olivia ng tuwid at tiningnan si Kristoff. May ngising aso siya kahit na nanginginig na siya sa paghawak sa braso ng ice cream.

"I know..." Basag ang kanyang boses.

Naglakad si Olivia papunta sa sink at nilapag ito doon.

Tumikhim si Kristoff at namulsa habang tinitingnan ang likuran ni Olivia. Napansin niyang tumaas baba ang balikat nito hudyat na umiiyak ito.

Nagbuntong hininga siya. He hates it. He hates whenever girls will flock to him and tell him their feelings at kapag tinapat niya... Laging ganito. It's either the girl would cry or go hysterical.

"Get your shit together, Olivia. Do not cry and grow up. I am not interested in someone like you." He said it straight nang sa ganoon ay magising si Olivia.

Him and her... sweating in a bed,sharing a blanket... make him frown. It will never happen. Never.

"Go to your room and sleep. Let's not talk about this again. Forget this conversation about us." Utos niya.

Nagulat siya ng humarap si Olivia sa kanya. Wala nang bakas ang luha at ngumiti sa kanya.

"Don't worry, I will." She smiled at him like she's reassuring him.

Hindi nagustuhan ni Kristoff ang ngiting iyon. Nilagpasan naman siya ni Olivia.

Napailing siya at lumabas sa backdoor nang tumunog ang cellphone niya.

"Hello, Av..."


#BPKab16

Follow and tweet me: @Barneyeols

Leave any comment, I guess? :)

Continue Reading

You'll Also Like

5K 125 12
One day while Wilbur was performing on tour, a light fixture that wasn't hung properly fell right on top of him. Quackity, his fiancé was on the back...
83.2K 3.7K 17
The doll that your sister brought from the orphanage wasn't just any doll. It was a rare item. A collectible. A friend. Aeron was all she had before...
647K 29.4K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
1.7M 55.9K 75
Alexander, James and Skye were triplets. They were stolen from their family at the age of 4. The family searched for them day and night never giving...