Honesty is connected to trust. You cannot trust someone without honesty. Trust is connected to love. You cannot love without trust.
Charles' POV
Nasa hallway ako ngayon. Kanina ko pa kasi hinahanap si Kath. Kakamustahin ko sana siya. Okay na kaya yung paa niya?
"Kawawa naman yung girlfriend ni Charles 'no?" narinig kong bulong ni girl #1.
"Oo nga, bugbog sarado yun kayla Bianca panigurado," sagot naman ni girl #2.
"Sinagot niya pa kasi eh. Matapang din pala siya 'no? Pero di ba siya natakot? Mag-isa lang siya laban kayla Bianca," sabi ni girl #3.
Napahinto ako sa mga narinig ko. Nilapitan ko agad yung mga babaeng nagsalita at tinanong kung nasaan si Kath.
Naku naman. Bakit ba ang accident-prone ni Kath?
Agad naman akong kumaripas ng takbo sa nasabing lokasyon pero...
Huli na ang lahat nung dumating ako dun. Nakita kong...
MAGKAYAKAP SILA.
Parang unti-unting gumuho ang mundo ko nang makita ko sila sa ganong posisyon.
DAPAT AKO YUN EH! UGH! SHIT!
**
Kath's POV
Na-overwhelm ako sa ginawa ni Tyler kaya bigla ko na lang siyang niyakap nang mahigpit. Niyakap niya rin ako. I feel secured in his arms right now. Idagdag mo pa ang fresh scent niya. Sarap amoy-amoyin.
"Ano ka ba? Vacuum cleaner? Baka mahigop mo 'ko niyan ah," natatawang sabi niya.
Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya at nag-pout. Napatingin ako sa may likod ni Tyler at parang lumabas yung puso ko sa chest ko sa nakita ko.
Si Charles nakatingin samin na di ma-explain yung expression ng mukha niya. Uh-oh. *sighs* I can smell another problem again.
"Charles!" tawag ko pero tinalukuran niya lang ako at naglakad paalis. Deja vu ba 'to?
"Charles, wait!" akmang tatakbo na ko para habulin siya pero hinawakan ni Tyler yung braso ko. I glared at him.
"Pabayaan mo na siya. Bawal kang lumapit sa kanya di ba?" seryosong sabi niya.
"But he needs me. Kailangan kong mag-explain," sabi ko tapos hinigit ko yung braso ko. Hinawakan niya naman yung kamay ko. Ang kulit lang? Bipolar talaga 'tong monster na 'to!
"No. Gusto mo bang malaman ng mommy mo?" pagkasabi niya nun, biglang nag-init yung dugo ko sa kanya. Para bang sinasabi niya, indirectly, na isusumbong niya 'ko. Akala ko pa naman ayos na kami. Yun pala, di pa rin siya tumitigil sa bwisit na mga plano niya!
"Ano ba Tyler?! Bitawan mo nga ako!" I shouted. Marami na ring nagbubulungan tungkol samin. Siguro naguguluhan sila sa mga nangyayari. Binitiwan naman ako ni Tyler.
"May kinalaman ka na naman ba dito? Ikaw ba yung nagsabi kay mommy na layuan ko na si Charles?" I confronted him. I don't care about the bunch of people surrounding us.
Yumuko lang siya at wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. I guess silence means yes.
"Damn it!" sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis. With that, I walked away. Hindi para sundan si Charles, kundi para maglabas ng sama ng loob.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaah!" I shouted. Nasa rooftop nga pala ako ngayon.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Why me?" I shouted at the top of my lungs and burst out crying.
Nag-echo lang yung sigaw ko na yon at pagtapos tumahimik na ulit. Narinig ko yung ulan sa malayo na unti-unting papunta sa kinatatayuan ko. Sumigaw ulit ako.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagbuhos ng ulan sa katawan ko.
**
One week na ang nakalipas simula nung incident na yon. One week na rin akong parang zombie at wala sa sarili. Wala ng kumakausap sakin sa school. Maski si Andrea, hindi na rin ako kinakausap dahil wala siyang maririnig na matinong sagot for sure. Di na rin ako ina-approach ni Charles dahil pinipigilan siya ni Andrea. Si Tyler naman hindi ko naman pinapansin kahit anong approach niya sakin. Hindi na nga rin ako makasagot sa exam kaya si Andrea na lang ang nagfi-fill up ng mga blanks ko sa answer sheet pag di nakatingin yung teacher.
Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko, magiging maayos pa ba ang lahat? Pagod na pagod na kasi akong umiyak. Hirap na hirap na 'kong magdusa, bukod sa mga fangirls na binubully ako, pati na rin yung accidents na nangyayari sakin, nagdudusa rin ako emotionally. Kulang na lang magkaroon na 'ko ng dual personality. Ayoko naman ng ganun. Hirap na nga ako sa isa, magiging dalawa pa!
Umilaw yung phone ko na nakapatong sa kama ko.
Andrea's name flashed on the screen.
"Hello?"
"Kath, I'm sorry. You need to talk to Charles. It's very important. Just please," pagmamakaawa ni Andrea. Bigla akong kinabahan. Oh God! Please help me face him.
I sighed.
"Fine," sinabi niya naman kung saan kami magkikita.
**
Nakita ko si Charles na umiiyak habang hinahagod siya ni Andrea sa likod. Nakaupo sila sa bench. Nasa park kasi kami ngayon.
"Charles?" napatingin siya sakin pero umiwas din agad siya.
Tiningnan ko naman si Andrea. I gave her a what-happened look.
"I-I'm sorry, Kath. Nasabi ko kasi sa kanya yung tungkol sa fixed marriage thingy eh," naiiyak na kinakabahang sabi ni Andrea.
Speechless ako. Kahit gaano ko kagustong i-explain lahat, walang lumalabas sa bibig ko. May lumabas din naman... yung luha ko nga lang.
Nilapitan ko si Charles at niyakap nang mahigpit.
"KAYA BA UMIIWAS KA SAKIN KASI PINAPAIWAS KA NILA? KAYA BA NUNG KAUSAP KITA, BIGLA MO AKONG TINANONG TUNGKOL SA ARRANGED MARRIAGE? KAYA BA NUNG SUSUNDUIN KITA SA BAHAY NIYO DI KA PUMAYAG KASI... SA IBANG BAHAY KA NA NAKATIRA AT... ANG MASAKIT... KA-LIVE IN MO SI TYLER? LOKO? LOKO BA YUNG TAWAGAN NIYO?" tuloy-tuloy yung agos ng luha niya habang sinasabi niya yan. Ito yung pinakaayoko eh. Nadudurog yung puso ko pag nakikita kong nasasaktan siya.
I nodded as a response.
Napasabunot siya sa buhok niya.
"BAKIT DI MO SINABI SAKIN? IPAGLALABAN NAMAN KITA EH!" para akong binatukan ni Lord sa sinabi niya. Ba't di ko nga ba siya binigyan ng pagkakataong ipaglaban ako?
"I'm sorry," yan na lang yung nasagot ko.
"DI PA NAMAN SIGURO HULI ANG LAHAT DI BA? IPAGLALABAN KITA, KATH! KAHIT PA BUHAY KO YUNG KAPALIT BASTA SABIHIN MO LANG YUNG TOTOO... MAHAL MO NA BA SI TYLER?"
MAHAL MO NA BA SI TYLER?
MAHAL MO NA BA SI TYLER?
Nalaglag yung panga ko nang tuluyang mag-sink in sa utak ko yung sinabi niya.
"N-NO! THAT'S IMPOSSIBLE! THAT'S NOT GOING TO HAPPEN, CHARLES!" napalakas tuloy yung sabi ko. Ano ba naman kasing pumasok sa isip niya at bigla niyang naisip itanong yung non sense niyang tanong. Pinasukan ba ng langaw yung utak niya o ipis?
"ARE YOU SURE?" bigla akong kinabahan sa tinanong niya. Di ko alam kung bakit. Feeling ko tuloy may lie detector na nakakabit sakin.
"O-OO NAMAN!" ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko trinatraydor ko siya. Bigla namang nag-flashback sa utak ko yung time na inaalagaan ko si Tyler nung may sakit siya, nung time na naghahabulan kami pati na rin yung time na bumabanat siya ng mga korning punch lines niya.
Ibig sabihin ba nito... Nooooo! Hindi pwede! Agad-agad? Pero hindi talaga! Galit ako sa kanya eh! Puro hatred lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala ng bawian, mamatay man, period, no erase.
I came back to my senses when Charles hugged me tightly. Yung hug na nagsasabing: akin ka lang, please don't leave me. Naiyak ako nang di oras then I hugged him back.
"Don't leave me, please," bulong niya.
I'LL TRY, CHARLES. I'LL TRY.