Bae Meets Dre

By imarksato

380K 10.1K 1.1K

"You are the trouble I'm In" More

Foreword
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Author's Note
Migo's Diary
Part 55
Hey!
HEY! HEY!
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68

Part 62

3K 98 43
By imarksato

EIRIK

Dapat ba akong matuwa?

Dapat ba akong mainis?

Bakit hindi ako makagalaw?

Dapat ba akong magkunwari na casual lang ang pagkikita naming muli ni Migo?

Isang taon. Labing dalawang buwan ko siyang hindi nakita. Ganoong katagal ko siyang na missed. Tama. Na-missed ko siya. Walang nagbago.

Na missed ko nga ba talaga siya? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Bilis Eirik! Wag kang tumayo jan na parang tood.

"Pareng Eirik?!" Gulat na sabi ni Sonny sa akin. Pati siya walang pinagbago.

Harapin mo ako Migo. Wag kang duwag. Wag mo kong talikuran ulit. Wag mong ulltin yung ginawa mo sa akin at iiwan mo ulit ako ng isang taon.

Humarap siya. Tulad ko, nagulat din siya. Pero bakit hawak siya sa kamay ni Kim? Bakit ang sakit? Sila na ba?

The moment na humarap si Migo, nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko. Nagtama ang parehas naming gulat na mata. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Yung mukha niyang iyan. Yung mga mata niya. Yung kulay ng balat niya. Lahat yun na missed ko ng isang taon. Yan ang mukha ng taong mahal ko.

Excited na lumapit si Sonny tinapik ang balikat ko at niyakap ako. "Pareng Eirik, ikaw nga! Small world, is it?"

Ngumiti ako. Mayamaya din ay niyakap ko na din siya at kinamusta. Nagkunwari na casual ang kilos kahit na masakit sa akin na hawak ni Kim yung kamay ni Migo.

Baka OA lang ako mag-isip? Hawak lang naman ang kamay eh. Walang malisya. Wag kang paapekto. Holding hands lang yun.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Ikaw, anong ginawa mo dito?" Tanong ni Sonny. "Don't tell me ikaw ang naka booked dito ngayon?"

Magbabakasyon din ba sila? Bakit dito pa? Ang daming resort dito sa Boracay. Ano 'to, Biro o coincidence? Nakakatawa.

"Hoy, Utol!" Tawag niya kay Migo. "Ano ka jan? Halika dito! Si pareng Eirik o, andito siya!"

Parang mas excited si Sonny na makita ako.  Nakita ko na bumitaw si Migo sa kamay ni Kim.

Hindi kami nakapag-usap ni Migo. Napagkasunduan nila na sumama nalang sa amin.

Kami ang naka booked dito ngayon. Libre sa akin 'to ni Josh. Pa birthday niya kay lola na kahapon ay nag 80 anyos na.

Yung unang isang oras nila dito kasama namin, puro si Sonny ang nagkekwento. Nakikinig lang ako sa kanya. Paano ba naman, wala ako magawa kundi bantayan si Migo ng tingin. O mas okay na sabihin na hanggang tinginan lang kaming dalawa ni Migo. After one year, mauuwi lang kami sa titigan? Eto namang si Migo at Kim na laging magkasama. Ayaw na yata lubayan ni Kim si Migo.

Puro tinginan lang kami ni Migo tapos pag nagka-salubong mata namin, biglang iiwas siya at titingin sa iba. Bakit hanggang ngayon, sinasaktan mo pa rin ako?

Gusto ko sana siyang lapitan tapos hablutin at dalhin siya sa lugar na kaming dalawa tapos, tangina, tumakbo na kaming palayo sa lugar na 'to.

Hindi naman kasi dapat ganito. Hindi naman ako dapat na nasasaktan. Kapag sinabi ko ba kay Migo na mahal ko pa rin siya, maiitindihan na niya kaya? Hindi na ba siya matatakot? Ipagsisigawan na niya kaya na ako ang dapat na kasama niya?

Sana subukan ni Migo na tumingin sa akin. I can feel Migo's presence kahit na malayo kami sa isa't-isa sa loob ng isang taon. The feeling is so strong. I hope he really feel the weight of my stare ngayon.

Hanggang sa umabot ang oras ng pahinga ni lola. Inasikaso ko na siya para dalhin sa kanyang kwarto nang lapitan ako ni Josh.

"Having fun, already? Mukhang napagod yata si lola Anita."

Nilingon ko siya at nginitian.

"Salamat talaga dito, Josh. Sabe ko naman sayo pwede naman na sa bahay nalang tayo mag celebrate. Napa gastos ka pa tuloy."

"It's okay. Isa pa, It's not everyday na lola Anita will turn 80, right? Ginawa ko rin to para sa kanya. Para makabawi tayo kase lagi siyang naiiwan sa unit kasama ang nurse na hinire natin. Parang bonding na rin natin to."

Wala ako masabi sa kabaitan sa akin ni Josh. Kahit kailan never akong pinabayaan ng taong to. Hindi niya kami tinuring na ibang tao ni lola.

"Kahit man lang sa simpleng thank you ko, makabawi ako."

"Eirik, you've been living with me for almost a year now. At sa isang taong yun, lahat ng ginagawa ko para sa inyo ni lola, lahat yun bukal na bukal sa loob ko. I only want the best for you and lola. I'm not expecting anything in return. I just want you and lola Anita to be happy. Parang pasasalamat ko na rin to. Kase kung hindi dahil sayo, hindi ako mapo-promote bilang department head sa work. I owe it all to you."

"Ano ka ba, kung di rin dahil sa sipag at tyaga mo, hindi ka mapo-promote. Wala akong ginawa. You did that to yourself."

Napangiti si Josh. Nagulat ako nang hinawakan niya ako sa kamay.

"Thank you for coming into my life. You don't know how much I become happy since you came. Thank you."

Niyakap ko siya.

At the moment na niyakap ko si Josh, nahagip ng mata ko si Migo. Binabantayan niya ba ako? Nakatingin lang ito sa amin. Siguro mga five, six seconds kaming nagkatitigan bago ako humiwalay kay Josh.

"Are you okay?" Tanong ni Josh nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Oo. Hatid ko lang si lola sa room niya." Sabi ko. Tumalikod na ako kay Josh.

Habang hinahatid ko si lola papuntang kwarto niya, hindi na nawala sa isip ko yung titigan namin ni Migo habang yakap ko si Josh.

Biglang tumayo si Migo. He looked pissed. Nagseselos siya?

Saan ka pupunta Migo?

.
.
.
.

MIGO

"Baby saan ka pupunta?" Tanong ni Kim sa akin.

"Sa men's room baby, sama ka?" Biro ko.

"Loko. Sige na. Aantayin nalang kita dito. Baka san ka pa sumabit ha!"

Natatawa akong pumunta sa men's room. Habang nasa CR ako, hindi ko mapigilan na mag-isip.

Tangina, magkasama pa rin pala sila ni Josh? At tang ina ulet, niyakap ni Eirik si Josh sa harapan ko? At putang ina, para saan yon?

Hindi ba alam ni Eirik na nasa iisang resort lang kami ngayon? Did he intentionally did that? Tangina, hanggang ngayon sinasaktan pa din niya ako.

Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang dahil sa loob ng isang taong pinakawalan ko siya, mas nanaig pa din sa puso at isipan ko yung feelings ko sa kanya.

Pinaglaban ko yun. Tapos ganito, fuck masisira lang yun nang dahil sa tang-inang yakap niya kay Josh? Putang ina!

Mayabang na ba si Eirik ngayon? Putang ina, nalagay kalang ka front page ng newspaper, lumaki na ulo mo? Tang ina. Asan na yung Eirik na minahal ko noon?

Napahampas ako sa sink nitong CR. Sakto namang pumasok si Josh dito sa loob. Nagulat siya ng makita ako.

"Sir, Miguel. It is nice for you to join us."

Matagal bago ko siya nilingon.

"It is nice?" Sabi ko. Huminga ako ng malalim. "Hanggang ngayon pala, magkasama pa rin kayo ni Eirik?"

Natigilan at nagulat siya sa sinabi ko.

"Yes, sir. For one year na po." Medyo awkward yung boses niya.

Ngumiti lang ako tapos naglakad palabas ng CR ng natigilan ako nang may maalala. Humarap ako kay Josh.

"How's Makati branch?" Tanong ko.

"Everything's running smoothly sir."

"Running smoothly? Really?" Napailing ako. "Ano yong nabalitaan ko na may nag back out daw na client?"

"Sir, it was all misunderstanding. Biglang nag back out si client."

"Ikaw ang head sa team mo. You're supposed to have a full responsibility sa mga actions ng broker mo! Bakit niyo hinayaang mawala sa ating ang kliyente?" Napataas na ang boses ko.

Actually, wala naman sa akin ang balitang may nag back out na kliyente. Partly kase nagseselos ako kay Josh kanina. At naasar ako sa pagmumukha niya.

"Sir Miguel, with all due respect po. I think hindi naman sa atin kawalan yung pagback-out ng kliyente. I think hindi naman siya dahilan para mabangkrupt ang company."

Natigilan ako. Napantig tenga ko sa sagot niya. Tang ina, namimilosopo ba siya?

"Are you saying that I'm making all this up?" Medyo guilty ko nang sabi. "Binabastos mo ba ako bilang boss mo?"

"Naku sir hindi po."

"Are you insulting me?"

Bigla namang kumatok si Utol sa pinto ng CR. "Hey, andito ka lang pala. Utol ano ba yan? Ang lakas ng boses mo nasa hallway palang ako rinig na."

Lumapit si Utol sa akin. "Wala. Nevermind." Sabi ko.

"Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Hingal na sabi ni Sonny.

"Ano meron?" Takang sabi ko.

Hinatak ni Utol yung kamay ko. Tinignan pa ni Utol si Josh bago kami lumabas at iniwan siya sa CR.

"Badtrip!" Sabi ko.

"Hey hey! Loosen up. Remember you're on vacation. No stress allowed muna tayo."

"Yeah. Pero nakakainis lang kase."

"Bakit ba?"

Tangina. Bakit nga ba?

Natigilan ako.

Tangina, di ko pwede sabihin na naasar ako kay Josh dahil nagseselos ako sa kanya.

"You know what? Tara sama ka sa place na nakita ko."

Hinila ako ni Utol at di na ako naka alma pa.

Dinala ako ni Utol sa isang room na may billiard table sa gitna. Di ako dun nagulat eh. Nagulat ako sa mga taong nandoon. Partikular sa lalaking matangkad tapos maputi at naka topless - si Eirik.

"HAPPY BIRTHDAY!"

"I know you missed this. Kaya ko to inupahan. Remember way back in high school? We used to play this sa Gasti noon." Sabi ni Utol.

Pero di ko siya pinapakinggan habang nagsasalita. Natigilan ako kase nandito si Eirik kasama namin sa iisang kwarto. Okay. Anong parusa to?

Dahan dahang lumapit si Eirik sa kinatatayuan ko. And so the familiar beat of my heart began. Yung kabog ng puso ko sobra. Buti nalang at maingay ang paligid gawa ng mga tao sa resort kaya hindi maririnig ni Eirik ang kabog ng puso ko.

"Happy birthday." Sabi ni Eirik. Inabutan niya ako ng maliit na puting kahon.

Hindi ako makagalaw. Nasopresa ako sa mga nangyayari.

"Pagpasensyahan mo na yang regalo ko. I know its nothing kumapara sa mga mamahaling regalo na natanggap mo."

Habang nagsasalita si Eirik, hindi ko maialis ang mata ko sa mukha niya.

He really did changed a lot. Mas lalong bumata at pumogi ang itsura niya. Isang taon na ba talaga? Hindi ako makapaniwala.

"Salamat. Nag abala ka pa." Yan lang ang kaya kong ilabas na salita. "Eirik, kamusta ka?"

"I'm fine." Sagot niya. Nakangiti siya at mukha ngang okay na okay naman siya.

"Let's play this game!" Biglang sabi ni Utol.

"Yeah! I fucking missed this! Game on!" Sabi ni Jepoy.

I remember way back noong third year high school kaming kaimito bois, we used to play billiards before. Tambayan namin ang Gasti dati.

"We invited Eirik here. Di niyo ba na miss isa't-isa?" Sabi ni Utol. Nagpapalit tingin pa ito sa aming dalawa.

Nagkatinginan kami ni Eirik. He's half smiling. Marahil nananantya? My heart is rapidly beating.

"It's been awhile." Sabi niya.

Gustong gusto kong yakapin siya ng mahigpit at sabihin ng buong puso na sobrang miss na miss ko na siya. Kaso hindi ko magawa. Tulad ng dati, takot padin ako.

Takot dahil naiisip ko ang posibilidad ng kalalabasan kapag ginawa ko ito. Isa pa, may girlfriend na ako. I have Kim now. Kaya may valid reason na ako to ignore this feeling. Kaya kahit na gusto kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko na miss ang taong nasa harapan ko ngayon, hindi na maari pa.

Gustong gusto ko nang magpadala sa bugso ng damdamin ko. Sobra sobrang pagtitiis at pagpipigil na ang naranasan ko simula nang mawala siya sa akin. Mahal ko si Eirik nang higit pa sa buhay ko. Sigurado ako na siya na ang taong gusto kong makasama habambuhay. Eirik is the trouble I'm In there's no doubt about that kahit na parehas kaming lalaki, wala na akong pakelam. Pero tangina, natatameme akong ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko.

Noon ko lang napansin na kahit na fully airconditioned itong kwarto, basa ng pawis si Eirik. Napansin ko din na medyo naging bulky ang katawan niya. Did Eirik into fitness now? Pumuti rin siya at nakasuot ng board shorts. Pero yung nararamdaman ko sa kanya walang nagbago. He is still the one that almost got away. Almost. Yeah..

"Hi." That's all I could manage to say. I couldn't smile. I couldn't move. "Laro na tayo?"

Inabot ni Eirik sa akin ang hawak niyang extra cue stick.

"I want to challenge you."

Iba na ang Eirik na kaharap ko ngayon. Ngayon mas kaya na niyang dalhin ang sarili niya. Mas tumaas ang confidence niya at he can speak english now. God, I missed him.

Nilagay ko ang maliit na kahon sa bulsa ko. Kung alam lang niya kung gaano niya ako napasaya.

Tinanggap ko ng buo ang kanyang hamon. Kinuha ko mula sa kanya yung cue stick. Isa ito sa bagay na namissed ko sa pagitan naming dalawa ni Eirik.

Nagsimula ang laro. Kampihan ang naging laro. Kampi ni Eirik si Utol. Habang ako kampi ko naman si Jepoy.

Tumakbo ang oras. Lamang kami ni Jepoy sa unang set. Hanggang sa napagkasunduan namin na sundan pa ng isa. Habang naglalaro kaming apat, may kasamang kwentuhan at inuman. Puta, hindi man lang ako makatingin ng diretso kay Eirik.

Habang nasa gitng pangalawang set ng laro, nag-paalam si Utol na matutulog na. Madali kasi siyang malasing. Kaya ang nangyari, two is to one. Yan ang napagkasunduan. Actually, hindi ako nagsasalita, hinahayaan ko lang si jepoy na mag decide sa laro. Either way naman is fine. As long as nandito si Eirik kasama ko sa iisang kwarto.

Dahil kampi pa rin kami ni Jepoy, natalo namin si Eirik. Ayaw kasing pumayag ni Eirik na battle kaming tatlo o individual scoring.

"Pre, good game. Hindi mo naman sinabi sa akin na magaling ka palang maglaro ng billiards, edi sana matagal na natin tong ginawa." Sabi ni Jepoy.

"Hindi naman ako gagaling kung hindi dahil sa taong nagturo sa akin nito." Sabi naman ni Eirik.

Napatingin ako kay Eirik. Curious kung sino ang taong nagturo sa kanya mag billiard.

Biglang tumunog ang telepono ni Eirik. Agad na sinagot niya yun at lumabas ng kwarto.

Kinausap naman ako ni Jepoy at nilapitan.

Inakbayan niya ako. "Migo, are you okay? Halos ako na ang nagdala ng game ha. Kanina pa kita napapansing wala sa sarili. May sakit ka ba?"

"Akala ko kase mahirap matalo si Eirik sa game. Weak naman pala." Alibi ko. Buti nalang naka isip ako ng palusot.

"Problema ba yun? Edi isang game pa tayo." Sabi ni Jepoy.

Tangina mo naman, Jepoy eh, isa ka pa!

Nagkatitigan kami ni Eirik. Walang imikan. Tila nag uusap ang mga mata namin. Kung alam lang niya kung gaano ko siya gustong gustong yakapin at halikan ngayon. Diyos ko. Kung alam lang niya.

"Si Josh, pupunta raw. Okay lang ba na isama siya sa game?" Sabi ni Eirik.

"Much better. May kakampi ka na. Asan na daw siya?" Jepoy looked excited. Habang ako nawala sa mood pagkarinig sa pangalan ni Josh.

To be continued...
Facebook.com/BaeMeetsDre

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 53.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
704K 46.4K 10
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
27M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
29.3M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...