Sea You Again [COMPLETED]

By LexInTheCity

12.5K 649 685

(R-18) May dahilan kung bakit gustong-gusto ni Sharla ang dagat kahit sa totoo naman takot na takot din siya... More

▪️Itineraria▪️
Hello
1. What's Up?
2. You Alright?
4. Happy Birthday!
5. Let's Go
6. Tata For Now
7. Where Is She?
7. Where Is She? (2)
8. Please Don't Fall
8. Please Don't Fall (2)
9. Get Lost
10. I'm Sorry
10. I'm Sorry (2)
11. Good Evening
12. Let's Have A Dip
12. Let's Have A Dip (2)
13. Let's Play!
13. Let's Play! (2)
14. Goodnight, Best Friend
14. Goodnight, Best Friend (2)
15. Sleep Tight (1)
15. Sleep Tight (2)
15. Sleep Tight (3)
16. No, I'm Not Sleepy
16. No, I'm Not Sleepy (2)
17. Call Me Maybe
17. Call Me Maybe (2)
18. Nice To See You Again
18. Nice To See You Again (2)
19. Back to the Future
19. Back to the Future (2)
20. The Past and the Precious
20. The Past and the Precious (2)
21. You Drive Me Crazy
22. Against All Odds
22. Against All Odds (2)
A Friendly Reminder
23. Stay Strong
24. Goodbye To You
24. Goodbye To You (2)
▪️Save Our Ocean
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Epilogue (Part 3)
Epilogue (Part 4)
▪️Acknowledgment
▪️R-D 4 UR NXT ADVENTURE?
▪️Want More?

3. Not Too Bad

387 21 10
By LexInTheCity

3. Not Too Bad

Kung may isang isla na gugustuhin ni Sharla na balik-balikan, iyon sana ang isla kung saan nila idinaos ang 25th birthday ni Beej. Maganda ang isla at hindi pa masyadong spoiled ang mahabang beach. Pino at kulay puting asukal ang buhangin nito. Mayaman sa coral ang dagat na taglay na yata ang lahat ng shades ng blue. Kaya naman nang unang araw nila rito, talaga namang sinabi nila sa sarili na hindi sila mahihiyang mag-tupis. Para mas ma-enjoy ng balat nila ang dagat at ang pinong buhangin. Saka sino ba namang makakakilala sa kanila rito?

Kulay itim ang sinuot ni Beej na tupis na may maliliit at madalang na print ng sunflower. Kahit si Sharla ay napa-wow na lang din sa kaibigan nang makita itong suot ang bagong swimsuit. Seksi ang kaibigan niya kaya naman muling nag-alinlangan si Sharla na isuot ang pulang tupis na pahiram pa sa kanya nito. "Bes, ba't ka ba mahihiya? Mas seksi ka kaya sa 'kin," sabi pa ni Beej sa kaibigan. "Mas may curves ka, look," dagdag pa nito nang titigan siya. Tumango lang si Sharla kahit sa totoo naman ay natatabaan pa siya sa sarili. Nalalakihan siya sa braso niya, natatabaan siya sa balakang niya, at lalo na sa mga hita niya. "Hindi nga bes, I'm being honest," sabi pa ni Beej nang makitang nakasimangot ang kaibigan na nagpasimangot din dito. "Mas makinis ka rin sa 'kin, ewan ko ba sa 'yo kung bakit hindi ka pa rin confident."

"Ese nemen bes, ako na yata ang pinaka-confident na merla sa islang ito dahil sa mga sinabi mo, sige na nga magbibihis na ako," sagot nito sa kaibigan at pagkatapos ay dali-dali nang dumiretso sa CR sa kuwarto nila. Unang-una, ayaw niyang sumisimangot din si Beej at baka magka-topak pa ito. Moody pa naman ito at iniisip niyang magbi-birthday na sa susunod na araw. As much as possible, gusto niyang maging perfect itong 'Beach Birthday Bash' nilang magkaibigan.

Confident ang dalawang dumiretso sa beach pagkatapos maglagay ng sunblock sa balat. Medyo malapit lang naman ito sa hotel nila. Nag-photo op muna sila na inabot ng halos kalahating oras bago sila tuluyang lumublob sa malamig na dagat.

"Bes, sa tingin mo malungkot ba ang dagat?" seryosong tanong ni Beej sa kaibigan.

"Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Naisip ko lang," tipid nitong tugon at animo'y nakatitig sa kawalan.

"Hindi nga. Malungkot ka? Nag-eemote ka na naman?" Feeling ni Sharla, naiisip nito si Maxi, dahil tulad niya lagi niya itong naaalala sa dagat, lagi rin niya itong hinahanap-hanap sa dagat.

"Wala nga lang, bes. Random thought lang. Gano'n."

"Ah. Pero para sa akin kasi, masaya rin naman ang dagat. Kaya nga gustong-gusto ko sa beach, 'di ba. 'Pag nasa beach ako kahit mag-isa lang ako, parang sinasabi ng dagat na I can still be happy. Pero s'yempre, mas gusto ko ang ganito, na kasama ka."

"Ah kasi siguro malungkot ka rin, tapos malungkot din ang dagat, kaya 'pag lumalapit ka sa kanya, sumasaya siya at sumasaya ka rin. Negative plus negative equals positive."

"Hay naku bes, ang drama mo ngayon, naninibago ako. 'Wag kang ganyan."

"Sorry na. Is this what they called quarter-life crisis? Lately ang dami kong naiisip tapos most of them bother me, sadden me."

"Bes, ako rin naman. 5 years na ako sa work ko. Parang nagsasawa na ako. Pero alam mo naman na hindi ako pedeng umalis, 'di ba?"

Doon na lang umikot ang usapan ng dalawa habang nagbababad sa kulay turquoise na tubig. Kinalauna'y naisipan nilang puntahan ang kabilang bahagi ng beach kung saan mas malakas ang mga alon at maraming kalalakihang nagsu-surf. "Bes, baka and'yan na ang forever mo. Baka isa na sa kanila," biro pa ni Beej sa kaibigan. Tumawa lang si Sharla bago siya napatitig sa abs ng mga kalalakihang nagsu-surf. Ang guwapo naman ng mga nilalang na 'to, sabi ni Sharla sa sarili. Nagsisibalikan na kasi ang mga ito sa dalampasigan habang hawak ang kani-kanilang mga surfboard. May ilang Caucasian pero mas gusto pa rin ni Sharla ang Asian looks. 'Yung may Manzo looks.

Natauhan na lang ulit siya nang batukan nang kaibigan, "Bes, nawala ka na."

"Ang sakit bes," sagot ni Sharla nang hawakan ang kanyang batok. "May naalala lang naman ako."

"'Wag ka. Wala kang ex. 'Wag ako."

"Ang harsh mo a," asik nito kay Beej.

"Alam ko na. Pero ang yummy nila 'no?"

Aminadong madaling humanga sa kaguwapuhan ng boys itong si Sharla. Pero kahit na ligawan pa siya ng mga ito, wala naman siyang sasagutin sa mga ito. Dahil para sa kanya wala pa ring tatalo kay Manzo. Ang dakilang bff nila ni Beej. Hot si Manzo para kay Sharla. Maganda ang katawan na dahil na rin siguro sa ilang taong paggi-gym. Tapos sobrang laki talaga ng transformation nito lalo na nang nagka-trabaho na. Akalain ba naman niyang ang nerdy na kaibigan noong elementary ay magta-transform nang gano'ng kalaki. Matangkad ito. Maputi ang halos walang pores na balat. Matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Oo, lately na lang na-realize ni Sharla na na-fall na pala siya sa kaibigan. Kaya naman todo iwas ito rito. Takot na takot at baka raw mahalata ni Manzo. Alam ni Beej ang nararamdaman ng kaibigan at suportado raw nito ang kabaliwan niya. Kaso magkagalit ngayon sina Beej at Manzo na dahil lang naman sa isang simpleng bagay.

Sa katunayan, kasama sana si Manzo sa lakad na 'to kaso nga lang may iba raw itong lakad. Kaya 'yon nagtampo si Beej.

☼☼☼☼☼

Bago umalis papunta sa isla ng Kota Kita, nagkita muna sina Manzo at Sharla. Kinukuha na kasi nito ang hiniram niyang external drive na punong-puno ng downloaded movies. Wala siyang choice. Pinuntahan siya nito sa bahay.

"Sharlita, may manliligaw ka," asar sa kanya ng kuya niyang si Shai nang papasukin si Manzo sa kuwarto niya.

"Pota, kuya wala akong bra," asik nito sa kapatid. Napatakip na lang ito ng kamay sa bibig nang makitang nasa loob na ng kuwarto itong si Manzo. Totoong wala siyang bra dahil kagigising lang niya at manipis ang sleeveless shirt na suot. At isa pa sobrang kalat sa kuwarto niya dahil sa nag-aayos pa nga siya ng gamit na dadalhin sa beach escapade nila ni Beej sa Kota Kita.

"What the hell, Sharla? Magbihis ka nga," bungad nga ni Manzo rito nang makita ang kaibigan. Agad naman itong humarap sa nakabukas pa rin na pintuan.

"Tang ina 'to. Ikaw na nga 'yang basta-basta nanggugulat d'yan. 'Wag ka munang titingin."

"Asa pa. Not a chance. Bilisan mo nga, dali."

Hiyang-hiya ito sa sarili. Feeling niya, siya na ang pinakapangit na nilalang sa mata ni Manzo. Hindi niya nga alam kung may muta pa ba siya sa mata o kung may tuyong laway pa sa pisngi niya. Tapos hindi man lang siya nakapag-spray ng air fresherner sa makalat na kuwarto.

Nang masabi ni Manzo ang agenda ay nagtanong na ito about sa beach escapade ng dalawa.

"Naku, 'wag ka nang pumunta ro'n. Malakas daw ang alon d'on. Lampas 2 hours pa ang boat ride bago marating ang isla. Delikado 'yon."

"Para kang sira. E sinong kasama ni Beej? 'Tsaka wala pa akong gala this month. Batong-bato na ako dito sa bahay. Wala na rin akong ibang mayayaya at busy na ang mga tao ngayon."

"Tayo na lang," seryosong sabi ni Manzo sa kaibigan. Nakangiti pa ito sa kanya. 'Yung ngiting hindi nakalabas ang ngipin pero nakakapagpatigil ng mundo. Natigilan muna si Sharla dahil sa sinabi ng kaibigan at sandaling umasa. Napipi na rin ito at hindi na nakasagot.

"Tayo na lang! Tayo na lang ang mag-beach next week. Sasamahan kita."

"Hay naku, lalo lang magagalit sa 'yo si Beej. Sumama ka na nga lang samin."

☼☼☼☼☼

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Sharla nang tuluyang bumukas ang ilaw sa loob ng bodega. Tanda niya ang suot na dilaw na bestida ng babaeng nasa harapan nila ngayon. Ang babaeng sumabunot sa kanya kanina. Wala na ang apat na lalaking nagdala sa kanila sa bodega. Nang tanggalin pa nito ang tape sa bibig ng magkaibigan, hindi na alam ni Sharla kung ano ang mangingibaw sa nararamdaman niya ngayon. Galit ba o takot? "Ate, ano bang kasalanan namin sayo, ha? Tapos, ngayon idadamay mo pa ang bestfriend ko."

"Aba, ang tapang mo rin 'no?" sagot ni Bindi rito. Napansin ni Sharla na may kakaiba sa buhok nito na parang hindi iyon ang buhok nito kanina. Maigsi pa rin naman ang buhok nito pero parang kumapal ang volume nito at nag-iba ang putol sa bangs. But that's the least of her concerns sa ngayon. "At sa tono ng pananalita mo, parang inosenteng-inosente ka."

Lagot na. I'm so doomed, bulong ni Sharla sa sarili.

"Ano ate? Hindi ka makapagsalita ngayon?" hamon pa nito kay Sharla.

"Kung gusto mo ng away, lumaban ka nang patas. Hindi 'yong ipapa-kidnap mo pa kami para lang makalamang ka," sagot nga ni Sharla rito habang pilit pinatatatag ang sarili.

"Hindi ba dapat sa mga oras na ito ay nagmamakaawa ka na sa akin? Hindi mo kilala ang kinakalaban mo. Anak ako ng Mayor ng bayan na 'to. At hindi lang basta mayor, drug lord pa," pagmamalaki pa ni Bindi.

"Kung ano mang gusto mong mangyari ngayon, 'wag mo nang isama itong best friend ko."

"Bes," pigil ni Beej sa kaibigan.

"Ah, talaga ba? E balak ko pa naman siyang unahin," sagot pa ni Bindi bago humalakhak nang malakas.

Ngayo'y hindi na napigilan ni Sharla ang sarili at tuluyan na ring napaluha. "Please, 'wag mo na siyang isali. Ako na lang. Please," iyak nito.

"Bindi, tama na!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Noong una ay hindi matukoy ng dalawa kung saang sulok ng bodega ito nagmumula. Pero nang sinundan nila ang mata ni Bindi, doon din nila nakita si Kren. Nakaupo rin pala ito sa isa pang sulok ng bodega at tulad ng dalawa ay nakagapos din ang mga kamay. "Sumosobra ka na. Ayaw mo namang tumanggap ng paliwanag. Tapos, ngayon, mandadamay ka pa ng mga inosenteng tao. Siguro nga, the worst mistake that I did is to date you. You're unbelievable."

"How dare you, Kren?" halatang napahiya si Bindi dahil sa sinabi ng binata.

"As if namang kaya ko kayong patayin. Pero dahil ginagalit n'yo na talaga ako e, I might change my plan," sigaw ni Bindi na parang isang baliw.

"Let them go," sagot ni Kren dito. "Nababaliw ka na ba? P'ede kang makulong sa ginagawa mo?"

At para ngang baliw na nagwala itong si Bindi. Sinipa-sipa niya ang mga upuang nakakalat sa loob ng bodega. Mabuti na nga lang at hindi natamaan ang magkaibigan. Wala siyang tigil sa pagsigaw. Tapos, parang may kung anong bagay siyang kukunin sa suot na bag. Napalunok si Sharla nang makita ang baril sa bag nito.

Naisip ni Sharla na kung kasama nila si Manzo hindi mangyayari ang lahat ng ito. Gusto na lang niyang ituloy ang pag-iyak pero muli niyang narinig ang boses ni Kren. "Okay. I'll change now. Just give me this one last chance. Mali ako. Dapat mas pinahalagahan kita, dapat mas inalagaan kita. I'm sorry, babe ko. Sana, mapatawad mo ako." It's Kren, at sa pagkakataong ito umiiyak na rin ang lalaki. And it got Bindi. Tumigil na siya sa pagwawala. At hindi na nito naituloy ang pagkuha ng baril sa bag.

"Totoo ba? Babe, 'wag ka nang umiyak."

"Babe, mapapatawad mo pa ba ako?"

"I don't know. Hindi ko pa alam kung kaya ko pang magtiwala sa 'yo. I thought maybe patayin ko na lang kaya lahat ng babae sa mundo para wala na akong kaaagaw sa 'yo," seryosong sabi nito bago muling humalakhak. "Joke lang," sabi pa nito nang lumapit sa lalaki. Pumunta siya sa may likuran nito para kalasin ang pagkakatali sa mga kamay nito.

"Let them go," bulong ni Kren dito nang tuluyang maalis ang tali sa kamay.

"Sinasabi ko na nga ba? Gusto mo lang silang..."

At bigla na lang nitong hinalikan ang babae. Hinawakan nito ang mukha nito at ibinaling sa kabilang bahagi ng kuwarto, tapos binigyan niya ng hudyat ang magkaibigan na tumakas. Diniinan niya ang halik sa babae. Hinawakan nito ang baywang ng babae para mas idiin sa katawan niya. Hinubad nito ang suot na polo.

Nang makalabas na ng bodega ang magkaibigan, lumingon muna si Sharla sa lalaking tumulong sa kanila. Ngunit hindi na ito nakatingin sa kanila, abala na ito sa babaeng kahalikan. Madaling araw na rin at may konting liwanag na sa labas ng bodega. Napatingin si Sharla sa hubad na katawan ni Kren. Napalunok ito. Malapad ang balikat ni Kren ngunit hindi na niya nasilip ang abs nito dahil kay Bindi.

"Teka, sa'n kayo pupunta?" sigaw ni Bindi nang mapansin ang dalawa kaya bahagyang lumayo ang katawan nito sa lalaki. At doon na nasiliyan ni Sharla ang malaking katawan ng lalaki. Malaki ang dibdib nito pero hindi OA na tulad ng sa mga wrestlers. Bagay lang sa six-pack niyang abs na hindi naman masyadong nagpapapansin.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
16.2K 408 53
Liam and Billy were each other first love since they are Elementary. But they are meant to fall apart because of the incident that none of them expec...
894K 19.1K 49
[Completed] Gabriel Vargas. Bully, talented, good looking, rich and certified heartbreaker. Mamahalin ko ba ang isang mala-demonyong heartbreaker na...
925K 31.7K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.