GENTLEMEN Series 1: Cain Sand...

By dehittaileen

2.5M 59.1K 1.6K

Para kay SPO3 Gen Phoebe, katarungan para sa pagkamatay ng kapatid niyang si Claire ang kailangan niya. Ang h... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Thirty-Nine

66.3K 1K 205
By dehittaileen


A/N: Hello guys, I have decided na i-post na ang natitirang chapters nito since I have no idea when this will be available in market anymore. Isa pa feeling ko may utang ako sainyo that I need to repay. Besides, I've been bombarded with messages kung bakit bitin daw. So, finally I was able to post it right now and I am happy to share it with you guys. About sa special chapters and continuation of their love story, I'll be creating a new separate book for it so we can follow them as their journey begins. 

Happy Reading. and Enjoy!


love lots, 

Ai

P.S

This scene is the continuation of chapter 38. I made it separate though, kasi umabot na siya ng 6k words. Baka maumay na kayo sa haba. HAHAHAHAH naol mahaba diba?! 

CHAPTER THIRTY NINE

Nang makarating siya sa harapan ng master's bedroom ay agad niyang binuksan iyon only to her father sitting on his wheelchair. Nakatalikod sa kanya at nakaharap sa bintana. Seeing nothing but the clear sky and the bright sun.

"D-Dad..." Halos sa lalamunan lang niya iyon nanggaling.

The old man didn't move. Kaya lumapit siya dito. He look very weak. Payat at tila hindi na nasisikatan ng araw dahil s akulay nito. Nakikita na rin niya ang mga ugat nito at pekas sa katawan. She kneel down at saka humawak sa armrest nito.

"D-Dad? It's me..."

The old man slowly turn his head onto her side. "Sino ka?"

She shut her eyes hardly closed dahil pinipigil niya ang luha. "H-Hindi mo ba ako natatandaan? Ako ito si G-Gen."

Dahan dahan bumuka ang bibig nito. "G-Gen?"

Tumango siya. "Yeah, Ako ito."

"Pero bata pa 'yon. Bata pa yung anak ko." Saglit lang ito tumingin sa kanya at saka bumalik ulit ang mga mata sa kawalan.

Agad niyang kinuha ang mga kamay nito at pinisil iyon. "I am so sorry, Dad. I'm sorry for hating you."

Hinalikan niya ang mga kamay nito ng paulit ulit. Sa ganoon paraan man ay maramdaman nito na naroroon siya sa tabi nito. "Yung anak kong si Gen, mahal na mahal ko 'yon. Siya ang pinakamagandang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Saying wala siya dito."

"I'm sorry." Hinayaan lang niya na nasa ganoon siyang posisyon. Gusto niyang iparamdam dito na di naman talaga siya nawala. Hinintay lang niya ito. Hinintay niya kung kailan siya nito makikita.

Narinig niya ang pag ubo ng matanda ngunit saglit lang. "Marami akong pagkukulang sa anak kong iyon. Iniwan ko siya. Pero ang hindi niya alam ppalagi konsiyang inaalala. Galit palagi sakin si Claire dahil wala na daw akong bukambibig kung di ang ate niya." He paused.

Doon niya ito napagmasdan. Tila lahat ay sariwa sa alaala nito. "A-Anong sinasabi niyo?"

"Si Claire, ayaw niya sa ate niya. Lagi siyang nagaglit sakin kasi si Gen daw lagi ang iniisip ko. Mas mahal ko daw ang ate niya kaysa sa kanya. Kaya nagrebelde si Claire dahil ang paborito ko lang daw ay si Gen. ang hindi alam ni Claire ay pareho ko silang mahal na magkapatid. Sadyang may mga pagkukulang lang ako kay Gen na gusto kong punan."

Hindi siya makapagsalita. Nabigla siya ng dahil doon. Si Claire? Galit sa kanya?

"Sige hija magpapahinga na ako." Renato slowly wheeled his chair. Nakita niya s amay pintuan si Manang Azon kaya agad na lumappit iyon s amatanda at saka inalalayan ito ng asawa niya na ihiga nila si Renato. "Pakisabi kay Claire subukan anamn niyang tawagan si Gen. sabik na sabik na ako sa anak ko."

"Hayaan mo at sasabihin ko." Narinig niyang sabi ni Manang Azon sa Matanda.

Tinitigan muli ni Gen ang litratong hawak. Litrato na nakuha ni Cain sa wallet ng Daddy niya. Sa paglabas niya sa loob ng silid na iyon ay mukha ni Cain ang nakita niya. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon. Tumakbo agad siya sa bisig nito at doon ibinuhos ang lahat ng luha niya. As soon as she released all her tears ay kasunod niyon ang paglabo ng paligid niya and then she felt a strong arms lifting her.

Gen slowly opened her eyes. Kulay putting kisame ang nakita niya. Pati ang kamang kinahihigaan niya ay nababalutan din ng putting tela. Inikot niya ang mga mata hanggang sa nakita niya ang litrato ni Claire na nakasabit sa dingding. Claire's room.

Nasa loob siya ng silid ni Claire. Pero bakit? Saka niya naalala na nawalan yata siya ng malay tao. Sumandal siya sa headboard ng kama at hinawakan ang batok niya. Pagod na rin siguro at wala siyang naging maayos na kain kaya siya nawalan ng malay. Muli siyang napatitig sa portrait ni Claire. Iyon ang pinakamaganda nitong litrato kuha iyon noong nagmartsa ito unang taon nito sa sekondarya. She always had a very angelic face. Long shiny straight hair na may putting laso sa ulo. Putting bestida at matamis na ngiti. Wala na kahit na anong kolorete sa mukha. A very immaculate aura. Ibinaba niya ang paa sa sahig at saka lumakad papalapit sa study table na naroroon. Claire has so many collection of miniature anime characters. May mga nakasalansan ding libro doon. malinis at mabango ang silid. Halatang alaga sa linis at namimintina. She touched every book she saw until she found a white small notebook. Naninilaw na rin ang pabalat niyon dala ng kalumaan. She open the pages. Mga notes ni Claire ang naroroon. Binitiwan niya ang notebook hanggang sa mapatingin na naman siya sa isa pa. it is a same sized notebook ngunit itim ang balat. She opened it and then she saw a wallet size photo. Tatlong babae ang nasa litrato. Nasa gitna si Claire at nasa kanan nito si Ramona pero sa kaliwa nito ay si---Cabby?

Pinakatitigan niya mabuti ang litrato. Hindi siya maaaring magkamali si Cabby ang nasa litrato. Hindi niya alam na malpit pala ito sa kapatid niya. Ipinatong niya sa isang gilid ang litrato at saka binasa ang mga nakasulat sa pahina ng notebook na iyon.

Sabi ni Ramona ay sa sentro din daw siya mag aaral ngayong pasukan. Tamang tama at balik probinsya na si Cabby. Magkakasama na kaming tatlo.

Probinsya? Lalo nang napuno ng pagtataka ang isip ni Gen. ang sabi ni Cabby noon sa kanya. Nakilala lang niya si Claire noong naging nobyo na nito si Cain. Pero base sa sinulat ni Claire ay parang matagal na nitong kilala si Cabby. She continue reading the journal at saka niya inilipat sa kabilang pahina. Pawang mga kaganapan sa buhay nito kasama ang mga kaibigan nito araw araw ang nababasa niya.

Kapatid ko si ate Gen pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko lahat inaagaw niya. Si Papa, wala na siyang bukambibig kung hindi Gen, Gen, Gen. nandito naman ako. Bakit hindi niya Makita na may isa pa siyang anak?

Claire? Natuptop niya ang bibig nang mabasa iyon. Mabait sa kanya si Claire. Pinaramdam nito sa kanya na mahal siya nito.

Lahat nalang ng tao sa paligid ko siya ang gusto. Lahat sila siya ang paborito na kahit ang sarili kong Mama ay natutuwa sa kanya. I hate her a lot. Sana hindi nalang siya nakilala ni Papa. Sana hindi nalang siya umuwi dito sa bahay namin at pinakilala ang sarili niya na anak siya ni Papa. Pinakikisamahan ko lang naman siya dahil iyon ang gusto ni Mama at Papa. Ang gusto nila ay maging magkasundo kami ni Ate Gen. kung anong mayroon ako dapat mayroon din siya.

Hindi niya inaasahan iiyon. Ang buong akala niya ay totoo ang mga pinapakita sa kanya ni Claire. Ang pagmamahal nito sa kanya pati pag aalala. Pero lahat ng iyon pala ay hindi totoo.

Sa wakas nasa ibang bansa na si Ate Gen. saw akas wala na siya sa paningin ni Papa. Pero kahit wala na siya. Siya pa rin ang bukambibig ng lahat pati ang mga kaya niyang gawin hanggang sa pagluluto. At kahit si Cain na sarili kong boyfriend ay inaagaw niya.

Si Cain? Paano? Ngayon lang sila nagkakilala.

Natikman ni Cain ang ginawa noon ni Ate na mga empanada. Nagustuhan niya at wala na siyang bukambibig kung hindi iyon. Inaral ko ang recipe na iyon para hindi na nila hanap hanapin yung taong hindi naman naming kasama. Pero mali ako. Siya pa rin at siya pa rin.

Pinaglalaban niya ang tao na kahit kailan pala ay hindi siya tinuring na pamliya. Pinaglalaban niya ang hustisya para sa taong kahit minsan pala ay hindi naging masaya para sa kanya. Na ang tingin sa kanya ay isang kaaway. Pinahid niya ang luha at saka binalik sa dati ang notebook. Ibinigay naman niya ang lahat ng gustuhin nito. Pero bakit ang kaisa isang bagay na ginusto niiya ay hindi pala talaga totoong binigay nito---pamilya. Ganoon pa man karapatan pa rin nito na mabigyan ng hustisya ang naging kamatayan niya. Ibinalik niya s adating lalagyan ang notebook nang mapuna niya na bukas ang unahang drawer ng study table. Isasara sana niya iyon ng may mapuna siya sa loob. The creaking sounds of the old wood causes a noise.

Isang lumang tape recorder ang nakita niya. She turned on the recorder and claire angelic voice blasted in the small device.

Pista sa kapitolyo. Nakilala ko ang anak ni Mr Sandoval. Yung kilalang magaling na negosyante. Tubong kapangpangan kasi ang napangasawa niya. Hindi ko akalain na may dalawang gwapong anak pala sila. Pero mas gwapo 'yung panganay. Cain daw ang pangalan. Tubong taga siyudad at inglesero. Natatawa nga ako kapag napapatingin sa kanya. Kasi naman.. Bakit kailangan maging kahawig niya si Antonio banderas na nakafeatured sa mga lumang magazines ni Mama?

Iyon marahil ang una nilang pagkikita ni Cain.

Marami pa siyang napakinggan. Puro lahat ay si cain ang ikinukwento niya. Kung paano nabuo ang romance sa pagitan nila. Kung paano sila nangarap. At unti unti kinakain ng paninibugho ang puso niya. Malaking parte talaga ng buhay ni cain si claire. At wala siyang laban doon.

Nagpatuloy siya sa pakikinig. Kung kanina puro masasaya nag sinasabi nito. Ngayon puro malulungkot naman. Hanggang sa dumako sa isang salita.

Buntis ako. Magkakaanak na ako. Paano ko ipapaliwanag kay papa at mama na buntis ako? Na magkakaapo na sila saakin?

Hindi niya alam na may ganoon pinagdaanan ang kapatid niya. Gusto niyang sisihin ang sarili niya. Dahil wala siya sa mga panahon kailangan siya nito.

...Paano ko sasabihin kay na mama at papa na buntis ako?Ano nalang ang sasabihin nila?Sasabihin nila na wala akong kwenta? Tapos ano? Si ate na anman ang mabuti s apaningin nila? Na bakit hindi ako tumulad sa kanya?bakit hindi nila Makita na magkaiba kaming tao. Hindi kami magkatulad! At Paano ko sasabihin sa kanila na hindi si Cain ang ama ng dinadala ko?

Tama nga ang sinabi sa kanya ni Cabby. Hindi anak ni Cain ang ipinagbubuntis ni Claire.

Pinuntahan ko si Greg. Ipinaalam ko sa kanya ang kondisyon ko. Pero hindi niya ako gustong panagutan---dahil may asawa na siya. Kumabit ako sa may asawang tao. At ngayon hindi ko alam kung paano ko itataguyod ang batang ito. Nakipag usap ako kay Cabby, tutulungan niya akong humanap ng doktor na makakapag alis nito sa akin.

Nagulat siya. Binalak pala ni claire ipalaglag ang anak nito? Napamamisteryoso ng bagay na ito sa kanya. Nasakit ang ulo niya. Everything still puzzled to her. At pakiramdam niya marami pa siyang dapat malaman.

...Susubukan kong kausapin muli si Greg.. Naniniwala akong mahal niya rin ako... Naniniwala akong papakinggan niya ko.. That I'm more than worthy compared to his precious wife.

Sunod-sunod nang nagpatakan ang mga luha niya. How come na nagawang lokohin ni Claire si Cain? Paano pa niya nagawang pagtaksilan ang isang taong handa siyang mahalin habambuhay?

Pinagtataguan na ako ni Greg. Wala na sila sa San Simon. Naniniwala akong hindi na niya kami babalikan ng anak niya.

Pinahid niya ang luha. Kailangan makaharap niya muli si Gregory Lopez at sabihin ang mga natuklasan niya.

Handang panagutan ni Cain ang dinadala ko. Aaminin na namin kay na Mama at Papa ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi ko pahihintulutang mawalan ng ama ang anak ko. Dahil kung magkagayon. Mapipilitan akong alisin ito sa katawan ko.

Ngayon, malinaw na sa kanya. Wala sa San Simon si Lopez nang mamatay si Claire. Ibig sabihin tama ang sinabi ng lalaki ukol sa nangyari noon. Dahil kung si Greg nga ang pumatay sa kapatid niya, anong motibo? Malinaw na sinabi nito na sinundan niyaang asawa niya sa Manitoba ng panahon na iyon. Napahawak siya sa sentido saka naalala si Cain. May dahilan nga bas i Cain para pasangin ang kapatid niya? Peero naniniwala siya sa lalaki na wala itong kinalaman. May ibang tao sa likod nito at alam niya na lahat sila ay biktima.

Akmang isasara na niya ang drawer na binuksan nang muling may mapuna siya doon. Kinuha niya iyon at sinuri. Lighter? Ang alam niya ay hindi naninigarilyo si Claire. Kaya paanong nagkaroon ng lighter dito? May sticker tag na nakadikit sa lighter. Hindi siya pamilyar sa nakasulat pero nasisiguro niyang pangalan ng bar iyon. At malinaw na complimentary souvenir ito.

Kailan pa natutong mag bar si claire? Kilala niyang masipag mag aral ang kapatid. Grade conscious din ito. Siguro dahil nga sa selos na nararamdaman nito sa kanya. Kinuha niya ang lighter at inilagay sa bulsa. Ipapacheck niya kay Kennedy ang lugar na iyon, baka kilala nila si Claire. At may makakapagturo kung sino talaga ang totoo nitong kasama bago ito namatay.

Ibinalik niya sa drawer ang tape recorder maliban sa lighter na nilagay an niya sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay inayos ang sarili saka lumabas ng silid. She saw Manang Azon walked out her father's room. May dala itong laundry basket na puno ng mga bedsheets.

"Gising ka na pala? Halika na. sumabay kana sa kin bumaba at ng makapaghapunan kana." Sabi nito.

"Manang anong oras na?" tanong niya.

She can't see any wall clock around. "Aba mag aalas siyete na ng gabi hija. Hinayaan ka na muna namin magpahinga."

Tumango nalang siya ng bahagya. Saka niya naalala si Cain. "S-Si Cain po?"

Nasa puno na sila ng hagdan nang sumagot ang ginang. "Eh nagpaalam kanina. May emergency daw."

"Emergency?" taking ulit niya.

"Oo hija. Hindi ko akalain na magkaibigan pa rin pala sila yung si Cabby. Kaibigan iyon ng kapatid mo noon. Unang kita palang namin sa babaing iyon halatang may pagnanasa na sa nobyo ng kapatid mo." Lintanya ng matanda. "Siya nga pala. Bago umalis si Cain ay iniwan niya yung box na dala mo kanina. Naroroon sa kusina."

Naunang maglakad ang matanda papalapit sa kusina at saka siya sumunod. Emergency? Kay Cabby? Why she would call him kung pwede naman ang immediate family nito? Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan ang binata. Ngunit cannot be reach ang line nito.

"Argh!"

Nasa dirty kitchen ang dalawang matanda dahil doon niya naririnig ang kwentuhan ng dalawa nang damputin niya ang kahon na sinabi ni Manang Azon. She pulled the ribbon and she slowly opened it.

"Holy Shit!"

Nanginginig ang mga kamay na naibato niya iyon. Kasabay niyon ay ang pagbukas ng back door sa kusina at ang humahagos na hitsura nina Manang Azon at ang asawa nito.

"Hija anong nangyari?" magkasabay na tanong ng mag asawa. And they both look down to the floor. "Diyos ko!"

"Sino ang nagbigay niyang sayo?" tanong ni Tatang sa kanya.

Hindi siya makaimik. Hindi mawala ang paningin niya doon. inside the box was a mutilated cat na duguan at sa ibabaw niyon ay litrato ni Cain. Naalala niya ang binata. Umalis ito dahil may emergency daw. May emergency si---cabby. Could it be?

Mabilis niyang nilingo ang mag asawa. "May sasakyan ho ba ako na pwedeng gamitin pabalik ng manila ngayong gabi?"

"Gabi na. aalis ka pa?" nag aalalang tanong nila.

"Kailangan kong siguraduhing ligtas si Cain, Manang." Aniya.

"Gamitin mo na yung lumang Toyota sa garahe. Okay naman iyon sira lang ang aircon." Tumango siya sa sinabi ng asawa ni manang azon.

Inabot nito ang susi sa kanya at sinamahan siya sa garahe. Nang makapasok siya s aloob ng sasakyan ay saka niya inistart iyon. Nag aalala pa rin ang mga ito s akanya pero nagbilin siya na babalik siya ano man ang mangyari.

Cain...

She need to save him. Kung tama ang teorya niya. Cabby was all part of it. She dialed his name but still it's out of reached. And then she called someone.

"Gen! I was about to call you. May kailangan kang malaman."

"Ako din may importanteng sasabihin sayo." Sabi niya kay kennedy matapos nitong magsalita.

"Alright. I am on my way to your apartment. Magkita tayo doon." sabi nito s akanya.

Her eyes are on the road habang nakaspeaker voice ito. "Ken, kailangan natin tulungan si Cain."

"Sandoval?" paniniguro ng kaibigan.

"Yes. I received a threat. At alam ko na may gagawin siyang masama kay Cain." Aniya na may halos desperation na.

"W-Wait. I don't get it. Cain called the station to report an incident." Bigay alam ni Ken sa kanya.

"What incident?"

"He was asking for assistance. Nawawala ang kaibigan niyang si Cabby. The car was found empty sa gitna ng kalsada sa loob ng village kung saan nakatira ang babae. Sabi ng security ay may van na pumasok daw sa village at sinabing bisita sila sa bahay ng biktima." Kwento ni Kennedy sa kanya.

"W-What?" Impossible yon. If she was really the murderer and Cain was possibly her next victim bakit siya kakailanganin kidnapin? May mali talaga. Hindi ito basta basta. All was planned.

She end call. Kennedy and she dialed Cain's number once again. And finally after two attempt ay sumagot din ito.

"Where are you?" agad na tanong niya.

"Pabalik na sana ako sa Pampanga. Why?" narinig niyang tinig ng binata.

Thanks God. "Stay wherever you are at pupuntahan kita."

She heard him laugh for a bit. "Hey, relax. Pupunta nalang ako sa unit mo. I'll wait you there. Okay?"

Huminga na siya ng malalim. It's safe kung magkasama sila. Hindi niya alam what Cabby can do to him kung tama ang suspetsa niya na ito ang nasa likod ng lahat ng ito.

Alas nuwebe nan g dumating si Gen sa apartment niya at natanaw niya agad si Kennedy na naghihintay sa labas.

"Kanina ka pa?" agad na tanong niya ng makababa siya at malapitan ito.

Tinapik siya muna ni Kennedy sa balikat. "Halos kadarating ko lang."

Sinusian niya ang unit niya saka sila sabay na pumasok ni Ken sa loob. May mga hawak ito na brown envelope na hindi niya alam kung para saan. "Naalala ko balik serbisyo ka na nga pala sa lunes."

Nawala na iyon sa isip niya. "Oo pero may importante tayong kailangan gawin."

"I know. Pero gusto ko munang Makita mo ito." Kennedy held her the envelope he was holding.

"Ano ito?" Tanong niya habang binubuksan iyon.

"Tignan mo ang mga papel na yan. Ilan lang yan na nakuha ko sa pagiimbestiga ko. Nakuha ko ang mga yan sa custody ng SOCO." Tukoy nito sa folder na hawak niya. "At yang hard drive na yan. Supporting files yan. Mukhang makakatulong sa pagiimbestiga mo kaya kinuha ko yan sa folder ni Chief."

Takang napatitig siya.

"At saka ano ba ang mga ito?" Tanong niya habang isa isang binubulatlat ang papel. Autopsy report ang unang bumungad sa kanya.

"Nabasa ko na ito ah, malinaw na nakalagay kung ano ang kinamatay ni claire."

Umiling ang binata. "Hindi iyon phoebe. Iba yan. Basahin mo mabuti." Sabi muli ni Kennedy. So she did. Wala siyang makitang kakaiba. Maliban sa---.

"Revised? Nirevised ang report?" Nagpalipat lipat ang tingin niya ditto at sa papel na hawak niya.

Umupo sa isang silya na nasa harapan niya si Kennedy. At saka may pinakitang isa pang autopsy report ito.

"Ayan! Pagkomparahin mo ang dalawa. There's someone who manipulate the result." Tinitigan niya ang papel.

Sa orihinal na papel. Nakasaad doon na bukod sa internal damage dahil sa maraming drogang nainom ni claire. She also have some bruises and multiple scratches all over her face. May nakatalang stabbed wounds at ilang cuts na nakuha sa likod nito.

Bakit hindi nakasaad ito sa sumunod na duplicate? Bangkay nalang sa ataul ang naabutan niya ng araw na yon. Walang nagsabi sa kanya ng totoong kinamatay ng kapatid. Bukod sa hindi niya agad napagtuunan iyon ng pansin ay nasa pagdadalamhati ang atensyon niya.

"A-Anong ibig Sabihin nito?" Naguguluhan niyang tanong.

"Yan din ang tanong ko. Alam mong sa ating dalawa ang ikaw ang mas may higit na kakayahan na alamin ang kasagutan dyan. Dahil ikaw ang unang dumiskubre sa nangyari sa kapatid mo." Sabi ni Kennedy. Nanatili ang mga mata niya sa bawat papel na nakikita niya.

"Kung ganoon, pineke nila ang report na ipinasa nila sa NBI. At ito ang orihinal." Tukoy niya sa papel na unang binasa. Iyon lamang ang nakikita niyang malinaw na nangyari.

"Mukhang tama ka. Ngayon ang kailangan natin malaman kung sino ang nasa likod nan. Hinanap ko na ang Investigative doctor na gumawa nang naunang report. Matagal na pala siyang nasa Las Vegas. Same year matapos niyang pirmahan ang report." Nanatiling nakakuyom ang mga kamay niya. Malaki ang impluwensya ng sinumang may kagagawan g lahat ng yon.

"Nakuha mo ba ang finger prints nito?" Tukoy niya sa mga kalmot at sugat ni claire. "Bakit wala silang nilabas na forensic result kung may stabbed wounds si claire?" Sunod sunod na tanong niya.

"Nasa hard drive ang kopya ng forensic files na tinago nila. Nakuha ko iyon ng kalkalin ko ang ang software ng NBI. Nakalagay doon ang materials na ginamit sa crime scene. At isa pang problema, wala akong makuhang identification about d'yan sa finger prints." Mahabang paliwanag ni Kennedy sa kanya.

Mukhang malaki talaga ang naitulong ng binata sa kanya. Hindi niya mahahanap ang mga ito kung hindi dahil dito. "Mag isip ka ng mga taong involved kay claire bago at pagkatapos ng krimen. Kailangan natin makuha ang mga finger prints nila at ikompara sa nakalagay d'yan. Mahirap isa isahin ang DNA sa NBI lalo pa at wala tayong sapat na batayan kung sino sino man iyon." Paliwanag muli ni Kennedy. Naniniwala siya dito. Pero ang tanong sino ang kukunan niya ng finger prints maliban kay Cain at Gregory Lopez na suspect dito? Na pinaniniwalaan na niya na walang kinalaman sa lahat ng ito.

Saka niya naisip muli si Ramona at Cabby. Mga kaibigan sila ni Claire. Binitiwan niya ang papel at saka may dinukot sa bulsa. Ang lighter na nakuha niya sa gamit ni Claire.

Inabot niya iyon kay Kennedy. "Anong gagawin ko dito. You know that I don't smoke." Kunot noon a tanong ng binata.

"Nakuha ko iyan sa mga lumang gamit ni Claire. Tignan mo baka pamilyar ka sa lugar." Aniya.

Tinitigan ni Kennedy ang lighter at saka binasa ang nakasulat doon. "Sa pagkakaalam ko matagal nang hindi nag ooperate ang bar na ito. Ipinasara ito two years ago siguro. Ano naman ang kinalaman nito dito?"

Nagkibit balikat siya at saka puamsok sa silid niya upang kunin ang lumang litrato ni Claire na ankuha niya sa libro. "See this."

"Wait. Ito yung missing right? Yung kaibigan ni Sandoval." Habang nakatitig ito s alitrato. "Eh sino itong isa?"

"That's Ramona. Sabi nila bago natagpuang patay si Claire ay naunang mamatay si Ramona. Nabangga daw ng hindi alam kung sino. Malakas nag kutob ko na kasama ni Claire ng gabing iyon si Ramona." Suspetsa niya.

"And what about this Cabby?"

"Kaninang umaga ay may natanggap akong package. Kanina ko lang hapon siya nabuksan. Death threat iyon para kay Cain. And what more questionable here is ang biglaang pagkawala ni Cabby. And why all people ay si Cain ang hihingian agad ng tulong?" maraming nabubuong teorya sa isip niya.

"So you are saying na posibleng patibong ito ni Cabby? Ganon ba?" tatango siya ng may biglang maalala. "W-What?"

"S-Si Cain. A-Ang usapan naming ay makikita kami dito." Takot na sabi niya. She immediately dialed his number but prompt voice nalang ang naririnig niya. Oh no...

Nagpalitan sila ni Kennedy ng tingin. "Baka on the way palang siya dito." Sabi ng kaibigan.

Hindi niya alam. Iba na ang kutob niya. May ibang nangyayari na s apaligid niya na hindi na niya alam kung ano. Nang saw akas ay may sunod sunod na katok silang narinig ay inakala niyang si Cain iyon kaya agad niyang binuksan only to see Mrs. Lourdes ang Lola ni Jimboy.

"L-La, bakit po?" aniya habang inaalalayan ang matanda na makapasok sa unit niya.

Hinawakan naman siya nito s abraso matapos abutan ito ni Kennedy ng tubig. Halata kasi sa mukha ng matanda na umiyak ito ng umiyak. "H-Hindi mo ba nakita si Jimboy kaninang umaga? Nagbilin kasi ako sa kanya na wag siyang aalis."

"B-Bakit po anong nangyari?" Kinakabahang tanong niya.

"Ibinilin ko kasi kay Jimboy kanina na wag aalis ng bahay. Dumating kasi kanina yung dating kaibigan ng anak ko. Nagtataka nga ako bakit ka niya kilala kasi nag iwan siya ng regalo para sayo. Kaya sabi ko sa apo ko. Kapag nakita ka na niyang lumabas ay ibigay niya sa iyo. Umalis kasiako kanina kasi sabi ng kaibigan nga nak ko mkunin ko daw yung mga naiwan sa kanya ng nanay ni jimboy na mga lumang gamit. Baka makatulong daw iyon para mahanap ko ang tatay ng apo ko. Pero nang bumalik ako kanina ay wala na si Jimboy. Ang buong akala ko ay magkasama kayo." Umiiyak na sabi ng matanda.

Hinawakan niya ito sa balikat.

Sabi niya sa bahay lang daw po ako. Wag daw akong aalis.

Iyon ang mga eksaktong sinabi sa kanya ng bata. Na hindi ito aalis. Saka nabuo sa isip niya ang isang tanong. "R-Ramona ho ba ang pangalan ng anak niyo?"

Agad na bumaling ang mukha ng ginang s akanya. "K-Kilala mo ang anak ko?"

Sapat na ang tanong na iyon para makuha niya ang sagot. Dinampot niya ang litrato na ipinakita niya kay Kennedy at ipinakita rin niya sa matanda. "Kilala niyo ba sila?"

Nanginginig ang mga daliri na inabot iyon ng matanda at hinaplos ang mukha ni Ramona. "Ang anak ko." Saka ito napahaulhol.

Itinuro niya si Claire. "Kaibigan niya iyan hindi ho ba?"

Hinaplos din iyon ng ginang. "Kababata ni Ramona si Claire. Matalik na magkaibigan ang dalawa. Noong gabing nasagasaan si Ramona kausap ko pa siya sa telepono. Takot na takot. Humahagos."

"Nay, wala nang oras. Mag empake kayo at dumeretso kayo sa Tarlac. Doon ko kayo kikitain sa bahay nina Apong Suping."

Nalilitong nagtanong ang matanda. "T-Teka nga anak. Ano bang sinasabi mo? Bakit tayo uuwi ng Tarlac?"

"Basta Nay making ka sakin. Bitbitin mo si Jimboy at umalis na kayo. Ayokong madamay kayo ng anak ko."

"H-Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Basta pinagmamadali niya kami. Ang sabi niya kailangan nila makatakas. Hindi ko alam kung sino ang sinasabi niya. Ang sabi niya kasi ay magkikita kita silang tatlo sa maynila." Saka nito itinuro ang mukha ni Cabby. Pagkatapos ay bumaling muli sa kanya ang matanda. "T-Teka bakit mayroon ka nito?"

Lumunok muna siya bago nagsalita. "Nakuha ko ho iyan sa lumang gamit ng kapatid ko. Kapatid ko si Claire." Aniya na kinagulat ng matanda.

"A-Akala ko ay nag iisa siyang anak."

"Half sister niya ho ako. Magkapatid lang kami sa ama." Napatango naman ang matanda ng umamin siya.

Maya maya'y naluha na naman ito. "Kailanga ko mahanap ang apo ko."

Alam niya iyon. Iba ang kutob niya kaya gusto niyang makasiguro. "Ganno niyo kakilala si Cabby?"

Napatingin mmuli ito sa litrato. "Nakilala sila ni Ramona at Claire sa kapitolyo. Pista noon. Isang taga alta sosyedad na hindi ko alam bakit nakipagkaibigan sa kanilang dalawa. Mabait naman siya. Pero madalas parag si Claire lang ang gusto niyang kasama."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Wala naman. Siguro natural lang sa magkakabarkada ang may paborito. Siya nga pala, yang si Cabby ang nagpunta dito kaninang umaga at nag abot ng reagalo para sayo. Ngayon alam ko na kung bakit ka niya kilala. Kapatid mo pala si Claire." Dahil sa sinabi ng matanda. Alam na niya ngayon kung ano ang nangyayari sa paligid.

"Wala ho bang nakakita kay Jimboy na umalis? O baka may sinamahan?" agad naman niyang tanong.

Umiling ang matanda. "Napagtanugan ko na lahat ng kapitbahay natin wala daw silang nakita."

Humawak sa balikat niya si Kennedy. "Mabuti pa tumawag na ako sa presinto. We need to report this at ng makakuha tayo ng back up." Lumayo nang konti si Kennedy sa kanila para tumawag sa mga pulis.

Siya naman ay nanatiling nakatitig sa litrato nina Claire. Hindi niya lubos maisip na ang clue sa lahat ng ito ay malapit lang pala sa kanya. Na lahat pala ng kailangan niyang malaman ay nasa paligid lang niya.

"Hindi kaya may dumukot na sa apo ko? Diba uso ngayon ang van na kumukuha ng mga bata? Hindi kaya naging biktima nila si Jimboy?" napahagulgol na anman ng iyak ang matanda.

Van? Dukot? Naalala niya ang sinabi ni Kennedy sa kanya sa telepono kanina.

"He was asking for assistance. Nawawala ang kaibigan niyang si Cabby. The car was found empty sa gitna ng kalsada sa loob ng village kung saan nakatira ang babae. Sabi ng security ay may van na pumasok daw sa village at sinabing bisita sila sa bahay ng biktima."

"Cabby?"

Doon napatingin ang matanda sa kanya. "Anong sabi mo?"

Tinitigan niya ito at saka ang mukha ni Cabby sa litrato. "Tama ang sinasabi niyo. Dinukot nga ang apo niyo. At si Cabby ang posibleng may kagagawan niyon."

She was keep on calling Cain but his phone still cannot be reach. Kailangan mababalaan niya ang binata. Kaialngan masabi niya dito ang lahat ng natuklasan niya. Until she received a message from the unknown number.

Continue Reading

You'll Also Like

27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
24.6K 986 19
http://www.ebookware.ph/product/the-rightful-mr-right Kung kailan nagdesisyon si Karina na hanapan ng direksyon ang magulo niyang buhay, saka naman m...
116K 2.6K 33
Vandros Darrick Sandoval is an elite bachelor and finally found someone whos way younger than him. Is it history repeats it self? Or this is their Ve...
1.2M 26.7K 31
GENTLEMAN Series 9: David Tyndale "You can fool around David. But please, Not my sister." David always knew what his role to Lucas younger sister. H...