GENTLEMEN Series 1: Cain Sand...

By dehittaileen

2.5M 59.1K 1.6K

Para kay SPO3 Gen Phoebe, katarungan para sa pagkamatay ng kapatid niyang si Claire ang kailangan niya. Ang h... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Thirty-five

40.8K 991 19
By dehittaileen

Chapter Thirty Five

Sa isang seafood and grill restaurant sla nagtungo ni Cain. Hindi na niya napigilan ang lalaki nang ipagbukas siya nito ng pinto ng saskayan at tulungan siyang makababa. Hindi siya sanay sa ganoon bagay pero tila bakit iba ang pakiramdam niya? Masaya pala. Mas dama niiya na isa siyang babae. Na babae pala siya. Cain is indeed a gentleman lalo nan g ipaghila siya nito ng upuan matapos ituro ng waiter kung saan ang reserved table nila.

"Palagi ka ba dito?" tanong ni Gen s abinata nang makaalis ang waiter na nag assist sa kanila para kunin kung ano ang mga order nila.

"Kaibigan ni Mama ang may ari nito. Nakabased na ang pamilya nila sa New york. The last time I went here ay birthday ng kaibigan ni Mom." Paliwanag ng binata.

Unang dumating ang appetizer na pinili nila.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong niya muli. Hindi niya alam kung ano nga aba ng mga dapat niyang itanong sa binata.

"I have. Pero lunch na kasi." Sagot nito sabay ngiti. Iniumang nito sa kanya ang tinidor na hawak nito. "Tikman mo. Masarap yan."

Kusang bumuka ang bibig niya at sinubo iyon. "Masarap diba?"

"Hmmm, yeah." Nalasahan niya ag tamang asim at anghang.

"I told you." Ani nito na nakangiti.

Matapos niyang manguya lahat at lunukin ay saka niya naramdaman ang kakaibang sipa ng anghang niyon. "Okay yung lasa. Anong tawag dyan?"

Niyuko ni Cain ang saucer na nasa harap nila. "They called this, tamilok. Famous palawan's appetizer."

Tumango tango siya. Ngayon lang siya nakatikim ng ganooon. "Intestine ban g ano yan? Baboy?" tanong niya.

Cain looked at her then smiled. "It's actually a woodworm."

Sandaling natigilan si Gen at saka tila may bara sa lalamunan niya na gustong luambas at ang matinding pangangasim ng tiyan niya. But looking at all the people around? Tila unti unting dumulas pabalik sa tiyan niya ang bagay na kanina lang ay nakabara doon.

"I-Ibig mong sabihin uod y-yan?" halos bulong na ang pagtatanong niya.

Kita niya ang pigil na pagtawa ng binata. Pero damang dama niya ang pamumutla niya at malalamig na kamay.

"It's actually a mollusk. You can find it in rotting mangroves along brackish water where river meet the oceans. Kaya safe siyang kainin. It's abit salty dala na rin ng tubig alat."

Tinungga ni Gen ang baso na may lamang tubig. Alam niya ano mang oras ay masusuka na siya. But she needs to control it or else she will get humiliated in front of all the diners inside.

"I'm sorry." Hinging paumanhin ng binata s akanya. "Mukhang hindi ka sanay sa mga exotic food."

'It's okay. At least na try ko na ngayon." nilinga niya ang paligid. 'Wala namang nakalagay na exotic restaurant ito pero bakit nagseserved sila ng exotic food?" tanong niya.

"Hindi nga. Pero ang tamilok na yang ang isa sa dinarayo ng mga tao dito. Iyan kasi ang paborito nung may ari since taga Palawan nga siya."

Hindi naman niya itatanggi na masarap nga iyon sadyang nagulat lang sia na malaman niyang uod pala na galing s amga kahoy ang kinain niya. Maya maya'y bumalik na ang waiter at dala na ang mga inorder nilang pagkain.

"Wag kang mag alala puro pinoy dish na ang mga yan at hindi exotic." Sabi ni cain na tila na halata ang pag aalinlangan niya.

Pamilyar naman siya sa mga pagkaing nakikita niya. May crabs and shells at tuna. Halos lahat ay lalo lamang nagpapatakam sa kanya. Kaya naman ng lagyan ng binata ng kanin ang pinggan niya ay hindi na siya nagpaawat na kumuha ng putahe na gusto niya. Magana siyang kumain at nakalimmutan niya panandalian na kanina lamang ay napatikim siya ni Cain ng uod.

Masasabi bang nagbabago na siya kung sasabihin niyang masaya siya sa presensya ng binata? That she suddenly forget everything that surrounds her. Na hindi man niya maipaliwanag pero bakit ang gaan ng pakiramdam niya kapag kausap na niya ito at sa bawat sandali na nag kukwentuhan sila ay tila mas lumalalim pa iyon?

"Magkakasundo kayo ni Mama pagdating s apagkain ng seafoods." Puna ng binata s akanya habang tawa tawa na pareho silang nakakamay kumain.

"Alin? Yung pagkakamay?" sabay tawa naman niya. "Alangan namang gamitan ko pa ito ng kutsara at tinidor?" aniya sa hawak na alimango.

Napangiti naman si Cain dahil sa sinabi niya. "Silly. Pero hindi yan ang tinutukoy ko. Mom loves vinegar. Hindi ko alam na hilig din mo palang isawsaw ang pagkain sa suka."

Niyuko ni Gen ang daliring ang sawsaw sa suka na may bawang at sili. "Paborito kasi naming ni Mommy ang ganito. Lalo na kapag maanghang na maanghang."

Hindi napigilan ni Gen na maalala ang ina niya. Tila may mumunting alaala ng kabataan niya na biglang sumingit s aisip niya at ang iwan ng mumungting ngiti s alibi niya. Ngiti di dahil sa lungkot ngunit ngiti na nagpapaalala sa kanya na habambuhay na nasa puso niya ang ina saan man ito naroroon ngayon.

"You must love your mom that much." Komento ng binata sa kanya.

Tumango naman si Gen. ang nanay niya ang nag iisang tao na pinilit mabuhay makasama lang siya. Pero talagang hindi na nito panahon kaya ang Panginoon na mismo ang nagtakda kung hanggang saan na lamang ito.

"I love her so much. Nag iisa lang siya at hindi siya kayang palitan ng kahit na sino." Sa gilid ng mga mata niya ay sumuungaw ang isang butil ng luha na pinigilan niyang maglandas sa pisngi niya.

Alam niyang matagal na pero ang sakit pala niyon ay nakaukit na. anghihintay na lamang ng tamang panahon kung kailan tuluyang maglalaho at mapapallitan na lamang ng mga masasayang alaala. Naramdaman niya ang palad ni Cain sa ibabaw ng kamay niya. And then she felt the warm sincerity came from him.

"Wherever she is right now. Alam ko nakabantay lang siya sayo at ginagabayan ka. Wag mo sanang kakalimutan yon." He said softly.

Tama siya. Her mom must be in heaven right now. Pero hindi naman ito tuluyang nawala dahil nasa mga daal pa rin niya ito. And she'll remained in her prayers forever.

"Cain?"

Agad nahila ni Gen ang palad nang marinig nila ng binata ang pamilyar na tinig na iyon. Nang sabay silang lumingon ay nakita nila si Cabby.

"Cabby!" Uamangat sa pagkakaupo si Cain upang humalik sa ppisngi ng kaibigan nito. "What are you doing here?"

"I was in the second floor. I had a meeting with someone then I saw you." Plaiwanag ng babae.

Cabby is indeed a gorgeous one. Off-shouldered dress ang suot nito at strappy sandals. Isang pares naman ng mahabang tassel earnings ang nasa tenga nito. Pasimple niyang tinignan ang sarili. Maroon polo shirt at denim pants lang ang suot niya. Magmumukha nga siyang tomboy sa mga mata ng kahiit na sinong makakakita sa kanila lalo pa't maikli ang buhok niya.

Tila hindi naman siya napupuna ng babae dahil ang mga mata nito ay nakatutok lamang kay Cain. "Please join us. Nag uumpisa palag kami." Aya ni Cian na noon lamang ay nilingon siya ni Cabby.

"Oh, Hi!" Kusa na itong yumuko at humalik sa pisngi niya. "Kamusta? Ang pretty mo ngayon." nakangiting sabi ni Cabby s akanya na ikinainit naman ng pisngi niya.

"Okay lang naman." Aniya dito. "Ikaw, kamusta?" balik tanong niya.

Yumuko si Cabby muli s akanya at saka bumulong. "Better. Nagdedate kayo no?" then she giggled.

Uminit muli ang magkabilang pisngi niya. "H-Hindi." Agad na tanggi niya.

Sumabat naman si Cain sa kanila. "Hey, ano yan ha? May secret ba kayo sakin?"

Umirap naman si Cabby kay Cain. "Wala ka na don." Sabay ngiti.

Maya maya'y tumingin ito sa relos na nasa bisig nito. "Gusto ko mang samahan kumain kayo. But, I really have to go. May aasikasuhin pa kasi ako." Palam nito s akanilaa. Ngumiti naman si Gen saka tumango matapos itong muling humalik s apisngi niya.

"Are you sure ayaw mong kumain?" tanong muli ni Cain dito.

Umiling lamang ang babae. "As much as I want to kaya lang may nakacompromise ako today. Just enjoy your date." Sabay kindat nito s akanya. Pagkatapos ay humarap muli kay Cain at bumulong. "I'm happy for you."

Nkatanaw lang sila ng tingin kay Cabby hanggangs a tuluyan na itong nakalabas ng restaurant. Si Gen naman ay binalik ang atensyon sa pagkaing nasa plato niya kaya hindi niya napuna ang mga matang kanina pa pala nakamasid sa kanila. Particular na sa kanya.

Inihatid si Gen ni Cain sa apartment niya matapos nilang mananghalian. Sinabi rin ng binata sa kanya na babalik agad ito sa opisina dahil may meeting pa ito na dapat ding daluhan. Nakangiting pumasok sa loob ng apartmrnt si Gen. she seem not normal but she's still in right state. Hindi nga lamang niya alam kung ano nga ba ang totoong nangyayari sa kanya. This is different at hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam kung ano man iyon.

Gen took off her shoes at saka kinuha ang cellphone mula sa bulsa at naupo sa sofa. Itinaas niya ang isang paa sa center table at wala sa sariling tinitigan ang mga selfies nila ni Cain kanina lamang. Selfies. This is kinda weird. Hindi siya mahilig s amga ganoon kahit noon pa. but when she finally enjoyed Cain's presence tila bumalik siya sa teen age at bigla nagustuhan niya ang mga ganoong bagay.

Wala sa sariling napatitig siya mabuti sa binata. Hawka nito ang malaking lobster habang magkadikit ang mga pisngi nila at parehong nakangiti sa camera. Cain was the one who's taking the selfie with her. She keep on scrolling the photos nang mapagawi siya sa litrato na kuha niya sa security room ng building kaninang umaga. Ngayon niya nga muling naalala na kinunan na lamang niya ng litrato ang tao na nahagip ng camera.

Saka niya naisip na pag aralan at pakatitigan iyon. Wala talaga siyang mapuna doon na kakaiba. Marahil ay ipapasa niya kay Kennedy ang naturang litrato upang magbigay din ito ng opinion s akanya. Akma niyang ibababa muli sa lamesa ag cellphone nang mapatingin ang mga mata niya doon na tila may nahagip ang paningin niya. Mabilis niyang tinitigan muli ang litrato saka niya napuna ang pamilyar na logo ng Criminal Investogation ang Detection Group kung saan siya kabilang. Napuan niyang nakaimprentanta iyon sa maliit na bahagi ng itim na jacket na suot ng suspect.

Sunod sunod ang pag iling niya at ang kakaibang kunot sa noo niya. Anong ibig sabihin niyon? Na taga ahensya ang taong nanakot sa kanya? Na posibleng kakilala niya? Pero sino? Wala siyang kakilala sa trabaho niya na may galit sa kanya o nakasamaan niya ng loob. Patuloy na umiikot sa isip niya ang lahat. kung sino ang posiblent tao na iyon na maaaring konektado sa lahat nang nangyayari sa paliid niya. She needs to dig the investigation more deeper.

Inisa is aniya s aisip ang mga taong kasama niya s atrabaho maginga ng mga nakakasalamuha niya na posibleng may koneksyon sa clue na nakuha niya. She's about to dial Kn's nmobile number when her phone vibrate once. Nakita niya ang pangalan ng kaibigang si Kennedy. May mensahe itong pinadala sa kanya.

Positive ang undercover surveillance na ginawa ng CIDG Task force para sa isang illegal drugs operation. May mangyayaring raid mamayang alas nuwebe ng gabi sa lumang warehouse malapit sa domestic airport na nasa Central Luzon Region. Positibo ang lugar na siiyang malapit sa vicinity ni Lopez. Kung gusto mong Makita ang lugar at kumalap doon ng impormasyon. Magkita tayo mamaya.

Binasa mabuti ni Gen ang nakasaad sa mensahe na pinadala ni Ken sa kanya. Inulit ullit niya sa isip ang buong impormasyon na sinabia niato sa kanya kaya napagpasyahan niya na pupuntahan niya mamaya ang lugar. Aalamin niya kung ano ang koneksyon niyon kay Lopez gaya ng ipinahihiwatig ni Kennedy sa kanya. Inihanda niya ang sarili para tunguhin ang lugar at alamin ang mga magaganap doon. nagreply siya kayKennedy na payag siyag magkita silang dalawa at susunod siya kung saan man magaganap ang raid na inuulat nito sa kanya. 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 29.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
60.8K 1.6K 53
Would you still love even if you had a worst past? Well, maybe. Lets just know everything.
1.2M 26.7K 31
GENTLEMAN Series 9: David Tyndale "You can fool around David. But please, Not my sister." David always knew what his role to Lucas younger sister. H...
117K 2.6K 33
Vandros Darrick Sandoval is an elite bachelor and finally found someone whos way younger than him. Is it history repeats it self? Or this is their Ve...