Bae Meets Dre

By imarksato

380K 10.1K 1.1K

"You are the trouble I'm In" More

Foreword
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 53
Part 54
Author's Note
Migo's Diary
Part 55
Hey!
HEY! HEY!
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68

Part 52

3.1K 74 5
By imarksato

MIGO

"Do you have whiskey?"

Tanong ko sa disembodied, bored na boses neto. tantya ko nasa 20s na bartender dito. He is chewing his gum.

"Brandy lang sir." Walang ganang sagot nito sa akin.

Of course, I thought to myself, what do you expect from a cheap bar like this?

Matapos hinanda nung bartender yung inorder kong brandy, (no choice) Saglit akong nag isip at natulala.

Hindi ko aakalaing makakaramdam ako ng ganito. Una ko na itong naramdaman kay Candice noon. Yun naman kase, kalayaan ang hinahanap ko. Napunta pa ako sa punto na kinailangan ko pang mangibang bansa para lang maka move on. Eto kase, bitin ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko, marami pa sanang salitang dapat masabi sa isa't isa. Pakiramdam ko, ako ang naduwag. Eirik left me on such a breakable thread.

Bakit ako nakakaramdam ng panghihinayang? Gusto ko makita muli ang mukha ni Eirik. Gusto ko siyang hawakan ng sobrang higpit at hindi na pakawalan pa. Kaso, natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring kalabasan kapag sinama ko si Eirik sa buhay ko...

FLASHBACK

Nandilim ang paningin ko.

Wala sa wisyo kong nasapak ng sobrang lakas si Eirik!

Napa upo ito at nakita ko na pumutok ang labi nito at dumugo ang ilong nito.

Nagulat ito sa nangyari.

Nanatili itong naka upo sa daan.

Kumalat ang dugo nito sa asul na polo shirt neto.

Kumalat iyon ng bahagya gawa ng malakas na ambon.

Doon ako bumalik sa wisyo at agad na nilapitan si Eirik para itayo.

Pumiglas ito at tumayo mag isa.

"Okay na. Okay na yun Migo.." Sabi ni Eirik.

Nakaramdam ako ng panghihinayang sa nagawa ko.

Niyakap ko siya patalikod.

"Patawad.. Patawad.." Sabi ko habang yakap ito patalikod.

Fuck! Hindi ko kaya..

Masyado akong marupok kapag kay Eirik.

Mali ito. Hindi na ito tama..

Ayokong maging honest sa kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya.

"Gawin mo ang nararapat. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama.." Sabi ni Eirik habang yakap ko ito patalikod.

Naramdaman ko ang pagyugyog ng mga braso nito.

Umiiyak si Eirik... Umiiyak siyang muli dahil sa akin...

END OF FLASHBACK

Inalala ko ang nangyari noong isang linggo.

Heto ang kinakatakot ko, ang magkita si Chase at Eirik. Hindi ko naman inaasahan na biglang susulpot si Chase noon.

Simula kasi noon, hindi ko na kinikibo si Chase. Siya siguro yung parating nagdo-dorbell sa unit ko.

Pakiramdam ko, ang sama sama ko.

"YAMITE KUDASAI!"

Napatingin ako sa boses na iyon.

There he was. Chase. Siya yung tipo ng tao na akala mo nag oobserve kapag kinakausap ka niya. Yung tipo na payapa at kalmado. He always had this aura na laging Calm. Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya not unless you ask him.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Yan din ang tanong ko sayo, Migo. What are you doing here?" Umupo si Chase sa tabi ko.

Akmang iinumin ko na ang alak sa shot glass nang inagaw niya ito at siya ang uminom.

"Kelan ka pa natutong uminom?" Tanong ko sa kanya pero hindi ko siya tinitignan.

"Ikaw ang nagturo sa akin neto." Sabi niya.

"Panong ako, ha, Chase? May sarili kang pag iisip." Sabi ko.

Natahimik si Chase.

"Alam mo ba kahit kailan hindi ka lumisan sa isip ko. Alam ko naman na wala talaga akong pag asa sayo.. Pero, anong magagawa ko. Ikaw ang tinitibok ng puso ko."

Gusto ko sanang huwag nalang pansinin si Chase. Pero kaibigan ko parin siya. Hindi ko siya kayang balewalain.

"Tell me, Migo, yung lalaking bang iyon ang dahilan?"

Alam ko ang tinutukoy ni Chase ay si Eirik.

"Bakit mo ginawa sa kanya yun Chase?"

"Pinagtanggol lang kita sa mga taong nananakit sayo."

"Chase iba na tayo! Kaya ko na ang sarili ko."

Alam ko na hanggang ngayon iniisip parin ni Chase na siya padin ang "taga-pagligtas" ko. Kapag may problema ako noon, si Chase ang unang taong pinupuntahan ko.

Pero matagal na iyon. Iba na ang sitwasyon ngayon. May anak na siya. Dapat nag matured na si Chase dahil dalawang taon siya sa Japan. Pero pakiramdam ko, sanay na si Chase na siya ang sumasalo sa akin kapag may problema ako.

"Hindi sa lahat ng oras kaya mo sarili mo."

"At hindi rin lahat ng oras kailangan mo akong iligtas. Kaya ko ang sarili ko Chase!"

Medyo napataas ang boses ko.

Nakita ko na nagulat si Chase at natigilan.

May ibang tao sa bar na napatingin sa biglang pagtaas ko ng boses. Kaya pati sa kanila, nabaling ang init ng ulo ko.

"What the fuck are you all looking at?!!" Sigaw ko sa mga taong napatingin sa akin.

"Migo, Tama na yan. Enough! You're drunk." Pigil ni Chase sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat. Paanong nagawang balewalain ni Chase ang pagsigaw ko sa kanya?

Inagaw ni Chase ang bote palayo sa akin.
"If you're goddamn depressed, Getting drunk is not the answer."

"Bakit mo ba 'to ginagawa Chase?"

"I'm just trying to help" kalmado niyang sagot.

I look at his face. Napaka kalmado parin nito. Tila balewala sa kanya ang paninigaw ko sa kanya.

Chase grabbed my arms. Ramdam ko ang pwersa nito. Chase is the authority this time. I can feel it.

"Chase ano ba!" Angal ko. Wala ako nagawa kundi sumunod nalang sa kanya palabas ng bar.

Pumunta kami sa lugar kung saan pinark ko yung Porsche ko. "Ano ba 'to Chase?" Kompronta ko sa kanya.

"Migo you should stop this," he said calm. Pero pakiramdam ko napipigil lang si Chase.
Tulad parin ng dati, hirap parin ako malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Stop what? Chase, I'm just having fun! Wag mong pipigilan ang isang taong gustong mag-saya" sabi ko.

"Migo. Look at yourself! You're a mess! Ganyang ganyan ka dati when Ate broke your heart. I can sense na may problema ka. Why don't you tell me? Tulad ng dati, diba ako naman ang shock absorber mo?" He said. Kalmado padin ito.

I shake my head in disapproval. "No, I don't think you can help me this time. Things are not the same now"

Kumunot ang noo ni Chase. "Anong nagbago, ha Miguel?"

"Madami"

"Madami? Tulad ng?"

Sasagautin ko sana si Chase ng may nahagip ang mata ko na dalwang batang lalaki. Ang isa ay naka sando at yung isa naman ay naka black na jacket. Tantya ko nasa kaedaran lang namin iyon ni Chase.

Nakuha nila ang atensyon ko kase may inabot yung lalaking naka jacket sa lalaking naka sando. Tila pasikreto ang abutan nila, palinga linga pa kase yung lalaking naka jacket sa paligid.

Naka pwesto sila sa gilid ng bar kung saan natatakpan sila ng L300 na naka park doon.

Aksidenteng nahulog nung lalaking naka sando yung inaabot sa kanya nung lalaking naka jacket. Kaya kitang kita ko ang bagay na nahulog.

"What are they doing?" Chase said. Nakita nadin niya yung dalawang lalaki.

"Sshh.. Baka marinig ka," saway ko kay Chase.

Nakita kong tableta pala ang iniabot nung lalaking naka jacket at nahulog naman nung lalaking naka sando. Pero pakiramdam ko, hindi lamang isang simpleng gamot iyon.

Bakit kailangan pa nilang magtago kung tableta lang naman ang laman nung nahulog na maliit na plastik?

Pinanood lang namin sila ni Chase. Hanggang sa...

"Edward Miguel!" Nawala sa paningin ko ang dalawang lalaki sa tawag sa akin ni Candice. Nakita ko na pababa ito ng taxi.

"How dare you! Paanong nagawa mo sa akin ang palayasin mo ako ng ganun ganun lang? Ha?" Eto nanaman si Candice, umiiral nanaman ang pagka maldita nito.

"Candice, please. Leave me alone! Hindi mo ba naiitindihan, we are over. We're done!" Frustrated na sabi ko.

"Ate. Anong ginagawa mo dito?" Napaka kalmado parin talaga ni Chase.

Bumaling si Candice sa kapatid niya, "Wala ka na doon!"

"Candice pwede ba, tigilan mo na ako! Pakiusap!"

"No! Migo! I'm not gonna stop until you give me an acceptable reason why'd you shut me like that!" Napaka eskandalosa talaga ng babaeng ito.

Napapahawak nalang ako sa sentido ko. Pati ba naman si Candice na ex ko na, binibigyan padin ako ng sakit sa ulo! God!

Heto nanaman ang mga usisero't usisera.

"Ate, wag kang mag eskandalo dito. Nakakahiya, Pinagtitinginan ka na nila" saway ni Chase.

"Ichan, kung yung tinatayo tayo mo jan, kung sila ang pinapaalis mo, Kesa ako ang pinagsasabihan mo! Ako ang ate mo! Ako ang dapat na mas kinakampihan mo!"

May narinig akong pumapalpak kaya napatingin ako sa pinagmulan ng tunog na iyon.

"Mukhang nahuhuli na yata ako sa pinag uusapan ninyo ha,"

Napatingin kami sa lalaki na papalapit sa amin. Si Franco!

"May namiss ba ako na eksena?" Sabi niya nung nakalapit na sa amin. Napaka tuso talaga ni Franco. Parehas sila ni Candice na panira ng araw ko.

"Franco, anong ginagawa mo dito?" - Candice.

"Kanina ko pa kayo pinapanood. Medyo nadadala na ako sa pinapanood ko, kaya I was hoping for a VIP seat."

Tusong napapatingin si Franco sa aming tatlo. Yung mukha niya sobrang nakakaasar kung magpapadala ka. Halatang nang iinis ito.

"Franco, kung wala kang matinong sasabihin, umalis ka na" Sabi ko.

"Whoa! Whoa! Mukhang mainit ang ulo natin ngayon ha! Nakakapaso.." Pang aasar pa ni Franco. "Mukhang may LQ ang mag ex. Ha! Ha! Ha!"

"Hoy! Hoy! Hoy! Anong meron dito? Masyado niyo yatang namiss yung Utol ko! Nawala lang ako saglit, ganito na ang naabutan ko"

Ano bayan! Dumagdag pa itong isang 'to. Pa shades shades pa!

"Ano nanamang ginagawa mo dito Ortega?" - Candice.

"Namiss kase kita eh! Hindi mo ba ako namiss?" -Sonny.

Langya, lakas talaga mang asar neto ni Utol!

"Eww... Bakit kita mamimiss? Eh naaalibadbaran nga ako sayo!"

Tinanggal ni Sonny yung shades niya. "Sa pogi kong 'to naaalibadbaran ka? Lugi ka pa ba?" Sabay kindat ng may kasamang nakakalokong ngiti.

Candice smirk with matching crossed arms while stomping her left feet. Umiiral nanaman yung bitch mode niya.

"You know what," she laughed sarcastically. "Girls with asses like mine do not talk to boys with faces like yours!"

Boom basag!

Sabay kaming nagpigil ng tawa ni Chase.

"Ha? Ano yon? Paki tagalog nga hindi ko kase naitindihan eh" banat ni Sonny.

Aba lumalaban!

"Ayan kase kakabuntot mo jan kay Francisco, pati english di kana marunong umintindi" sabat naman ni Franco.

"Uy! Anjan ka pala? Kanina ka pa ba jan?" Sagot ni Utol.

Tangina neto ni Utol, lakas mambasag! Isip bata talaga! Pala patol!

Biglang kinuwelyuhan ni Franco si Utol. Napikon yata.
"Ano tingin mo sa akin?" Gigil na sabi nito. Bumaling sa akin si Franco. "Pagsabihan mo 'tong alalay mo ha!"

"Wow! Maka alalay ka naman! Eh ano tingin mo pa sa sarili mo?" Bumaling si Sonny kay Candice. Hawak pa din siya ni Franco sa kwelyo. "Buntot ni Candice? Ha! Ha! Ha!"

"Ano ba kase ginagawa mo dito Franco?" Sabi ko.

"Ano pa ba? Edi nakabuntot!" Si Sonny ang sumagot. Sabay tawa ng malakas.

Nainsulto si Franco sa sinabi ni Utol, kaya muntikan na siyang sapakin. Buti nalang naawat sila ni Candice.

"Franco! Tara na nga! pinagpapatulan mo pa yang mga ganyang klaseng tao!" Sabi ni Candice.

Si Chase, tahimik lang. Nasa loob talaga ang kulo ng isang ito.

"May araw kadin sakin Ortega! Kayo ng Utol mo!" Pananakot ni Franco kay Utol. Hawak padin niya ito sa kwelyo. Mahigpit.
Masama ang titig niya dito. Talagang napikon siya sa pambabasag ni Utol.

Nang maka alis na sila Franco at Candice, nag ayos ng kwelyo si Utol. Sabay pahabol ng isang sigaw na "Duwag!"

"Pabayaan mo na sila. Wag nalang nating pansinin." Kalmadong sabe ni Chase.

"Ikaw naman, ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay mokong.

"Naghahanap kase ako ng magandang view, diba sa makalawa na yung launching ng bag ng ate mo Chase? So.. Lumalabas labas lang ako para makakuha ng magagandang shots. Tapos nakita ko kayo ni Utol. Nakita ko din yung ate mo at si Franco. Kaya bumaba ako." Paliwanag ni Utol.

"Eh ikaw Chase, paano mo nalaman na nadinto ako?" Baling ko kay Chase.

"I was on my way na pa laguna. Then I saw your car." Sabi ni Chase.

"Laguna? Anong gagawin mo sa Laguna?" Tanong ni Sonny.

"Despedida kase nung isang friend namin ni Mike. Sa laguna ang venue." Sabi ni Chase.

"Laguna? Mukhang maganda jan ahh? Pwede ba kaming sumama ni Utol?" Sabi ni Sonny.

Basta galaan, present lagi jan si Utol.

"Wag na kayo nalang, wala ako sa mood gumala." Walang ganang sabi ko.

"Ano ka ba Utol! Maganda sa Laguna. Maraming magagandang tanawin. Masarap ang pagkain. Sariwa yung hangin.. Kesa dito pulosyon na nga, makikita mo pa yung mukha ng ex mo tsaka yung buntot niya!" Sabi ni Sonny. Bumaling siya kay Chase. "Oops! Syempre, no offense sayo Chase ha, alam mo naman kung gaanong kinababaliwan ng ate mo 'tong Utol ko."

Ngumiti lang si Chase.

"Parang ikaw dati.." Dagdag pa ni Sonny.

Biglang nanahimik yung paligid pagkasabi nun ni Utol.

Nakita ko na biglang sumimangot si Chase. Natamaan siya sa sinabi ni Utol.

Ang alam kase ni Utol, Matagal nang nawala yung "connection" namin ni Chase. Hindi niya alam, hanggang ngayon, hindi padin sumusuko si Chase.

"Manahimik ka nga Utol! Kung anu-ano na yung lumalabas sa bunganga mo!" Ang nasabi ko nalang.

"Iba kase ang charisma mo! Pati magkapatid tinutuhog mo! Pati tuwid napapa baluktot mo!" Sabi ni Sonny habang naka akbay sa akin.

Nagkatitigan kami ni Chase.

Shit! Ang awkward ng feeling!

.
.
.
.

KIM POV

"Sure ka friendship, papasok ka talaga jan?"

Dahil ayaw kong maburo sa bahay kasama ng Lola at kapatid ko, nagkayayaan kami ni Cloe na mag bar. Sa Boiler Room sana ang tuloy namin kaso, ayaw ko doon. Naaalala ko lang doon si Migo.

"Wala namang masama kung mag try ng bago"

Buti nalang at may cheap na bar kaming nadaanan ni Cloe. Dala namin yung CR-V ni Cloe. Huminto kami at naghanap ng mapaparkingan.

"Ahh kaya pala...  'gang ngayon stuck ka pa din jan kay Migo! Bakit kaya hindi mo itry na magahanap ng bago"

Ganyan ako nababasa ni Cloe. Sana hindi nalang ako bumalik at nagpakita pa ulit kay Migo. Edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito.

"Tara na nga, kung ano ano na yang sinasabi mo" aya ko sa kanya.

Sabay kaming bumaba ng kotse at tuloy na pumasok sa bar.

Maliit lang ang bar na to.

May mga mesa na nakakalat sa pligid. May two seater at three seaters.

Kulay black ang loob ng bar. Hindi ko masabe kase sa lahat ng bar na napuntahan ko na, lahat nagmumukhang itim kapag nasa loob ka na.

Malakas ang tunog. Kasalukuyang "Roses" ng Chainsmokers ang tumutugtog.

"Ano friendship order na ba ako?" Sabi ni Cloe. Hindi naman halata sa kanya na excited siya.

Pinaubaya ko na kay Cloe ang mga orders. Naghanap ako ng mesa. Ng makahanap na ako, napaisip ako sa sinabi ni Cloe..

"Ahh kaya pala...  'gang ngayon stuck ka pa din jan kay Migo! Bakit kaya hindi mo itry na magahanap ng bago"

Mag try ng bago? Itsura ko lang ang nagbago pero sa loob ko, si Migo pa din ang laman ng puso ko.

FLASHBACK

Medyo lumalakas na ang ambon noon kaya nagmamadali na kami ni Cloe na makarating sa CR-V niya na nakapark sa kabilang kalye.

Pauwi na kami ni Cloe noon.
Pasakay na kami sa CR-V niya nang may humawak sa kamay ko habang patawid kami. Dahilan para huminto ako at napatigil.

Pag lingon ko, nakumpirma ko kung kaninong kamay yun..

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang kabog nito. Nakita ko muli ang mukha ng lalaking minamahal ko..

Malungkot ito at tila gustong magsabi sa akin ng paliwanag niya sa nangyari noon sa reunion at sa condo niya.

"Kim..." Kinilabutan ako sa pag banggit niya sa pangalan ko. "Let's talk please.." Hawak padin niya ako sa kamay.

Kita ko sa mukha neto ang sinserong paghingi sa akin ng oras para pakinggan ang paliwanag niya.

Hanggang ngayon, wala padin akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa kumalat na video namin noon sa reunion.

Hindi ko alam kung paanong naipalabas ang video namin na iyon ni Migo. Alam ko si Franco lang ang may kakayahang gumawa noon. Matindi ang galit niya kay Migo kahit noon pa man.

"Wala na tayong dapat pang pag usapan pa Migo." Sabi ko habang nagpipigil ng luha.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Migo sa kamay ko.

Lalayo na sana ako kaso napahinto ako sa sinabi niya..

"Kim, I may not remember you. But I can feel in my heart na you have a special place in it. As if na matagal na kitang kilala. Kim, I'm sorry. Gusto kong malaman mo na hindi ako galit sayo, sa reunion, sa video hanggang sa condo. I don't know but, Hindi ko kayang magalit sayo. I hope you can forgive me.. I'm sorry." He said those in deep sincerity. I can feel his symphaty sa bawat salitang binitiwan niya.

Pagkarinig kong iyon sa sinabi ni Migo, hindi ko na nakontrol ang mga luha ko. Nasaktuhan namang sumabay ang buhos ng malakas na ulan. Kaya hindi napansin ni Migo na umiiyak na ako.

END OF FLASHBACK

"Hoy friendship! Ano tapos ka na bang mag reminisce? Jusko kanina pa kita pinagmamasdan! Tulaley ka friendship! Lumilipad ang utak mo!" Na distract ako sa boses ni Cloe.

"Kanina ka pa ba jan?"

Cloe rolled her eyes. "Hindi kararating ko lang. Kaya nga ubos na tong bote ng tanduay ice," Hinawakan niya ako sa kamay. "Friendship, masyado mo namang siniseryoso yung sinabi ko sayo kanina. Halika na nga sayaw nalang tayo"

Bago pa ako makasagot, andun na si Cloe sa dance floor.

Naiwan akong tulala.

"You alone?" Isang kamay ng maitim na lalaki ang nag offer sa akin ng company.

Tantya ko nasa mid 40's ang age niya.

"Do you want some company?" Alok niya sa akin.

Akala siguro nito sa akin, bayarang babae ako dito sa bar nato.

Magalang na tumanggi ako sa kanya. Hell no! I don't even know you! At tsaka hindi ako kaladkaring babae dito no! I thought to myself,

Medyo nairita na ako sa negrong 'to kaya sinundan ko nalang si Cloe sa dance floor.

"Cloe! Cloe! Umalis nalang tayo dito!" Sigaw ko kay Cloe na kasalukuyang busy at nag eenjoy sa pagsasayaw.

"Ano ka ba friendship! The party just started! Ang KJ mo naman!" Angal ni Cloe.

Sinubukan kong sabihin kay Cloe yung lalaking maitim na kanina pang nangungulit sa akin.

Kasalukuyang nakatayo ito sa mesa kung saan ako naka upo kanina. May kasamang ngiting demonyo ito.

Nakakatakot.

.
.
.
.

MIGO POV

"Anong sabe ni Jepoy?" Tanong ko kay Sonny.

Napagkasunduan namin na pumunta nalang sa Laguna ngayong gabi.

Syempre, mas masaya kapag kumpleto kaming apat na Kaimito bois.

Napilit na ako nila Sonny at Chase na pumunta ng Laguna.

"Sabi ni Jepoy, May pasyente pa daw siya." Sabi ni Sonny.

"So hindi siya makakasama? Sayang naman, hindi pa kami nagpang abot ni Jepoy." Sabi ni Chase.

"Kontakin mo ulet! Amina ako kakausap!" Kinuha ko kay Sonny yung phone.

Pitong ring bago sinagot ni Jepoy yung tawag. Kinausap ko siya at sinabing minsan na nga lang tayo makukumpleto tatanggi ka pa.

"Fuck! I already told Sonny na kung makakapag antay kayo sa akin ng two hours, sasama ako"
Sabi ni Jepoy sa kabilang linya.

Tinitigan ko nang masama si Utol. Binaba ko na ang tawag.

"Oh diba, hindi nio kase ako pinatapos kanina." Sabi ni Sonny.

"Two hours? Anong gagawin natin sa loob ng two hours?" Sabi ko.

Tumingin si Chase sa bar.
"The bar," nagsimula nadin kasing umingay ang loob nito.

"Ayos ka Chase! Yun! Tara pasok muna tayo sa loob. Dun nalang natin antayin si Doc Jepoy!" Aya ni Sonny.

So ganun na nga ang nangyari. Alak muna bago roadtrip sa Laguna. Tulad ng dati, alak muna bago camping sa Baguio.

Aaminin ko, na miss ko 'to.
Namiss ko ang kaimito bois

Continue Reading

You'll Also Like

693K 45.8K 10
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...