GENTLEMEN Series 1: Cain Sand...

By dehittaileen

2.5M 59.1K 1.6K

Para kay SPO3 Gen Phoebe, katarungan para sa pagkamatay ng kapatid niyang si Claire ang kailangan niya. Ang h... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Eight

63.6K 1.6K 11
By dehittaileen

Ikinandado ni Gen ang pinto ng apartment niya. Pagkatapos ay inilagay ang susi sa bulsa niya saka lumakad palabas ng tarangkahan. It is a two-Storey apartment. May mga tenant sa taas at sa baba lang ang kanya. May maliit na puting bakod ang nakapalibot sa buong apartment at isang puting gate. Pasado alas kwatro na. Balak niyang maglakad lakad kaya naisipan niyang lumabas. May malapit na karinderya paglabas sa eskinita nila kaya naisip niyang doon na lamang siya maghahapunan mamaya. Isa pa, tinatamad din siyang magluto. Muli niyang isinara ang steel Gate matapos lumabas. Pero hindi pa siya nakakahakbang palayo ay may isang itim na BMW X5 ang huminto sa harapan niya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang itim na jacket. Ang naisip niya ay baka bisita ng isa sa mga nakatira sa apartment. May kapitbahay kasi siyang bagong kasal at sa tuwi-tuwina'y may bumibisita sa kanilang mga de-kotse o kaya nama'y sosyalen.

Bumaba ang tingin niya sa unipormadong lalaki na nakasuot ng puting polo na bumaba mula sa driver's seat. Tumingin lang ito sa kanya bago gumawi sa passenger seat at binuksan iyon.

Nahigit niya ang hininga ng makilala ang bumaba buhat doon. Walang iba kung di si Mrs. Sandoval ang ina ni Cain Sandoval na nabaril noong nakaraang linggo.

"Mrs. Sandoval!"

Ibinaba niya ng hood ng jacket at saka alanganin tumingin sa ginang.

"I've talked to Police officer Kennedy Johnson at itinanong ko sa kanya kung saan kita pwedeng makita." Paninimula ng ginang ng sa wakas ay makalapit sa kanya. And she smiled at her afterward. "And I found you here."

Nagtatakang napatitig siya dito. Matapos kasi ang gabing 'yon ay hindi na siya bumalik pa sa ospital. Lalo't sabi naman ng mga pulis ay ayos na ang kondisyon ni Mr. Sandoval.

"A-Ano pong kailangan niyo sakin?" Naitanong niya.

Nakapagbigay na siya ng statement niya sa pulisya. Mariing tumanggi ang tatay niya na makialam siya kaya gumagawa siya ng sarili niyang imbestigasyon na hindi nalalamn ng iba.

"I just came here to personally thank you, for rescuing my son. If you wasn't there, baka matagalan bago siya nasaklolohan. Maybe.. Maybe.. S-Siguro may pinaglalamayan na kami ngayon." Halatang sinsero ang pagkakasambit nito ng thank you. Base na rin sa nakikita niyang patak ng mga luha sa mga mata nito.

Ngumiti siya.

"Wala ho yon. Kahit sino naman po ang nasa sitwasyon ko ay ganoon din ang gagawin." Ngumiti ito pabalik sa kanya.

Noong nakaraang araw ay personal din siyang dinalaw ni Abel Sandoval sa Club, kapatid ni Cain upang pasalamatan. Ganoon din ang asawa ng ginang. Pakiramdam niya ay nakagawa siya ng tama kahit pa nagiguilty siya dahil hindi niya naipagtanggol ang binata. Siya na naturingang pulis at inaasahang magtatanggol sa kanyang mga kababayan. Pero kahit papaano ay nawawala ang guilt na nararamdaman niya lalo pa't ligtas na si Sandoval.

"Siya nga po pala kamusta na siya?"

"He's okay now. Nasa recovery room na siya. Noong kamakalwa ay nagkamalay na siya and we glad na walang naging masamang epekto sa kanya ang nangyari." Natutuwa siya sa narinig.

"Mabuti naman po kung ganoon. Hayaan niyo po, mahahanap at mahahanap ng mga pulis ang may gawa nito sa anak niyo." Even Mrs. Sandoval hadn't know that she is also a Police. Mabuting hindi na rin nila siguro malaman.

Bumalatay ang pag aalala sa mukha nito.

"Nanalangin ako gabi gabi na sana mahanap na sila at malaman namin kung ano ang dahilan. Mabait na bata si Cain, wala siyang nakakaaway sa negosyo o miski sa kung ano man. Maliban sa isa... " Lumingon ito sa driver nito na nakatayo lang sa gilid ng kotse.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" May pagtatakang tanong niya.

"Sinasabi ni Abel na posibleng si Gregory Lopez ang may motibong ipapatay ang anak ko. Pero walang makuhang ebidensya ang mga pulis para idiin siya sa kaso."

Sinasabi na nga ba niya. Malaki talaga ang hinala niya na may kinalaman ang nangyari sa nakaraan. Ang gusto lang niya malaman ay kung bakit at paano. Kinuha ng ginang ang kamay niya at pinisil. "Nakikiusap ako sa yo Hija. Baka may nalalaman ka pa tungkol doon. Baka may nakita ka pa. Makakatulong kung ano mang impormasyon ang mabibigay mo. Gusto kong magbayad ang taong gumawa nito sa anak ko!" Mahihimigan sa tinig nito ang pakiusap at pagkadesperasyon.Pilit niyang inaalala ang gabing iyon. Pilit niyang tinatanong ang sarili ano nga ba ang nakita niya. Pero nagblanko ang isip niya, sadyang madilim lang talaga ang lugar kung saan nangyari ang pamamaril.

Napilitang ngumiti siya sa Ginang.

"Makikipagtulungan po ako sa otoridad. Gaya niyo gusto ko din po mahuli ang gumawa nito."

Naluluhang ngumiti ito sa kanya.

"Salamat. Maraming maraming salamat hija."

Hindi na siya umangal ng yakapin siya nito at tuluyan na itong mag paalam sa kanya. 

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 138K 53
(This story is written in Filipino language mixed with a little English ) *UNEDITED / Not proofread VERSION* Unang pagkikita pa lang nila hind...
2.7M 66.3K 42
Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight in shining armor. He is my Prince Charmi...
878K 17.6K 24
She has no power to fight against her grandfather. kaya naman Nikita Kim choose to left and hide. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na pangingialam...
1M 29.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...