Bae Meets Dre

بواسطة imarksato

380K 10.1K 1.1K

"You are the trouble I'm In" المزيد

Foreword
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Author's Note
Migo's Diary
Part 55
Hey!
HEY! HEY!
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68

Part 47

4K 91 21
بواسطة imarksato

(Special cameo character of Luis Hontiveros as Mike, Chase's friend from Japan.)

This Part is specially dedicated to i_love_super
For creating me an EPIC BAE MEETS DRE cover.. Salamat po for highlighting my dream characters sa BMD.. 😊😊 pasensya po ulet kung masyado akong "demanding" during the cover making process.. Salamat po sa pagtyatyagang maghanap ng shots nila for the cover..
You nailed it! Kudos!

...sa uulitin po ulet! 😁

Thank you!

--------

CHASE POV

I've made up my mind,
Don't need to think it over..
If I'm wrong, I am right
Don't need to look no further..
This ain't lust
I know this is love...

But if I tell the world
I'll never say enough
'cause it was not said to you
And that's exactly what I need to do
If I end up with you..

Should I give up
Or should I just keep chasin' pavements
Even if it leads nowhere..
Or would it be a waste
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up?
Or should I just keep chasin' pavements
Even if it leads nowhere....

"Oh ano Kenkichi? Nag da-drama ka na naman? Kasi ano? Mahal ka nya pero bilang kaibigan lang? Bakit kaya di ka na lang mag pasalamat dahil minahal ka nya kahit kaibigan lang kesa dun sa iba na hindi na nga sila mahal, hindi pa nagawang kaibiganin" bulyaw sa akin ni Mike.

Nandito kami ngayon sa Boiler Room..

I take another shot of whiskey..
This is perfect.. Yung tapang at init nitong alak ay walang wala sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Alam ko naman eh, I knew this day would come. Heto na nga parang araw ng patay kung magluksa ako ngayon.

Dinaig ko pa ang buhos ng ulan kung makatulo ang luha ko ngayon..

Ang sakit.

Napaka sakit!

Ang sakit sakit!

Bakit ikaw pa?

Bakit kasi ikaw pa, Migo?

"Napaka unfair ng buhay no? Bakit kung sino pa ang marunong magmahal ng totoo, sila pa ang madalas masaktan!"

"Hindi unfair ang buhay para sayo Kenkichi, yang puso mo ang unfair! Ikaw ba naman na ma fall deeply in love with your bestfriend eh"

"Pinigilan ko naman eh. Sinubukan ko.. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimutan na siya, wala eh, mas lalo ko lang siyang naalala"

Mike rolled his eyes at me.

"Diba ma-swerte ka pa rin? Tsaka duh! Alam mo, alam ko at alam ng lahat na mas tatagal kayo sa pagiging mag kaibigan." Sabi niya sa akin. "At alam ni Migo na sa pagiging magkaibigan kayo tatagal. Kaya ano pa ang dinadrama drama mo jan"

Muli akong nagsalin ng whiskey sa baso ko.
Iinumin ko na sana kaso pinigilan ako ni Mike.

"Kenkichi stop it! Lasing ka na oh, ang dami mo nang naiinom"

"Hayaan mo nga ako! Mas mabuti pa na magpakawasak, total naman kase I'm a waste! I'M A BIG WASTE!" Sabi ko na medyo napataas na ang boses.

"Huy! Umayos ka nga! Pinagtitinginan tayo oh, baka isipin nila pinapaiyak kita"

"Wala naman ibang nakakaintindi sa akin, bukod kay mama. Lahat sila walang tiwala sa kakayahan ko..
Si Dad, ayaw akong maging piloto, kaya nga kumuha ako ng business administration, yan kase ang gusto niya. Si ate, hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan ko sa kanya, sobrang kinamumuhian ako! Ayoko na! GUSTO KO NANG MAGPAKAMATAY!" Bulyaw ko.

Si Mike nakikinig lang sa akin.

Alam ko naman na sobrang frustrated na ito sa mga dilemma ko about Migo.

Nasa Japan palang kami siya na yung madalas kong labasan ng sama ng loob ko sa family man at kay.. Migo.

"Haayy Ichan... kahit kailan hindi sagot ang pagpa-pakamatay sa lahat ng klase ng problema. Pati yan na magpakalunod ka sa alak hanggang masunog yang atay mo masama yan, unti unti mo nang pinapatay ang sarili mo. Alcohol helps temporarily but never permanently.."

But I was never listening to him..
Muli akong uminom ng whiskey
Pero inagaw na sa akin ni mike ang baso.

"Ichan ano ba! Itigil mo na nga yan!
Sasakit lang tiyan mo jan eh!"

"Bitiwan mo nga ako Mike! Kung sawa ka na makinig, umalis ka na!"

"Alam mo ba yung kasabihang "There's other fishes in the sea?"

"Para lang sa mga talunan yan." Sabi ko. Not paying attention.

"Hay nako Ichan, hindi ka pa ba talunan sa itsura mo ngayon? Look at you.. You're young, smart, professional, matured and hot.. Why settle for someone who doesn't appreciate your love? Sa standards mong yan, madami ang magkakandarapa sayo"

"I know its hard to let go of someone you truly love, but ganun talaga ang buhay, kailangan nalang tanggapin kahit masakit... so move on nalang pag may time.."
Sabi pa niya. "Ichan for a thousand time, I am telling you this and I won't mind reminding you this everytime na nagkakaganyan ka"

"Mahal ko si Migo. Saang parte ba ang hindi niya maitindihan doon?"

"Eh ikaw? Saang parte ng sinabi niya sayo na "I love you but not in that way" ang hindi mo na-comprehend?" Sabi ni mike na tatawa tawa.

Okay sana itong si Mike.. matangkad, singkit, gym fit, tan ang kulay ng balat at naka braces. With matching red lips at dimples pa.. Ang mas nagpa hot kay Mike ay ang tatoo niya sa kanang braso.. Lakas makapag laway.. But, hinding hindi niya kayang mapalitan si Migo sa isip at puso ko. Siya lang kase ang nag iisa at bukod tanging nakakalam that I am head over heels inlove with my bestfriend..

"Whole day.. you act like that you are strong enough,
but at night it's hard to control your tears.. Ang hirap kayang mag pretend Ichan na everything is okay kahit nasa loob loob mo nahihirapan ka na kapag nakikita mo siya"

"Akala ko kase kapag pumunta ako ng Japan, makakalimutan ko siya.. Pero hindi pala" Sabi ko habang hawak ang basong may whiskey. Nakatitig lang ako doon.

"Pumunta ka sa Japan para malimutan siya, pero ang ginawa mo, gumawa ka ulit ng isa mo pang problema. Ayan si Hitori. Did Migo know na hindi mo anak si Hitori?"

Umiling ako.

Ayaw ko gamitin ang bata para lang mapagtakpan ang feelings ko kay Migo. Pero mukhang ganun nga ang nangyayari..

"Isa pa yan. Niloloko mo siya Ichan. Paano kapag nalaman niya na hindi mo anak si Hitori? Paano mo sasabihin sa kanya na inampon mo lang yung bata para lang mapagtakpan ang feelings mo sa bestfriend mo? You're just doing it again, katulad ng sa ate mo, nagawa mo pang ibugaw, kase ano? Natatakot ka? Naduwag kang ipaalam kay Migo na in love ka na sa kanya? Tsk tsk" Sabi ni Mike habang napapailing.

"Alam mo ba yung kasabihan ni Einstein, "Doing things over and over again and expecting a different result called insanity?" Ichan, kahit kailan hindi naging maganda ang pagtakip ng pagkakamali sa isa pang pagkakamali. You're just making things worse."

.
.
.
.

MIGO

My eyes got wider.

Shocked.

Surprised.

"Jepoy?????"

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa harapan ko, am I dreaming?

Tinatapik tapik ko pa ang pisngi ko.

"Surprise" Jepoy said in a funny tone.

Sakto namang dumating si Utol.

"Oh sheeet! Totoo ba 'to!"

Tumabi siya sa akin.

Parehas na kaming soobrang nagulat.

Unexpected ito. Sobra!

Nilapitan siya ni Sonny.

Nagtataka ito.

"Ikaw ba talaga yan?" Dinutdut pa ni Sonny ang mukha ni Jepoy.

"You guys aren't dreaming. This is real. Ako to! Ako 'to si John Enzo Ponce II!" He announced grandly.

Tumingin si Sonny sa kotse ni Jepoy, pinuri niya ito. Napako ang tingin niya sa plate number ng sasakyan ni Jepoy..

MD JPY

"Sheeet! laki na ng pinagbago mo Jep-Jep!" Manghang sabi ni Sonny sa kanya.

"Oh correction pala, Doctor John Enzo Ponce II." tinama niya ang title ng pangalan nito with voice full of confidence. Inemphasize pa niya ang salitang "DOCTOR"

Sabay lahad ng kamao nito.
Nag untugan sila ng kamao.

Ang kamayan na yun, kami lang apat na kaimito bois ang nakakaalam.

Sagrado sa amin ang kamayan na yun..

"Jep-Jep!!! Ikaw nga yan!!" Sabay yakap ni Utol kay Jepoy.

Mukha silang bata ngayon kung titignan mo...
Si Sonny tuwang tuwa.
Anjan na kase yung katandem niya sa kalokohan.
Si Jepoy parang hindi doctor kung makisabay kay Utol..
Akala mo si Jepoy ay isang loooong lost friend na finally found.

Naalala ko five years ago noong isa isa kaming nalalagas, una si Chase na after niyang magtapat ng damdamin sa akin, lumipad na ng Japan. Tapos sinundan naman siya ni Jepoy three months after...

Five years ago..

Nandito kami ngayon sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay.

Nireserve ni Jepoy ang lugar na ito ng hotel na may napakagandang view ng overlooking.

Napa wow kami ni Sonny sa napakagandang view na nasa harapan namin ngayon.

Ang ganda ganda. I could stay here all day just looking at this beautiful view, nakaka relax.

Malamig pa ang simoy ng hangin, mas lalo pa iyon nakapag-bibigay ng kilabot dahil sa natural na kalamigan ng Tagaytay.

May isang three seater table na naka set mismo sa bandang gitna, kaya para kaming nasa alapaap na napapalibutan ng magagandang scenery ng paligid.

Kulay puti ang mantel niyon at may nakatayo ring tent na nagsisilbing silong namin kahit na di naman mainit sa mga oras na iyon.

Habang kami ay naka upo, isa isa nang nagsilabasan ang mga waiter, na tila nagpraktis pa yata kasi sinchronize ang galaw nila, at nilagay sa lamesa ang mga pagkaing inorder ni Jepoy.

Napansin kong lahat ng nakahain ngayon ay specialty ng Tagaytay.. featuring the famous, Bulalo na nakalagay pa sa itim na palayok, wow, saktong sakto 'to dahil medyo malamig ang simoy ng hangin..

"Ano ba yung sasabihin mo, Jepoy?" Tanong ko nang natapos na ang mga waiter sa pag serve ng mga pagkain.

"Surprise.. excited kayo?" Halata kay Jepoy na may kaunting lungot sa mga mata nito. Alam ko na pinipilit lang niyang itago iyon.

"Ayos Jep ah, panalo mga inorder mo, lahat to masasarap! ayos, hehe.. masarap to." Sabi ni Sonny habang naglalagay ng bulalo sa mangko.

Ganun na din ang ginawa ko, malamig talaga ang simoy ng hangin kaya humigop na ako ng sabaw ng bulalo.

"Actually, guys, I'm leaving na.."
Napatigil kami sa pagkain nang madinig namin ang sinabi ni Jepoy.

"Doon na ako mag aaral sa...States." malungkot na pahayag ni Jepoy habang nakatingin sa magandang view.

"Pre, di naman magandang biro yan." sabi ni Sonny na tila ayaw pang maniwala sa sinabi ni Jepoy.

"I'm not joking, I'm really leaving." pagtukoy niya sa duda ni Sonny.

Maging ako ay ayaw kong maniwala sa narinig ko. Ngunit iyon ang katotohanan. Mawawalan nanaman kami ng isang membro, una si Ichan, tapos ngayon si Jepoy naman.

Nagkaroon ng awkward na pananahimik ang paligid.
Sa sobrang peaceful nitong paligid, baka makalimutan ko na nasa Tagaytay kami ngayon at baka isipin ko na nasa sementeryo kami. Wala man lang may gustong magsalita sa amin.

"Teka, K-kelan ba ang alis mo Jepoy?" Pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan.

Tumingin ito sa ibaba at sinabing bukas na siya aalis.

"Agad? Pati ba naman ikaw Jep? Iiwan mo na rin ba kami?" Gulat na tanong ni Sonny.

Napansin ko na may nangingilid na luha na sa mga mata ni Jepoy.

"Mahal na mahal ko kayo, Guys!"
Di na napigilan ni Jepoy na tuluyan na ngang umiyak.

Tumayo ako upang bigyan ng isang friendly hug si Jepoy.
Ramdam ko ang pagyugyog ng mga balikat nito. Parang masakit talaga sa kanya na iwan kami. At tila, wala na siyang choice kundi ang umalis na talaga bukas.

Nanibago ako sa inaakto ni Jepoy ngayon. Ang dating hyper at jolly na Jepoy na kakilala ko ay naging malungkot sa mga oras na ito habang yakap yakap ko siya.

Pinipigilan ko na maluha na din dahil nadadala na ako sa pag iyak ni Jepoy na tila kindergarten na iniwan ng kanilang magulang sa unang pagpasok sa paaralan.

"Patawarin niyo ako, Sonny, Migs, kailangan ko talaga 'tong gawin."

Tumayo na din si Sonny, he held his hand to Jepoy.

"Basta, whatever happens, kaimito bois is kaimito bois, walang iwanan."

Ngumiti naman si Jepoy at tinangap ang kamay ni Sonny.

"Pangako yan, basta ako padin ang leader ha, wag niyo akong papalitan."

"Kahit ilang beses tayo paghiwalayin ng tadhana, tayo pa din, walang makakapaghiwalay sa atin!" Sabi ni Sonny.

"Bakit kayong dalawa lang? Nasaan si Chase?" Tanong ni Jepoy.

Pagkabanggit ni Jepoy sa pangalan ni Chase, nakaramdam ako ng ibayong lungkot.

"Teka teka eto tatawagan ko na"
Sabi ni Sonny.. Kinuha niya yung telepono niya at dinaial si Chase.

"Pareng Chase, Hello... Asan ka?" Natigilan ito. "Bakit maingay jan? Asa school ka pa ba?"
Sabi ni Sonny.
Sinagot na ni Chase ang tawag.

"Ano! Hindi ka man lang nag aya! Langya! Nagsosolo ka na.. May ibabalita pa naman sana ako sayo."
Excited na sabi ni Utol.

Nakikinig lang ako ng usapan nila.
"Ganito nalang... Pupuntahan ka namin jan.. Text me the location of the bar..."

Narinig ko ang salitang Bar.
Nabigla ako sa nadinig. Hindi sanay si Chase na mag inom.

Ano ginagawa niya sa bar?
At isa pa, late na..
Kelan pa siya natutong uminom?
Sino kasama niya?

"May problema ba Utol?" Tanong ni Sonny sa akin pagkababa ng tawag.

Nagkibit balikat ako kunwari.
Patay malisya ako pero alam ko na ang dahilan, siguro sa naging pag uusap namin ito kanina kaya siya naglalasing.

"Teka teka, don't tell me hanggang ngayon nag aaway away pa din kayo ha Migo?" Tanong sa amin ni Jepoy yun pero nag mukhang para sa akin lang iyon. "Tsk tsk, Mig-Mig hindi ka pa din nagmamature"

Sasagot na sana ako.

Nasapawan naman ako sa malakas na halakhak with matching palakpak pa ni Utol.

"Hahaha "Mig-Mig" nabuhay nanaman!"

"Eh ikaw nga eh, you just called me "Jep-Jep" kanina. Hahaha" tatawa tawa din si Jepoy.

Nagsimula ang tawagan nayan noong minsan sa buhay ko noong high school ay naadik ako sa powder na "Mikmik"

Napakamot ako sa ulo.

Hay nakooo

Nagsama nanaman ang dalawang kutong lupa!

"Asan daw si Chase?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ayaw nga sabihin kung nasaan eh"
Sabi ni Utol. "Bigla nalang binaba yung tawag."

"Hay nako! Guys! Buti pa tayo nalang ang maghanap kay Che Che" Saad ni Jepoy na ang tinutukoy ay si Chase.

Muli nanaman silang nagtawanan ni Jepoy.

Hay nakooo mga kutong lupa nagsasama nanaman!

Pasakay na sana si Jepoy sa kotse niya nang may biglang naalala si Sonny, "Teka kumain ka na ba? Saktong sakto bumabaha ng pagkain sa taas! Hahaha"

Nagtaka ako sa sinabi ni Utol.

Anong pagkain ang pinagsasabe nito?

"Sakto I haven't done my dinner yet."
Sabi ni Jepoy. Natigilan ito at nag isip, "Anong event? Wala naman akong natatandaan na may birthday sa ating apat ah"

Natigilan si Sonny.

Tumingin ito sa akin.

He looks uncomfortable of telling me something.

He took a deep breathe bago nagsalita.

"Eto kasing si Utol, may nakatampuan." He is looking at me as he says this, Expectant.
"Kayo, I mean ako kilala niyo naman ako na even talaga before, na ayaw na ayaw ko kapag may nagkakatampuan sa tropa right?"

Feeling ko lahat lahat ng sinasabi nito ay patama sa akin.

I know Utol very much.

Nakatayo at nakikinig lang kami ni Jepoy sa kanya.

"Ako bilang CONCERNED FRIEND" sabay emphasize ng salitang "concern" at "friend" na sabi ni Sonny. Lagi itong nakatingin sa akin at pinapatamaan ako. "Ako na ang gumawa ng paraan para pagbitiin and dalawang pabebeng lovebirds"

Kailangan lagi naka emphasize ang bawat salita sabay tingin sa akin ng nakakaloko?

Kailangan lahat patama sa akin?

Napapakamot sa ulo si Jepoy.

Alam ko hindi siya nakaka relate sa mga nyaw nyaw ni Sonny.

"Teka, hindi ko kayo maitindihan.
Mukhang sobrang tagal ko talaga nawala. Hindi na ako maka catch up sa inyo" Sabi ni Jepoy.

Inakabayan siya ni Utol.
"Gusto mo makabawi? Halika sa taas kwentuhan no kami. Every single details wala kang palalampasin tapos kain ka ng marami. Alam ko naman na miss mo luto ko haha. Wala kang ganyang matitikman sa Amerika. Only here lang sa Philippines haha!"
Sabay yaya ni Utol kay Jepoy sa taas.

"Yan ka nanaman ha. Baka mamaya mas masarap padin akong magluto sayo" -Jepoy

"Oo alam ko naman yun eh. Hindi ko naman inaagaw ang titulo mong master shit ng grupo haha. Biglaan lang talaga to. Unplanned haha" - Sonny

Habang masaya at maingay ang dalawang kutong lupa, Natigilan ako.

Hindi sa hindi ako masaya na sa wakas kumpleto na ulit kaming kaimito bois, naiisip ko lang yung mga taong nasagasaan ko ngayong gabi..

Ano ba ito!

Sino ba ang uunahin ko?

Si Kim, alam ko nasaktan siya sa mga nangyari ngayong gabi. Ikaw ba naman ang biglang may kumalat ng video scandal eh.

Si Chase, nagtatampo. Kailan niya kaya matatanggap sa sarili niya na hanggang sa pagiging magkaibigan lang ang pwede kong ibigay na relasyon?

Tapos si... Eirik.

Masaya ba talaga ako sa pinaparamdam ko sa kanya?
Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya.
Nakita kaya ni Eirik ang paghalik sa akin ni Kim kanina?

Hay nakoooo

Nahilamos ko nalang ang mga palad ko sa mukha ko sa sobrang lito.

Ano ba ito Loooooord!!

"Oi! Ano ka na jan Utol?" Untag ni Sonny sa akin. "Maghanda ka na sa mga paliwanag mo. Hot seat ka."

Aba! Nanakot pa!

Nakarating na kami sa unit ko.
Pagpasok namin, doon ko lang napansin na may mga pagkain nga na nakahain sa mesa ko.

Hindi lang yun basta pagkain.
Dahil ang mga pagkain na nakahain ngayon ay halos lahat paborito ko.

"Wow! Ang sarap naman ng mga pagkain!" Sabi ni Jepoy.

Nakatayo lang ako sa tapat ng mesa.

"Ano Utol, nagustuhan mo ba?" Naka akbay si Sonny sa akin. "Lahat yan, hinanda ni pareng Eirik para sayo."

Kumunot ang noo ko. "Si Eirik?"

Hinanap nito si Eirik at lumabas naman ito mula sa kusina.

Iba naramdaman ko pagkakita ko sa kanya.

"Hi, Eirik" ang nasabi ko nalang.

Paano ko 'to magagawang casual?

Tanging tungo lang ang sinagot nito sa akin.

"Halika na kain na!" Yaya ni Utol.

Tumitingin sa akin si Eirik.
Ganun din ako sa kanya.

Gustong gusto ko na siyang makausap. Ewan ko, pero pakiramdam ko, kailangan naming mag usap.

Nasa lamesa na kami at tulad nga ng inaasahan, naging mas maingay sila Utol at Jepoy. Hindi sila nauubusan ng kwentuhan. Minsan nakikisali ako, pero hindi ako ganun kapalagay..

Magkatabi si Jepoy at Sonny habang ako katabi naman si Eirik.

Pinakilala ni Sonny si Eirik kay Jepoy.

Sinisenyasan ako ni Utol na kausapin ko si Eirik, pero kapag tumitingin ako kay Eirik, umiiwas naman ito ng tingin sa akin.

Sobrang ramdam mo yung dead air sa pagitan namin ni Eirik.

Kung gaano kaingay sila Jepoy, ganun naman kami katahimik ni Eirik.

Magkatabi nga kami pero hindi naman kami nag iimikan.

Ramdam ko yung gap.

"Paano pala kayo nagkakilala ni Migo, Eirik?" Tanong ni Jepoy.

"Mahabang kwento haha" Sabat naman ni Sonny.

Sinagot naman yun ni Eirik.
Pero halata ko talaga na iwas ito sa akin.

Masaya ako kasi kinakausap ni Jepoy at Sonny si Eirik.

Masaya ako kasi nakakasabay si Eirik sa dalawa. Natatawa siya minsan. Akala mo matagal na kaming magkakakilala.

"Oh Eirik, tikman mo to oh," Sabay lagay ko sa kanya ng ilang piraso ng lumpiang shanghai sa pinggan niya.

Ngumiti si Eirik ng pilit.

Nagkaroon ng awkward na moment yun.

Nakatingin si Jepoy at Sonny sa amin.

Pati tuloy ako nahiya.

"Luto mo ba yan?" Patukoy ni Jepoy sa shanghai. "Patikim nga!" Kinuha ni Jepoy yung shainghai na nilagay ko sa plato ni Eirik.

"Oy bakit ka pa kumukuha ng shanghai sa plato niya, yan oh ang dame dame!" Saway ko kay Jepoy.

"Sige sige okay lang," - Eirik.

"So ano bati na ba kayo?" - Sonny

"Tss.. Nag away ba tayo Eirik?" Sabi ko nalang kay Eirik.

Nakatingin lang sa amin sila Jepoy at Sonny.

Si Eirik tahimik.

"A-alam mo ba, magaling din magluto tong si Eirik. Diba no Eirik?" Sabi ko. Yung feeling na awkwardness eto yun eh.

Napansin ko naman na tumahimik si Jepoy.

"Oh bakit?" - Sonny

"Pare may nakita akong babae kanina" - Jepoy

"Talaga? Maganda ba? Sexy?" - Sonny.

"Hindi ko siya pwedeng hindi makilala, sa itsura niyang yun.." -Jepoy.

"Sino ba kase yan?" Ako.

"Hayaan mo na pag nakita ko ulit siya.. Makikita niyo" - Jepoy

"Haha pakilala mo naman daw si Migo haha" - Sonny.

"Pare mukha ngang nag away sila ng boyfriend niya. Pare umiiyak kase siya kanina nung nakita ko. Pare gusto ko nga sanang akapin eh. Papasakayin ko sana" - Jepoy

"Haha maganda ba?" - Ako

"Oo sobra.." - Jepoy.

Gustong gusto ko sanang makisabat sa usapan nila Jepoy at Sonny, kaso nakita ko mukha ni Eirik na tahimik lang kaya minabuti ko nalang na tumahimik at ngingiti ngiti nalang.

"Hay nako Jepoy jet lag lang yan haha" Ako.

"Hindi Migo. Imposible! Hindi pa malabo mata ko para hindi ko siya makilala" - Jepoy

"Eh sino nga kase yan?" - Sonny

"Ang alam ko, Erika ang pangalan niya eh.." - Jepoy.

Pero, na curious na ako kaya nakisabat nadin ako.

"Saan ba kayo unang nagkakilala?" Ako

"Sa states.. Three months bago ako umuwi dito." - Jepoy

"Pano naman kayo nagkakilala?" - Sonny

"Sa clinic ko. She was referred to me ng kababata ko.. She was my patient." - Jepoy.

"Hay nako. Alam mo Jepoy sa profession mong yan madami ka talagang babaeng makikilala.. Kadalasan pangit muna sila sa una haha" - Sonny.

"Actually hindi naman siya ganun kapangit eh. Maitim lang siya at medyo chubby." - Jepoy

"Teka nga, may tampuhan ba kayo?" Tanong ni Jepoy. Bumaling ito kay Eirik. "Nako laking adjust mo jan kay Migo, Eirik. Pagpasensyahan mo na"

"Hahaha. Anak mayaman yan kaya walang pakelam sa feelings ng iba" - Sonny.

"So.. Eirik, anong business ng Dad mo? Sa mga datingan mo.. I think, isang mayaman na business man Dad mo, do you own a ranch?"

Nangingiting pilit si Eirik.

Paanong napaka tackles si Jepoy sa mga tanong niya kay Eirik?

"You're friends with my Bro here," Sabay akbay sa akin nito. "You must belong to the upper A society"

Tumingin ako kay Sonny.
Maging siya hindi na rin "comfortable" by Jepoy's interrogations.

Jepoy may misunderstood -
Sanay siya na puro mayayaman lang ang mga kinakaibigan ko.

"Actually, nagma-may ari ang pamilya ni Eirik ng isang pinaka malalaking land property dito sa pilipinas" - Sonny.

Pinanlakihan ko ng mata si Sonny.

Maging si Eirik ay nagulat din.

Anong trip kaya neto?

Bat kailangan pang magsinungaling?

"Oh cool! Astig ka pala bro!" Jepoy said. Surprise.

Biglang tumunog ang telepono ko.
Text message galing kay Utol..

"I'll explain everything later.. Basta makisabay ka lang. I can handle this."

Nagkaroon pa ng mga unexpected series of questions si Jepoy kay Eirik.

Family background, income, san siya madalas mag chill, naka ilang girlfriend na siya.. mga ganyan..

Na alam ko naman ay walang ka alam alam si Eirik sa mga binabatong tanong sa kanya ni Jepoy.

Jepoy's toungue obviously so foreign kay Eirik. Alam ko wala siyang ka alam alam at ni maka relate ay hindi niya magawa.

Minsan ako sumasagot. Madalas si Utol. Tutal siya naman ang may pakana neto.

Tanging ngiti, ilang at awkwardness lang ang nagagawa ni Eirik.

Sinipa ko yung paanan niya. Nakatingin din ako sa kanya.

I mouthed him, "Sakay ka lang"

Nagkwento si Jepoy sa mga experiences niya sa Amerika. Halos buong oras na ginugol naming apat sa mesa ay kay Jepoy naka tuon ang spotlight.

Salita siya ng salita.
Ewan ko, hindi naman siya ganyan dati.

.
.
.
.

MAC POV

Na curious ako kaya hanggang dito sa Boiler Room sinundan ko si Kenkichi.

Mukhang problemado si Kenkichi, baka nag away sila ng girlfriend niya?

Kanina nakita ko na magkausap sila ni Migo sa school..

"Hello Franco?," Sagot ko sa biglang tawag ni Franco. "Wag kang mag alala.. Oo.. Medyo hindi ko kase trip ang alak jan sa school kaya nag inom nalang ako... Cge... Oo.. Salamat... Bye"

I took a deep breathe.. Grabe, ano ba tong nangyayari sa akin?

Bigla akong curious kay Kenkichi.
Tapos sinundan ko siya dito sa bar.
Tapos nakapag sinungaling pa ako kay Franco.

Kahit beer lang iniinom ko, pakiramdam ko lalong lumalakas ang loob ko na sundan sundan si Kenkichi.

Maya maya habang nasa hindi kalayuan ako na mesa kung nasaan sila Kenkichi at tsaka yung kasama netong lalaki, nakita ko na biglang lumisan yung kasama nito.

Nakita ko din na nag-paalam sila sa isat isa. Naiwan si Kenkichi.
Pansin ko talaga na mabigat ang dinadala nito. Hindi naman siguro siya maglalasing ng ganyan kung hindi matindi ang problema niya.

Halos lahat naman nang nagpupunta dito sa bar kung hindi pera ang dahilan ng pag inom, pag ibig.

Impossible namang pera ang dahilan kung bakit ito naglalasing.

He looks classy and sophisticated.
He maybe his own boss.

Sino kaya yung taong naging dahilan kung bakit siya naglalasing ng ganyan?

Bulag siguro yun. Tanga tanga.
Kung alam lang niya ang worth ni Kenkichi, hindi niya hahayaan na magpakalasing ito ngayon.

Nararamdaman ko ang pinagdadaanan ni Kenkichi ngayon.

Weird yes. But pakiramdam ko, ako yung nasa kalagayan niya ngayon.

As if I was in his shoes at the moment. I am exactly on the same page with him.

Tahimik lang akong nagmamasid sa kanya.

Kanina pa ito lingon ng lingon sa isang lalaking hindi kalayuan sa kanya.

Nagkaroon sila ng eye contact.
Parang nag uusap ang mga mata nila.

The guy he was looking right now seems suspicious.

Wala akong tiwala sa lalaki.

Mukha siyang decent.
Clean looking,
May itsura.

Pero, hindi maganda pakiramdam ko sa lalaking iyon.

Maya maya lumabas yung lalaki na tinitignan ni Kenkichi.

Tapos sumunod si Kenkichi sa kanya.

Kaya ganun na din ginawa ko, sinudan ko kung saan sila pupunta.

.
.
.
.

CHASE POV

Sinusundan ko lang papalabas ng bar ang lalaking kanina ko pa tinititigan.

Hindi naman siguro masama na pagbigyan ko ang tawag ng aking laman sa gabing ito.

Hahayaan ko na kahit ngayong gabi lang, malimutan ko si Migo.

Sinundan ko siya hanggang sa nakalabas na ito ng bar.

Pumunta ito sa isang madilim na parte ng bar kung saan wala masyadong tao.

Natatakpan kami ng mga sasakyang naka park doon.

Humarap ito sa akin.
Nakangiti ito.

I took a step forward.

Nakatitig lang kami sa isat isa.

Pero ang sunod na ginawa niya ang kinagulat ko.

"Ibigay mo ang wallet mo! Wag kang magtatangkang mag ingay kung hindi papatayin kita! Dali! Wallet!" Sabay tutok sa akin ng balisong.

Sobrang kinabahan ako sa nakakabiglang ginawa ng lalaking ito.

Hindi ko kase inakala na isa pala itong masamang tao.

Wala sa loob kong binigay ang wallet ko. Hindi pa ito nakuntento pati cellphone ko, kinuha niya din.

Akala ko hindi na niya ako sasaktan,
Pero sinapak niya ako sa kanan kong pisngi dahilan ng pag putok ng labi ko. Natumba ako sa impak.

Tapos biglang may isang lalaki ang dumating sinapak niya yung lalaking hold upper.

.
.
.
.
.

MIGO

3:17 am

Ring.. Ring.. Ring..

Sunod sunod na ring ng cellphone ang nakagising sa akin.

Tumingin ako sa wall clock ko,
Past 3 am na pala..

Nakatulog pala kami ni Eirik dito sa sofa..

Hinanap ko kung saan ko napatong yung telepono ko, pumasok ako sa kwarto ko. Nakita ko na nagri-ring yung phone ko.

Unknown number nanaman.

shit sino ba 'to? Istorbo!

Umupo ako sa kama at sinagot ang tawag.

"Hello?"

Isang boses ng babae ang narinig ko na umiiyak sa kabilang linya.

"Migo?"

"Candice? How did you get my phone number?"

"Noong isang taon, we spent this day together.. Pero ngayon, ako nalang mag isa.. Alam mo ba kanina sa reunion, lahat sila masasaya... Lahat sila may mga partner.."

Frustrated na napahawak ako sa noseline ko habang pinapakinggan ko si Candice sa kabilang linya.

"Ako lang ang walang partner kanina... Do you ever miss me?" Madramang sabi ni Candice sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Candice, don't be like this, we're already over."

"I know, matagal ko nang tinanggap ang katotohanan na 'to.... It's just that today is very special... Today is our 4th anniversary... Hindi ko na kayang controlin ang emosyon ko Migo... Hindi ko kayang magsimula nang wala ka... Gusto ko lang malaman mo na... I really miss you.. I can't walk out from our memories.." Mangiyak-ngiyak si Candice habang sinasabi niya ito.

"Candice, the more you act like this, the harder for you to walk out!" I said to her. "Don't try to find out anything about me. Try to delete my number. Delete any messages from me. Delete me!"

"Don't you know that I can't do that!" Sabi ni Candice.

Medyo naaasar na ako kay Candice.
Hindi talaga ito susuko.

Hindi siya nakakaintindi.

"Hanggang ngayon hindi ko pa din sinasara ang posibilidad na we will make up one day.. " - Candice

"Impossible" yan lang ang nasabi ko at binaba ko na ang telepono ko.

Huminga ako ng malalim at nag isip.

3:20 AM: Mga ganitong oras kayo natutulog eh. Ganitong oras kayo magbaba-bye sa isa't-isa. Yung sasabihin niyo "ikaw na magbaba" hanggang sa magtatalo kayo kung sino ba. Nandiyan pa yung walang katapusang good night and goodbye. Ngingiti ka kasi alam mong ayaw pa niyang tumigil na kausapin ka. Hanggang sa sabay kayong tatawa at mauuna ka nang pindutin ang "end call" at hindi pa doon matatapos ang lahat, magtetext ka pa o chat sa kanya ng another good night and sweet dreams.

Ito yung mga 3:20 AM moment na namimiss mo..

Ang 3:20 AM na kinasanayan mo pero hanggang alaala na lang... Hanggang throwback feelings na lang...

Bakit nga ba hindi ko mabigyan bigyan si Candice ng isa pang chance?

Baka naman talaga na nagbago na ito.

Tumingin ako sa direksyon ng pinto ng kwarto ko.

Iba ang saya ko ngayon kase katabi ko si Eirik sa sofa nakatulog kami parehas..

Dahil kaya sa kanya kaya hindi ko magawang balikan si Candice?

Tumayo ako ng kama at lumabas..

I saw Eirik sleeping peacefully like a baby..

Napaka harmless niyang tignan ngayon..

I smiled.

Pasalamat ka, hindi ko magawang balikan ang ex ko... Dahil sayo..

Tinanggal ko ang yakap nitong bote ng beer, sabay buhat sa kanya para ilipat siya sa kama.

Pagkalipat ko sa kanya, tinanggal ko ang suot niyang sapatos.

Saglit ko siyang tinitigan.

Naalala ko, kami nalang palang dalawa ngayon dito sa condo.

Hinubad ko ang suot kong polo long sleeves, sabay patong sa natutulog at walang malay na Eirik.

Ngayon ay topless ako.

Nakapatong na ako sa kanya.

Napapangiti ako sa itsura ngayon ni Eirik..

Tulog na tulog siya..

Walang kalaban laban...

Kaya, pwede kong gawin ang kahit na ano sa kanya..

I gently caress his soft hair..

Tinititigan ko lang ang mukha ni Eirik..

Nakatuon ang atensyon ko sa mapupulang labi nito..

Kinagat ko ang labi ko..

Shet, sinapian na yata ako ng demonyo..

Nilapit ko nang dahan dahan ang mukha ko sa mukha ni Eirik.

Nagulat ako ng biglang dumilat ito kasabay ng may nakakalokong ngiti sa labi....

----

Part 48 is private. Para po walang hassle ang inyong pagbabasa, follow me first. Thank u!

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
364K 13.2K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...