SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (C...

By khelielove

243K 5.9K 1.1K

One day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University)... More

This is NOT the END!
S.U. 1 The Queen
S.U. 2 Losing a father
S.U. 3 Banana Thing
S.U. 4 Mystery Guy
S.U. 5 The Promise
S.U. 6 The Freshmen
S.U. 7 Tears of Joy
S.U. 8 Her pain
S.U. 9 Dilemma
S.U. 10 Eye to Eye
S.U. 11 Bloody Death
S.U. 12 Memorial Park
S.U. 13 Brainstorming
S.U. 14 Chen's Office
S.U. 15 His Power
S.U. 16 Wrongdoer
S.U. 17 Somewhere in Bicol
S.U. 18 Who Is She?
S.U. 19 Going back to Manila
S.U. 20 Rico Tieng
S.U. 21 Revenge is Sweet
S.U. 22 Bye for now?
S.U. 23 Where are you, Zoe?
S.U. 24 Althea Lin Finsky
S.U. 25 Joseph Montes
S.U. 26 Our Second Mother
S.U. 27 Sandberg's Opleiding
S.U. 28 The Island with Stars
S.U. 29 Let Him Out!
S.U. 30 The Sudden Change
S.U. 31 Eight Years Later
S.U. 32 A Bitch One
S.U. 33 Friends for keeps
S.U. 34 Don't Mess With Me
S.U. 35 The Forbidden Plan
S.U. 36 Somewhere in Italy
S.U. 37 La Lotta Finale
S.U. 38 I don't Know You
S.U. 39 Losing Hope
S.U. 40 Wait For Me
S.U. 41 First Move
S.U. 42 Ready Bitches?
S.U. 43 Chen's Mausoleum
S.U. 44 The General Manager
S.U. 46 Coincidence
S.U. 47 Priceless Meeting
S.U. 48 Unforeseen
S.U. 49 Memories
S.U. 50 The Treatment
S.U. 51 Another Game
S.U. 52 Dinner Invitation
S.U. 53 This I Promise You
S.U. 54 A Mother's Love
S.U. 55 The MT
S.U. 56 Greatest Nightmare
S.U. 57 The Reality
S.U. 58 There's Hope
S.U. 59 Waiting for Her
S.U. 60 The Power of Love
Invitation Letter
EPILOGUE
UPDATE
S.C. 1
S.C. 2
S.C. 3
S.C. 4
S.C. 5
S.C. 6
S.C. 7
S.U. 8
S.C. 9
S.C. 10
S.C 11

S.U. 45 When You Look At Me

2.1K 62 16
By khelielove

CHAPTER 45

THIRD PERSON'S POV

"Shit! Miss!" sigaw ng general manager.

Tumayo siya at lumapit sa dalaga. Nag-aalangan siyang hawakan ito subalit nakita niyang nahihirapan nang huminga si Ms. Olsen, nakayuko na kasi ito sa sahig habang sinusuntok ang dibdib. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng dalaga at itinaas ito.

"Miss, what's happening to you?" nag-aalala niyang tanong.

"Al—lergy," paputol-putol na tugon ni Thyra.

Dahan-dahang tinanggal ng general manager ang bandana sa mukha ng dalaga. Bumungad sa kanya ang namamagang mukha nito na puno ng pantal. Bahagya siyang naalarma nang tuluyang manghina si Thyra at bumagsak sa mga balikat niya. Kinalong niya agad ito palabas ng silid at tinawag ang kanyang sekretarya.

Mabilis silang nagpunta sa clinic ng kompanya. Nilapatan ng paunang lunas si Thyra at nilagyan ng mga suwero para makapasok ang mga liquids na kailangan ng kanyang katawan. Walang malay ang dalaga kaya sinabihan ang sekretarya na kontakin ang mga kamag-anak nito. Subalit hindi nila alam kung sino ang tatawagan dahil hindi nila kilala ang pamilyang Olsen.

Kinausap ng doctor ang general manager tungkol sa sitwasyon ni Thyra.

"Mr. Houston, you said she has an allergy right?"

"Yes, she told me before she passed out."

Sumulyap ang doctor sa dalaga 'tsaka nagsalita, "Based on her physical symptoms, she has an allergy in a certain food, maybe seafood or nuts, whatever it is. Those reactions in her physical and immune system can be life-threatening, so people with this type of allergy must be very careful to avoid their food triggers. I will give you the medication suitable for her condition."

"You can give it to my secretary. Thank you, Doc. I need to go now," sambit ng general manager.

Tumango ang doctor. Lumapit naman agad si Elaine sa kanyang boss nang tawagin ito. Sinabihan ito na kapag gumising na si Thyra, sabihin na i-reschedule na lang ang meeting para makapagpahinga siya.

Paglipas ng halos tatlong oras ay bumuti na ang pakiramdam ni Thyra. Umipekto agad ang mga gamot dahil actual siyang natignan ng isang specialist doctor. Hindi na rin gaanong maga ang kanyang mukha kahit medyo namumula pa rin. Maayos na rin siyang nakakahinga at gumaan na ang kanyang pakiramdam.

Pagmulat ng kanyang mga mata ay agad siyang napabangon. Bumungad kasi sa kanya ang puting kisame at puting silid.

"Ayoko rito! Ayoko!" paulit-ulit niyang sigaw. Marahas niyang tinanggal ang nakaturok na suwero sa kanyang kamay.

Bumukas nang malakas ang pinto at pumasok ang nagmamadaling si Elaine. "Ma'am, ano po ang nangyayari?" Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mga dugo sa kamay ng dalaga.

"I want to go home!" sigaw ulit ni Thyra. Hinila niya ang mga suwerong pumulupot sa kanyang braso at pilit iyong inilalayo.

Nilapitan siya ni Elaine at pinigilang magwala. "Ma'am huminahon ka po." Tinapik nito ang dalaga at nang huminahon ay nanginginig ang mga kamay nitong pinunasan ang mga dugo sa kamay ni Thyra. Ngunit hindi pa rin huminto ang paglabas ng mga dugo sa tinusukan ng suwero. Nag-papanic na si Elaine nang mapansin nitong umiiyak na ang dalaga.

"Ayoko rito sa hospital! Bakit niyo ako dinala rito! Ilayo ninyo ako!" sambit ni Thyra.

Hinawakan ni Elaine ang likod ng dalaga at marahang hinaplos. "Ma'am wala ka po sa hospital. Nandito ka lang po sa clinic namin."

Napatigil si Thyra at pinahiran ang kanyang mga mata. Nilibot niya ng tingin ang buong silid.

"Malaki po ang clinic namin dito. Para na siyang mini-hospital na kakaunti lang ang mga room. Gusto po kasi ni Ma'am Sandberg na kapag nagkaroon ng problema sa kalusugan kaming mga empleyado nila ay maidadala agad dito sa clinic na halos kompleto na rin sa gamit para hindi na raw kailangang isugod pa sa labas o sa malayong hospital."

Napayuko si Thyra. Tumitig siya sa kanyang kamay na may mga dugo. Hindi siya takot sa dugo at kung ano pa man ang mangyari sa kanya, sanay na siyang masaktan, masugatan, magkasakit at mahirapan. Pero hindi pa rin siya sanay sa hospital na kung saan nabuo ang kanyang kakaibang takot na hindi niya maipaliwanag kung bakit niya nararamdaman.

"Sorry, Elaine."

Medyo naaawa ito nang masaksihan ang pagwawala ni Thyra kanina. "Okay lang, Ma'am. Punasan na po natin ulit ang mga dugong nasa kamay mo." Kumuha ito ng bulak at muling pinunasan ang kamay ni Thyra.

"Pakisabi rin sa boss mo, sorry. Sa nangyari ngayon, siguro hindi niya na ako haharapin."

Huminto sandali si Elaine at tumingin sa dalaga. "Akala ko rin po Ma'am. Pero si Boss na po ang nagsabi na i-reschedule na lang daw. Isa pa, siya pa po mismo ang naghatid sa 'yo rito sa clinic. Ibigay ko raw po sa 'yo 'tong reseta ng mga gamot."

Napangiti si Thyra. Kahit hindi maganda ang nangyari kanina, masaya siya dahil may second chance pa. "Ang bait pala ng boss mo."

"Opo. Kaso naging masungit nang bumalik na siya sa trabaho kahapon. Galing din po siya sa hospital. Hindi lang namin alam kung ano'ng naging sakit ni boss," dirediretsong sabi ni Elaine.

Hindi iyon pinansin ng dalaga. Mapamasungit man o hindi ang isang tao, kayang-kaya niyang harapin maging sino pa man.

Nang malinisan na ang kamay ni Thyra ay kinausap siya ng doctor. Pinaalalahanan siya sa mga dapat gawin at inumin sa oras na sumumpong ang allergy niya. Tinanong din siya sa kanyang health history at mga kinain bago iyon sumumpong.

Pagkatapos ay inayos na ni Thyra ang kanyang sarili. Naghilamos siya at nag-ayos ng mukha. Kakaunti na lang ang rashes sa balat niya at medyo okay na rin ang kulay ng kutis niya. Hindi niya na sinuot ang shades at bandana. Paglabas sa clinic ay niyakap niya si Elaine. "Maraming salamat ha."

"Walang anuman, Ma'am. Mas magpasalamat ka po kay boss," pabirong tugon ni Elaine.

"Oo nga pala. Nandiyan pa ba siya? Magpapasalamat lang ako saglit. Saglit na saglit lang talaga."

Tinignan ni Elaine ang kanyang relo. Pasado alas singko na, hindi ito sigurado kung nakaalis na ba ang kanyang boss.

"Hindi po ako sure. May meeting si boss ng 5pm, baka nakaalis na rin po," tugon nito.

Lumingon si Thyra sa elevators na nasa likuran nila bago nagsalita, "Tara." Hinigit niya ang kamay ni Elaine papunta sa elevator, "Sisilipin lang natin. Malay mo hindi pala tumuloy umalis."

"Ma'am, ayaw ni boss ang nala-late sa mga meeting kaya malamang wala na po talaga 'yun doon," paninigurado ng sekretarya. Kilala nito ang kanyang boss – ang bawat oras ay mahalaga.

"Masama bang sumilip? Magpapasalamat lang talaga ako. Baka matagalan pa ang reschedule meeting namin e," sambit ng dalaga. Tumango naman si Elaine sa narinig. "May sinabi ba siya kung kailan?" dagdag niya.

Umiling si Elaine. Walang nabanggit ang boss nito. Marahil ay matatagalan pa talaga dahil sunod-sunod ang business meeting schedule ng kanyang boss simula nang bumalik ito sa trabaho. Maraming aayusin at aasikasuhin.

"Tignan mo nga, baka nga matagal pa akong makabalik. Hindi bale, magpapasalamat lang naman ako." Saktong huminto na ang elevator sa 8th floor.

Paglabas nila ay napakamot sa ulo si Elaine at hindi mapakali. "Ma'am, baka mapagalitan kasi ako e," sabi nito.

"Ano ka ba! Sige, ako na ang titingin sa office niya para ako ang mapapagalitan at hindi ikaw." Pipigilan sana ni Elaine ang dalaga pero sa isip-isip nito, baka nakaalis na ang boss niya kaya walang madadatnan sa kuwarto nito. "Don't worry I can manage," pabulong na wika ni Thyra bago naglakad papunta sa silid ng general manager. Hindi na siya pinigilan pa ni Elaine.

Naglakad si Thyra papunta roon. Pagdating sa harap ng pinto ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok. Nakailang katok na siya subalit walang sumasagot. Tumingin siya kay Elaine pero may kausap na sa telepono ang sekretarya.

Sinubukang buksan ni Thyra ang pinto, bumukas naman ito kaya sumilip muna ang dalaga sa loob. Madilim na silid ang tanging sumalubong sa kanyang paningin. Satingin niya ay nakaalis na nga ang general manager. Isasarado niya na sana ang pinto nang mapatingin siya sa kisame ng kuwarto.

Awtomatikong sumilay ang magandang ngiti sa kanyang mukha. Nakatingala siyang naglakad papasok sa loob. Naagaw ng mga glow in the dark stars ang kanyang atensiyon. Napakaganda sa kanyang paningin. Tanging ang mga nakadikit na bituwin ang nagbibigay liwanag sa madilim na silid ng isang general manager.

Naglakad paikot si Thyra habang nakatingala pa rin sa kisame. Pakiramdam niya ay parang nasa ulap siya sabayan pa ng malamig na hangin sa loob ng silid na yumakap sa kanyang balat. Dahan-dahan siyang humakbang papunta sa bandang dulo subalit bigla siyang natumba at napasubsub ang kanyang mukha.

Natigilan siya hindi dahil masakit ang pagkakabagsak niya, kundi dahil napasubsob siya... sa isang matigas na bagay. Gumapang ang kanyang mga kamay... may nahawakan siyang malaki. Kinapakapa pa niya, matigas at hindi gumagalaw. Kinapa niya ulit, marami iyon, mga anim na parang mga bato. Bumaba pa ulit ang kanyang kamay subalit iba ang kanyang naramdaman... parang iba na ang kanyang nahawakan.

"What are you doing?"

"Waaah!" sigaw ni Thyra. Napatayo siya at nagtatatalon sa gulat.

Biglang bumukas ang mga ilaw sa silid. Pagtingin niya sa sahig ay bigla niyang tinakpan ang kanyang mukha. Uminit din ang kanyang mga pisngi. Hindi niya malaman ang gagawin. Ngayon lang nag-sync-in sa kanyang isipan kung ano ang nahawakan niya kanina.

Nakita niya ang isang lalaki na nakahiga sa carpet, wala itong suot na shirt pero nakasuot naman ng pants. Napatalikod agad si Thyra at tumungo habang nakapikit.

"Rule number two, anyone who has no appointment with the general manager is not allowed to come in directly in his room."

Hindi nakaimik ang dalaga. Dahan-dahang tumayo ang general manager at binitawan ang hawak nitong remonte control. Madalas talaga itong humihiga sa sahig pagkatapos ng trabaho. Pinapatay nito ang mga ilaw at kahit na anong bagay na may liwanag. Pagkatapos ay tahimik nitong pagmamasdan ang mga glow in the dark stars sa kisame hanggang ito'y makatulog.

"Who told you to come inside my office?" tanong nito.

Base sa tinig ay halatang galit na ito. "It's me. I'm sorry. I just want to say thank you for helping me."

Kumunot ang noo ng binata. "For helping you? In what sense?" Hindi nito maunawaan ang sinasabi ni Thyra.

"In my allergy attack a while ago," tugon ni Thyra. Mahina ang boses niya at medyo kulob dahil natatakpan ng kanyang kamay.

"Shit! I can't understand you, clearly! Allergy? Oh crap! You're the lady with a red swelling face? Wait... can you please remove your hands and talk to my face not on the floor?" sarkastikong sabi ng binata.

Napakagat sa labi ang dalaga. The lady with a red swelling face? It sounds annoying for her.

Inis na humarap si Thyra. Sumilip muna siya sa maliit na butas sa pagitan ng kanyang mga daliri. Napansin niyang hindi pa rin nagbibihis ang general manager. "Wear your shirt, please!" utos niya.

Napangisi ang binata at tinignan ang kanyang katawan. "Does my body bother you that much? Is it so hard to resist?" biro nito.

Pumintig ang tainga ni Thyra kaya mabilis niyang binagsak ang kanyang mga kamay at taas kilay na dinuro ang binata. "No I'm—"

Natigilan siya maging ang kaharap niya ay natigilan din. Hindi niya inaasahan na muli silang magkikita sa ganitong pagkakataon.

Hindi kumibo ang general manager. Tanging ang mabilis na tibok lamang ng kanyang puso ang gumagalaw ngayon. Napako ang kanyang tingin sa mga mata ng dalaga, tulad pa rin ng dati. Walang pagbabago, walang nagbago.

"Caiden..." 

Hinding-hindi makakalimutan ni Thyra ang lalaking napagkamalan siyang ibang tao sa Catania Airport, Sicily. Napukaw din kasi nito ang kanyang atensiyon. Naaawa siya at hanggang ngayon ay matinding lungkot pa rin ang nakikita niya sa mga mata nito.

"Zoe..."

Biglang tumaas ang kilay niya nang marinig ulit ang pangalang Zoe. "I told you before that I'm not Z—"

"I know, I mean... Thyra Aisha." 

Bumuntong-hininga si Caiden at tumingin sa malayo. Muntik na naman itong maging emosyonal. Subalit kinontrol na nito ang sarili, pinigilang maigi na huwag bumigay.

Simula nang muntik na itong mawalan ng buhay at mabura sa mundo dahil sa kawalan ng pag-asa ay nangako ito na mamahalin na ang sarili. Unti-unting buburahin sa kanyang isipan ang nakaraan na nagbibigay pasakit sa kanyang puso't isipan. Kahit hirap na hirap ay pipilitin talaga dahil gusto na nito ng panibagong buhay. Bagong mundo na kanyang haharapin mag-isa.

Sa katunayan ay ito na ang kanyang huling araw sa silid. Ang huling araw na hihiga ito sa carpet para pagmasdan ang mga glow in the dark stars. Lilipat na ito sa kanyang bagong gawa na opisina sa 10th floor na kung saan panibagong disenyo na ang makikita. Wala ng kahit na ano'ng magsisimbolo kay Hailey.

Subalit, kapag ang tadhana na ang kumilos, mabilis na magugulo ang lahat. Ang huling araw ni Caiden sa kanyang silid ay siyang unang beses naman ni Thyra na mapasok at makita iyon.

"Nice to meet you again, Caiden. The general manager of Sandberg's Empire," nakangiting sambit ni Thyra at nakipagkamay siya sa binata. 

Ang mga ngiti niya ay agad na napansin ng binata. Natural na masaya at hindi pilit na ngiti ang makikita sa maganda niyang mukha.

Nakipagkamay din si Caiden kahit parang naiilang ito. Mabigat na malungkot ang kanyang pakiramdam. Nabigla at hindi nito inaasahan ang pagdating ng babaeng gusto na nitong kalimutan.

"Ms. Olsen, my secretary will contact you tomorrow regarding the reschedule of our meeting. You may now take a rest. Please excuse me." Umiwas na ito bago pa masira ang takip na inilagay nito sa kanyang pusong nagwawala ngayon.

Naglakad si Caiden papunta sa gilid na kung saan nakalagay ang kanyang damit.

"Thank you so much. I'll go now," wika ni Thyra habang nakatingin sa binata subalit hindi na ito lumingon sa kanya.

Nagkibit-balikat na lang ang dalaga at naglakad na papunta sa pintuan. Ngunit bago pa man siya makalabas ay biglang nagsalita si Caiden, "Tell your address to my secretary. She will contact my driver to bring you safe in your home now."

Napangiti si Thyra. Isa pa naman sa pinoproblema niya ay ang kanyang sasakyan pauwi. Baka kasi mahirapan siyang kumuha ng cab dahil hapon na. 

"Again, thank you! Take care, Caiden. Bye!" Kumaway muna ang dalaga bago isinara ang pinto.

Napatigil si Caiden sa pagbotones ng damit niya nang pumatak sa kanyang mga kamay ang mga luhang nag-uunahang tumulo. 

Mayamaya'y kinuha nito ang kanyang remote control na nasa sahig. Pinindot nito ang lights off para mag-close ang lahat ng ilaw sa silid.

Nang madalim na ulit sa kanyang opisina ay 'tsaka nito ibinuhos ang kanyang emosyon. Umiyak ito nang umiyak habang nakatingin sa mga bituwin. Muling gumulo ang kanyang mundo, hindi na tuloy nito alam kung ano na ang kanyang gagawin. 


*****

Enjoy reading!

Kindly write your comment, click like and share this story. I want to hear your voice!

Thank you so much for reading this. I love you all! - Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Makipagkulitan at mag-share ng mga opinyon at kung ano-ano pa! Join our FB Group

Skrivena University group

https://www.facebook.com/groups/650045461763267/

Continue Reading

You'll Also Like

425 5 84
The story that started with 4 pairs experiencing random scenes in their college life. *Slice of life Started 2016 Continued 2nd Quarter 2021 Finishe...
66.5K 969 43
Empire University: Chaos Year Isang Paaralan; Kakaiba ang mga Patakaran; Kakaiba ang mga estudyante; Kakaiba ang Lahat.. Makakayanan mo bang pumasok...
Judas' Kiss By Cha-kun!

Mystery / Thriller

1.5K 171 32
COMPLETED | All Rights Reserved • Chapters • Started: April 03, 2016 Finished: April 21, 2016
83.6K 2.1K 55
The places, events and characters are purely fiction; any resemblances to actual events are purely coincidental. Please do not redistribute my storie...
Wattpad App - Unlock exclusive features