Marry Me, Beki! #Wattys2017

By MoonLightFairy

1.2M 20.8K 2.2K

"Ang pag-ibig na pinilit, nakakapilipit." Sinong matinong babae ang itatali ang sarili sa isang beki?! P.S. I... More

+ P R O L O G U E +
1 - How it all started?
2 - Kasal agad-agad
3 - the wedding song
4- Atlantis Resort
5 - active birdie
6 - anakan
7 - deal again
8 - tonight is the night
9 - curious
10 - dakma
11 - harlem shake
12 - bukol
13 - DARNA
14 - ang sikip
15 - kilig
16 - Fafa Chuck
17 - s*x daw?!
17.2
18 - gwiyomi
19 - tuloy o tigil?
20 - necktie
20.2
21 - competition
22 - Chucka doll?!
23 -hinde!
24 - confession
Author's Note. Important!
25 - Bekimon Club
26 - I'll understand
27 - Jealous
27.2
28 - Tent
29 - Let's make love
30 - truth hurts
30.2
31 - kuskos
31.2
32 - Knight-in-shining-armor
33 - promise
34- call
34.2
35 - Kalapati
36 - together again
37 - mahiwagang tinidor
37 -kidnap
38 - cold coffee
39 - pampatulog
39.2
40 - lost
41 - konsensya ni Sophie
42 - someday
43 - KUYAs
44 - lalaki sa sinehan
44.2
45 - minions
46 -Sorry
47 - stay
48 - De javú
49 - buyers
50 - Mamu
51 - Operation: Balik Dom kay Andrea!
52 - second step
52.2
53- langit
54 - His side
55 - Kakayanin ba?
56 - Team Building
57 - consequence
57.2
58 - I Love This
60 - revelations
61 - another de javu!
62 - please forgive me
63 - Ang Pabor
FINAL PART
PAHABOL NI MAMU
SOME FACTS ABOUT MMB
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!

59 - memory

9.9K 173 45
By MoonLightFairy

Take a look at Bench's picture.


Chapter 59 – memory

ANDREA'S Point of View

Now Playing: Gentleman

"WOOOOH!" nakabibinging sigawan ang maririnig sa buong camping site.

At sino ang dahilan?

Oh well, sino pa ba? E'di ang gwapong-gwapong Hubby ko kasama si Tom na bukod sa paggigitara ay may talent rin pala sa pagsasayaw. Yes, they are currently dancing with the song of Psy, Gentleman. At kinikilig ako habang nakatitig sa Hubby ko na nakangiti habang nagsasayaw. Madalas ring nagtatama ang mga mata namin, feeling ko tuloy ang init at ang pula na ng mukha ko.

"GO, BABY KO!" napatingin kaming lahat sa sumigaw na si Sharina.

Yes, official baby niya na nga si Tom. Oh diba, kanina lang nagkiss tas sila na? Haha, ganyan si Tom, wala sa bokabularyo niya ang salitang "panliligaw." Pero sabagay, ang tagal rin namang niligawan ni Sharina si Tom. Kaya ayan, isa na silang official happy couple, finally.

Lalo pang nangisay sa kilig itong si Sharina nang bigla siyang ngitian at kindatan ng kanyang baby. Nainggit naman tuloy ako, kanina pa kasi ako cheer nang cheer kay Dom pero hindi niya magawa saken 'yun.

"I LOVE YOU BABY KO!" muling sigaw ni Sharina na siyang nagpa-"yieeh" sa buong paligid. Nag-mouth naman si Tom ng "I love you too" bilang response. Tuwang-tuwa tuloy si Sharina na pumapalakpak pa.

Samantala, hindi sinasadyang napatingin ako kay Bench na tumayo sa kanyang kinauupuan.

"Bench!" tawag ko sa kanya.

Nilingon naman niya 'ko at ngumiti ng halatang pilit lang.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Ahh, m-may kukunin lang ako sa tent. Sige ha, bye," tugon niya na halatang nagsisinungaling.

Ilang saglit ang lumipas ay hindi ako mapakali. It seems like there's something wrong... parang may problema ang kaibigan kong si Bench. Kaya naman tumayo na rin ako at sinundan siya.

Naabutan ko siya sa may gilid ng puno na nakatayo at tila may pinagmamasdang litrato. Nakatagilid siya kaya nakita kong may tumulong luha mula sa mata niya.

Napakunot ang noo ko. "Sino ang nasa litrato?"

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Hanggang sa tuluyan na 'kong makalapit sa kanya ay hindi niya pa rin ako napapansin.

Ano kayang problema nito at tila wala sa sarili?

Laking-gulat ko pa nang makilala kung sino ang nasa litrato.

Sina Bench at Sharina na magkaakbay at naka-uniporme ng pang-high school at parehong nakangiti sa litrato!

"B-bench?"

Gulat siyang napalingon sa akin, tila doon niya lang ako napansin.

"A-anong ginagawa mo dito, M-ma'am Andrea?"

"Bakit may picture kayong ganyan ni Sharina?" naisip ko 'yung kanina habang kumakanta kami, kay Sharina rin siya mariing nakatitig habang kumakanta.

Sabi ko na nga ba may matinding pinaghuhugutan si Bench sa kantang 'yun eh.

"Fafa Bench! Madam!" sabay pa kaming napalingon kina Marvin at Helen na humahangos palapit sa amin.

Nakita kong agad na itinago ni Bench ang litratong hawak niya.

"Ano 'yan Fafa Bench?" tanong agad ni Marvin nang makalapit sa amin.

"Anong ano 'yan?" nagmamaang-maangan pang balik tanong ni Bench.

"Ano 'yang tinago mo?" sabay nguso sa likuran niya.

"Ah eh..w-wala 'to Marvin, huwag mo nang tanungin."

Pero dahil sa likas na makulit itong bading naming kaibigan ay hindi na nakaligtas pa si Bench sa pang-uusisa niya.

***

"WHAT?!"gulat at sabay naming bulalas ni Marvin.

"You mean, kababata mo si Sharina?!" tanong ko.

"Paanong nangyari 'yun, Fafa Bench?!" si Marvin.

Lahat kami ay nagulat sa rebelasyon na iyon ni Bench. All this time, kaya pala ganun nalang ang concern niya kay Sharina ay dahil dun.

"Pero bakit hindi ka na niya nakikilala? Kung magkababata kayo, sana man lang hindi ka niya iniiwasan diba?" sabi pa ni Marvin.

"It's because she has an amnesia."

"AMNESIA?!" sabay-sabay pa kaming tatlo nina Marvin at Helen na napatayo sa inuupuan namin.

"Yup, seven years ago ay nasangkot sa isang car accident sina Sharina at ang parents niya. She was the only survivor, but unfortunately she got comatosed... ako, kasama ng Uncle niya ang nagtiyagang mag-alaga sa kanya," naluluha si Bench habang nagkukwento. "Until the day came na magising siya ay ako ang nasa tabi niya, ako ang unang nakita niya pagkamulat ng mga mata niya... I was so happy that time that I didn't even notice na nakakunot na pala ang noo niya habang nakatingin sa akin... which is because, kinikilala niya pala ako. And then she said..."

"Who are you?"

"My world crushed when I heard those words... 'ni hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa kinatatayuan ko... 'ni hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Kaya naman umalis ako... hindi ko kasi matanggap na nawala na 'ko sa alaala niya nang ganun-ganun nalang...nang hindi ko man lang nasasabi sa kanyang..." napatigil si Bench na tila nag-aalangan sa sasabihin. Maya-maya pa'y nagpatuloy rin siya, "So, nagtungo ako sa rooftop ng ospital at doon nagsisigaw at umiyak."

"F-fafa Bench...m-mahal mo ba si S-sharina?" nauutal at tila malungkot na tanong ni Marvin.

Dahan-dahan namang tumango si Bench at saka napatakip sa mata niya ang isang kamay niya—tuluyan na siyang napaiyak. Sabay pa kami ni Helen na lumapit sa kanya at saka hinimas ang likod niya. Samantalang si Marvin ay naka-pout lang habang nakatitig kay Bench, na tila hindi malaman kung lalapitan ba siya o iiyak nalang sa isang sulok—marahil ay nagseselos ito sa nagawang pag-amin ni Bench sa pagmamahal niya kay Sharina. Sa loob kasi ng ilang taong pagsasama naming lahat ay ngayon lang namin nakita itong kaibigan namin na nagkwento at umiyak dahil sa isang babae.

"Ok lang 'yan Bench... everything happens for a reason," ani Helen.

Pati kaming mga kaibigan niya ay nahahawa na ng emosyon sa kanya. Naisip ko, mas matindi pala ang pinagdaraanan niya kesa sa akin. Kung makaiyak ako at  makareklamo sa mga problema ko kay Dom, 'ni hindi man lang pumasok sa isip ko na meron pala sa mga kaibigan kong may mas matinding pinagdaraanan. 'Ni hindi namin napansin ang matinding lungkot sa mga mata niya. Kung may nakapansin man, 'ni hindi kami nag-abalang tanungin kung ano ang problema. Kung hindi ko pa siya makikitang hawak-hawak at pinagmamasdan ang litrato nila ni Sharina. Napailing nalang ako.

Tsk, anong klaseng mga kaibigan kami?!

"Pero bakit nga pala siya napunta sa Australia?" rinig kong tanong ni Helen.

"That was her Uncle's decision. Nagpasya itong dalhin si Sharina sa Australia upang doon na patapusin ng kolehiyo, isa pang dahilan ay upang hindi na mabalik sa memorya niya ang saklap ng pagkawala ng kanyang mga magulang. Hindi naman tumutol doon si Sha kasi ang Uncle niya nalang ang nag-iisang pamilya niya."

"Akala ko ba may amnesia siya? How come na nakilala niya ang Uncle niya?" si Marvin.

"Nope, she didn't recognize her Uncle, nor anyone... she recognizes no one that time. Pero dahil sa mga papel na pinakita sa kanya ng tiyuhin niya bilang patunay na magkamag-anak sila, ay naniwala at nagtiwala siya sa Uncle Bernie niya in the end."

Napatango-tango kami sa paliwanag ni Bench, though hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in nang buo sa akin ang mga sinabi niya. Hindi ko talaga lubos maisip na, of all people, si Sharina pa na kasamahan ng Hubby ko sa Australia, ang nawalay na kababata ni Bench. Tila ba pinaglalaruan kami ng tadhana.

"Why don't you tell her the truth now?" tanong ni Helen.

Tinignan lang namin si Bench, hinihintay ang kanyang kasagutan.

"I don't know, maybe because... because—"

"DAHIL ISA KANG MALAKING DUWAG!"

Nagulat at napatayo kaming lahat sa sigaw na iyon. Sabay-sabay pa kaming napalingon sa likod kung saan naroon si Sharina.

"S-sharina..." nauutal pa 'ko. "K-kanina ka pa ba d'yan—"

"Narinig mo ba?" tanong agad ni Bench habang papalapit kay Sharina.

Ngunit hindi siya nito sinagot at tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng luha mula sa mata nito.

"Tell me, narinig mo ba'ng lahat?!" sigaw na ni Bench habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Sharina na umiiyak pa rin.

"OO! NARINIG KO! NARINIG KO LAHAT! LAHAT-LAHAT!"

Tila nabigla naman si Bench sa sinabing iyon ni Sharina.

So kung narinig niya lahat, does that mean...

"At naaalala ko na rin lahat!"

Lalo kaming nagulat sa sinabi niyang iyon.

 "At kung hindi pa siguro ako napadaan dito ay wala ka talagang balak sabihin sa akin... wala kang balak aminin. Anong klaseng lalaki ka?! Napakaduwag mo!!!" pinaghahampas ni Sharina ang dibdib ni Bench.

Hindi naman iyon pinipigilan ng kaibigan namin, sa halip ay tinatanggap niya lang lahat ng galit ng babaeng mahal niya.

"BAKIT HINDI MO INAMIN SAKEN? ILAN TAON AKONG NAGMUKHANG TANGA SA PAGTUKLAS NG NAKARAAN KO, NAGAWA KO PANG MAG-OPEN SAYO NOON NG PROBLEMA KO. SINABI KO SAYO NA GUSTO KONG MALAMAN ANG NAKARAAN KO, PERO ANONG GINAWA MO? HINAYAAN MO LANG AKO... HINAYAAN MO LANG AKONG MAGMUKHANG TANGA!"

Pareho na silang umiiyak.

"S-sorry..." tinangkang yakapin ni Bench si Sharina ngunit agad itong nagpumiglas.

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Magagawa ba niyang ibalik ang lahat ng oras na nasayang sa akin? Magagawa ba niyang bawiin ang lahat ng bagay na hindi ko pala dapat ginawa?! Hindi! Hindi, diba?! Kinamumuhian kita Bench! Nakakainis ka! I hate you!"

 "I'm so sorry...I know, I know napakalaki ng kasalanan ko sayo, patawarin mo 'ko Sha..."

.

.

.

Lahat kami ay tahimik na nakatingin lang sa kanila. Gusto ko man silang awatin ay hindi ko magawa dahil hindi ko pa mawari ngayon kung sino sa kanila ang tama o mali. I can't figure kung tama ba ang desisyon ni Bench na hindi nga ipaalam kay Sharina ang katotohanan. Pero hindi ko rin siya masisisi, nagmamahal lang siya at inisip niya lang ang kapakanan ng dalaga.

"No Bench..." napukaw ako sa pag-iisip nang magsalitang muli si Sharina. At ganun nalang rin ang pagguho ng mga mundo namin nang marinig ang sumunod niya pang sinabi. "I don't think I am able to forgive you."

Naalarma ako nang bigla kaming talikuran ni Sharina.

Paalis na siya, at wala man lang ginagawa si Bench upang pigilan ito!

Siniko ko si Bench, "Ano? Patuloy ka pa rin bang magpapakaduwag d'yan? Wala ka man lang bang gagawin?"

Hindi siya tumugon.

"BENCH NAMAN! DO SOMETHING! AYOKONG MAGSISI KA SA HULI!" ayokong matulad ka sa akin, na hanggang sa kahuli-hulihan ay nagpakaduwag at hinayaan lang na mawala nang ganun-ganun nalang ang taong mahal ko.

Tumingin muna siya sa akin, saka tumango. Then bigla siyang tumakbo upang habulin si Sharina. Nakita kong niyakap niya ito mula sa likuran. Ilang saglit silang nanatili sa ganoong posisyon. Tila may sinasabi si Bench kay Sharina na siyang pinakikinggan naman ng dalaga. Batid kong pareho na silang umiiyak.

I wonder kung anong sinabi ni Bench na siyang ikinahinahon ni Sharina.

Hinarap ni Bench ang dalaga sa kanya. Tama nga ako, pareho na silang umiiyak... lalo na si Sharina, kaya naman pinahid ng parehong thumb ni Bench ang magkabilang pisngi ng dalaga. Humagagulgol na ng iyak si Sharina, kaya naman niyakap na siya ni Bench, at gumanti naman ng yakap ang dalaga.

Nagkatinginan kami nina Helen at Marvin, pare-pareho kaming nangingilid ng luha ang mga mata. Tila ba nakapanuod kami ng isang live na love story. Happy ending na sana ito, kung hindi lang dahil sa nakita namin pagkaharap naming muli sa kanila—si Tom na matalim na nakatitig sa kanila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Everyone is welcome for the dedication requests . :)

P.S. May favor lang ako dear readers, may balak kasi akong ipasa sa adviser ko sa school paper. I just need your opinions about this one shot entitled Behind the Smile. Kung may time po kayo, pa-click nalang nung external link. Any comment would be very much appreciated. Thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 110 11
Dalawang magkaibang kaharian: Gresha at Acroria. May nabuong magandang pagsasama sa pagitan ng dalawang magkaibang kaharian isang daang taon na ang n...
354K 5.2K 20
Hindi gusto ni Yuki na maging TEAM BAHAY at TEAM IYAK at TEAM ASA SA PHOTO NI BES para makita ang long time crush niyang si Claude. Kaya naman kahit...
875K 19K 60
Nagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo...
23M 404K 97
*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY...