GENTLEMEN Series 1: Cain Sand...

By dehittaileen

2.5M 59.1K 1.6K

Para kay SPO3 Gen Phoebe, katarungan para sa pagkamatay ng kapatid niyang si Claire ang kailangan niya. Ang h... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue

Prologue

197K 3K 85
By dehittaileen

Prologue

Ate Gen,

Birthday na ni Papa sa susunod na buwan. Bibisita ka ba ulit? Kamusta na ang dialysis ni Tita Brenda? Sana gumaling na siya. Naniniwala akong gagaling siya ate. Magdasal lang tayo.

Siya nga pala, Nagpaalam na ko kay na papa at mama. Pumayag silang magbakasyon ako sa'yo dyan sa San Francisco sa susunod na bakasyon ko. Kulang na kulang kasi tayo sa oras. Bakit di ka nalang kasi dito sa Pilipinas mag aral? Sana kasama ka namin. Isama mo rin si Tita Brenda. Sabi ni mama maraming magagaling na espesyalista sa maynila.

Gusto ko rin palang ipakilala sa'yo si Cain. Kakagraduate lang niya sa college, Ate. Mabait siya at maaalalahanin. Parang si Papa. Sigurado ako magkakasundo kayo. Sa Maynila siya nag aral pero nandito ang pamilya niya. Excited na 'ko na makilala mo siya. Marami akong ikukwento sayo tungkol sa kanya. Alam ko excited ka din.

Muntik ho nang makalimutan ate. Pasensya kana. May kasalanan kasi ako sayo. Naalala mo 'yung sapatos mong naiwan mo dito noong magbakasyon ka? Sinuot ko noong nakaraang buwan. Kaya lang inabutan ako ng bagyo at baha kaya nabasa. Pero nagawan naman ni Papa ng paraan. Ginamitan niya ng Rugby kaya dumikit ulit. Sorry ate ha... Alam kong paborito mo 'yon. Salama nga pala sa regalo mong brooch sa'kin noong nakaraang recognition day. Ang ganda niya at alam mo talagang mamahalin

Mag iingat ka palagi. Mag ingat kayo ni Tita Brenda. Mahal na mahal ka ni Papa. At mahal na mahal din kita.

Love,

Claire

Muling itinupi ni Gen ang huling liham na ipinadala ni Claire sa kanya. Ang halos naninilaw nitong papel ay tila tumigas na dulot ng mga luhang naunang pumatak doon magmula ng una pa niyang mabasa ang liham. Ngunit ang tila bangungot na bumalot sa mundo niya noon ay bangungot pa rin na siyang gumigising sa bawat madilim niyang mga gabi. Sa loob ng nakalipas na anim na taon, nasaan na nga ba ang hustisyang matagal na niyang hinihintay? Muli niyang pinasadahan ng tingin ang nasabing liham. Partikular na dumako ang mga mata niya sa pangalan ng taong binanggit ng kapatid niya.

Cain...

Ang naipong hinanakit at poot na matagal nang bumalot sa pagkatao niya ay muling nabuhay. Ang taong suspek sa pagkamatay ni Claire ay malayang namumuhay at tila hindi iniinda ang krimeng dito ibinabato ng pulisya. Kung Malaya man ito ngayon dahil sa impluwensya at pera, gagawin naman niya ang lahat mapatunayan lang na ito nga ang nagkasala sa batas. Mabibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid kung maiipakulong niya ang binata. At gagawin niya ang lahat para lang mangyari iyon. Sukdulang halukayin niya muli ang kaso mapanagot lang niya ang may sala.

Patuloy ang mga tanong sa isip niya paanong hindi nalutas ang kaso ng kapatid niya? Kung paanong walang naging linaw ang kamatayan nito? Gusto niyang masagot ang lahat ng katanugan sa isip niya. At mangyayari lamang iyon kung siya mismo ang bubuhay sa imbestigasyon. Matagal na ang panahon ang nakalipas kaya panahon naman na siguro maharil ngayon na siya naman ang gumawa ng paraan para malutas ang kaso ng kapatid niya. Namatay ang nanay niya nang hindi niya natulungan sa sakit nito. Si Claire naman ay namatay nang wala siya sa tabi niyon. At hhanggang ngayon ay dala dala pa rin niya sa dibidb niya ang pagluluksa na hinid niya alam bakit hinid matapos tapos?

Noong bata siya, tahimik at masayang pamilya lamang ang gusto niya. She wanted to have a complete family picture that she could display anywhere part of their house. But she never had.And Claire was supposed to be the only one biological family she'd left. Until she was murdered. Things that supposed to be happen was totally vanished. 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 29.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
878K 17.6K 24
She has no power to fight against her grandfather. kaya naman Nikita Kim choose to left and hide. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na pangingialam...
1.6M 35.8K 45
GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe Dioann life is like a piece of crumpled paper. Magulo at gusot gusot. She was in the peek of suicidal when the rea...
1.2M 26.7K 31
GENTLEMAN Series 9: David Tyndale "You can fool around David. But please, Not my sister." David always knew what his role to Lucas younger sister. H...