PERVERT MEETS SADIST(COMPLETE...

By PsycheSpellCaster

4M 65.4K 3.1K

A never ending struggle between Chase and Shane's love story. Will they be able to surpass this and live happ... More

INTRODUCTION
PROLOGUE
CHAPTER 1: Meet Pervert and Sadist
Chapter 2 : BAD TO WORST
CHAPTER 3: THE GAME BEGINS
CHAPTER 3.5 : The Game Begins
CHAPTER 4 : Pervert versus Sadist
CHAPTER 5: Ceasefire
CHAPTER 6: My Bestfriend's Secret
CHAPTER 7: A Cassanova
CHAPTER 8: Bessy's Wish
CHAPTER 9: SCHOOL EVENT
CHAPTER 10 : Pervert to the Rescue
CHAPTER 11: Christmas Break
CHAPTER 12: The Christmas Present
CHAPTER 13: New Year's Eve
CHAPTER 14: Confession
CHAPTER 15: OUT FOR A DATE
CHAPTER 16: VOWS
CHAPTER 17: PROM NIGHT
CHAPTER 18: A LITTLE MISUNDERSTANDING
CHAPTER 19 : APOLOGY ACCEPTED
CHAPTER 20 : REASON THAT I LOVE YOU
CHAPTER 21 : SHE'S MY ENERGIZER
CHAPTER 22: RAINBOW ROSES
CHAPTER 23: Past
CHAPTER 24: STUDY SESSION
CHAPTER 26: ALL ABOUT HER
CHAPTER 27: THE KISS
CHAPTER 28: THE PARTY
CHAPTER 29: A VACATION TO REMEMBER
CHAPTER 30: WE ALMOST DID IT!
CHAPTER 31 : The Reason Behind
CHAPTER 32: KASAMA KANG TUMANDA
CHAPTER 33: WORST MONTHSARY
CHAPTER 34: I FORGIVE YOU
CHAPTER 35: SHE BLACKMAILED ME
CHAPTER 36: CHASE SIDE
CHAPTER 37: FEEDING PROGRAM
CHAPTER 38: A PROMISE MADE
CHAPTER 39: PATRICIA'S DEPARTURE
CHAPTER 40: He's Leaving
CHAPTER 41: A NEW FOUND STRANGER
CHAPTER 42: BESSY WAS KIDNAPPED
CHAPTER 43: SCHOOL DAYS
CHAPTER 44: OUR NEW CLASSMATE
CHAPTER 45: THE SURPRISE
CHAPTER 46: SHE IS BACK
CHAPTER 47: REASON

CHAPTER 25: A TOTAL PSYCHO

46.7K 911 53
By PsycheSpellCaster



*ting* tunog ng oven.


Mabuti na lang at tumunog ang oven, kanina pa kasi ako nabibingi sa katahimikang namamagitan sa pagitan naming dalawa.


"Luto na!" aniya tsaka lumapit sa harapan ng oven at yumuko nang kaunti para tingnan ang cookies sa loob. Kinuha ko ang pot cloth sa mesa at lumapit din sa oven. Nang buksan ko ito ay agad na sumingaw sa buong kusina ang masarap na amoy ng cookies.


"Wow! Parang masarap." puri ni Chase habang nilalanghap ito. Inilabas ko na ito sa loob ng oven at ipinatong sa mesa.


"Tikman mo nga." turan ko sakanya pero umiling-iling lang siya at sinabing ako muna, tsaka siya kumuha ng isang piraso at nilapit sa bibig ko.


"Say 'ahhhh' be." aniya kaya bigla akong natawa. Ano ako bata? Isa pa, ngayon lang may gumawa nito sa akin, baka masanay ako. Umiling-iling na lamang ako kaya bigla siyang ngumuso.


"KJ ka naman! Dali na! Tikman mo na kasi." sandali ko siyang pinakatitigan at naisipang asarin kaya mas lalo pa siyang ngumuso. Nang pakiramdam ko eh parang naiinis na siya ay pumayag na ako.


"Oo na po! Ahhhh. . ." binuksan ko ang aking bibig at isinubo naman niya ang cookies. Inubos ko muna ang isang buong cookies bago makapagsalita.


"Hmmm. Ang sarap be! Tama lang ang pagkakagawa. Di siya ganon katamis kaya di masakit sa lalamunan." puna ko tsaka sumenyas ng 'thumbs up' sakanya.  Kita ko ang pagkainggit sakanyang mga mata kaya dali itong kumuha nang isang piraso't kinain. 


Agad na nagningning ang kanyang mga mata at sumilay ang isang matamis na ngiti sakanyang labi, "Grabe ang sarap nga, ang galing ko talaga." pagmamayabang nito na ikinatawa ko na lamang, Umiling-iling ako't kumuha na lang ng isa pang cookies at ninamnam ang lasa nito. 


Mukhang naging maayos naman ulit ang lahat. Ang akala ko kasi ay magtutuloy-tuloy ito hanggang mamaya. Kung ano man ang naging rason nang pag-iiba ng mood niya kanina ay di ko na lang siguro tatanungin, ako na lang mismo ang aalam.


Tumigil kaming dalawa sa kakatawa at nagkatitigan ng matagal. Ipinatong niya lang ang kanyang kamay sa aking ulo tsaka siya ngumiti. For some reasons, hindi umabot ang ngiti niya sakanyang mga mata kaya hindi ko nagawang ngumiti pabalik sakanya. Napansin niya ito agad kaya biglang nawala ang ngiti sakanyang labi at umiwas na lamang siya ng tingin.


I wanted to speak that moment when he looked away but I stopped myself from raising a question because I felt like I am not going to get a reply.  


If he doesn't want to talk about it then maybe it's really something personal. Baguhan pa lang naman kami sa relasyon na ito, tama bang pumasok agad sa personal problems niya? Hindi ba ako magmumukhang pakialamera? 


Napatungo ako at napabuntong-hininga. 


Sa susunod na nga lang naming pagkikita, baka sakaling doon ay may sabihin na siya.


* * &&& * *


Maayos naman na natapos ang study session naming dalawa ni Chase. Sa unang araw ay medyo nahirapan ako sa pag-aaral pero nang pangalawa at ikatlong araw ay nagawa ko na ring makapag-concentrate sa mga subjects na pinag-aralan ko. Nagawa nga naming matapos lahat nang subjects nung ikalawang araw pa lamang, tapos nang ikatlong araw ay nag-back read na lamang kami.


Ngayon masasabi kong ready na ako para sa periodical exams namin. Thanks kay be at ginanahan akong mag-aral.


Tulad nga ng sinabi niya, 3 days lang siya dito sa amin. Pupunta pa kasi sila ng Baguio para umattend daw ng debut ng pinsan niya. Kaka-text niya nga lang kanina sa akin na nakarating na daw sila ng Baguio eh.


Anyway, next week is our 4th periodical examination and then next week is our special day!


Yeah! You know what I mean! At dahil nga first time ko magka jowa. di ko alam kung ano bang ginagawa kapag monthsary.


* * &&& * *


"Pakshet! Male-late na ako!" Napabangon ako ng de-oras sa kama't dali-daling naligo, nag-toothbrush at nagsuot ng uniform. Di na nga ako nakapag almusal eh, tumatakbo pa ako palabas ng subdivision namin. Wala kasi sila mommy kaya walang maghahatid sa akin, si Chase kasi pumasok na daw, sinundo niya ako dito pero tulog pa daw ako 'nun.


Buhay!


Five minutes before time ay nasa highway pa rin ako dahil sobrang traffic, may nagbanggaan daw kasing dalawang truck sa may intersection. Pag nagtagal pa kami dito male-late na talaga ako kaya naisipan ko na lang tumakbo.


"Manong, saglit lang bababa po ako." Inabot ko na kay manong driver ang bayad tsaka kumaripas ng takbo. Nakarating naman ako sa school at wala nang katao-tao sa labas ng campus. 


Nag-start na siguro ang exams! 


Tumatakbo akong umakyat papunta sa room namin, pagdating sa tapat ng room, naghahabol ako nang hininga pero hindi ko na ito pinansin.


"You're late Ms. Perez. Kindly sit down now and start answering your exam."


"Y-Yes ma'am." dali akong pumunta sa aking upuan at tumingin kay bessy.


"Dalian mo na." pabulong niyang sabi kaya nginitian ko na lamang siya. Pag-upo ko, agad na binigay sa'kin ni ma'am ang test paper ko.


Math ang first exam namin, umagang-umaga pipigain talaga utak mo, hindi pa naman ako nag umagahan. 


Mabuti na nang lang at lahat ng problem and cases sa exam ay alam ko kung pano sagutan. 


Napangiti ako't agad na naisip si Chase. Sana'y masagutan niya din lahat ng exams nila at di siya mahirapan. 


Sa whole day na yun hindi kami nagkita ni Chase. Straight hanggang afternoon kasi ang tests namin pero maaga kami umuwi dahil maaga rin namin natapos ang mga exams. Sa bahay agad ang diretso ko galing school dahil kailangan ko pang pag-aralan muli ang mga natitirang subjects para bukas.


Nang bandang alas-nwebe ng gabi, nag-text sa'kin si Chase. Sinabi niya lang na goodluck sa exams ko para bukas at kita daw kami after, may goodnight kiss din tapos I love you, hindi na nga ako nakapag reply kasi wala akong load, kaya natulog na lang ako.


* * &&& * *


Last day of examination na!  After this, bakasyon and graduation! 


Maaga nag umpisa ang first exam namin sa umaga kaya nang mga bandang hapon ay free time na namin.


"Hi salamat natapos din ang exams!" umuunat na sabi ni bessy.


"Oo nga! Grabe, kakapagod yun ha." sagot ko naman pabalik habang nag aayos ng gamit. Bigla ko namang naalala na sabay kaming uuwi ni Chase ngayon kaya agad ko na itong sinabi kay bessy.


"Bessy, mauna kana umuwi, aantayin ko pa si Chase eh."


"Ohh I see. Sige kita na lang tayo bukas! Ingat kayo pauwi!"


"Okay ikaw din bessy! See 'ya." nagbeso kaming dalawa bago tuluyang mag hiwalay sa hallway. Pababa na siya ng hagdan samantalang ako naman ay paakyat papunta sa ikaapat na palapag.


Sakto lang ang dating ko't nagsisilabasan na ang mga classmates niya. Nang makalabas na ang iilan ay tsaka lang ako sumilip sa loob ng room, doon ay namataan ko siyang nag aayos ng gamit sa bag niya. Pinagmasdan ko siya habang seryoso sa kanyang ginagawa, mukha nga siyang lutang eh. Kaya siguro di pa niya ako napapansin magpahanggang ngayon.


Pero ayos lang! Ang cute naman niyang tingnan!


Bumungisngis ako kaya siya napatingin sa gawi ko't nagulat. Nang makabawi ay tsaka lang siya ngumiti.


"Una na ako pre!" paalam niya sa kanyang mga kaibigan.


"Sige! Yung usapan sa saturday ha!" paalala ni Ken sakanya tsaka sila nag fist bump bago tuluyang tumakbo si Chase papunta sa akin.


Ngumiti kaming muli sa isa't-isa bago naglakad pababa ng hagdan habang nakaakbay siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Naaamoy ko na naman tuloy ang nakakaadik niyang pabango.


"Musta exam be?"


"Huh? Ah eh. Ayun okay lang naman. Hindi ako nahirapan salamat sa'yo." sagot ko sa tanong niya sabay pisil ng kanyang pisngi.


"A-ARAY! Bago yun ha. Pwede bang ganyan na lang ang gawin mo sakin imbes na binabatukan mo ako?" nangingiting ani niya habang hinihimas ang kanyang pisngi.


"Iba naman kasi 'to. Yung batok, para 'yun sa kamanyakan mo!"


"Grabe ka naman! Namumuro ka na kasi eh." nakangusong pagdadahilan niya habang mataman akong tinititigan.


"Sino ba may kasalanan?!" pagdedepensa ko naman sa aking sarili.


"What? I can't help it, you're just so damn hot kaya gusto kong minamanyak ka." humagalpak siya ng tawa pagkatapos. Inismiran ko lang siya at pinalo sa braso.


"Ewan ko sayo! Tayo na nga!"


Bago umuwi ay kumain muna kami sa isang fast food chain at nag-stroll sa loob ng mall. Di pa kami nakuntento at sunod na nilibot ang park. Nang mapagod ay tsaka lang niya ako inihatid pauwi sa amin.


Umuwi ako agad pagkatapos kong idaan si Shane sa bahay nila. Pagpasok ko ng bahay ay ipinatong ko ang aking bag sa upuan at tinawag si mom, "Mom! I'm home!"


Lumabas mula sa kusina si mom at sinalubong ako ng yakap at halik sa pisngi. "Chase baby. Let's eat dinner." aniyang abot hanggang tenga ang ngiti.


"Kumain palang kami ni Shane mommy eh. Kayo na lang, I'm still full." akma pa lang magsasalita si mom nang may biglang magsalita sa bukana ng kusina at di ko inaasahan na siya ang makikita ko mula doon.


"Your not eating dinner? Sayang naman, tumulong pa naman ako sa pagluluto." nakangusong sabi nito.


Pinangunutan ako ng noo at walang ganang nagtanong sakanya. "What are you doing here?"


"I just want to say thank you and sorry for what happened last last day." napatungo siya pagkatapos at nilaro ang mga daliri.


"You don't need to say thank you. I didn't do that because I wanted too, I did that because I have no choice." sabi ko tsaka muling sinukbit sa balikat ang bag ko't umakyat ng hagdan.


" Wait Chase!" tinawag niya ako pero di ako lumingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa marating ko ang aking kwarto at padabog na sinara ang pinto.


Damn that girl! Ang ganda-ganda ng araw ko, balak na naman ata niyang sirain. Goodness! Give me a break!


Lumabas ako ng veranda para lumanghap ng sariwang hangin. Hinubad ko na din ang aking polo at ipinatong ito sa steel chair sa aking tabi.


"Chase." Agad akong napamura sa aking isipan nang marinig ang boses niya sa aking likuran.


"Don't you know how to knock?!" asik ko sakanya.


"I'm sorry Chase. Try to listen to me naman oh! Sobrang pinagsisisihan ko yung pag-iwan sayo. Right now, wala akong ibang gusto kundi ang punan ang pagkakamaling iyon, gusto kong bumawi sayo. I just want you back Chase... And I promise, as in really promise... that this time, I'll never leave your side again..." nilingon ko siyang kunot-noo.


"Look Patricia, this is not between you and me anymore, you see someone is already involved, it's my girlfriend, Shane. She doesn't deserve to be broken because of me. Look, she makes me happy, she makes me laugh, I feel complete pag nandyan siya. Those feelings, I never felt that noong tayo pa. She makes me feel na hindi niya ako iiwan tulad ng ginawa mo sakin and more importantly, I love her." agad na nangunot ang noo niya.


"Your just longing for someone to love you and fill that empty space in your heart because you were hurt. Chase that's not love at all, it's a need. You just thought that you love her pero suddenly you'll realize na hindi pala talaga. And Chase, I'm the only one who can fix you not her. Leave her and start over with me."


Natawa ako sa sinabi niya ngunit may halong inis. "Fool! Sino ka para sabihin sakin na iwan siya para sayo? Sino ka ba huh?? As far as I remember, isa ka lang naman sa mga EX'S ko. Matagal ko ng tinapos ang namamagitan sa atin Patricia. Matagal ko ng binaon sa limot ang pagmamahal ko sayo noon. At iyang sinasabi mong empty space? Ako ang pipili kung sino ang gusto kong punan iyon at hindi ikaw! Kaya wag kang makialam at umalis ka na Patricia! Nakakasira ka ng araw! Darn it!"


She stayed foot at hindi pa umalis sa kinatatayuan niya, "Okay then, then I'll just ruin your relationship, kung hindi ka rin naman babalik, I'd rather see you single than you loving someone else!" Lumapit ako sakanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso.


"DON'T YOU DARE DO ANYTHING STUPID PATRICIA, AKO ANG MAKAKALABAN MO!!"


"HA!!! You know what I am capable of, lalong-lalo na kapag ginusto ko, gagawin ko and I'll do everything to win it over, by hook or by crook! Just watch me ruin everything Chase, if you don't come back, watch me crash her soul pieces by pieces until maisipan niya na lang na magpakamatay!"


"YOU'RE A TOTAL PSYCHO!"


"I KNOW! That's what I am!" hinigit niya ang kamay sa pagkakahawak ko at lumabas na ng kwarto.


Napahilamos na lang ako ng mukha at desmayadong napaupo sa steel chair sa aking likuran.


Damn it! Shane is in big trouble...


Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 148 15
[COMPLETED] A sad guy, living a lonely existence, saves a young woman from jumping off a bridge, then finds himself in a dangerous romance that would...
2.1K 209 15
Miles & Nate moments after 5 years
102K 2.6K 52
What will you do if you end up in someone else body?
1M 32K 62
[WILL UNDERGO MAJOR REVISION] Isang simpleng babae na may tahimik na buhay at nakilala ang limang lalaki na grabe ang kasikatan sa bansa..Ano na lan...