Bae Meets Dre

By imarksato

380K 10.1K 1.1K

"You are the trouble I'm In" More

Foreword
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Author's Note
Migo's Diary
Part 55
Hey!
HEY! HEY!
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68

Part 25

5.6K 113 6
By imarksato

Picture of Franco above, Migo's rival. Played by Jay Arcilla

CANDICE

Earlier..

"You're funny kanina mo pa ako pinapatawa,"

Ngumiti ito bago sumagot.

"If I were you I will take the suggestion, kailangan mo munang makuha ang loob ng Fransisco na yan.. So might as well take my advice to regain the trust of your ex,"

Kanina habang nag uusap kami, minungkahi niya na magpaandar na muna ako para maibalik ko ang nawalang loob sa akin ni Miguel.

"Don't worry, I got everything under control." Confident kong sabi.

Actually, ramdam ko na konting konti nalang na bibigay na din sa akin si Miguel. Nararamdaman ko na malapit na siyang bumigay sa akin. Base sa naging pag uusap namin the other night, finally lumalambot na ang puso niya sa akin. And I think he will forgive me na. At kapag nagtuloy tuloy yung mga paandar ko, in the end, bibigay din sa akin si Miguel at magiging kami ulit.

"That's what I'm talking about," sabi niya pa.

Nag cheers kami ni Franco. Nagkita kami ngayon para mag inom dito sa bar. Hanggang napunta ang usapan namin kay Miguel.

"Wait, you said the other day na ka batch mate mo ako right? So paanong nagkaron ka ng koneksyon kay Migo? Paano kayo nagkakilala?" Alam ko na medyo lango na ako sa alak. Kanina pa kasi ako nandito sa bar. Habang inaantay ko siya ay nagsimula na akong uminom.

Ngumiti muna ito ng mapait bago sumagot. "Kilalang kilala ko yang si Fransisco. Malabong makalimutan ko ang apelyidong dala dala niya,"
sabay inom ng alak ni Franco.

Ramdam kong may motibo itong si Franco patungkol kay Miguel. Ang tanong, ano naman iyon? Napapaisip ako kung ano ba talaga ang motibo ng lalaking ito kay Miguel at bakit ganun ganun nalang niya akong willing na tulungan na magkabalikan ulit kami?

"You know what, I think you need to go home, look, you're red as a tomato na. Madami ka nang naiinom,"

Madami na nga kaming naiinom, actually balak ko talaga magpakalasing tonight. This is part of my plan. I am planning to see Miguel.

"Tara, I'll take you home," Yaya sa akin ni Franco. At naramdaman ko na iba ang pagkakahawak niya sa akin ha.. Hmm.. What's this guy want ba? He's too confusing.

"No! I dont want to go home, gusto ko na ihatid mo ako kela Miguel ngayon na!" Sabi ko habang palabas kami sa bar.

"As you wish"

Ganun na nga ang nangyari. Sumakay na ako ng kotse niya at hinatid na ako sa bahay nila Miguel.
Nang makarating na ako doon sa may gate nila, pinagbuksan ako kaagad ng guard at tinawag ang katulong nila.

"Sabel! Sabel! Dali andito si Mam Candice lasing na lasing!" Sabi ng guard habang inaalalayan akong maglakad.

"Ayy Diyos ko Mam!!" Dinig kong sabi ni Sabel bago ako namawalan ng malay.

***

FRANCO

Akala ko pa naman mahihirapan ako sa mga gagawin ko.

E mas madali pa yata to sa 1 2 3 eh. Napaka daling utuin nitong si Candice. Ni hindi nga ako nahirapang mag isip. Hindi ako pinawisan. Wala pa rin siyang pinagbago. Maganda nga, pulpol naman ang utak. Hmp. Bagay na bagay nga kayong dalawa nung Fransisco na yan, parehas silang mga makikitid ang utak. Lagi lang nilang iniisip ang sarili nila. Wala silang pakelam sa damdamin ng iba. Ewan ko nga ba, ganyan na siguro lahat ng mayayaman. Akala nila nasa tuktok na sila ng mundo kung maka asta. Porke marami silang pera. Akala ba nila madadala nila sa hukay yang yaman nila?

Kasalukuyang pauwi na ako at nagdadrive ng tumunog ang telepono ko agad kong sinagot iyon nang makita ko sa screen ang pangalan ni Dindo. Siya yung hinire ko para isagawa ang plano kong saktan si Miguel sa pamamagitan ng mga taong malapit sa kanya. Matagal tagal ko nang minamatyagan yang Fransisco na yan. Siguro may balita na ito sa pinapatrabaho ko sa kanila.

"O anong balita Dindo?"

"Boss Franc, nagawa na namin. Siguradong tusta na yung mag lola dun. Wala na silang kawala at sigurado ako na pinaglalamayan na yung bangkay nila ngayon hehehe."

Napaisip ako dun, hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa. May isa pa akong espiya na binabayaran para mag matyag kay Miguel. At huling balita neto sa akin noong isang araw na nakita daw neto na buhay na buhay pa ang mag lola at nandoon sila ngayon nakatira sa condo ni Miguel sa Makati.

"Gaano ka naman kasigurado na sila nga ang pinaglalamayan at hindi ibang tao aber? Pwede paki linaw hindi kase klaro sa akin Dindo," medyo naaasar na ako sa dalawa kong espiya. Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa mga gungong na to?

Narinig ko ang pigil na paglunok ni Dindo sa kabilang linya bago ito nakasagot.

"Ahh.... ehh... boss Franco. Hindi ba ang iniutos niyo lang eh ang sunugin namin ang bahay ng mga Rivera?"

Pinipigilan ko ang magalit.
Nagtatangis na ang bagang ko sa tingin ko na kapalpakan ng mga gungong na to.

"Oo yun nga ang pinapagawa ko sayo. At alam ko naman na nagawa mo iyon. Ngayon, ang tinatanong ko, kung nailigpit mo na ang mag lola."

"Ahh.... ehh.."

Bago pa man nakasagot si Dindo. Naihampas ko ang kamay ko sa manibela. Sabi ko na nga ba, palpak nanaman ang mga gungong!

"Wala talaga kayong silbe!!!"

"E boss franc, nagawa naman namin ang pinag uutos niyo, nasunog naman namin ang bahay nila. May bonus nga kasi maraming nadamay."

Ang tanga tanga talaga! Puta nanggigigil ako sa mga ugok na to.

"Wala akong pakelam sa ibang tao. Ang utos ko siguraduhin ninyo na mamamatay sa sunog ang mag lola! Gungong!!!"

"Ay sorry po boss Franc, di ko kase ganong naitindihan ang utos niyo"

"Sayang lang ang binabayad ko sa inyo! Noong una sa bar, pumalpak kayo na pabugbog yang si Fransisco, tapos ngayon, palpak nanaman!!"

"Pasensya na boss Franc, tao lang"

Putangnang to. Akala siguro neto naglalaro lang ako.

"Ayusin niyo ang maayos yang trabaho niyo! Kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na palitan kayo!"

"Sorry na po boss Franc. Naexite lang ako" Tangang to puro pera lang ang gusto. Parang di pa sinsero ang paghingi ng tawad.

Pero naiisip ko, madami pa namang pagkakataon para makaganti jan kay Miguel. Sabi nga nila, lahat ay may tamang panahon.

FLASHBACK

Napag usapan namin ngayon ni Coach Vince at ng buong team na may bago daw siyang ipapasok sa team namin.

"Boys be ready ha, I want you all to meet the newest addition to our team, later you will meet him after ng break."

"Bagong salta coach? malapit na ang laban natin baka di yan makahabol sa game plan," angal ng isa kong ka team.

"Oo nga coach Vince, since bago yan, malamang tuturuan pa namin yan ng mga tricks, mahirap na coach, baka mangangapa lang yan sa umpisa," sabi pa ng isa.

"Oo alam ko yan. Kaya nga sinasabi ko na ngayon palang na maghanda kayo. Three weeks pa naman yung laro so may oras pa tayong i adjust ang ating sarili para sa kanya." Ani pa ni Coach.

Ako naman nasa gilid lang. Nakatayo at tahimik lang na pinapakinggan ang mga saling nila.

"Bakit hindi natin tanungin si Franco tutal siya naman ang captain, ano pre, sang ayon ka ba kay Coach? Tayo pa daw ang mag aadjust?"

Ako kasi ang team captain ng team at kasalukuyang MVP ngayong taon. Kaya parang nilalapit na muna nila ang mga arrangements o mga balita sa akin kung ookey ako. Since ako naman ang team captain, sigurado ako na paniniwalaan ako ni coach Vince.

"Bat naman po ganun coach, biglaan?" Tanong ko kay coach Vince.

"Franco, Inaasahan ko na ang reaksyon niyo ngayon kaya habang maaga pa pinaabiso ko na sa inyo. Isa pa, this boy got potential. Maganda ang pasok niya kasi injured ngayon si Mac, may magsasub para sa kanya."

"Pero coach, tama ang team, bago yan. Rookie. So malamang baka nga mangangapa pa yan at baka siya pa ang maging dahilan ng pagkatalo ng team."

Narinig ko na sabay sabay na umagree sa akin ang team.

"At tsaka coach, sino ba yang ipapasok mo? Bakit nakakaamoy kami ng special treatment?"

Sabi ni Mac, isa siya sa asset ng team.

"Oo nga coach. Hindi naman yata patas yan. Nung kailan lang, nagpa audition tayo at wala man lang kayo nakuha tapos mababalitaan nalang namin bigla na may bago na kayong narecruit?" Sabi ko pa.

Sabay sabay na kaming nagsasalita. Halos buong team hindi talaga pabor sa plano ni coach.

"Boys boys!" Saway ni coach. At nang mapansin niya na walang gustong manahimik, nag pito ito nang pagkalakas lakas kaya parang nabingi ako dun. Medyo malapit lang kaseko kay Coach.

"Hindi ko kayo tinuruan ng maging mapanghusga sa mga bagong salta diba? Dapat kayo ang maging magandang ihemplo sa mga rookie."

"Anong level na ba niyan coach, freshman?"

Sabay sabay nagtawanan ang buong team at pati na din ako natawa na sa tanong ni Mac. Nagapiran pa kami neto.

"Senior na din siya tulad niyo, this boy got moves  kita ko na may potential siya at bagay na bagay siya sa team,"

"Sino ba kasi yan coach, si Doctora o si Bernales?"

Mukang gago tong si Mac. Di makausap ng maayos. Natatawa nalang ako sa kanya. Tinutukoy niya yung dalawang bading sa kabilang section. Patawa ang puta. Kala mo high e.

"Basta you will meet him later sige na have a break," sabay pito ni coach para i dismiss kami.

Nakita ko naman ang pagsenyas sa akin ni coach kaya lumapit ako sa kanya.
"Franco, I want you to teach this boy sa mga moveset ng team ha, aasahan kita," bulong ni coach sa akin.

"Ako bahala coach. Yakang yaka na yan," sabi ko naman kay coach.

"Sino ba talaga yang bago na yan coach?" Tanong kong bigla.

"Si Fransisco. Yung anak ng benefactor ng school natin."

Nanlaki naman ang mata ko dun. Di ko inasahan yung sagot ni coach.

"Fransisco? As in Jaime Fransisco yung anak niya?"

"Wag ka na maingay sa team mates mo, mamaya after ng class niya ay pupunta siya dito. Sige na mag break ka na at may practice pa tayo after."

Naiwan naman akong nakatayo habang palabas si coach ng gym.

Natulala ako kasi maimpluwensya ang pamilya ng mga Fransisco. Minsan na naming na meet tatay niya nong nanalo ang team laban sa OLPS nun last year, ang tatay din kasi niya ang nag sponsor ng uniform ng team kaya respetado talaga ang apelyedong Fransisco sa school. Kaya pala ganun ganun nalang ipasok siya ni coach. Tatay pala niya ang benefactor ng school. Tsk. Feeling ko mayabang siya. At feeling ko, hindi kami magkakasundo.

"Babe!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. It's my Girlfriend, Jordana.

"Hi babe" sabay kiss ko sa lips niya.

"Nandito ka lang pala I've been looking everywhere for you, tara na let's have lunch. Pinagluto kita ng favorite mong tuna fillet,"
Sabi niya habang pinupunasan ang pawis ko gamit ang nakasukbit na puting towel sa balikat ko.

Eto yung nagustuhan ko sa kanya, sobrang sweet at maasikaso. Kaya nga mahal na mahal ko tong babaeng to .

Kinuha ko ang dala niyang paper bag sabay inamoy iyon.

"Hmmm.. mukhang masarap to ha, ang sweet sweet naman ng baby ko. Pa kiss nga ulit,"

Sabay halik namin. Pero, with matching dila. Nag torrid kissing kami. Wala kaming pake sa pumasok na janitor si kuya Joseph.

"Kayong dalawa hindi to motel ha. Paaralan ito. Kung gusto niyo doon niyo yan gawin sa kwarto ninyo,"

Mapagbiro talaga tong si kuya Joseph kaya mahal ng buong school yan e. I think he's working here for over a decade kung hindi ako nagkakamali.

Naghiwalay kami ng labi ni Jordana sabay ngiti kay kuya Joseph.

"Mag girlfriend ka na kase kuya Jo para ma feel mo din haha,"

"Wala na kami ng katextmate ko nag break na kami," sabi pa niya.

"Aww.. Kaya pala ang bitter mo kuya, pero, may bago ka? Alam ko, ikaw pa mawawalan haha,"

"Hay nako Franco alam na this." Sabay pogi sign with matching kindat pa ni kuya Joseph na ikinatawa ko naman.

Ganito lang kami ni kuya Joseph kapag nagkikita, ayos din kase kakwentuhan si kuya parang bata lang eh. Sobrang kalog.

"Yan tayo ehh. Apir nga jan!" Nag apir pa kaming dalawa.

Natatawa nalang si Jordana sa amin.

"Lets go?" Yaya ko sa kanya habang naka angkla ako sa bewang niya.

"What's wrong babe, hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ni Jordana sa akin na nakapag distract sa malamin kong pag iisip.

"No babe, I liked it. Masarap sobra," ngiting sabi ko.

"Bakit ka tulala? May problema ka ba babe?" Napatingin ako sa girlfriend ko, ang cute niya lang habang tinanong niya ako. Ang cute niyang mag alala. Nakakagigil.

Kinurot ko ng marahan yung pisngi niya. "Nothing babe, don't mind that, tara let's eat nalang."

Nang matapos ang lunch break, hinatid ko na ang girfriend ko sa may gate. College na kasi siya. At may pasok pa siya ng 1:30.
Maaga aga pa naman, 11:47 am sabi ng orasan sa may guard house sa may gate.

"Ingat ka baby, call me ha," sabi ko after naming mag kiss habang inaantay ko muna siyang makasakay ng taxi bago ako pumasok ng gate.

Naiisip ko kanina yung sinabi ni coach na ako daw ang magtuturo kay Fransisco. Naisip ko lang kase na baka masapawan ako nitong Fransisco at gamitin ang impluwensya niya sa team. Tsk. Di naman pwede yun. Di ko hahayaang mangyari yun. Tangina ngayon palang bad shot na sa akin si Fransisco, what more pa kaya pag nagkita na kami?

***

Nang makauwi na ako sa bahay. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

"Malapit ka nang makaganti kay Edward Miguel Fransisco. Makikita niya kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng mahal mo sa buhay."

Nangigigil ako at wala sa sariling nasapak ko ang salamin. Di ko man lang ininda ang hapdi noon. Mas lamang ang pakiramdam ko na makaganti jan kay Fransisco. Kinuyom ko ang aking palad at nangako na gaganti ako ng wagas.

Sinusumpa ko..

Sinusumpa ko!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
29.3M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...