Bae Meets Dre

By imarksato

382K 10.1K 1.1K

"You are the trouble I'm In" More

Foreword
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Author's Note
Migo's Diary
Part 55
Hey!
HEY! HEY!
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68

Part 17

6.4K 173 12
By imarksato

MIGO

I was in my condo one friday morning.

Kasalukuyang nasa may terrace ako nagkakape kasi inaantay ko matapos yung tiga linis dito.

Naalala ko pala na bukas na pala ang dating ni Chase galing Japan.

Makikilala ko na din pala si "Mystery Girl" na naka kuha ng puso nitong si Chase.

Napangiti ako dun sa thought na -  at last he got over to that feeling...

Maya maya din..

Pumasok na ako sa loob kasi medyo masakit na sa balat yung init ng araw.

Nang matapos na siya, nasa sofa na ako nun naka upo.

"Sir Miguel, okay na po, una na po ako."

Tinawag ko siya saglit.

"Bakit sir?"

May dinukot ako sa wallet ko at iniabot ko sa kanya ang tip niya.

Di ko alam kung magkanong halaga yun.

Basta inabot ko nalang iyon sa kanya..

"Naku sir, salamat po"

"Ingat ka. Next week ulit ha"

Nakangiting lumabas siya ng condo ko.

May naalala kasi ako nun...

Si Eirik.

Ganito kasi yun e...

"Oo. Wala nga kaming pera, pero sama sama naman kaming magka-kapamilya."

natuwa lang ako sa sinabing yun ni Eirik.

Sa sinabi nga ba niya o kay Eirik ka mismo natutuwa?
Sabi ng utak ko.

Oo nga pala. Medyo limang araw na ang nakalipas nung huli ko siyang nakita.

Busy na kasi siya nun sa trabaho bilang barbero.

Umayos kayo, mamaya mapano yung tao kasi iniisip natin!

Maya maya, tumunog ang telepono ko, si Sonny yun
Kaya sinagot ko ang tawag.

"Hello, utol? asan ka?"

"Sa condo bakit?"

"Emergency e."

biglang lungkot na boses ni Sonny.

Kumunot naman ang noo ko.

"Ha? Bakit napano ka ba?"

"Di ako. Si Eirik kasi... nasunugan sila. Andito ako ngayon sa lugar nila. Tara na dito. Aantayin kita"

Pagkarinig ko ng balitang yun, agad agad akong nagbihis at lumabas na ng condo.

Buti nalang at yung kotse yung nadala ko.

Nagmadali ako sa pagmamaneho papunta kela Eirik.

Habang nagmamaneho, may mga katanungang  sunod sunod na nagpa-pop out sa utak ko...

Napano kaya siya?
Okay lang kaya siya?
Si lola Anita kaya?
Paanong nangyari yun sa kanila?
Bat si Sonny andun?
Paano niya kaya nalaman?

Di ko maiwasang mag alala kay Eirik at kay lola Anita.

Naku naku, bat ba kase iniisip ko yung tao kanina. yan tuloy, nagkatotoo nga na may nangyaring di maganda kay Eirik.

Hinampas hampas ko pa ang ulo ko na tila isang baliw.

Wow naman.
Ang aga aga, traffic na!

Ilang minuto din ang tinagal ng byahe ko. Pesteng traffic yan, kung kelan ka nagmamadali e.

Nang makarating ako,

Pinagtanong ko kung saan yung covered court nila Eirik sa barangay nila.

Pag napunta kasi ako dito, di naman ako nagala.
Kaya wala pa ako alam na lugar dito kundi kela Eirik lang.

Di nga malabo na magkasunog dito, dikit dikit yung mga bahay.

Tapos yung mga kable ng kuryente, parang pancit sa sobrang labo labo ng direksyon.

Kita mo sa paligid na malaki nga ang sunog na nangyari.
Nagkalat ang mga gamit sa daan at madaming tao sa paligid.

Madaming bahay ang napinsala.
At madami ding siguradong nawalan ng tahanan. Isa na dun sila Eirik.
Masikip ang daan kasi naabutan ko pa dun ang tatlong truck ng bumbero.

Nang nahanap ko na yung couvered court, nakita ako agad ni Sonny kahit nasa kotse pa ako.
Naghanap ako ng pagpa-parkingan ng kotse ko tapos bumaba.

Pagbaba ko, nakita ko si Sonny na sinalubong ako.

"What took you so long?"

Hingal niyang sabi.

"Traffic e, asan sila?"

"Andun, tara"

Sumunod ako kay Sonny at nakita ko si lola Anita ngunit wala si Eirik.

Nagmano ako kay lola pagdating ko.

Kinamusta ko siya at hinanap na din si Eirik.

"Asan si Eirik, Son?"

Tanong ko habang palinga linga ako sa paligid.

"Anjan lang yun, may pupuntahan lang daw"

"Bakit?" - Sonny

Napatingin ako sa kanya.

"Anong bakit? Aba malamang titignan ko kung okay siya"

Tumalikod ulit ako para maghanap.

Asan ka ba Eirik??

"Ahh... sure ka ba?"

May pilyong ngiti to sa mga labi pagharap ko sa kanya.

Aba loko to ah.

Pinagti-tripan pa ako.

Binalik ko ulit ang atensyon ko para magpalinga linga ulit sa paligid nang may narinig akong boses sa likuran ko..

"Ako ba hinahanap mo?"

Humarap ako sa pinangalingan ng boses na yun.

Pagharap ko, nakaramdam ako ng kung ano sa may dibdib ko...

Tila bumilis ang tibok ng puso ko.

Ito ba yung adrenaline rush?

It's good to see you again...

Sinagot ko siya.

"Hindi no,

Sabay talikod ulit sa kanya.

I feel na talagang namula ako dun.

Sinisilip ko lang yung kotse ko.."

Palusot ko.

"Ah akala ko pa naman kaya ka nagpunta dito kasi nag aalala ka sa nangyari"

May tonong lungkot sa boses ni Eirik.

Hinarap ko siya at sabay sabi...

"Actually, nagpunta ako dito kasi tinawagan ako ni Sonny at nag-alala ako kay lola Anita"

Napansin ko na tila malungkot na ang mukha ni Eirik.

Tinitigan ko lang ang maamong mukha na nasa harapan ko ngayon..

Nakatitig lang din siya sa akin ng seryoso.

Napako ang tingin ko sa mga mata niya..

That stare!

It gives me goosebumps!

Napadako naman ang tingin ko sa may labi niya...

Ang pula pula.

Tila labi ito ng isang babae..

Parang ang sarap...

Oy! ano ba tong pinag-iisip ko?

Okay na sana e, bigla namang nag snap ng daliri tong si Sonny at tinapat pa mismo sa mukha ko.

"Ano yan utol, na LOL ka na ba?"

Napakunot noo naman ako dun.

Di ko kasi na gets.

Tumingin ako sa kanya.

"A-anong LOL?"

clueless talaga ako.

Promise di ko gets.

"LOL, look of love"

Aba loko to ah!

Patawa tawa pa tong si Sonny.

At nadinig ko din na medyo natawa din si Eirik sa kalokohan nitong si Sonny.

Aambahan ko na sana siya para makaltukan nang may narinig akong biglang tanong ni Eirik.

"Kamusta ka na Migo?"

Di ko alam ang isasagot ko sa tanong na iyon.

Dapat ko nga bang sagutin yun?

Na miss ko nga ba siya?

Has he missed me too?

Probably not like I miss him.

"Teka, teka, paano pala kayo niyan Eirik? san kayo lulugar dito? kahit na ba malaki tong court, di kakayanin sa dami ng tao dito."

Nakatingin pa rin kami ni Eirik sa isa't isa habang sinasabi yun ni Sonny.

Biglang umiwas ng tingin si Eirik at sinagot ang sagot ni Sonny.

"Yun pa nga ang kanina ko pang iniisip e. Di baleng ako lang kaya ko sarili ko, ang inaalala ko lang ay si Lola."

"E kung ganito kaya.."

Nag isip pa si Sonny at sabay akbay sa akin sabay talikod para may ibulong.

"Utol, tutal, naging mabait naman sila Eirik sayo diba? E naisip ko lang, bat di mo muna patuluyin sila sa condo?"

"Alam mo Sonny yan nga din ang kanina ko pang naiisip e. Tama si Eirik, kawawa naman si Lola Anita nito."

"Ano utol, okay na?"

Tanong ni Sonny bilang pagkumpirma sa plano naming doon na nga muna sila Lola sa condo.

Kung titignan mo ang paligid, sobrang dami ng tao.

Halos lahat ata sila ay dito muna magpapalipas ng gabi.

"Sige Call ako."

Pagkumpirma ko sa plano namin ni Sonny.

Humarap na kami kay Eirik, na tila nagtataka kung ano yung pinag usapan namin ni Sonny.

"Ah Eirik, napagkasunduan namin ni Sonny na sa amin na muna kayo nila Lola habang di pa maayos dito."

Sabi ko kay Eirik.

Inantay ko ang isasagot niya.

"Naku, nakakahiya na ata yan, Migo"

"Ano ka ba brad, kainin mo muna yang hiya mo, isipin mo yung kalagayan ni Lola Anita dito mamaya. Parehas lang kayo mahihirapan. Kaya, tanggapin mo na yung offer ni Migo."

Paliwanag ni Sonny sabay akbay kay Eirik.

"Tama si Sonny, Eirik. Wag ka nang tumanggi. Para na rin tong return favor ko sa pagpapatuloy niyo sa akin nun kahit di niyo ako kakilala."

Halatang naguguluhan si Eirik kung papayag ba ito sa ino-offer ko sa kanya. Pero sa huli, tinanggap na din niya ito.

Tinanong ko sila Eirik kung may naisalba ba sila sa mga gamit nila, nakita ko na may dalang bag pack sila Eirik. At nakita ko din yung lumang radyo na yakap yakap ni Lola Anita.

Kung ganoon, siya pala ang may ari nung radyo.

Halatang napaka importante nung radyong iyon kay Lola para yun ang una niyang iligtas.

Bigla ko naman naalala, out of the blue, yung graduation picture ni Eirik.

Nasalba kaya nila yun?

"Uy Migo, par, pasensya ka na sa abala ha.. nakakahiya na sayo."

Untag sa akin ni Eirik at inakbayan pa ako habang naglalakad kami papunta sa kotse.

Naamoy ko tuloy ang hininga niya..

Hmm... ang sexy.

"Ayos lang yun.. basta ikaw Para kay Lola handa ako tumulong."

Ang sagot ko habang binubuksan ang kotse.
Agad na naming sinakay sila Lola sa kotseng dala ko.

Si Sonny naman ay uuwi nalang daw muna para kumain at dun nalang sa condo ko pupunta mamaya.

Nang lahat na kami ay nakasakay, halata kay Eirik ang hiya nito sa akin.

Katabi ko siya ngayon sa driver's seat. Si Lola nasa likod at medyo naka idlip ata.

"Okay ka lang?"

Kanina pa kasi walang kibo si Eirik.

"Nahihiya na kasi ako sayo Migo.
Ang dami mo nang nagawang kabutihan sa amin. Pero ako, wala pa akong nagagawa sayo para makabawi bawi man lang sa kabutihan mo."

"Sus, di uso sa akin ang hiya hiya. Kaya masanay ka na. Dahil ganito talaga ako kapag mabait sa akin ang tao. Pati, di na iba ang turing ko sa inyo ni Lola. Para ko na kayong kapamilya talaga."

Paliwanag ko habang nakatuon ang mata ko sa pagmamaneho.

Napatingin ako sa wristwatch ko, naku past 1 na pala.

Ang bilis naman ng oras?

Since wala naman akong pagkain sa condo dahil puro alak lang ang laman ng ref ko dun,

Naisipan ko na dumaan muna sa Gerry's Grill para bumili ng makakain namin pagdating sa condo.

Nagtanong pa si Eirik kung bat ang dami ko daw inorder dahil halos umabot 4k ang bill.

"Ang dami niyan ha, may bisita ka bang inaasahan ngayon?"

"Wala namang bisita. Kayo mga bisita ko diba? mas maganda nato, sobra kesa kulang."

Sagot ko habang inaantay ko i punch lahat ng kahera yung order namin.

Saglit kaming naghintay at umupo na muna.

Maya maya din dumating na ang mga inorder ko at tumuloy na kami sa kotse.

Buti naman at walang masyadong traffic at smooth naman ang byahe kaya nakarating kami agad sa condo.

Nang makarating na kami sa condo, agad na tumuloy kami sa loob at pinaghanda sila ng maiinom.
At para mahanda na rin ang makakain namin.

"Feel at home po."

Sabi ko kela Eirik habang nasa sala sila at nakaupo.

Nagpaalam muna ako para maihanda ang makakain namin.
Alam ko nagugutom na sila nahihiya lang magsabi.

"Lika na po La, Tara Eirik."

Yaya ko sa kanila.

Nang makaupo na sila, umupo na din ako para kumain na din.

Medyo gutom na din kase ako.

Nag coffee lang kasi ako kaninang umaga.

Habang kami ay kumakain, panay ang pasasalamat nila Lola at Eirik sa akin.

Tila nagsilbing Word of the Day ang salitang, "Salamat"

Kota na ako sa pasasalamat ngayong araw na to ah.

"Wag kang mag alala Migo, apo, hindi kami magiging pabigat sayo dito."

"Tama si Lola Migo, tutulong din ako sa kakainin namin ng Lola. May trabaho naman ako. - Eirik

"Ano ba kayo, welcome na welcome kayo dito sa condo. Wag kayo magmadali. You can stay here as long as you want."

Ngiting hayag ko sa kanila.

Nang matapos kami kumain,
Giniya ko sila Lola sa sala para manuod muna ng TV.

Binuksan ko ang TV at pumunta muna sa lamesa para ayusin ang pinagkainan.

Nagprisinta pa si Eirik na siya nalang daw ang bahalang mag ayos.

Pero, bisita ko sila kaya di ako pumayag.

Maya maya nang matapos ako, kumuha muna ako ng yosi sa may taas ng ref.

Dito kasi taguan ko ng yosi.

Minsan sa may paso malapit sa terrace.

Pumunta muna ako dun sa terrace para magsindi ng sigarilyo.

Sumunod si Eirik at tumabi sa akin.

"Migo, ang ganda ganda pala ng tinitirhan mo. Ang lawak lawak. Wala ka bang kasama dito? Baka nakakahiya sa kanya."

"Ako lang mag isa dito. Kaya, ayos lang na nandito kayo.."

Ngiti kong pahayag habang nag hits sa Marlboro lights.

"Kelan ka natuto mag yosi?"

Tanong niya ng mapansin niya siguro ang paghits ko sa sigarilyo.

"Since high school, tagal na. Simula nung namatay si kuya."

Nag hits pa ako bago tinuloy ang sasabihin.

"Wala na kasing magsasaway eh."

Tawa kong paliwanag.

"Bakit ikaw? di ka ba natuto?"

Balik tanong ko kay Eirik.

Pinagmasdan ko siya.

Matangkad, gwapo, cute, pogi, malinis at... mabango.

Ano ba to? kanina ko pa to pinag-nanasahan.

"Minsan lang ako magyosi"

Sagot niya.

Tumango ako at nagsindi ulit ng pangalawang stick.

"Grabe ka naman pala manigarilyo...

Napatingin ako sa kanya.

...penge nga. Natetempt ako sayo e."

Natetempt siya sa akin?

Sarap naman ng sinabi niyang yun.. hehe..

Nakita ko siya magyosi sa unang pagkakataon.

Pinanuod ko ang paghawak niya sa yosi, mula sa paghits niya at pagbuga ng usok.

Ang hot.

Manly.

Astig.

Sexy...

----------

"Sir, wala po ba silang cash? di po muna kami tumatanggap ng credit card e"

Tanong sa akin ng kahera.

Tila nahihiya pa ito at nagpapabebe pa,

Nandito ako sa supermarket malapit sa condo.

Bumili na ko ng makakain namin sa dinner mamaya.

Nakipagkwentuhan ako kay Lola Anita kanina at sinegway ko kung ano ang pagkaing gustong gusto niyang kainin kaya napasugod ako ngayon dito.

Gusto daw ni Lola ng sinigang na bangus, kaya ayun ang lulutuin ko ngayong gabi.

Buti nalang at alam ko magsinigang.

Sakto.

Binunot ko ang wallet ko para tignan kung may cash pa akong natira.

Ayun buti nalang at meron pa.

Inabot ko iyon sa nagpapabebeng kahera sabay ngiti ng pamatay.

Hehe. Asaran tayo ngayon.

Nang matapos na i-punch  ang mga pinamili ko, umalis ako sabay kindat sa kahera.

Halatang kinilig pa ito.

Napangiti naman ako ng narinig ko pa ang kantyawan ng mga katrabaho niya sa kanya.

Nang makarating ako sa kotse, nag ring ang telepono ko,

Si Sonny.

"O bakit utol?"

"Papunta na ko jan, ano kamusta naka iskor ka na ba kay Eirik?"

Tumawa pa ito ng malakas.

Loko to ah.

Kanina pa ako nito ginu-gudtaym.

"Ikaw ang makaka-iskor sa akin jan mamaya pagdating mo, uupakan kita."

Tumawa ito bago sumagot.

"Wag naman... binibiro kalang e"

"Loko ka eh. Kanina mo pa ko trip!"

Ganyan lang kami magkulitan.

Parang ewan lang. Hehe..

Sumakay na ako at nagdrive na pauwi.

Gusto ko sana bilhan ng prutas si Lola kaya lang, wala naman akong makitang prutasan sa daan.

Sayang.

Nagmadali na ako sa pag uwi ng makita ko ang kotse ni Sonny sa condo.

Aba, nauna pa pala sa akin yung mongoloid kong utol.

Nag doorbell pa ako sa pinto.

Balak ko silang lokohin.

Sana sumakay sila.

Biglang bumukas ang pinto, si Sonny ang bumukas ng pinto.

Sakto.

Hehe.

"Yes? how may I help you? are you lost?"

Sinakyan ko siya.

"Nagsusulisit po ako sir, baka po pwede makahingi ng tulong"

"Ah ganun ba?

Dumukot siya sa wallet niya kunwari...

"okay na ba yan?"

Sabay abot niya ng pera.

"Naku parang kulang pa ho ito e, medyo malaki ho kasi ang ililibing ko ng buhay ngayon eh."

Binigyang diin ko pa ang salitang -  ililibing ng buhay.

"Sorry na ito naman."

Natawa ako.

Pumasok na ako at tumuloy sa kusina.

"Ayos ha.. mukhang inspired ka na mamili ng foods ha"

Si Sonny habang naka upo sa marmol na lababo.

"Ito kasi yung gusto ni Lola, surprise ko sa kanya.."

Sabi ko habang hinahanda na ang isda para mahugasan.

"Kay Lola nga ba o kay Eirik?"

Akto namang kukunin ko ang kutsilyo para itutok kay Sonny nang bigla namang dumating si Eirik.

"Anjan ka na pala...

Bati niya sa akin.

Mukhang bagong ligo si Eirik.

...Bat parang nadinig ko pangalan ko?"

Nagkatinginan kami ni Sonny.

Pinandilatan ko siya ng mata.

"Loko loko kase tong si Sonny e. Ang sarap ibaon sa lupa!"

"Wow ha. Ako pa"

Napailing nalang si Eirik sa kakulitan naming dalawa.

Pinagpatuloy ko na ang pagluluto.

Ngayon ko lang napansin na nakasaing na pala sila.

Sino kaya yung nagsaing?

Naghanda na din ako nang matapos ako magluto.

Habang kumakain, nagtatawanan kaming lahat at pati si Lola ay nakikitawa na din.

For the first time simula nung namatay si kuya Paul, ngayon nalang pala nagkaron ng ingay sa pagtawa sa condo.

Masaya ako kasi naging mas close pa ang bonding namin.

Mas nakilala ko pa ng lubusan sila Lola at Eirik.

Sana lagi nalang ganito.

Sa bahay kasi, wala namang ganito.

Puro busy mga tao dun.

Kaya walang oras sa mga bonding na tulad ng ganito.

Nakita ko ang kahalagaan ng pamilya kela Lola at Eirik.
Mas na-aapreciate ko tuloy ang ganitong bonding sa ibang tao kesa sa sarili kong pamilya.

Nang matapos ang walang sawang kulitan at lokohan habang nagdi-dinner, nagligpit na ako ng pinagkainan namin at si Sonny nalang daw ang bahala sa hugasin.

maya maya konting tambay at konting san mig kami nila Sonny at Eirik sa may terrace, si Lola Anita, doon ko na pinatulog sa kwarto ko. Dun ko na din siguro patutulugin si Eirik.

Dito nalang ako sa may salas, may comforter naman sa kabinet kaya okay lang.

Sana di na sila mailang sa condo ko.

"So ayun na nga, as I said earlier, I really have to go, may lakad pa kami ni Mommy bukas ng maaga."

Pamama-alam ni Sonny habang may kinakalikot sa telepono niya.

Ka text niya siguro si Tita.

"Sure ka? why dont you stay for the night instead?"

Late na din kasi. At tsaka kilala ko tong si Sonny kahit na anong inumin basta may mix ng alcohol, agad itong namumula.
Baka mapano kasi siya sa daan.

"Ano ka ba? Okay na okay lang ako."

Hinawakan pa ni Sonny ang kanang balikat ko.

Sabay lumapit sa akin para may ibulong...

"Para na din masolo mo tong si..

Tumatawa pa ito.

...Eirik."

Kinaltukan ko siya.

"Loko loko ka talaga! Tama nga umuwi ka na lang, para mawalan ng mongoloid dito sa condo!"

Pagtataboy ko sa mokong na si Sonny.

"Ingat ka Pare, Baka maka salubong ka ng chicks jan..."

"Di na bago yan..

Sabay nag pa pogi pa ito.

...magandang lalaki ata to"

Sabay kindat.

Chorus pang tumawa silang dalawa habang papalabas na ng condo si Sonny.

Nang maka alis si Sonny..

Medyo tumahimik nanaman ang kaninang maingay na condo.

Medyo nai-ilang ako sa prescence ni Eirik ngayon dito sa terrace.

"Migo..."

Sabi niya sa pangalan ko na nagbigay kaba sa akin. Katabi ko siya ngayon, nagsa-sight seeing sa magandang view.

Gusto kong sabihin sa kanya na marinig ko lang boses niya, para na akong naka-high.

Ano ba tong nararamdaman ko?

"O anu yun?"

Napatingin ako sa kanya...

"May aaminin ako sayo, okay lang ba?"

Sinabi niya yun ng hindi tumitingin sa direksyon ko.
Nakatuon ang mata niya sa magandang view sa harap namin.

"O-okay lang naman.."

Alam mo yung ganitong pakiramdam?

Nandito kayo ngayon sa isang magandang lugar, tapos, mahangin, tapos, medyo may alak ang katawan pero, okay pa naman tapos, ganito pa ang tema ng pag-uusap namin. Medyo seryoso.

Naaamoy ko kasi sa hangin yung pabango ni Eirik.

Lalo tuloy akong nai-iilang.

Tapos ganito pa siya magkwento, pabitin bitin.

Buti nalang hindi siya nakatingin sa akin. Kundi makikita niya ang pamumula ko.

Medyo... awkward.

"Alam mo ba yung graduation picture ko na nakasabit nun sa may wall clock?"

Naalala ko bigla yung picture niya.. yun yun litratong natameme ako at nahuli niya akong tinititigan ko iyon ng matagal.

Namula ako lalo..

"O, A-anong meron dun?"

Pilit kong pinapa-kaswal ang boses ko.

"Alam mo ba Migo naging dati akong alaga ng bakla?"

Tumingin siya sa direksyon ko.
Nakangiti ito.

"Talaga?"

Kunwari kaswal lang ang tono ng boses ko. Pero ang totoo, nagulat ako sa pag amin niyang ito..

Binalik nya ulit ang atensyon niya sa view.

"Nakatapos ako ng kolehiyo nang dahil sa bakla."

Tumawa pa ito bago ulit magsalita..

"Kaso natapos lahat ng yun nang makipag break ako sa kanya.."

"Nakipag break?"

Binaling niya ulit ang tingin niya sa akin.

"Nahuli ko kasi siya na may ibang lalaking kasama."

hindi ko maiwasan na ma-attract sa itsura nitong si Eirik.

Attracted siya sa paningin ko.

Walang buhay ang buhay ko, until he came along..

Parang nakikita ko ang future ko sa mata niya ng mga oras na to.

Pilit ko mang itago at ideny, mukhang iba na nga to..

Never in my whole life na na-attract ako ng ganito sa lalaki.

Hindi ko aakalain na may ganitong pagkakataon palang darating sa buhay ko.

I never thought I could feel like this to a man.

"So wala na kayong contact?"

Tanong ko na sana wala na nga silang communication ng baklang yun.

Umiling ito at biglang ngumiti.

"Wala na. Wala na nga akong balita dun sa baklang yun e."

Di ko siya masisisi kung pumatol man siya sa bakla.

Alam ko na naging diskarte lang iyon ni Eirik para makatawid sila sa alon ng buhay.

Marahil hinihingi talaga ng mga panahun na iyon na kumapit si Eirik sa patalim kasi talagang kinakailangan.

Sobrang naiitindihan ko siya ngayon.

Naging mas magaan pa ang loob ko sa kanya kasi hindi na siya ilang na mag open siya ng feelings niya sa akin.

"Hanga nga ako sayo Eirik sa totoo lang. Kahit na gaano kahirap ang hamon sayo ng buhay, ayan ka padin, matatag ka at di sumusuko"

"Kay Lola lang ako humuhugot ng lakas ko, hanggat nakikita ko na masaya siya, nagpapa-tuloy ako sa mga hamon ng buhay. Di ko naiisipang sumuko. Oo dumadating ang mga pagkakataong napang-hihinaan ako ng loob, pagka ganun, nagdadasal ako at iniisip ko si mama, hindi niya gugustuhin na makita na nanghihina ako. Lalo na't ako nalang ang inaasahan ni Lola.."

Nakita ko ang soft side ni Eirik.

Mas lalo ko pa tuloy siyang hinangaan.

Napapangiti na ako.

Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa gawi ko.

Nahuli niya tuloy ako na naka ngiti.

"Bat nakangiti ka? Wag mong sabihin na pinagtatawanan mo buhay ko?"

Sinuntok pa niya ng mahina ang braso ko.

"Huy kung ano man ang narinig mo para sayo lang yun ha. Wag mong ipagkakalat!"

Kitang kita ko na namumula na si Eirik.

Gusto ko sana aminin na kaya ako napapangiti kasi.. napapa-hanga niya ako.

"Sensitive ka no?"

"Di kasi ako kumportable sa mga ganitong usapin. Sayo ko lang inopen to, maski si Denver di niya to alam."

Inakbayan ko siya.

galawang breezy?

Da moves?

Paraparaan?

Para maramdaman niya na may assurance ang sasabihin ko sa kanya.

"Wag kang mag alala. Sobrang naiitindihan kita. Di ko ipagkakalat lahat lahat ng narinig ko sayo ngayong gabi."

Sabay taas ng kanang kamay ko na tila nanunumpa.

Nagpa-alam na ito at inaantok na daw siya.

Hinatid ko na siya sa kwarto para kunin ko na din ang comforter sa may kabinet.

Nadatnan namin si Lola na himbing na himbing sa pagkakatulog.

"San ka pala Migo?"

Tanong niya kung saan ako pupwesto para matulog.

Sabi ko na sa may salas nalang ako at tabi nalang sila ni Lola sa kama.

Buti naman at di na siya nakipag negotiate. Hehe..

Lumabas na ako at tumuloy na sa salas. Naisipan ko muna na magyosi sa terrace.

Nang matapos na ay agad ako
Humiga sa nilatag ko na comforter.

Napaisip ako sa mga nangyari ngayon.

Masaya ako kasi andito sila Lola Anita at si Erik sa condo kasama ko.

Bukas, pag gising ko, makikita ko ulit si Eirik.

Grabe naman tong araw na to.

Habang nag iisip, napikit ko na din ang mata ko.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako...

Continue Reading

You'll Also Like

26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
2.1M 65.7K 47
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
583K 25.5K 62
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
167K 5.3K 99
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...