Marry Me, Beki! #Wattys2017

By MoonLightFairy

1.2M 20.7K 2.2K

"Ang pag-ibig na pinilit, nakakapilipit." Sinong matinong babae ang itatali ang sarili sa isang beki?! P.S. I... More

+ P R O L O G U E +
1 - How it all started?
2 - Kasal agad-agad
3 - the wedding song
4- Atlantis Resort
5 - active birdie
6 - anakan
7 - deal again
8 - tonight is the night
9 - curious
10 - dakma
11 - harlem shake
12 - bukol
13 - DARNA
14 - ang sikip
15 - kilig
16 - Fafa Chuck
17 - s*x daw?!
17.2
18 - gwiyomi
19 - tuloy o tigil?
20 - necktie
20.2
21 - competition
22 - Chucka doll?!
23 -hinde!
24 - confession
Author's Note. Important!
25 - Bekimon Club
26 - I'll understand
27 - Jealous
27.2
28 - Tent
29 - Let's make love
30 - truth hurts
30.2
31 - kuskos
31.2
32 - Knight-in-shining-armor
33 - promise
34- call
34.2
35 - Kalapati
36 - together again
37 - mahiwagang tinidor
37 -kidnap
38 - cold coffee
39 - pampatulog
39.2
40 - lost
41 - konsensya ni Sophie
42 - someday
43 - KUYAs
44.2
45 - minions
46 -Sorry
47 - stay
48 - De javĂș
49 - buyers
50 - Mamu
51 - Operation: Balik Dom kay Andrea!
52 - second step
52.2
53- langit
54 - His side
55 - Kakayanin ba?
56 - Team Building
57 - consequence
57.2
58 - I Love This
59 - memory
60 - revelations
61 - another de javu!
62 - please forgive me
63 - Ang Pabor
FINAL PART
PAHABOL NI MAMU
SOME FACTS ABOUT MMB
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!

44 - lalaki sa sinehan

10.5K 153 15
By MoonLightFairy

Dedicated sa kanya na mula 'ata umpisa ng MMB eh may comments nya na kong nakikita! salamat kasi despite sa pagiging busy mo, nagagawa mo pa ring basahin ito. Lovelots! :)

 Chapter 44 – lalaki sa sinehan

Andrea's Point of View

"♫Gusto kong magpaliwanag sayo,  ngunit 'di kinakausap.♫"

Naalimpungatan ako sa musikang naririnig ko.

"♫Di inaasahang diringgin mo, nakatingala sa ulap. ♫" bumangon ako mula sa kama at sinundan ang pinanggagalingan ng kanta.

"♫Alam kong nasaktan na naman kita, ngunit di ko naman sinasadya. Hinding-hindi na mauulit sinta, sana'y maniwala ka. ♫"

"Dom?!" gulantang ako nang  makita ang asawa ko, I mean soon-to-be-ex-husband pala, kasama ng dalawang nakatatanda niyang kapatid na nasa labas ng gate namin at tumutugtog. Binuksan ko ang glass panel window at buhat doo'y nakita agad nila ako. Hindi tuloy naiwasang magtagpo ang mga mata namin ni Dom.

"♫Sabihin mo na kung anong gusto mo, kahit ano'y gagawin para lamang sayo. Sabihin mo na kung papano mo mapapatawad. ♫" si Dom ang kumakanta nun. Ang dalawang kapatid nya naman ay parehong naggigitara at second voice lang.

"♫Ilang araw mo nang di pinapansin, ilang araw pang lilipas? Nakatanga sa harapan ng salamin, naghihintay ng bawat bukas. ♫"

"Effort huh?" di-maiwasang bulong ko sa sarili.

"♫Lahat naman tayo'y nagkakamali, sinong di nagsasala? Ngunit kung pano babawi sa pagkakamali, yun ang mahalaga. ♫"

I shook my head. Hindi ko dapat maappreciate ang mga pinaggagawa niya.

Hindi ko na dapat siya tanggapin pang muli. Hindi na ba ko nadala?! Nawala na nga ang anak ko, patatawarin ko pa ang walang-hiyang 'yan?! Kapag tinanggap kong muli yan, baka mas marami pang mawala saken at hindi ko na kakayanin yun.

"♫Sabihin mo na kung anong gusto mo, kahit ano'y gagawin para lamang sayo. Sabihin mo na kung papano mo mapapatawad. ♫"

I inhaled deeply ang cried, "HINDING-HINDI NA KITA MAPAPATAWAD DOMINADOR MACHONIMO! LUMAYAS NA KAYO DITO!"

Kinuha ko ang bakanteng flower vase sa tabi at saka binuhos ang laman niyon na kulay putik na tubig sa kanila.

~~

A week later...

Saktong isang linggo mula nang paliguan ko ng tubig mula sa flower vase ang magkakapatid na Machonimo, ay hindi ko na ulit naramdaman ang presensya nila.

"Mabuti naman at madali rin silang sumuko. Dahil kung hindi, baka hindi lang yun ang inabot nila."

Then I saw Tristan coming my way.

"Hi there!" tawag niya kasabay ng pagkaway.

"Hello Itan, buti naman at hindi ka late hmm?"

"Haha, sadyang inagahan ko. Ang text ata ni Boss eh—huwag na huwag kang magpapa-late kung ayaw mong ubusan kita ng cookies na gawa ko," at ginaya nya pa talaga ang boses ko kahit text lang yun.

Natawa naman tuloy ako.

"Haha! Ikaw talaga! Sadyang cookies ko lang ang kahinaan mo noh?"

Umiling sya, "Nope, not the cookies."

Tumingin sya nang diretso sa mga mata ko at ngumiti, "...but you."

"WEH?! KAMOTE!!!" it's our one way of saying 'kidding' or 'joke'. With matching hand gestures pa yun ha.

"Hahaha! Ikaw talaga," ginulo nya ang buhok ko. "Hanggang ngayon hindi mo pa rin sineseryoso ang mga sinasabi ko. Minsan nga nasasaktan na talaga ako, di ko lang pinapahalata."

"Kamote again!" muli kong dinaan sa biro ang mga sinabi nya.

Tristan has been my guardian for the entire time na nasasaktan ako. He was there nung pakiramdam ko eh nawala na sa akin ang lahat. He was there to comfort me. To make me feel that I was not alone. That he was there. And he will always be here, by my side... hindi lang sa panahon na nasasaktan ako. Kundi sa panahong unti-unti na kong bumabangon at sumasaya nang muli.

Papa has been always thankful to Tristan. Kung hindi daw dahil sa kanya eh baka dinadalaw nya na ko ngayon sa mental hospital. I might say na tama si Papa. Kung hindi talaga dahil kay Tristan, hindi ko kakayanin ang lahat. Kaya nga I want him to be by my side always. Ayokong pati sya ay mawala pa saken. That's why yang mga palipad-hangin niyang yan ay pilit kong iniignore. I don't want to hurt him. Ayokong isipin ng iba na isa lang siyang panakip-butas... rebound. Ayokong danasin nya ang sakit na dinulot saken ng lintik na pag-ibig na yan. So I just want us to remain friends. Ayokong sirain ang friendship namin. Kasi alam ko, sa pagkakaibigan na meron kami ngayon, dito kami mas magtatagal. Dito sigurado hindi namin magagawang saktan at iwan ang isa't isa.

"Uy Andeng nasa planet earth ka pa ba? Hello?!" napakurap ako nang iwagayway ni Tristan ang kanang kamay nya sa harapan ng mukha ko.

"Ah eh, oo naman!"

"Akala ko naabduct ka na naman ng minions eh."

"Haha hindi noh!" isa pa yun—ang minions, kaya kami mas lalong naging close.

Pareho kasi naming favorite ang cute characters na minions sa Despicable Me. At yun din pala ang dahilan kung bakit kami magde-date ngayon. It'll just be a friendly date though. Almost every week na naming routine 'to.

"So where do we go now?" aniya nang mai-start nya na ang kotse nya.

"Let's watch a movie, Itan!"

Kumunot ang noo nya, first time ko kasing magyayang manuod ng sine. Although nakailang anyaya na sya saken at lahat yun ay tinanggihan ko.

"What movie?" tanong nya.

Napangiti ako. Napangiti rin sya. Para kaming banana's in pajamas na nababasa ang naiisip ng bawat isa.

"Despicable Me 2!" sabay pa naming sigaw at saka kami humagalpak ng tawa.

"Best friend nga kita!" sabi ko pa sa pagitan ng pagluluha ng mga mata ko sa sobrang tawa.

Napansin kong tumigil naman sya sa pagtawa, then parang ngumit nang pilit, "Ha..ha.. best friend mo nga 'ko."

The atmosphere became awkward. I knew it-wrong choice of words.

"Uhm, tara na. Baka kasi gabihin pa tayo."

He smiles, "Sige, let's go."

~~

Sa sinehan...

"Humawak ka saken Andeng, baka matalisod ka."

"O-okay."

He held my hand aftwerwards, tama nga sya ang dilim sa loob ng sinehan. Halos wala na nga kong makita sa dinaraanan ko eh. Thanks to my phone at naiilawan ko pa kahit papano ang sahig.

"Dito nalang tayo," he said at saka ako inalalayang maupo. Sa may bandang gitna kami ng sinehan pumwesto. Ok na rin para saken 'to kasi sakto lang ang layo sa monitor ng tv.

As usual, mga kaek-ekan muna bago ipalabas ang totoong movie.

"Nilalamig ka ba?" Tristan asked me.

"Ahh..." ngunit hindi pa man ako nakakasagot ay nailagay na nya ang suot niyang itim na jacket sa may balikat ko.

"Uhm, thanks..." nahihiya kong sabi habang sa loob-loob ko'y humihiling na sana'y mag-umpisa na ang palabas. Ang awkward palang manuod ng sine kasama ang 'best friend' mong lalaki. Di bale sana kung asawa ko 'to, hindi ako maiilang.

Again, I shook my head.

Ano ba yan, si Tristan ang kasama ko pero si Dom na naman ang iniisip ko.

Napakislot ako nang maramdaman ko ang kamay ni Tristan na pumatong sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya na tila nag-aakusa.

He smiles.

"Kanina pa kasi kita inaalok nitong popcorn hindi ka nagsasalita," aniya sabay lagay ng kamay ko sa popcorn upang pakuhanin doon.

Nahiya naman ako. Tila napahiya dahil kung anu-ano agad ang iniisip ko samantalang gusto nya lang pala akong alukin ng popcorn.

"Ah pasensya na..." kumuha naman ako ng popcorn at saka sumubo.

"Oh," binigay nya na saken ang lalagyanan. "Kumain ka lang ng kumain d'yan. Pumipikit ang mata ako, ang tagal mag-start eh."

Kinuha ko yung popcorn. Nakita ko naman siyang sumandal at pumikit. Kulang siguro sa tulog. Pinagmadali ko kasing pumunta sa bahay.

Sa awa ko naman ay dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa ulo nya upang isandal sa balikat ko

"YOWN! START NA RIN SA WAKAS!"

Nagulat ako sa lalaking sumigaw sa likuran ko, kaya naman hindi ko na naituloy ang binabalak ko. Dumilat na rin naman sya at dumiretso ng upo.

Sa kalagitnaan ng palabas ay nakaramdam ako ng ginaw. Kaya naman kinuha ko yung nakasabit na jacket ni Tristan sa likod ko upang maiayos ito nang suot sa akin. Nang mapansin ako ni Tristan ay hindi sya nag-atubiling tulungan ako.

"Ako na'ng magsusuot sayo."

Hindi na ko umangal pa at hinayaan ko nalang sya. Though tumutulong rin ako sa pagsusuot nito.

"Ay ano ba yan, hindi makita!" muling sigaw nung lalaking nasa likuran namin, tila nagpaparinig dahil siguro nahaharangan namin ang palabas.

"Sorry po," hinging-paumanhin ni Tristan dun sa lalaki.

"Tsk!" rinig ko pang palatak nung mama.

"Ang sungit naman," bulong ko kay Itan.

"Hayaan mo nalang, manuod nalang  ulit tayo." hinila ako ni Tristan palapit sa kanya. Napasandig tuloy yung ulo ko sa balikat nya.

"Ay! Natapon ang coke ko!"

"Sht!" napamura si Tristan nang matapunan siya ng malamig na softdrinks sa ulo.

"Sorry sorry, di ko sinasadya..." sabi nung lalaki.

Napakunot-noo naman ako. Kanina pa kasi tila pamilyar saken yung boses nung mamang bwiset. Kaya naman tumayo na ko sa kinauupuan ko at hinarap ito. At dahil madilim nga ay hindi ko agad naaninag ang mukha nya. Kaya naman kinuha ko ang phone ko sa bulsa at inilawan sya sa tapat mismo ng mukha nya. Agad naman siyang yumuko na tila ayaw ipakita ang mukha. Pero hindi ako nagpatinag mas lalo akong lumapit upang makita ang mukha nya.

At hindi na ko nagulat pa nang makita kung sino ang walang-hiyang lalaki.

~~

A/N: Haha, sino sa palagay niyo? =)


Continue Reading

You'll Also Like

58.5K 1.3K 57
Dapat lang naman mainlove si Michael Jericho Mendez sa isang babae, hindi sana ito big deal kung straight si MJ, dahil sa isa kasi syang beki, baklus...
162K 3.6K 33
Paano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is alread...
777K 2.6K 5
Bata pa lang si Avery ay alam niya kung sino siya. Because of her ... her parents were murdered by the rogues and hunters. But before her parents die...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...