Dedicated sayo, thanks for loving Dom :)
~~
Chapter 30 – truth hurts
ANDREA'S POV
"Ano Dominador, magsalita ka! Kaanu-ano mo ang babaeng ito?!" tanong ni Papa sa magaling kong asawa na kanina pa tahimik.
Psh, di man lang magawang magpaliwanag! Kanina ko pa hinihintay na ipagtanggol nya sarili nya!
'Dom, sabihin mo lang na hindi totoo mga pinagsasabi nitong Sophie na 'to maniniwala naman ako sayo eh.'
"Wag mo nga siyang sigawan! Ako nga ang fiancée nya, don't you get it Tanda?!"
"Sophie, tama na!" pigil ni Dom.
Tss, yun lang ba ang kaya niyang sabihin? Kanina pa talaga ako naiinis sa kanya ah!
"Dom, totoo ba yun?" tanong muli ni papa.
"Yes! It's true nga, duhh?! Mukha ba kong sinungaling?" singit na naman ng bruha. "Ganito kasi yun guys, itong baby ko nag-promise sya saken when we were still—"
"Manahimik ka nga, si Dom ang gusto kong magpal—"
"Papa, hayaan mo siya," pigil ko kay Papa. Tumingin ako kay Dom, mukhang wala pa ring balak magsalita. Then I looked at Sophie, "Go ahead, ituloy mo lang yung kwento mo."
Inirapan nya ko bago tumingin sa asawa ko at saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Baby, do you remember when we were still on our high school days?"
Nakatingin lang sa kanya si Dom, without any facial expression. Ang cold ng tingin nya kay Sophie, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. 'Ni hindi ko mabasa kung anong iniisip nya.
Nang hindi sumagot ang asawa ko ay nagpatuloy lang si Sophie, "Naalala ko nun, freshmen tayo nung una tayong nagkita. Nagkabangga tayo sa hallway, nahulog yung mga gamit ko at tinulungan mo ko sa pagdampot ng mga yun." Napangiti pa si Sophie na tila inaalala yung moment nilang yun.
"Then nagkauntugan yung mga ulo natin kasi sabay pa sana tayong tatayo. You've asked me kung okay lang ako, pero hindi ako nakasagot agad kasi bigla akong may naramdamang kakaiba. Yung... yung puso ko kasi parang sumabay sa pagkauntog ng ulo ko. Haha, that was the very first time na tumibok nang ganun 'to," tinuro nya yung tapat ng puso nya. "Na-love at first sight ako sayo, baby."
Lahat kami nakatingin lang kay Sophie na tila nakikinig sa isang fairy tale story. Wala 'ni isang nagsasalita sa'min. Psh, mukhang ako pa tuloy ang gumaganap na third wheel sa kanila. Tsk.
Si Dom naman ganun pa rin, nakatitig lang kay Sophie—straight-faced.
"Then nagulat ako nung malaman kong classmates pala tayo, alam mo bang ang saya ko nun! And to make the story short, naging friends tayo hanggang sa ligawan mo ko at naging tayo until fourth year high school."
'OMG, ang tagal nila. From first year high school up to their senior year?! Ano namang laban ng isang tulad ko na months palang ang binibilang sa piling ni Dom?'
"And the most memorable one..." she smiled sweetly and looked at my husband with her sparkling eyes, "...is the night before our graduation. The night you promised to marry me."
Boom!
The moment na sinabi nya yung last two words na yun, feeling ko sumabog ang puso ko.—'Marry me?'
Ano ba yan Dom, bakit ka naman pumayag pakasal saken... kung may pinangakuan ka na palang babae? And worst, bakit ngayon ko lang nalaman? Kung kelan nabigay ko na lahat... kung kelan naisuko ko na ang lahat... pati puso't kaluluwa ko.
"Dom, totoo ba lahat yun?" si Papa na halatang nagpupuyos na sa galit.
Psh, huwag ka mag-alala papa hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyan ngayon.
"DOM SUMAGOT KA!"
Yumuko si Dom, biglang nanikip ang dibdib ko... mukhang alam ko na ang isasagot nya.
"DOM!" ulit ni papa.
"Opo Papa... totoo po lahat ng yun."
***
DENVER'S POV
"Miss Ganda, sige na naman ituro mo na kung nasaan ang opisina ni Dominador Machonimo at hindi na ko manggugulo dito." talaga naman 'tong si Tatay oh, sinama pa ko dito eh mukhang ang sososyal ng mga tao dito eh.
"Eh Sir, wala nga 'ho si Mr. Machonimo dito."
"Anak ng! Sabihin mo na kasi! Leche kang panget ka ha! Sayang pamasahe ko eh, sinama-sama ko pa 'tong g*gong 'to!"
"Aray ko naman 'tay." psh, makabatok wagas! pasalamat ka, tatay kita! Tss, nakakahiya na talaga, pinagtitinginan na kami dito! >.<
"I'm sorry Sir, pero kung magpipilit kayong manggulo dito mapipilitan na kong tumawag ng guards."
"P*ta! Ang sungit mo naman! Hinahanap ko lang yung anak ko!"
"Excuse me Sir? If you don't mind, sino 'hong anak nyo?"
"Sir Chuck pasensya na po nagpipilit eh! Naku Sir, bakit kaya ang dami-dami ng naghahanap kay Sir Dom? Tapos ayaw namang maniwala pag sinabing wala."
"It's okay Miss Bulataw, ako ng bahala."
"Okay Sir," nag-bow pa yung babae.
Ehh? O.o sino naman 'to? Sir Chuck?? Mukhang may mataas na posisyon sa kumpanyang 'to ah.
Ay nako, sana pala di nalang ako pumasok sa navy at pinagpatuloy nalang ang course kong BM, edi sana sa ganitong company na rin ako nagtatrabaho. Psh, si Tatay kasi eh atat masyadong magkatrabaho kami para daw may maibigay na kaming pera sa kanya. haist.
"Ako si Arnold Panet, ama ni Dominador Machonimo."
"Panet? How come anak niyo si Dom kung magkaiba kayo ng—"
"Step-father nya lang ako. Eto," sabay turo saken. "Eto half-brother nya. Gets mo?"
"Ano 'nak? Tama ba mga englishes ko?" bulong saken ni Tatay.
Nag-thumbs up naman ako. Ganyan kasi yang si Tatay eh, kung hindi sya lasing, ang tanging dahilan lang ng pag-iingles n'yan eh kapag kapag nakarinig na sya ng English words mula sa kausap nya. Pipilitin niya talagang magsalita ng ingleskahit 'inglis karabaw'.
"Oh Okay, I get it. But I'm sorry Sir dahil wala nga 'ho dito ang anak niyo. Wala na ba kayong contact sa kanya."
"Wala nga eh, pwede bang mahingi number nya sayo At saka pati na rin yung address ng tinitirhan nya ngayon, siguro nakatira na ngayon sa condo yun, ano?"
"Ay sorry Sir pero hindi kasi kami nagbibigay basta-basta ng info about sa employees namin unless may katunayan kayo na relatives nga kayo."
"Oo meron ako! Dala ko ID ng nanay nya, yung asawa ko ngayon." lagi talagang ready yang si Tatay... pagdating sa kuhanan ng pera.
"Okay Sir, kung okay lang sa inyo sunod nalang po kayo saken sa office at titignan ko sa data yung phone number at home address ni Dom at ng asawa nya."
Pareho kaming napakunot-noo ni Tatay.
"Ano kamo?!" gulat na tanong ng tatay ko.
"Ang sabi ko Sir, sunod nalang kayo sa office para—"
"Hindi, hindi. Yung huling sinabi mo. Ano kamo yun?"
"Home address ni Dom?"
"Tanga hindi! Yung isa pa!" pasimple kong siniko si Tatay. Masyado talagang hot-tempered yan eh.
"Ah! Asawa?" ulit nung Chuck.
O__O
Parehong-pareho kami ng reaksyon ni Tatay. Pero maya-maya...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay din kaming napahagalpak ng tawa. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" epic boy! joker ata 'tong Sir Chuck na 'to eh. "Hahahahahaha!"
"Hoy! Wag mo nga kong pinagloloko! Anong asawa pinagsasabi mo d'yan?!" si Tatay.
"Yes Sir, asawa as in wife."
"HAHAHAHAHAHAHA!" muling tumawa si Tatay pero ako tumigil na kasi mukang seryoso nga si Chuck sa sinabi nya.
Bahagya kong siniko si Tatay. Umubo-ubo naman 'to at naluluha pa sa kakatawa.
"Sir, what's wrong? May mali ba sa sinabi ko?"
"Oo! Maling-mali talaga yung sinabi mo! Hahaha!" napapahimas pa sa tiyan si Tatay na hindi pa rin mapigil ang pagtawa.
"Bakit Sir? Anong mali dun?"
"Aba, eh panong magkakaasawa si Dominador, eh bakla yun?!"
~~
Anong say niyo kay Mr. Panet? :)