Marry Me, Beki! #Wattys2017

By MoonLightFairy

1.2M 20.7K 2.2K

"Ang pag-ibig na pinilit, nakakapilipit." Sinong matinong babae ang itatali ang sarili sa isang beki?! P.S. I... More

+ P R O L O G U E +
1 - How it all started?
2 - Kasal agad-agad
3 - the wedding song
4- Atlantis Resort
6 - anakan
7 - deal again
8 - tonight is the night
9 - curious
10 - dakma
11 - harlem shake
12 - bukol
13 - DARNA
14 - ang sikip
15 - kilig
16 - Fafa Chuck
17 - s*x daw?!
17.2
18 - gwiyomi
19 - tuloy o tigil?
20 - necktie
20.2
21 - competition
22 - Chucka doll?!
23 -hinde!
24 - confession
Author's Note. Important!
25 - Bekimon Club
26 - I'll understand
27 - Jealous
27.2
28 - Tent
29 - Let's make love
30 - truth hurts
30.2
31 - kuskos
31.2
32 - Knight-in-shining-armor
33 - promise
34- call
34.2
35 - Kalapati
36 - together again
37 - mahiwagang tinidor
37 -kidnap
38 - cold coffee
39 - pampatulog
39.2
40 - lost
41 - konsensya ni Sophie
42 - someday
43 - KUYAs
44 - lalaki sa sinehan
44.2
45 - minions
46 -Sorry
47 - stay
48 - De javú
49 - buyers
50 - Mamu
51 - Operation: Balik Dom kay Andrea!
52 - second step
52.2
53- langit
54 - His side
55 - Kakayanin ba?
56 - Team Building
57 - consequence
57.2
58 - I Love This
59 - memory
60 - revelations
61 - another de javu!
62 - please forgive me
63 - Ang Pabor
FINAL PART
PAHABOL NI MAMU
SOME FACTS ABOUT MMB
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!

5 - active birdie

23.3K 440 42
By MoonLightFairy

Chapter Five – Active birdie

DOM'S Point of View


"Honeeeeey!"

Takte, nandyan na naman ang babaita. Kelan ba ko tatantanan ng isang 'to? Lumayo na nga ko para maghanap ng peace of mind, sinundan pa rin ako!

"Honey kooooo!"

Argh! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Bakit ba ko napasok sa gulong 'to! Ggrr!

"Honeybabeee!"

Eeew, kung anu-ano pang nakakadiring tawag ang iniimbento ng bruhang 'to!

"Honey yuhuu! Where na you? Dito na meee!"

OH.EHM.GEE! Papalapit na sya! Nakita ko na ang pangit niyang mukha na kung tumakbo ay animo nasa isang teleserye siya. Feel na feel pa ng bruha ang breeziness ng wind. Tss. Breezygirl ang peg.

Nataranta ako lalo nang kindatan niya ko.

Shet. Nakakapanlambot. Kadiri amputa. Napagdesisyunan kong umalis na sa kinauupuan ko. Agad akong tumakbo palayo sa kanya.

Mabuti nalang at nang makalayo ako sa kanya ay nakakita ako ng isang puno. Nagtago ako sa likuran ng coconut tree.

Alam ko, pambobo ang ideyang pagtatago sa napakanipis na trunk ng punong 'to. Pero anong gagawin ko? No choice ang lola niyo. Mistulang lost island 'tong kinatitirikan namin. Puro dagat at coconut trees lang ang makikita. Hindi naman ako pwedeng magtago sa resort house dahil dun nga nanggaling yung monster na yun.

Ilang minuto makalipas ng pangkriminal kong pagtatago ay nangalay at naglawa na ang kilikili ko.

Sumilip na ko sa kanan...

WALA.

Silip sa kaliwa...

WALA! HALLELUJAH!

Dahan-dahan akong naglakad patalikod.

"Dahan-dahan lang..."

"Dahan-dahan lang..." nilagyan ko na ng tono ng kantang Dahan-dahan ni Maja with matching kembot-kembot ng body.

"Dahan-daha-AY PEKLAT KA!"

"Tinataguan mo ba ko?!" nakapamewang na tanong ng alam niyo na siguro kung sino.

"Ahh, hehe..." nag-peace nalang ako.

"Tinatanong kita, DOMINADOR!" mukhang napagod at nagalit kakahabol at kakahanap ang bruha.

"EH ANO NAMAN KUNG TINATAGUAN KITA? HA?!" naggalit-galitan na rin ako at pinamewangan siya.

"Ah, ganun ha..." napaatras ako bigla nang unti-unting lumapit sya saken.

Seryosong-seryoso ang mukha nya na animo lalamunin ako ng buhay.

Lord, help me please... wag naman po sanang pasukan ng masamang espiritu ang babaeng itey... Lord, virgin pa po ako... wag niyo hayaang sya ang unang makinabang dito. Pangarap ko po sanang ibigay pa 'to kay fafa Jun Pyo. T___T

Tila nangatog ang mga tuhod ko nang bigla niyang ipatong ang braso nya sa magkabilang balikat ko. Wala akong mabasang 'ni anumang emosyon sa kanyang mga mata. 'Ni hindi ko magawang magsalita.

Umatras pa ako nang umatras hanggang sa...

Hanggang sa maramdaman ko ang malakas na pagkakauntog ko sa puno.

"Araaay! Punyeta! Bitiwan mo kasi ako! Leshe nauntog tuloy ako! Bwiset!" sigaw ko habang pinupukpok ang ilalim ng baba ko.

Mahirap na, baka malaglag ang brainlalu ko.

Pagkasabi ko nun ay wala pa ring reaksyon si Andrea. Muli niyang ipinatong ang braso niya sa balikat ko. This time ay wala na kong magawa dahil dead end na ko—wala nakong maaatrasan pa.

"Dom..." bulong nya kasabay nang paglapit ng bibig niya sa tenga ko.

Nanigas ang buong kalamnan ko. Hindi ko magawang mag-hysteria dahil iba ang pakiramdam ko ngayon kay Andrea, feeling ko... the more na magreklamo ako ngayon, the more na may gagawin siyang masama saken.

"Dom..." nangilabot ako't nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang nakakadiring hininga nya sa tenga ko.

Tss! Nag-toothbrush na kaya 'to?!

"Dom..."

"ANO BA KASI YUN?! PUNYETA! AYAW PANG SABIHIN KUNG MAY SASABIHIN! IHING-IHI NA KO SA NERBYOS DITO! IMBYERNA!"

I heard her giggled.

Tss! Pinagtitripan lang 'ata ako ng bruhildang 'to eh!

"Masyado ka namang hot, Honey—" sabi niya pa, bumalik ang pagiging jolly ng mukha niya.

"Tss!" imbyerna talaga ha. Nakakapangilabot na ang kabaliwan ng babaeng 'to.

"... eh gusto ko lang naman sanang..." mas lumapit pa sya saken and this time ay idinikit nya pa talaga ang katawan nya saken.

Bwiset lang! Siya na may katawang babae! Tss! Magkakaroon din ako n'yan someday! Ggrr!

"Oh, ano bang gusto mo?!" asar ko ng tanong sa kanya dahil hindi ko na talaga matiis na magkalapit ang mga katawan namin.

"...gusto ko lang namang magpalagay sayo nito," sabay angat ng kanang kamay niya.

Tumingin ako sa kamay nya.

Tengene, sunblock lotion lang pala.

"Yan lang naman pala eh, pinakahirap-hirapan mo pa ko. Mapapatay mo pa ko sa sakit sa puso nyan eh." inis kong inagaw yung lotion sa kamay niya.

~~

Sabay kaming naglakad patungo sa beach bench para lagyan siya ng punyetang sunblock.

"Tss! Kaarte-arte! Pupunta-punta ka dito hindi mo naman pala kayang umitim!" pasaring ko sa kanya.

"Pake mo ba? Love ko ang skin ko eh! Palibhasa kasi ikaw..."

"Hoy, FYI!" putol ko na sa sasabihin nya. "...only DELO touches my skin!"

"Huh? Sino si Delo?" takang-tanong niya.

"Boyfriend ko," sagot ko naman at nag-cross arms pa 'ko.

"ANO?! Asawa mo na ko diba?!" sigaw niya.

Nagtakip naman agad ako ng tenga. "Bunganga mo naman! Parang 'di ka girlalu ah!" sabay tingin sa dibdib niya. "Sabagay, mukhang hindi nga." ngumisi pa 'ko para asarin siya.

"Ah, ganun? Okay mag-bf ka na agad nang wala pang isang linggo tayong kinakasal nang bawasan ko ng isang milyon ang bayad ko sayo." sabi niya nang hindi pinansin ang pang-aasar ko sa kanya.

At ako ang NAASAR sa sinabi niya. Buset, napakamautak talaga nitong babaitang 'to. Manang-mana sa pudrabels niyang jologs!

Kaya naman nagpakahinhin mode muna ako, "Ahh... ehh, what I mean is ex-bf pala, ahaha! Nakipagbreak na'ko sa kanya, ngayon lang."

Ggrr! Intrimitida talaga! Love na love ko pa naman ang baby Delo ko, sisimulan ko ng mag-move on.

Sorry baby Delo, siguro'y hindi lang talaga ako ang babaeng inilaan para sayo...

Naiiyak na 'ko. Delo my loves, before I let you go, I want to say I love you.

"Okay, mabuti na yung malinaw. O'sya, lagyan mo na ko nang makapag-swimming na."

Tumalikod na sya saken, nilagyan ko na rin ng lotion ang palad ko.

Nang makapaglagay na ako ng lotion sa kamay ko ay tinitigan ko muna ito nang matagal. Palipat-lipat ang tingin ko doon at sa likod nya.

Eeew, makekeri ko bang idampi ang precious hands ko sa mukhang baku-bakong likod nya?

"Hoy ano ba? Natutulog ka na ba dyan?!" reklamo niya.

"Oo, tulog na. Kaluluwa nya na lang 'tong nagsasalita!"

Tss, imbyerna! Demanding pa masyado!

Samantalang wala pa naman atang 5 minutes ang pag-aalinlangan ko dito.

"Ilagay mo na kas—"

"Oh, ayan! Ayan! Ayan! Isaksak mo sa likod mo!" inis kong nginudngod ang lotion sa kanya.

"Aray ko naman, galit ka ba?!" reklamo na naman niya.

Reklamadora!

"Hindi, tuwang-tuwa nga ko sayo eh. Hmp!" at diniiin ko pa lalo ang mga palad ko sa likod nya.

"Aray ko naman! Ano ba—"

Nastuck-up ako sa nangyari. Tila tinakasan ako ng kaluluwa dahil sa ginawa niya. 

"Shocks," siya.

"Gosh..." ako.

Tinignan ko siya at tila gulat rin sa pangyayari. Pareho ring halos maluwa ang mga mata namin. Ginalaw-galaw ko pa ang palad ko upang icheck kung totoo ba 'to o hindi.

"AAAAAAAAH!!!" sigaw niya.

"YUUUUUCK!" sigaw ko.

Paano ba naman, bigla siyang humarap saken kaya nahawakan ko ang umbok sa harapan nya.

"Eeeeeeeeeeeeeewwwww! OMO! My virgin hands!" pinagpag-pagpag ko ang kamay ko at diring-diring pinunas sa damit ko.

Pero ilang saglit lang ay binatukan niya pa ako.

"Ouch! Lapastangan ka talagang hampaslupa ka noh?! Bakit namamatok ka d'yan?" inis ko nang sigaw.

"Eh langya ka pala, ako na nga nahipuan mo. Ginalaw-galaw mo pa 'yang kamay mo. Manyak ka! Tapos ikaw pang may ganang ngumawa d'yan."

Tumayo na ko at namewang, "Bakit ba?! Eh sa nandidiri—"

Bigla akong napatigil. May kung ano kasi akong naramdaman. Bigla akong kinabahan.

Sana wag naman...

Mali lang ako nang inaakala. Hindi ulit ito totoo...Dahan-dahan akong yumuko. At ganun na naman ang panluluwa ng mga mata ko nang makumpirma ang katotohanan. Napatalon ako bigla. Kusang napatakip ang dalawa kong palad dito.

Punyeta! Hindi maaari ito! Imposible! Sa lalaki lang dapat ako naaapektuhan!

"Uwaaaaaaaaaaaaaaah!" ngawa ko at agad nang tumakbo papalayo sa kanya.

Sana naman hindi niya napansin. Sana lang hindi nakita ng bruhang yon ang aking...ACTIVE BIRDIE.


ANDREA'S Point of View

"Eh? Anong nangyari dun?" taka kong tanong sa sarili ko nang bigla nalang akong layasan ni Dom.

Walk-out king talaga yung baklang yun. Aish! Akala ko pa naman sabay kami makakapagswimming. Tss! Pahakbang na sana ako para lumusong sa tubig nang biglang may marealize.

"Bakit ba?! Eh sa nandidiri—" sasagot pa sana sya saken nun nang bigla siyang mapatigil at nanlaki ang mga mata nya.

Then, dahan-dahan siyang yumuko. Dun lalong nanlaki ang mga mata nya at napatalon pa sya. May tinakpan siyang kung ano sa bandang ibaba nya at...

"Uwaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw niya at nagmamadaling nang tumakbo.

Nanlaki ang mga mata when a realization hits me. Finally, nagets ko na!

"Oh, gosh. Sabi ko na nga ba." I grinned. "Yes!"

Hindi na ko tumuloy sa pagsuswimming, sa halip ay nagtungo nalang akong muli sa resort house.

After several hours...

"Ayan, parating na siya!" sabi ko nang makita siya sa labas pagkasilip ko sa bintana.

Agad kong sinalubong si Dom.

"Hi Honey, where have you been?" tanong ko sabay pulupot sa kanya.

This time ay sinigurado kong dikit na dikit ang katawan kong natatakpan lang ng manipis na lingerie. And as expected, agad niya kong tinulak palayo sa kanya. Pero hindi ako nagpatalo, muli akong dumikit sa kanya.

"Hindi ka ba nakakaintindi ng English, Honey? Ang sabi ko san ka—"

"Dun sa lugar kung saan wala ang presensya mo!" putol niya sa sinasabi ko.

"Ah ganun, anong ginawa mo dun?" tanong ko ulit.

"Naghanap ng peace of mind," walang-gana niyang sagot.

"Bakit?" tanong ko kahit na natatawa na 'ko sa itsura niya ngayon, para kasi siyang depressed na depressed. Ang gulo-gulo ng buhok niya at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.

"Kasi feeling ko, makakapatay na talaga ako ng taong sobrang kulit!" inis niyang parinig saken.

Pero syempre, hindi pa rin ako nagpatinag.

"Ah ganun, so pa—"

"Hindi ka ba nakakahalata, Andrea?!" diniretso nya na 'ko.

"Hindi?" painosente kong sagot.

"Leche! Didirechahin na kita! Huwag mo na 'kong kulitin sa kakatanong mo. Pagod ako, OKAY?!" sabi niya at mukhang magwo-walk out na naman.

Pero agad ko siyang pinigilan, "Wait! Isang tanong nalang talaga, promise."

Nagpa-cute pa ko nang bongga.

"Tss! Bilisan mo nang makatulog na," mukhang nagpapasensya nalang talaga siya.

"Ahm..." nagtwinkle-twinkle pa 'ko nang mga mata.

"Tangna, pa-cute pa eh! Nakakata-kyut naman, bilisan mo na!" inip niyang sigaw.

Hindi ko sya pinansin, sa halip ay buong lambing pa rin akong pumulupot sa kanya. "Honey, ask ko lang..."

"...paano ka nakaraos kanina?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anong masasabi niyo sa nakakalokang tanong ni Andrea kay Dom? :D ~~MoonLightFairy

Continue Reading

You'll Also Like

162K 3.6K 33
Paano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is alread...
1.9M 26.6K 75
"...and I fell in love with my bestfriend" | mundongsaging (c) 2012 ALL RIGHTS RESERVED
260K 14.4K 36
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
31.2K 937 33
Aila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely...