Melting Ice Princess 4

Par jaysanj

557K 37.1K 28.1K

Si Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
THANK YOU!!

Chapter 13

10.3K 743 954
Par jaysanj



Hiraya's POV

"Hindi ka pa rin umuuwi?" nakakunot ang noong tanong ni Ame pagkapasok nya ng dinning area.

"Good morning, baby." imbis na sagot ko sa kanya. "Sakto ang dating mo, luto na ang almusal."

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" muling tanong nya.

"Uuwi ako mamaya. Sinusulit ko lang ngayong araw dahil simula bukas ay hindi mo na ako makikita." nakangising sabi ko bago naglakad papunta sa kusina para kuhain ang ibang niluto kong almusal.

Bumalik ako sa dinning area, nakaupo na si Ame sa harap ng lamesa at saktong dumating naman sila Mamita.

"Hangang hanga talaga ako sa presentation ng mga niluto mo." sabi ni Mamita na inilalayan ng nurse nila na maupo sa harap ng lamesa.

"Pangarap mo bang maging chef dati?" tanong ni Lala.

"Yes po, dati po kaming may tindahan ng mga ulam sa palengke nung hindi pa ako nakikilala ni Tito Kristoff. Madalas kong tulungan ang mga magulang ko sa pagluluto." nakangiting sagot ko at inilapag sa harapan ni Ame ang niluto kong heart-shaped pancake. Napatingin pa sya sakin na nakakunot ang noo.

"Mabubuhay na ng maayos si Ame kapag ikaw ang pinili nya. Hindi marunong magluto ang batang yan." sabi ni Mamita. Natawa na lang ako sa turan ni Mamita.

Payapa kaming nag-aalmusal. Madalas kong kakwentuhan si Mamita habang tahimik lang sa tabi namin si Lala at Ame pero paminsan minsan ay nagsasalita si Lala na hindi katulad ni Ame na wala talagang imik.

"Hindi ba kumikirot ang paa mo?" tanong ko sa kanya nung mag-usap na ang dalawang matanda. Tinignan nya lang ako pero hindi ako sinagot. "Hindi mo talaga ako kakausapin kahit hanggang ngayon mo na lang ako makikita?"

"Hindi."

"Hmm..." nilingon nya ako na nakakunot ang noo. "Masyado kang nagmamatigas dyan, napakaselosa mo naman."

"Sino nagseselos?" mas lalong kumunot ang noo nya na halos magdikit ang mga kilay nya.

"Ikaw." sagot ko naman.

"Bakit naman ako magseselos?"

"Kasi mas close kami ni Iris." hindi sya nakasagot pero ang sama ng tingin nya sakin. Napangisi ako. "Alam mo, cute ka kapag nagpapakipot ka pero wag masyadong magmatigas. Kaya kong sumuko." babala ko sa kanya.

Hindi ako madaling sumuko at hinding hindi ko sya bibitawan pero sinabi ko lang 'yon para naman mabawas-bawasan ang pagmamatigas nya. Halata naman sa kanya na may pagkainteresado sya sakin at katulad ng sinabi ni Lala noon ay bago lang kay Ame ang nararamdaman nya kaya hindi nya alam kung paano nya ito iha-handle lalo na ball is life na gustong tumandang dalaga ang isang 'to.

Napatingin ako sa lamesa nung mag-ring ang cellphone ko at bumungad ang pangalan ni Iris. Nilingon ko si Ame at nakitang nakatingin sya sa cellphone ko.

"Sasagutin ko lang po ito." pagpapaalam ko sa dalawang matanda. Nilingon ko si Ame at makahulugan ko syang tinignan bago lumabas ng dinning area.

"Hiraya."

"Hi Iris, good morning." nakangiting bati ko. "Nag-almusal ka na ba at ang aga mong tumawag?"

"Narinig ko kagabi na hanggang ngayon na lang kayo dito?" nasabi siguro nila Zed na aalis na kami bukas.

"Oo, magce-celebrate kami ng anniversary namin sa ibang bansa kaya mapapaaga ang alis namin. Nasabi ko kahapon na next year na ulit tayo magkikita ah."

"Yeah but I didn't expect na hanggang ngayon na lang kayo. Usually dalawang linggo kayong nandito after ng Cup tournament."

"Anniversary namin next week at naisipan ng buong team na isang linggong selebrasyon ang mangyayari dahil sa ibang bansa gaganapin."

"Ngayon lang ulit tayo nagkita tapos aalis ka na agad." napangiti ako nung mahimigan ko ang lungkot sa boses nya.

"Parang hindi naman tayo nag-uusap."

"Iba pa rin yung nakakasama kita." napailing ako. Minsan may ugaling bata si Iris na akala mo iniwanan ng magulang kaya ang cute nya eh.

"Mas maganda na ang ganito para hindi ka masyadong mahulog dyan." hindi ko alam kung ano ganap sa kanila ni Katsumi at kahit na gustong gusto kong nakakasama si Iris ay gusto kong dumistansya muna kami sa isa't isa para hindi sya tuluyan na magkagusto sakin.

"May nangyari samin ni Katsumi nung nakaraan." nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Kung may iniinom lang ako ay nasamid na ako ng todo.

"What the hell?"

"Noon pa lang gulong gulo na ako sa nararamdaman ko sa inyo. Hindi ko alam kung sino ang hahabulin ko kung parehas ninyong gusto si Ame. Hindi ko alam kung sino sa inyo na may pag-asa ako." natahimik naman ako. Kung titignan ay sobrang nakakaawa ang lagay ni Iris. Nagmamahal lang naman sya.

"Mukhang may pag-asa ka naman kay Katsumi." hindi ko alam kung umamin na si Katsumi kung may nangyari na sa kanila.

"Hindi nya ako gagalawin kung wala." ramdam kong napairap sya kaya natawa ako.

"Parehas pa naman kayong malamig, isa dapat sa inyo ang gumalaw kung gusto ninyong kayo ang magkatuluyan."

"Sya ang kumilos, pagod na akong humabol." muli ako na tawa. Kawawang Katsumi.

"Bahala kayo, kapag may dumating na asungot kayo ang mahihirapan."

"Yeah, whatever. I'm gonna go now. See you in the court next year." pagpapaalam nya.

"Good luck." nakangiting sabi ko at ibinaba ang tawag.

Next year huh.

Naglakad na ako pabalik sa dinning area. Nilingon ko si Ame. Nahihiwagahan ako nung makitang hindi sya kumakain. Nakatulala lang sya habang pinaglalaruan ang pagkain. Busy naman ang dalawang matanda sa pag-uusap.

"Ano? napag-isip isip mo na ba na gusto mo ako?" nakangiting tanong ko. Dapat talaga sa taong 'to pinupush para matauhan eh.

"Wala akong gusto sayo." mabilis na sabi nya naman at inirapan pa ako.

Napailing ako. "Hindi ka magseselos ng ganyan kung wala." kinuha ko ang blueberry sa pancake nya.

"Hindi ako nagseselos." ang tigas talaga.

"Sure, baby." nakangiting sabi ko at kinain ang blueberry na may kasamang pang-aakit dahil nakatingin sya sakin.

Base sa reaction nya ay halatang naapektuhan sya sa pang-aakit ko. Ayan ba ang walang gusto sakin? sinabi ni Katsumi na marami ng sumubok na akitin si Ame pero wala ni isa sa kanila ang tumalab kay Ame. Ako pa lang. Masyado lang talagang pakipot ang isang 'to.

Pagkatapos namin mag-almusal, ang dalawang matanda ay tumungo sa garden para maglakad-lakad. Mas lalo daw kasi sila nanghihina kung hindi sila magkikilos. Kaya may lakas pa silang dalawa eh. Si Ame naman ay bumalik sa kwarto nya na sinundan ko. Nahiga sya sa higaan nya habang nililibot ko ang tingin ko sa buong kwarto nya.

"Hindi naman halatang basketball fan ka." sabi ko. Ang dami kasing basketball related ang naka-display sa kwarto nya. "May iba ka bang gusto bukod sa basketball?" tanong ko.

"Nagca-camping ako ng mag-isa." bahagya akong nagulat na sumagot sya sakin. Mabuti na lang ay nakatalikod ako sa kanya dahil kapag nakita nya ang itsura ko ay baka hindi na sya sumagot pa ulit. Himala kasing kinausap ako.

"Bakit mag-isa ka lang?" muling tanong ko at lumapit na sa kanya sa higaan. Naupo ako sa paanan nya.

"Ayoko ng may kasama." inilabas nya ang cellphone nya at doon tinuon ang atensyon.

"May naakyatan akong bundok na may magandang spot para magcamping. Tabi lang ng dagat kaya maganda ang view. Punta tayo next year?"

"Pumunta ka mag-isa." nagiging cold na naman sya.

"Aayain ko na lang si Iris kung ayaw mo." tumingin ako sa harapan pero ramdam ko na napatingin sya sakin. "Anyway, kailangan ko ng umuwi." tumayo ako sa pagkaupo at tinignan ang orasan na nakasabit sa pader.  "Lalabas pa kami ni Iris." nilingon ko sya at nginisian.

Ayoko sanang gamitin si Iris para pagselosan si Ame pero kailangan ng matauhan ang isang 'to at maunahan pa ako ng iba lalo na isang taon akong mawawala. Kailangan ngayon pa lang ay malaman nya na sa sarili nyang gusto nya ako.

Maglalakad na sana ako palabas ng kwarto nung pigilan nya ako. Nakahawak sya sa laylay ng damit ko. Pinigilan ko ang ngiti ko para maiwasan na mainis sya.

"You're enjoying this, aren't you?" may sama ng tingin na sabi nya. Tuluyan na akong napangiti at lumapit sa kanya.

"Masyado ka kasing nagpapakipot. Kaya kong tagalin yang ugali mo pero hindi iyan uubra sakin." hinawakan ko ang pisngi nya at bahagya itong hinaplos. "Kaya kung ako sayo, magpakabait ka sakin." nginitian ko sya at umayos ng tayo.

"Then don't go." titig na titig sya sakin. Nag-uutos pero may pagmamakaawa na sabi nya.

"Kailangan kong umuwi." nakangiting sabi ko. Nagdududa pa syang nakatingin sakin. "Uuwi talaga ako samin. Kailangan kong mag-impake dahil pupunta kami ng Japan."

"Anong gagawin ninyo sa Japan?" napataas ang isa kong kilay sa tanong nya. "Nevermind." sabi nya at bumalik sa pagkasandal sa headboard ng higaan.

Napangiti ako dahil naging interesado sya. "Doon kami magce-celebrate ng anniversary namin." bahagya lang sya tumango. Natutuwa naman ako na nagiging mabait nga sya. Dapat talaga tinatakot ang isang 'to eh. "Wala ka bang sasabihin pa? hindi mo na ulit ako makikita."

Matagal syang nanahimik pero hindi naman yung hindi nya pinansin ang sinabi ko dahil halatang nag-iisip sya.

"Hindi ba maaga pa para umuwi?" bahagya ako nagulat na iyon ang sinabi nya. "Mag-iimpake ka lang naman."

Napangiti ako. "Oo pero susulitin ko ang araw na kasama ko ang pamilya ko bago ako umalis."

"Mamayang tanghali ka na umuwi." naging mabait nga sya na kinakausap ako pero ang bossy nya.

"At bakit?" nakangiting tanong ko. Ako naman ang magpapakipot saming dalawa dahil gusto ko syang asarin sa pagpigil nyang umalis ako.

Sinamaan nya ako ng tingin kaya mas lalo akong napangiti. Alam nyang inaasar ko sya. Tignan nga natin kung saan aabot nyang katigasan mo.

Huminga sya ng malalim. "Dahil gusto kitang makasama." napaawang ang bibig ko sa gulat. Hindi malamig ang pagkasabi nya at sincere talaga sya.

"Okay." muli ako napangiti. Akala ko magtatagal pa ang pag-aasar ko sa kanya pero marunong naman pala maging honest ang taong 'to. Pakipot lang talaga madalas.

Muli akong naupo pero sa tabi nya na. Tinignan ko ang cellphone nya kung ano ang ginagawa nya don kanina at nakita ang video ng laban nila ni Sun. Mukhang tama nga si coach Keira na sa susunod na laban nila ni Sun ay mapipigilan nya na 'to.

"Ano na gagawin natin? wag mong sabihin na tutunganga lang tayo." sabi ko sa kanya dahil ang tagal nyang nanahimik.

"Ano bang gusto mong gawin?" bumalik na yung pagiging cold nya. Ang bilis talaga magbago ng mood nito.

"Kissing session." nakangiting sagot ko. Sinamaan nya agad ako ng tingin kaya natawa ako. "Miss ko na kaya ang labi mo." hinawakan ko ang pisngi nya at pinadaloy ang hinlalaki ko sa labi nya habang titig na titig ako don. Tumingin ako sa mga mata nya at nakitang nakatingin lang sya sakin.

Napangiti ako sa kanya at lumapit para halikan sya. Nakakahimala talaga na naging mabait si Ame ngayon. Hindi sya umangal na halikan ko sya bagkus ay hinalikan nya din ako. Yung unang mga halik namin ay sapilitan lang at nadadala lang kinalaunan pero kahit na ganon ay ang sarap pa rin nyang halikan. Ngayon na parehas namin gusto ay double ang saya at sarap sa pakiramdam na kahalikan sya.

Dahil nadala kami sa halikan namin ay hindi ko namalayan na nakaupo na ako sa hita nya at nakakawit pa sa batok nya. Hawak nya naman ang bewang ko na bahagyang nakapasok sa loob ng tshirt ko kaya ramdam ko ang init ng palad nya.

Lumayo ako sa kanya nung parehas kami nawalan ng hininga. Nakatitig sakin si Ame. Kung dati ay may pagnanasa syang nakatingin sakin, ngayon ay may kakaiba sa mga tingin na pinupukol nya.

"Pakipot ka pang ayaw mo ng kissing session." nakangising sabi ko.

"Seriously?" nakairap na sabi nya. Bahagya akong natawa.

"Hindi ka ba nangangalay? yung paa mo?" tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin ako umaalis sa pagkaupo sa hita nya.

"Hindi ka naman mabigat." napangiti ako dahil pinapahiwatig nya na wag akong umalis sa pagkaupo ko.

"Wala ka bang hihilingin sakin kapag bumalik na kami sa camp?" nagtatakang tumingin sya sakin. "Halata naman na may gusto ka sakin pero ayaw mo lang umamin." sinamaan nya ako ng tingin kaya natawa ako. "Hindi kita pinagseselos pero mag-uusap pa rin kami ni Iris."

Tinitigan nya ako. Mukhang hindi naman sya nagselos na alam nyang mag-uusap pa rin kami ni Iris bagkus ay tila nag-iisip sya.

"Ano pa ang sense na hindi ka magpapakita ng isang taon kung mag-uusap tayo?" tanong nya.

"Usap lang naman, hindi natin kailangan mag-video call. Hindi ba gusto nga kitang mas makilala pa lalo? at kaya lang naman ayokong magpakita dahil gusto kong magulat ka sa pagbabago ko."

"You're already gorgeous." nagulat ako sa sinabi nya. Seryoso pa syang nakatingin sakin nung sinabi 'yon.

"Bakit ayaw mo pang umamin na gusto mo na rin ako?" ngiting tanong ko.

"Bakit ba ang hilig mong magbasag ng mood?" natawa ako. Ang sarap talaga nyang asarin.

"Umamin ka na kasi para maging mag-girlfriend na tayo ngayon."

"Ayoko ng LDR." namangha naman ako sa sagot nya. Hindi nya deneny na gusto nya ako.

"Edi hihintayin mo ang isang taon?" nakitbitbalikat sya kaya nagtatakang tinignan ko sya.

"Depende. Hindi lang naman ikaw ang nakakakuha ng interest ko."

"May iba pa?" nakakunot ang noong tanong ko. "Akala ko wala kang pakialam sa iba?" nakitbitbalikat sya. "Totoo ba yang sinasabi mo o gusto mo lang ako pagselosan dahil hindi uubra yan."

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" tinitigan ko sya ng mabuti pero sa ugaling meron si Ame ay halatang hindi sya nagbibiro.

"Talagang hindi mo papadaliin ang relasyon natin ah." nakangiting sabi ko. "Katulad nang inakala ko na may relasyon kayo ni Lillian, maghihintay pa rin ako sa pagkakataon ko na maangkin ka. Sa akin at sa akin ang bagsak mo, Amethyst Levinson."


"Anong problema mo huh?" tanong ni Zed habang hingal na hingal. Tinignan ko sya ng inosente. "Bakasyon ang pinunta natin dito sa Japan, hindi training!"

"Sinong nagsabing bakasyon?" nakaarkong isang kilay kong tanong sa kanya.

"Kami!" sabi ng buong team pwera kay Ember na pailing iling lang sa nangyayari.

"Kailan pa? ako ang pumili na dito tayo magce-celebrate ng anniversary natin at wala akong sinabi na hindi tayo magtra-training dito." sagot ko at lalo silang nag-angalan.

"Naiintindihan ko sila, Hiraya." tumingin ako kay Ember. "Okay lang naman na mag-training tayo habang nandito tayo pero hindi yung pagkarating natin dito. Ni-hindi pa tayo nakakapag-ayos ng gamit natin."

"Ano bang nangyari sayo? halatang wala ka sa mood at dinamay mo kami." sabi ni Siera na may pag-aalala na may pagkayamot.

"Wala naman." inirapan nya ako.

"Hindi mo ako maloloko. Kanina ka pa tahimik. May nangyari ba?" tanong nya. Narinig ko naman si Ember na pinagpahinga ang mga kasama namin kaya naiwan kaming dalawa lang ni Siera.

Bumuntong hininga ako. "Si Ame kasi." nagtatanong na tinignan nya ako na pinapahiwatig na ipagpatuloy ang sasabihin ko. "Bukod sakin, may nakakakuha sa atensyon nya."

"Akala ko ba hindi ka naaapektuhan kay Lillian?"

"Wala silang relasyon ni Ame. Nasa bahay nya ako ng dalawang araw at doon ko nalaman na sinasamahan lang ni Ame si Lillian."

"Mas nagulat ako na nasa bahay ka nya kaysa sa wala silang relasyon ni Lillian. Pero hindi mo ba naisip na baka si Lillian ang tinutukoy mo na nakakakuha ng atensyon nya?"

"Mukhang hindi naman si Lillian 'yon kasi kung si Lillian 'yon ay dapat may relasyon na sila. At tsaka hindi ko ka-level si Lillian." napataas ang kilay nya sakin.

"Kapal talaga ng mukha mo." natawa ako sa komento nya. "At dinamay mo pa talaga kami sa problema mo kay Ame. Akala ko ba hindi ka madaling mainis pero nalaman mo lang na may nagugustuhan si Ame ay nagkakaganyan ka na."

Ngumuso ako. "Isang taon akong hindi magpapakita sa kanya, mamaya makuha sya sakin eh."

"Pabebe ka kasi eh. Dami mong alam." nakitbitbalikat ako.

"Pinaghahandaan ko lang ang pagbabangon ng Dragon Empire. Mas naisip na kasi akong gagawin sa oras na bumalik tayo." nakangiting sabi ko.

"Ano naman 'yon?"

"Mas malala sa ginawa ng team noon sa pamamahala ni Avey Walker. Siguradong mababahala silang lahat satin."

"Sa ngiti mo pa lang alam ko ng paghihirapan namin ang binabalak mo." mas lalo akong napangiti. "Ang creepy, Hiraya tigilan mo nga yan." natawa ako. "Ano? hindi mo na ba iniisip ang problema mo kay Ame?"

"Hindi na. Tsaka ko na iisipin kapag natapos na ang training natin." nakabuntong hininga kong sabi.

"Good. Remind ko lang sayo na bakasyon ang pinunta natin dito at hindi training. Tsaka ka na magpahirap kapag nasa camp na tayo."

"Ano kayo sinuswerte? magkakaroon tayo ng laro sa dating team ni Katsumi dito. Ito na ang chance natin na makalaro ang iba."

"Bwiset ka talaga." sabi nya at nag-walk out. Natawa naman ako at sumunod sa kanya.



Pumasok ako sa loob ng office at nakita si Ember, Aki at si coach Keira. Halatang nag-uusap sila at napatigil lang nung pumasok ako.

"Oops, sorry, gusto ninyo lumabas muna ako?" tanong ko sa kanila.

"No need dahil kailangan ka rin dito. Nakalimutan mo na bang ikaw na ang captain?" napakamot ako ng pisngi sa sinabi ni coach.

"Tatawagin ka pa lang namin nung dumating ka. Oras na kasi para pag-usapan ang mangyayari sa Empire Tournament." sabi ni Ember.

"Talaga? anong date na ba ngayon?" tanong ko at tinignan ang kalendaryo na nakasabit sa pader. "Hindi ko namalayan ang panahon, five months na lang pala matatapos na ang training namin."

"Masyado ka kasing busy sa pagpapahirap samin." sabi ni Aki na ikatawa namin ni Ember.

"Bago kayo pumunta sa Empire Island, ang bawat captain at vice captain ay pumupunta sa lahat ng Empire team camp para magpakilala sa mga rookies at mag-observe sa kanila. At dahil ikaw na ang bagong captain kailangan mong pumunta sa camp ng ibang Empire team." sabi ni coach Keira.

"Hindi pa naman ako official na captain hindi po ba? baka magtaka sila na isang trainee ay naging captain kahit nandyan pa si Ember." sabi ko.

"Wala naman kaso kung trainee ka pa lang tapos naging captain ka na. Though ngayon lang 'to nangyari ay wala dapat problema." sabi ni Ember.

Tinitigan ko sya. "Mas maganda kung kayo pa rin ni Aki ang pupunta kaysa sakin. Nag-aalala ako sa sasabihin nila sa inyo."

"Desisyon namin na ibigay sayo ang position, Hiraya." sabi ni Ember.

"Well si Ember lang ang aasarin nila sa madaming dahilan. Una ay dahil wala sa top four ang Dragon Empire kahit na overall sa Empire Tournament ay tayo ang nanalo. Pangalawa ay hindi nya napigilan ang pag-alis ng ibang miyembro last year dahilan kaya hindi na nakasali ang Dragon Empire sa Cup at ang pangatlo ay bumaba ang position nya." sabi ni Aki.

"At tapos gusto ninyo pa na ipakilala ako sa kanila bilang team captain? hindi ba pwedeng ihold na muna 'yon para hindi asarin si Ember?"

"Katuwaang asar lang naman 'yon dahil close namin ang mga senior sa ibang team. Isa sa dahilan kaya gusto namin na ikaw ang pumunta dahil malalakas mang-asar ang mga seniors sa ibang Empire team. Immune ka naman sa asar kaya paniguradong magiging maayos ka lang don."

"Okay sana kung sasabihin mo na magaling ako kaya ninyo ako pinapapunta sa ibang camp pero dahil sa asar nila?" umiling ako sa sinabi ni Aki.

"Kasama mo naman si Ember na isa rin hindi madaling mapikon." muli na naman ako napailing. "Ang problema sa ibang team ay ang mga rookies nila. Nasabihan na kami ng mga captain sa ibang team na minamaliit nila ang Dragon Empire." napataas ang kilay ko.

"Dahil hindi tayo nagcha-champion." sagot naman ni Ember nung mapansin ang pagtataka ko.

"Kayo ang nanalo sa Empire Tournament habang ang mga senior nila hindi. Meaning, iba ang level ng players sa Manila kaysa sa lugar nila. Hindi ba nila naisip 'yon bago sila magmaliit?" takang tanong ko.

Nakitbitbalikat si Ember habang bahagyang natawa naman si Aki.

"Kaya nga gusto rin namin na ikaw ang magpakita para malaman nila na hindi dapat minamaliit ang Dragon Empire." sabi ni Ember.

"May chance ka rin na ma-observe sila since two days and one night kayong nandon sa bawat camp. Mapaghahandaan mo ang laban ninyo doon." sabi naman ni Aki.

"Sabihin mo nga, kulang pa ba ang training ko sa inyo para paghandaan namin sila?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Nevermind." napangisi ako sa biglang bawi nya.

"Ang ibigsabihin lang naman ni Aki ay makita mo ang kahinaan nila at ang kakayahan nila. Sabihin man natin na natalo namin ang mga seniors nila, hindi natin alam kung gaano kagaling ang mga nakuha nilang rookies. Malay mo ayun pala ang dahilan kaya minamaliit nila tayo dahil magaling sila. Hindi palagi ay nananalo ang Dragon Empire sa Empire Tournament." pagpapatanggol naman ni Ember.

"Tama." napatingin ako kay Aki dahil biglang nabuhayan sa sinabi ni Ember. Kanina lang ay natakot na baka dagdagan ko ang training. "Malay mo may kasing galing ni Ame ang rookies sa ibang team."

"O nila Sun. Kahit na natatalo mo minsan si Katsumi, maganda rin na makita mo ang kulang mo sa ibang player." dagdag ni Ember.

"Hindi purkit natatalo mo si Katsumi ay magaling ka na." tumingin ako kay coach Keira na kanina pa nanahimik. "Hangga't kaya ka pang talunin ni Katsumi, may kulang pa sayo." salitan kung manalo kami ni Katsumi sa bawat laro namin. Lalong nag-iimprove si Katsumi sa bawat laro namin kaya natatalo nya ako.

"Hangga't may nakakatalo sayo, kulang pa para talunin mo si Ame." tama si Ember, hindi ko matatalo si Ame kung nagagawa pa akong talunin ni Katsumi. Si Ame na kahit sino ay wala pang nakakatalo.

Five months na lang ang natitira ay matatapos na ang training ko at pwede ko ng makaharap si Ame pero kulang pa rin para talunin sya. Masyado akong naging focus sa mga ka-team ko na mas lalo pa silang palakasin at nakalimutan ko na ang sarili ko. Dapat na akong magseryoso ngayon.




--------------------------------------------



Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

390K 14.5K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...
122K 6.8K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.1M 60.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
8.8K 597 95
"and history say they were roommates." an epistolary. --- Paranoid of not having a place to stay for the new semester, Aleszandra Sunni Ferrer posted...