Love at First Sight

De MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight Mais

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Thirteenth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twenty-second One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Seventh One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-First One
Thirty-Second One
Thirty-Third One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Sixth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Forty-Ninth One
Fiftieth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Twentyfirst One

1.5K 61 0
De MyTrixietrix

Twentyfirst One

Matapos ng pag-uusap namin ni Kyle. Matapos ang napakasarap na dinner na hinanda ni Elmo, umiwas muna ko sakanya. Wag kayong mag-alala kasi hindi ko siya iiwan. May hinahanda lang akong surpresa sakanya. Gusto ko naman na kahit papaano makabawi ako sakanya.

Ngumiti lang siya. "Papakasalanan mo naman ako diba? Sapat na yun."

Tumingin ako sakanya. Hinalikan ko siya sa gilid ng lips.

"Yes, kasal."

Kasal at pagpapakasal. Yun ang pinaka magandang regalo na maibibigay ko sakanya. Ang pakasalan siya pero humingi ako ng konting panahon diba?

"Besh?"

"Hmm?"

Tiningnan ko ang aking bestfriend na busy sa paglalaptop.

"Papakasalan ko si Elmo."

Tumingin naman siya sakin. "Oo nga diba? Magpapakasal naman talaga kayo ah?"

Umiling ako. "I mean, tulungan mo ko. Papakasalan ko siya sa school."

Napatigil naman siya sa paglalaptop at humarap sakin.

"Anong ibig mong sabihin na papakasalan mo siya sa school? Ano bang natira mo?"

"Besh, naisip ko lang na gusto kong makabawi sakanya. Ang dami na kasi niyang effort para sakin eh. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi wala man lang akong maisukli sakanya."

"Hmm. Eh bakit kasal? Magpapakasal naman talaga kayo diba? Nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na agad after graduation?"

Umiling ako. "Tulad ng sabi ko, gusto ko may maipagmamalaki ako kay Elmo. Gusto ko magkaroon ng trabaho. Ayoko na siya ang gagastos sa kasal namin."

"Anong balak mo? Paano mo siya papakasalan sa school? School talaga?"

Tumango ako. "Para malaman naman ng lahat kung ano si Elmo sakin. Kahit dun man lang kung iiwan ko ang school natin, at least may sobrang sayang memory akong babalikan."

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Okay sige, game ako dyan. So..ganito, para naman makapag prepare tayo, bawas bawasan mo muna ang pagkikita niyo para may thrill."

"Ha? Kailangan pa ba nun? Baka mamaya kung anong isipin nun."

Natawa naman siya. "Aba! Yun nga ang maganda eh. Alam mo napanuod ko na ito sa mga movies. Maganda kapag pinapakaba mo yung gusto mong surpresahin."

"Sige na nga. So paano?"

"Kelan mo ba gustong maganap ang lahat ng yan?"

"Sa Friday sana. May culinary class siya nun so umaga hanggang tanghali imposible kaming magkita."

Tumango tango siya. "Okay sige. Kailangan natin ang tulong ng sambayanan."

"Ha?"

"Ako ng bahala besh."

Konting oras lang ang meron kami para sa paghahanda ng surpresa ko kay Elmo. Nagkikita pa naman kami pero palagi akong may dahilan kung bakit ako nagmamadali. Pakiramdam ko nakakahalata na siya. Ayoko man na mag-isip siya ng kung ano ano kasi nagsimula ang plano kong ito matapos ang pag-uusap namin ni Kyle. Baka isipin niya si Kyle na ulit gusto ko. Ito naman kasing si Carly, okay lang daw na yun ang isipin ni Elmo para mas may thrill ang surprise ko sakanya.

"Okay besh. This is the day. Friday."

"Besh, kinakabahan ako."

Niyakap naman ako ni Carly.

"Wag kang kabahan. Para kay Elmo ito diba?"

Tumango ako. "Magustuhan kaya niya?"

"Oo naman! Ako nag-isip ng buong concept nito eh!"

Natawa naman ako. "Ayun na nga besh eh, ikaw ang nag-isip. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Biruin mo, unang scene palang, clinic? Baka mamatay yun sa pag-aalala."

"OA mo besh. Chill ka lang. Magpaganda ka na dyan okay? Yung speech mo ayusin mo na. Basta mag ready ka na. Kami ng bahala kay Elmo mo."

Bigla naman kaming nakarinig ng katok.

"Ready na kayo? Ready na kasi ang buong team kayo nalang ang hinihintay."

"Yes. Ready na kami. Sabihin mo pumwesto na sila." Lumapit si Carly kay Kyle.

Yes. Si Kyle. Humingi ng tulong si Carly kay Kyle. Sinabi niya na kailangan niyang bumawi samin kaya dapat tulungan niya kami. Hindi naman nagdalawang isip si Kyle at pumayag naman siya.

"Juls?"

Nginitian ko siya. "Salamat."

"Wala yun. Kulang pa nga ito sa lahat ng ginawa ko sayo."

Hindi ko na siya sinagot pa. Lumabas na sila ni Carly. Tumingin ako sa salamin. Nandito pala ako sa Girls locker room.

"Okay, I'm ready. See you later, Yam."

Bawat scene na mangyayari nakikita ko dahil sa cctv. Talagang pinaghandaan ito ni Carly. Nagpatulong siya sa mga computer geeks na kaibigan namin. Natatawa nga ako kasi para kaming gumagawa ng movie. Ang unang camera ay na kay Elmo. Nakikita ko siyang nagluluto.

"Yam, ano kaya yang niluluto mo? Sure akong masarap yan."

Ilang minuto pa nakita ko na nagsimula na ang plano. Ang unang sasalang ay si Atasha. Kailangan niyang mapaniwala si Elmo na nasa clinic ako. Sa clinic kasi ang starting point. Nakita ko na tumakbo si Elmo. Sabi ko na mag-aalala talaga siya ng husto. Nakita ko din na naiinis na siya ng hindi siya pinapapasok ng mga nakaharang sa labas ng clinic.

Binato na ni Kyle yung bola. Ito na. Malapit na. Tumakbo si Elmo kung saan saang lugar. Hinahanap niya ko. Tumayo na ko. Napakagat ako sa kuko ko. Nagsisimula nanaman akong kabahan. Nakita niya na ang pangalawang bola na nagsasabi na nandito ako sa gym.

"Okay. Ready." Huminga ako ng malalim.

Lumabas na ko. Sumilip sa labas. Nakita ko na kinikilig kilig pa ang mga tao na nasa loob ng gym.

"Julie! Nandyan na siya!"

Sigaw nung bantay. Dug dug dug dug. Parang may tumatakbo na sampong kabayo sa loob ng puso ko. Nakasuot lang ako ng simpleng pink dress. Nagsimula na silang magsayaw. Yun kasi ang mangyayari para matakpan ako. Kumakanta din sila ng Marry me. Kakantahan ko din kasi si Elmo para mas romantic daw sabi ni Carly. First time kong gagawin ito sa harap ng student body.

"You're the love of my life" sabi ko.

I'll say will you marry me

I swear that I will mean it

I'll say will you marry me..

Nakatulala lang siya sakin. Nakikita ko sa mata niya na sobrang gulat na gulat siya sa nangyayari. Matapos ang pagkanta ko binato ko sakanya ang isang bola na may nakasulat na..

Yam, marry me. <3

Nag speech ako. Sinabi ko sakanya lahat ng gusto kong sabihin. Kung gaano ako nagpapasalamat sakanya na dumating siya sa buhay ko. Natapos ang lahat at sinagot niya ang tanong ko. Nag yes siya. Nag yes siya na maging date ko sa darating na graduation ball. At nag yes siya na papakasalan niya ko. Nakakatuwang isipin na sa simpleng ganito lang nakapagbigay ako ng isang napaka gandang memory saming dalawa.

"Thank you, Yam. I love you." Sabi niya.

"I love you too." Ang sagot ko sakanya.

Then we kissed. Isang napaka tamis na halik ang binigay ko sakanya.

"Yam?"

Napatingin ako kay Elmo na ngayon ay nasa harap ko. Kakatapos lang ng surpresa ko sakanya. Niyaya niya ko sa may canteen. Pinapatikim niya sakin yung niluto niya.

"Are you okay? Napagod ka ba?"

Umiling ako. "No, yam. Naalala ko lang kung paano namin nagawa ang planong ito."

Ngumiti siya sakin. "Yam, may aaminin ako sayo."

"Ano yun?"

"Kanina pa ko kinikilig."

Natawa naman ako. "Haha. Hindi ka nag-iisa, Yam. Kinikilig din ako eh."

"Salamat talaga, Yam. Pinasaya mo talaga ako ngayong araw."

"Gusto ko lang talagang makabawi sayo."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang makita ka lang masaya sa piling ko sapat na yun na pambawi."

Nakangiti lang kami sa isa't isa. Nagsimula na ulit kaming kumain. Sinubuan pa niya ko. Alam ko na bawal ang PDA pero wala na kong pakialam. Minsan lang akong gumawa ng ganito, lulubusin ko na. Si Elmo naman yan eh.

"Ang sarap, yam."

"Salamat."

"Uhm, Yam? Nakapagpa reserve ako ng beach resort sa subic. Yun ang pupuntahan natin bukas."

"Talaga, Yam? Sige sasabihin ko kala Papa na dun nalang tayo magkita kita."

Ngumiti naman siya sakin.

"Sana magustuhan ako ng mga kapatid mo noh?"

"Sure naman ako dun."

"Thank you, Yam."

"Oh? Para saan nanaman?"

"Kasi pinapakilig mo ko eh. Salamat talaga. Salamat. Salamat. Salamat."

At bigla niya kong hinalikan sa pisngi.

To be continued..

Continue lendo

Você também vai gostar

2.6K 71 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
177K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
1.2M 24K 56
just for fun
225K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...