Fifty-Ninth One

959 48 0
                                    


Fifty-Ninth One

Pagkarating ko sa bahay agad akong sinalubong ni Joanna sa labas. Tumakbo siya sakin at yumakap.

"Ohh. Bakit?" Natatawa kong sabi.

"Wala naman, Ate. Bukas kasi hindi ka na uuwi dito satin. Mamimiss kita."

"Aww. Joanna, dadalaw naman ako dito. Hindi naman ako ikukulong ng Kuya Elmo mo."

Natawa din siya. "Ikukulong ka ni Kuya Elmo sa puso niya."

Ngumisi ako. "Handa naman ako magpakulong sakanya doon."

Natawa nalang si Joanna. Pumasok na kami sa loob at nakita ko si Papa na nag babasa ng newspaper. Si Mama na naghahanda ng kape sa may dining. Si Jac na naglalaro ng ipad. Palaging ganito ang set up sa umaga at sure akong mamimiss ko ito.

"Good morning San Jose family!"

Bati ko sakanila. Napatingin naman sakin sila Papa at ngumiti. Binaba ni Papa ang binabasa niya at lumapit sakin.

"Sab Jose family talaga? Haha. Bukas Magalona ka na."

"Pa, thank you po."

"Para saan?"

"Wala lang. Gusto ko lang po kayong pasalamatan."

Ngumiti siya sakin. "Tara kumain na tayo at magbobonding pa kayo ni Carly."

Napakunot noo ako. Nagpunta kami sa mag dining table.

"Paano niyo po nalaman?"

Natawa si Mama. "Paano ba naman sinabi niya sakin kaninang umaga. Tumawag siya at sabi na hihiramin ka muna niya samin. Nangako na ibabalik mamayang tanghali. Kailangan daw niyang makasama ang bestfriend niya bago ang big day nito bukas."

Si Carly talaga.

"Okay lang po ba, Papa? Mama?"

Tumango naman sila. Napangiti ako. Naalala ko yung sinabi ni Elmo kanina na kumg pwede dito nalang kami magbonding tutal natatakot ako. Pero bakit nga ba ako natatakot? Panaginip lang naman yun. Tska baka magwala pa si Carly, yun ang mas nakakatakot.

"Ate? Gusto mo ng milk?"

Tanong ni Jac. Ngumiti ako at tumango.

"Ate kain ka ng marami ah?" Sabi ni Joanna.

Kahit busog pa ko dahil kumain na kami ni Elmo, sige lang ang sinagot ko sa mga kapatid ko. Alam ko na ito ang way nila para maglambing sakin.

"Saan kayo pupunta ni Carly?"

"Hindi ko din po alam, Papa. Alam mo naman po yun."

Natawa siya. "Oo nga naman."

"Naku, anak? Alam mo ba nung tumakas ka kagabi sa bridal shower mo? Kung ano anong sinasabi sayo ni Carly. Na hindi mo na daw kayang pakawalan si Elmo." Natatawang kwento ni Mama.

Natawa nalang din ako. "Oo nga po. Ang sabi pa nga po niya, No Elmo for today."

"Ikaw talaga. Saan ka ba dinala ng Prince Charming mo?" Tanong ni Papa.

"Sa resthouse po nila."

Nagkwentuhan pa kami. Tawa lang kami ng tawa habang kumakain ng breakfast. Nakarinig kami ng busina mula sa labas. Ilang sandali pa, iniluwa ng pinto namin si Carly. Lumapit siya sa magulang ko para magmano. Hinalikan niya si Joanna at Jac. At...

"Araaaaaaay!"

Kinurot niya ko sa tagiliran.

"Besh? Bakit ka ba nangungurot? Kapag ito..."

Love at First SightDonde viven las historias. Descúbrelo ahora