Sixth One

1.4K 58 0
                                    

Sixth One

Ang sarap ng tulog ko pero parang may maingay. Minulat ko ang mata ko at tumingin sa gilid ko. Napangiti ako kasi nakangiti sakin si Julie. Ang ganda talaga niya dito sa picture. Ang sarap gumising ng maaga lalo na kung siya ang makikita mo. Oo nga pala, bakit nga ba maingay? Tumayo ako at nagpunta sa labas. Halos mapanganga ako ng makita ko ang pamilya ko na nagmamadali.

"Wait, anong nangyayari?"

Tumigil si Max na tumatakbo pa.

"Good morning Moe! Pupunta kasi kami nila Mom sa grocery."

Tumakbo nanaman siya.

"Bakit?" Sigaw ko.

Dumaan naman si Saab. "Magluluto si Mommy."

Napatango nalang ako. Bumaba ako at hinahanap si Mommy. Nakita ko naman si Daddy na may dala dalang supot. Galing siguro sa grocery. Tumingin ako sa orasan. 9am palang.

"Dad? What's happening? May party po ba at nagkakagulo kayo?"

"No, anak. Magluluto kasi ang Mommy mo."

Bakit? Anong merong kung magluluto si Mommy? Lumakad ako at nadaanan ko dining. Nakita kong kumakain si Clara at Arkin. Nilapitan ko sila.

"Good morning little brother and little sister."

"Good morning Kuya! Wait lang ah? Nagmamadali na kasi si Kuya Frank."

Tumayo si Arkin.

"Ha? Bakit? Saan kayo pupunta ni Kuya Frank?"

"Bibili kami ng cake."

Napakunot noo ako. Tiningnan ko si Clara. Nakangiti siyang kumakain.

"Baby, anong meron at nagkakagulo sila? Big deal ba nag magluluto si Mommy?"

Umiling si Clara. "Hindi naman Kuya. You know, kailangan paghandaan ang araw na toh."

"Ha? Bakit?"

Tumayo siya at dinala ang pinagkainan niya sa kusina. Hinahanap ko yung mga maids pero hindi ko makita.

"Mom? Mommy?"

Nakita ko si Mommy kasama yung mga maids. Nagkakagulo sila sa kusina. Utos si Mommy here and there.

"Mommy?"

Napatingin naman siya sakin.

"Mommy, ano po bang meron? May bago ka po bang recipe na gusto mong itry kaya nagkakagulo kayo? Nakita ko kasi si Max at Saab. Sasama ata sila sayo sa pagpunta sa grocery. Si Dad, galing din sa grocery. Si Frank at Arkin, bibili ng cake. Si Clara, mukhang tutulong sayo."

"Anak naman, nakalimutan mo na ba? Ito ang araw na pupunta ka sa bahay nila Julie."

Tumango naman ako. "Hindi ko naman po nakakalimutan yun, Mommy. Mamaya pa pong tanghalian yun."

"Alam ko kaya nga nag-aayos kami ng dadalhin mo."

"Po?"

"Anak, ipagluluto ko yung parents ni Julie. You need that. Pupunta ka dun tapos wala ka man lang dala? Basta ha? Maghintay ka. Mabilis lang ito. Ang gawin mo nalang mag pagwapo ka pa lalo."

"Mommy, hindi naman po kailangan niyan." Nakangiti kong sabi sakanya.

Umiling siya. "No anak. We support you and Julie so hayaan mo na kami."

Hinayaan ko nalang siya. Napakasaya ko kasi sinusuportahan kami ng pamilya ko. Umakyat ako sa taas at kinuha ang cellphone ko.

"Yam.."

Love at First SightDove le storie prendono vita. Scoprilo ora