Second One

2K 63 3
                                    

Second one

Habang nagmamaneho ako, hawak hawak ko ang kamay ni Julie. Hinalikan ko yun. Halata ko kasi sa mukha niya na kinakabahan siya. Huminto muna ko sa gilid para makapag-usap kami.

"Yam? Okay ka lang ba?"

Tumango naman siya at ngumiti sakin.

"Oo naman."

"Sure ka? Kinakabahan ka ba?"

Napabuntong hininga siya at humarap sakin.

"Yes, Yam. Sobra. Iniisip ko kung paano pag hindi ako nagustuhan ng magulang mo? Ng mga kapatid mo? Baka mabigla sila sa desisyon natin kaagad na magpakasal lalo na at 10 days palang tayong magkakilala."

Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok at nilagay sa gilid ng tenga niya.

"Wag kang mag-alala, Yam. Alam ko na matatanggap ka nila. You're such an amazing girl. Napaka imposibleng hindi ka nila matanggap."

"Yam..pwede bang next time nalang tayo tumuloy sa parents mo? Kinakabahan talaga ako eh.."

Hinalikan ko ang kamay niya. Nilagay ko ito sa pisngi ko.

"Yam, nandito naman ako eh. Hindi kita iiwan at tsaka Yam..nasabi ko na may dadalhin akong bisita sa bahay. Sure akong nakapag handa na sila."

Ngumiti siya ng pilit. "Wag mo kong iiwan ah?"

Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

"Yes. Hindi kita iiwan."

Hinalikan ko muna siya saka ako nagdrive ulit. Tahimik pa din siya kaya nag-isip ako ng topic na pwede naming pag-usapan.

"Yam..sa tingin mo gusto ako ng bestfriend mo?"

Napatingin naman siya sakin.

"Si Carly? Oo naman. Akala ko nga nung una kong sabihin sakanya, akala ko hindi niya maiintindihan. Akala ko hindi niya ko susuportahan. Kitang kita ko na sobrang saya niya para sakin. Sobra."

"Mabuti naman at kung ganun. Masaya pala siyang kasama noh? Makikita na ulit natin siya?"

Tumango siya sakin. "Oo. Bukas kapag ikaw naman ang pupunta sa bahay namin. Sasama daw siya."

"Yam, mabait ka so mabait din naman siguro ang pamilya mo diba?"

Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.

"Why? Kinakabahan ka na din?"

Napakamot ako sa ulo ko at tumango.

"Baka naman ako ang hindi magustuhan ng magulang at kapatid mo."

"Hmm. Yam, tulad ng sinabi mo nandito lang din ako. Hindi din kita iiwan. Walang bibitaw."

Napapangiti niya ko kapag ganyan siya.

"Ok sige, Yam."

Hindi na namin napansin na malapit na pala kami sa bahay. Mas nakita ko kung paano siya mas kinabahan pa. Yung legs niya nangangatog pati din ang shoulders niya.

"Nandito na tayo."

Tumingin siya sa labas ng bintana.

"Wow. Ang laki naman ng bahay niyo."

"Malaki ang pamilya namin so malaki din ang bahay namin. Ready ka na?"

Huminga siya ng malalim bago tumango sakin. Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya. Hindi ko talaga maiwasan na mapanganga sa gandang taglay niya.

"I'm here. Mabait naman ang pamilya ko. Magugustuhan ka nila."

Ngumiti siya sakin. Nag holdinghands kami hanggang makarating kami sa pinto ng bahay. Kapit na kapit siya sakin.

Love at First SightWhere stories live. Discover now