Sixty-First One

1K 44 2
                                    


"Sixty-First One"

"You look so beautiful today Ms. Julie."

Sabi nung make up artist. Kakaalis lang ni Elmo. Actually, buti nga pumunta siya kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Ang gusto ko lang makita siya kaagad.

"Salamat. Magsisimula na ba?"

Tumango naman siya. "Yes Miss."

Nagsimula na siyang mag make up. Napapatingin ako sa salamin dahil ang daming tao sa paligid namin. May mga kumukuha ng litrato at video. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal. Mas lalo ko tuloy gustong pumunta na agad sa simbahan. Natapos na siyang mag make up sakin. Tumayo ako. Lumabas muna ang mga tao dahil isusuot ko na ang gown ko na ako mismo ang nag design. Para akong prinsesa.

"Anak?"

Napatingin ako sa nagbukas ng pinto. Si Mama.

"Ma, ang ganda niyo po."

Natawa naman siya. "Tulungan kitang magbihis anak?"

Ngumiti naman ako sakanya.

"Sige po."

Tinulungan niya ko magbihis. Nang natapos tiningnan ko kaagad ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako.

"Ang ganda ganda mo anak."

"Thank you po Mama. Ma, kinakabahan po ako."

"Normal lang yan anak. Isipin mo lang lagi na si Elmo ang papakasalan mo. Na siya ang naghihintay ngayon sayo sa dulo ng altar."

"Yes po."

Sabay kami ni Mama na bumaba sa hagdanan. Halos lahat ng tao na nasa bahay namin ngayon napatingin sakin. Sa may pintuan nakita ko si Papa na titig na titig sakin. Pagbaba ko nakita ko siyang nagpupunas ng luha. Nilapitan ko kaagad siya at ako na ang nagpunas ng luha niya.

"Pa.."

"Sorry, sayang tuloy yung nilagay sakin na make up."

Napangiti naman ako. "Wag ka na pong umiyak, Papa."

Huminga siya ng malalim.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala. Ikakasal na ang baby ko. Dati maliit ka lang ngayon ikakasal ka na."

"Papa.."

"Ang ganda ganda mo anak. Wag mong kakalimutan na hanggang sa pagtanda mo, ikaw at ang mga kapatid mo ang kayamanan namin ng Mama mo."

Tumango ako at yumakap sakanya.

"Opo Papa."

Sumakay na ko sa kotse na pinadala ng Daddy ni Elmo. Mabilis lang ang byahe at nakarating kami kaagad sa simbahan. Lumabas na muna sila Mama at naiwan akong mag-isa sa kotse. Nagulat nalang ako na may kumakatok sa bintana.

"Carly?"

"Wow besh. Ang ganda mo talaga!"

Natawa naman ako. "Salamat. Ikaw din besh."

"Ready ka na?"

Bigla akong nakaramdam nanaman ng kaba.

"Kinakabahan ako eh. Uhm..nandyan na ba si Elmo?"

Tumango naman agad si Carly at ngumiti sakin.

"Kanina ka pa niya hinihintay. Tapusin mo na ang paghihintay ni Julie."

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Huminga ako ng malalim bago makapag desisyon na bumaba na. Nagsihanda na ang lahat. At doon na nagsimula ang kasalang Julie at Elmo. Ngayon nasa harap na kami ni Father. Nakatingin kami sakanya. Maraming sinabi si Father hanggang sa puntong dumating kami sa bigayan ng vows.

Love at First SightWhere stories live. Discover now