Sixteenth One

1.4K 58 2
                                    

Sixteenth One

"Okay ka lang, Miss?"

Tinulungan ko yung babae kasi nalaglag yung dala niyang libro. Ngumiti naman siya sakin. Todo smile siya.

"Yes handsome. Thank you."

"Your welcome." Ngiti ko sakanya.

"Bago ka dito? Ngayon lang kita nakita ah?" Kagat labi niyang tanong.

Sure akong nakikipag flirt siya sakin.

"Uhh..yeah."

"Anong name mo?"

Dahil sa hawak ko ang Elmo the muppet na binigay ko kay Julie agad ko yun pinakita sakanya.

"Elmo."

Natawa naman siya. "Seriously?"

Tumango ako. "Yeah."

"Akala ko kasi big bird."

Nailang ako ng bigla niyang binaba ang tingin niya sa ibabang bahagi ng katawan ko. Inangat niya ang tingin niya sakin at ngumiti.

"By the way, I'm.."

Naramdaman ko na may humawak sa bewang ko. Napatingin naman ako. Si Julie. Nakabili na kaya si Carly?

"Oh Yam, nakabili na ng pagkain si Carly?" Tanong ko.

Hindi ako sinagot ni Julie. Nakatingin lang siya ng seryoso sa babaeng nasa harap namin.

"Hi Julie." Sabi nung babae.

Tinaasan niya ng kilay yung babae.

"Mitch"

Napatingin ako sa babae. So siya pala si Mitch? Maganda naman siya pero mas maganda naman ang mahal ko.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Mitch.

Tumango naman si Julie.

"He's my fiance."

Biglang natawa si Mitch na ipinagtaka namin.

"Ayy sorry, sorry. Like seriously? May pumalit na kay Kyle? Diba kay Kyle ka ikakasal? Niyaya ka na niyang magpakasal diba? Oh ayun si Kyle!"

Tinawag niya si Kyle. Tumabi naman si Kyle kay Mitch.

"Oh Kyle, akala ko ba siya ang babaeng papakasalan mo? Bakit ibang lalaki naman ang pinapakilala niyang papakasalan niya?"

Nakita kong napalunok si Julie. Alam kong hindi niya inaasahan ang harapan na ito. Hinapit ko ang bewang ni Julie. Napatingin siya sakin. Ngumiti ako sakanya.

Ngumiti siya. "Hindi siya ang papakasalan ko. Hindi ako magpapakasal sa taong mang-iiwan para lang makahanap ng ligaya sa ibang tao."

Hinawakan ni Julie ang kamay ko at akmang aalis na. Bigla siyang tinawag ni Kyle.

"Julie, makinig ka naman sakin oh. Pakinggan mo naman ang paliwanag ko."

Umiling si Julie. "Ayokong makinig sayo. Tapos na tayo. Mahiya ka naman sa Fiance ko."

Biglang dumating si Carly. Sinabuyan niya ng tubig si Mitch sa mukha. Halos mapanganga naman kaming lahat.

"Aww, sorry."

"Ano ba!" Galit na galit na sabi ni Mitch.

"Ayy, hindi pala ako dapat mag sorry. Deserve mo pala yan. Bitch ka kasi."

"Ako ba talaga kinakalaban mo?" Sigaw ni Mitch.

Natawa naman bigla si Carly.

"Bakit marunong ka bang lumaban? Ang kaya mo lang naman ay manglandi ng may boyfriend ng may boyfriend. Expert ka dun so dun ka nalang talaga."

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon