Fifty-Seventh One

770 42 2
                                    


Fifty-Seventh One

"Make love, Yam."

Nakita ko na nanlaki ang mata niya. Naisip ko kasi yung napag usapan namin ni Maqui. Alam ko na napag usapan na namin ito ni Elmo pero gusto ko lang makasigurado. Lalaki si Elmo. Baka kailangan pala niya yun tapos hindi niya kayang hilingin sakin.

Huminga siya ng malalim bago ako ngitian.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nadadala tuwing hahalikan kita. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nakakaramdam ng kakaiba kapag nandyan ka. Lalaki ako. May pangangailangan ako."

So tama pala ako?

"Pero kung ikaw naman ang hihintayin ko? Sa tamang paraan at pagkakataon? Worth the wait yun, Yam."

"Yam.."

Ngumiti siya. "Sa susunod na araw, Mrs. Magalona ka na. Pwede naman nating gawin yun. Sa honeymoon. Yun kasi ang tama, Yam."

"Sure ka ba?"

Tumango naman ito. "Kaya ko naman magtiis, Yam. Konti nalang naman."

"So matagal ka ng nagtitiis?"

Natawa naman siya. "Ikaw ba naman magkaroon ng maganda at sexy na fiancee hindi ka ba tatablan?"

Natawa na din ako. Cute talaga si Elmo kapag playful siya. Sana kapag kinasal kami makita ko ang ganyang side niya. Ang landi ko lang. Haha. Pero mag-asawa naman na kami nun kaya okay na yun.

"Oo nga pala, hindi ka ba tinatawagan nung mga kasama mo sa bridal shower?"

Napabalik ako sa sarili ko ng maalala ko yun. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na may 159 missed calls. Galing sa iba't ibang number at iba't ibang tao. Hala, patay ka.

"Tatawagan ko muna si Maqui o kaya si Carly. Patay ako."

Natawa siya. "Sige, titingnan ko muna yung tutulugan natin. Kung nagugutom ka sabihin mo lang sakin."

Tumango naman ako. Tinawagan ko naman agad si Carly.

"JULIE ANNE SAN JOSE!"

Napalayo ko sakin ang cellphone ko. Ang lakas ng boses ng babaeng ito.

"Besh.."

"Nasaan ka? Bakit hindi ka sumasagot? Saan ka dinala ng magaling mong groom? Nakalimutan mo bang bridal shower mo ngayon?"

"Ehh..ano..."

"Nasaan ka nga?"

"Ang totoo niyan hindi ko alam. And wag mo sisihin si Elmo kasi ako nagsabi sakanya na tumakas kami. Hehe. Peace."

"Naku! Ikaw talaga Julie Anne! Hindi ka na natigil dyan kay Elmo! Maglayo naman kayo!"

Natawa ako. "Wag ka ng magalit. Gusto lang talaga namin makapag solo. Mamasyal. And besh, nagustuhan ko talaga ang ginawa niyo para sakin. Salamat talaga."

Narinig ko na napabuntong hininga siya.

"Ikaw talaga kung di lang kita mahal.."

"I love you besh! May bukas pa tayo para magkasama. Last day before the big day. Bukas ng umaga hanggang tanghali mag bonding tayo nila Maqui. Kasi yung tanghali hanggang gabi, gusto ko makasama ang pamilya ko."

"Hayy. Oo na. Pangako yan ah?"

"Pangako."

"No Elmo muna bukas ah?"

Natawa ako. "No Elmo."

"Good. Sige na, gumawa na kayo ng bata."

"Ano?"

"Wala wala! Bye! Love you!"

"Love you!"

At binaba ko na ang tawag. Loko talaga si Carly. Naglakad ako papunta sa kwarto kung nasaan si Elmo. Nakita ko na may mga litrato siya nung bata pa siya. Nakasabit sa wall. Ang gwapo niya.

"Yam?"

Napatingin ako sakanya. Lumabas siya sa isang pinto doon.

"Ang cute mo dito."

Lumapit siya sakin. Tiningnan niya ito. Natawa naman siya sa nakita niya.

"Madami akong kalokohan nung bata ako. Anyway, ni ready ko na yung pampaligo mo. May damit na din ako na pinabili kanina sa keeper ng bahay. Gagamitin ko nalang yung isang shower room sa kabilang kwarto."

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Thank you."

"Your welcome."

Pumasok na ko sa loob. Ang ganda ng kwarto. Mahangin gawa ng pagkakabukas ng bintana. Pumasok ako sa banyo. May mga petals doon sa bathtub. Kumuha ako ng isa at inamoy ito.

"Ang bango."

Hinubad ko na ang damit ko. Nilublob ko ang sarili ko sa bathtub. Ang sarap sa pakiramdam. Pinikit ko ang mata ko.

"Malapit ka ng maging Mrs. Magalona. Julie Anne Magalona."

May narinig ako na pagkatok. Napamulat ako.

"Yam? Okay ka lang ba dyan? Yam? Kanina ka pa dyan ah?"

Natingin ako sa pinto. Kanina pa ko? Nakatulog siguro ako.

"Yes, Yam. Okay lang ako. Nakatulog lang. Mag shower lang ako tapos lalabas na ko kaagad."

"Okay sige."

Ginawa ko na ang dapat gawin. Matapos kong maligo, lumabas na ko. Nakita ko siya na nakahiga na sa kama habang nagbabasa ng libro. Kung ibang lalaki siguro siya, cellphone siguro ang hawak niya. Iba talaga siya eh. Tumabi ako sakanya. Sumandal ako sa may headboard.

"Nagugutom ka ba?"

Tiningnan niya ko tapos sinara na niya ang binabasa niyang libro.

"Hindi. Nabusog kasi ako sa kinain namin kanina. Teka, kamusta pala ang stag party mo? May girls ba?" Biro ko sakanya.

Natawa naman siya. "Oo si Sef. Nabihis babae siya para akitin ako."

"Sef?"

Tumango siya. "Kaibigan ko nung college. Ikaw ba? Kamusta naman yung bridal shower mo?"

"Hmm. Ayos naman. Parang bumalik ako sa pagkabata kasi naglaro kami. Kaso kakaiba lang talaga ang mga niregalo nila sakin."

"Kahit sakin din."

Humiga ako sa may dibdib niya. Yumakap naman siya kaagad sakin.

"Anong plano mo bukas?"

"Work?"

Napatingin ako sakanya. Nag peace sign naman siya.

"Joke lang. Siguro sa bahay lang. Sure naman ako na hindi ako papaalisin ni Mommy. Ikaw ba?"

"Sa umaga mag bonding kami ni Carly. Sa gabi kala Mama at Papa naman ako. Gusto ko silang makasama."

"Nakaka excite."

"Oo nga. Isang araw nalang bago ang kasal natin."

Hinawakan niya ang kamay ko. Tiningnan niya ang engagement ring na binigay niya.

"My bride."

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas."

Kinabukasan nakarinig ako ng ingay. Nagising ako kaagad. Wala si Elmo sa tabi ko. Bumangon ako kaagad at hinanap siya. Wala siya dito. Hinalughog ko ang buong bahay pero wala. Nasaan siya?

"Yam? Yam?"

Walang sumasagot sakin. Hanggang sa may nakita akong papel. Binasa ko yun at bigla nalang bumuhos ang luha ko.

I'm sorry, Julie. I can't do this. Itigil na natin ang kasal. - Elmo

To be continued..


Love at First SightМесто, где живут истории. Откройте их для себя