Twentieth One

1.7K 68 3
                                    

Twentieth One

Ilang araw matapos ang dinner namin mas naging busy na ang lahat sa school. Hindi naman ako kasali sa mga taong busy kasi trial lang naman ang ginagawa ko. Naging busy din si Julie. Kung magkita na nga lang kami tuwing lunch nalang. Tuwing aayain ko naman palagi namang natanggi. Naiintindihan ko naman siya kasi graduating students siya. Mas kailangan niyang mag focus.

Friday. May culinary class ako. Ang exam namin ay magluluto ng appetizer,main dish,beverage, at dessert.

"Kuya Elmo? Anong lulutuin mo?"

Tanong ni Atasha. Second year lang siya, classmate kami sa culinary. Cute nga dahil may kakilala na ko dito. Yung iba kasi nakikipagkilala lang sabay flirt naman sakin. Nakakailang.

"Uhm, magluluto ako ng chicken pop salad with grapes and cheese for appetizer, rotisserie chicken with apricot glaze and mushroom sauce for main dish,orange juice for beverage, and vanilla ice cream with cinnamon for dessert."

"Wow! Mukhang masarap yung mga yun ah? Patikim ako mamaya ah?"

Tumango naman ako. Ginulo ko naman ang buhok niya sabay asikaso sa mga kakailanganin ko.

"Kuya, siguro kaya ang galing galing mo at ang sarap mong magluto kasi inspired ka dahil kay Ate Julie-ng maganda noh?"

"Oo naman. Alam mo yung lulutuin ko ngayon, yan lang ang alam kong favorite food niya."

"Talaga? Hmm. Sure akong magugustuhan niya yan kasi ikaw ang nagluto eh."

Sana nga. Hindi pa nga kami nagkakaroon ng maayos na pagkikita at oras sa isa't isa. Kapag lunch naman kasi nagmamadali siya. Ayokong mag-isip pero sana nga hindi ito dahil sa pag-uusap nila ni Kyle.

"Kuya, magluluto na daw sabi ni Ma'am."

"Okay."

Yun lang ang sinagot ko. Kumilos na ko at ginagawa ang dapat gawin. Hiwa dito, hiwa doon. Dahil nasa may glass window ako, may mga tao na nanunuod sakin. Karamihan babae at bakla. Napapailing nalang ako. Maya maya dumaan yung prof ko.

"Wow. Impressive Mr. Magalona. Ang galing mo."

"Thanks Ma'am."

Tumingin siya sa mga taong nasa labas. Natawa naman siya.

"Alam mo palagi nalang silang nandyan. Pakiramdam ko tuloy nasa loob tayo ng TV at may nanunuod sa atin. Minsan nga hindi na kita ilalagay sa may glass window. Tingnan mo ang mga mukha nila, dikit na dikit na sa glass."

Natawa nalang ako sa sinabi ni Ma'am. Nagsimula na ulit siyang umikot. Madali lang naman ang mga niluluto ko so mabilis akong natapos. Nasa dessert na ko ngayon. Tiningnan ko ang watch ko. Malapit ng mag lunch. Hindi siguro kami magsasabay ngayon ni Julie.

"Done."

Pinatikim ko na sa prof ko ang luto ko.

"Napaka sarap! As usual mataas nanaman ang exam mo sakin. Quizzes palang matataas na. Ikaw na talaga, Mr. Magalona."

"Thank you for your kind words, Ma'am Lizardo."

"Your welcome. Julie is very lucky to have you as her future husband."

"Thank you Ma'am."

Ilan lang si Ma'am sa mga nakakaalam tungkol samin ni Julie. Kung tatanungin niyo kung sino ang nagsimula? Si Carly. Nagbihis muna ko sa locker room.

"KUYA ELMO! KUYA ELMO!"

Napatingin naman ako kay Atasha na katok ng katok sa may pintuan. Lumabas naman ako.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon