Twenty-Sixth One

1.6K 65 5
                                    

Twenty-Sixth One

Nagising ako na wala akong katabi sa kama. Napaupo naman ako kaagad at kinusot ang mata ko.

"Yam?"

Tumayo ako. Kumatok ako sa CR. Walang tao. Sa sala, walang tao. Tumingin ako sa balcony, walang tao.

"Where is she?"

Ginawa ko muna ang morning rituals ko. Lumabas ako at naabutan ko si Mama,Joanna, at Jac na nanunuod.

"Uhm, Ma?"

Tumingin naman sila sakin. "Oh, gising ka na pala, magandang umaga."

"Magandang umaga din po. Uhm, Ma? Nasaan po si Julie?"

"Ahh. Naglakad lakad lang daw siya."

"Ahh. Ganun po ba. Kasama po niya si Papa?"

"Yes. Si Papa mo kasi pupunta sa lobby para magbasa ng newspaper. Ewan ko lang kung magkasama pa sila ngayon."

Napatango nalang ako.

"Kuya?"

"Oh, Hi Jac."

"Diba sabi mo gagawi natin lahat ng gusto ko ngayon?"

"Ayy. Oo nga pala. So anong gusto mong gawin?"

Nagtatalon naman siya. "FISHING! FISHING!"

"Okay sige. Ikaw Joanna? Ayaw mo sumama samin?"

Umiling siya. "Masama ang pakiramdam ko Kuya eh."

"Ganun ba? Uminom ka ng gamot. Nasa bag ko yung first aid kit."

"Salamat."

"Ikaw po ma?"

"Naku kayo nalang. Ipasyal mo na yang si Jac tutal kanina ka pa niya inaantay na magising. Malay mo rin sa pamamasyal niyo makita niyo si Julie."

"Sige po."

Umalis na kami ni Jac. Hawak ko ang kamay niya. Tumitingin tingin ako sa paligid baka nandun si Julie pero wala. Saan ba siya nagpunta?

"Si Papa!" Tumakbo si Jac palapit kay Papa.

"Oh anak? Sinong kasama mo?"

Tumingin siya sakin. "Ikaw pala, Elmo."

"Hello po Papa. Magandang umaga."

"Magandang Umaga din sayo. Hinahanap mo ba si Julie?"

Tumango naman ako.

"Naku, naglakadlakad siya."

"Sige po, baka makita din naman po namin siya ni Jac."

"Oh Jac, sumama ka na kah Kuya Elmo. Magbabasa lang si Papa."

"Ok po."

Nagsimula nanaman kaming naglakad ni Jac. Papunta na kami sa lugar kung san pwede mag fishing. Tuwang tuwa naman si Jac kapag nakakahuli siya.

Tinuruan ko siya at ang bilis naman niyang natuto.

"SIR!"

"Nahanap mo na?"

Tumango siya. "Magkasama po sila ni Ma'am Liza."

Napakunot noo ako pero agad na napalitan ng ngiti. Hindi ko na pala kailangan mangamba. Nagpaalam nga pala sakin si Liza na gusto niyang makausap si Julie. Hahayaan ko nalang muna sila.

"Sige."

Naglaro kaming ng naglaro ni Jac. Kung san san na kami napupunta. Kita ko sa mata niya ang saya.

Love at First SightWhere stories live. Discover now