Fifty-Sixth One

936 48 1
                                    


Fifty-Sixth One

Matapos ko marinig ang pag-ungol niya agad akong tumakas sa mga kaibigan ko. Hindi na ko nakapag paalam sakanila dahil iniisip ko si Julie. Nang makarating ako sa hotel, tinanong ko kaagad kung saan ang room nila. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni Carly. Tumakbo kaagad sakin si Julie. Sinabi ko sakanya ang sadya ko at ngumiti lang siya sakin. Ang bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na nasa labas na kaming dalawa at naglalakad.

"Yam? Bakit ka ba umuungol kanina?"

Bigla naman siyang natawa. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa aking mata.

"Bakit Yam? Ano bang iniisip mo kung bakit ako umuungol?"

Namula naman ako sa sinabi niya. Mas lalong lumakas ang tawa niya. Maputi ako kaya sigurado ako na kitang kita ang pamumula ko.

"Yam, may nagmamasahe kasi saming mga girls. Pampatanggal stress. Nung tumawag ka sakto na nasalat ni Ate kung saan yung masakit sa katawan ko kaya napaungol ako."

Napayuko ako. Akala ko kasi kung ano. Nakakahiya.

"S..Sorry Yam."

Hinawakan niya ang pisngi ko. Napatingin ako sakanya. Naka smile lang siya.

"Ang gwapo mo, Yam."

Napangisi ako. "Matagal ko ng alam yun."

Natawa siya. "Anyway, dahil trespassing ka sa bridal shower ko, gawin mo ang gusto ko."

"Ha? Ano naman?"

Ngumiti siya sakin. "Itakas mo ko."

"What? Eh hindi pa naman ata tapos yung Bridal shower mo. Hindi pa din tapos ang stag party ko."

"Bakit? Ayaw mo ba na magsolo tayo?"

Napangiti ako. Magandang idea din naman na lumayo kami sakanila. Tutal nandito na kami sa labas, ituloy na namin ang pagtakas.

"Saan naman tayo pupunta, magandang binibini?"

"Kahit saan basta kasama kita."

Nag-isip ako kung saan ko siya pwedeng dalhin. Hanggang sa napatingin ako sa langit. Alam ko na.

"Alam ko na kung saan."

"Saan?"

Ngumisi ako. "Sa langit."

Hindi na siya nakapagsalita pa at hinila ko na siya. Kinuha ko ang cellphone ko at agad kong tinawagan si Jun. Pumunta kami sa isang hotel rooftop. Umakyat kami ni Julie doon.

"Saan ba tayo pupunta, Yam?"

Nginitian ko lang siya. Pagkadating namin dun ay nagtatanong pa din siya.

"Yam? Ano bang gagawin natin dito? Last time na umakyat tayo sa rooftop eh yung may nagsundo sayong helicopter tapos..."

Napatigil siya sa pagsasalita ng mag sinc in sa utak niya ang sinabi niya.

"No way."

Natawa ako. "Yes way."

Biglang dumating ang helicopter na hinihintay ko. Bumaba agad si Jun.

"Sorry po kung natagalan, Sir Elmo."

"Okay lang yun. So tara?"

Tiningan ko si Julie.

"Sasakay ulit tayo dyan?"

Tumango naman ako. "Ito lang ang pinaka mabilis na way."

Kinuha ko na ang kamay niya. Sumakay kami.

Love at First SightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt