Seventh One

1.2K 58 4
                                    

Seventh One

Tumayo ako. Napatingin sakin si Elmo. Hindi nagustuhan ni Papa ang balitang yun.

"Where are you going Yam?"

Nginitian ko si Elmo. "Ako na ang bahala. Kakausapin ko si Papa."

"I'll come with you."

Umiling ako. "No. Stay here, Yam."

Lumapit si Mama kay Elmo. Tinapik niya ang balikat nito.

"Wag kang mag-alala, baby girl yan ni Jonathan."

Lumakad ako palabas ng pinto. Wala si Papa dun. Pumunta ako sa taas. Sa may veranda. Madalas kaming tumambay na dalawa dun.

"Pa.."

Tumingin siya sakin. Umupo ako sa harap niya.

"Bakit Julie Anne? Bakit kasal agad? Pumunta ka lang ng Paris tapos ganyan na? Babalik ka dito na magpapakasal ka na?"

Huminga ako ng malalim bago ako sumagot.

"Pa, mahal ko po siya."

Napailing naman siya. "Sabihin mo sakin, gaano na kayo katagal?"

"Mag two weeks na po."

Nakahilamos na siya sa mukha. Natatakot na ko kay Papa. Alam kong sobrang galit na galit na siya.

"Two weeks? Two weeks tapos nagpapakasal na kayo? Nasaan na ang utak mo Julie Anne!"

Sigaw ni Papa. Napatayo na siya sa sobrang galit.

"Papa, hindi na po importante kung gaano pa kami kahaba at katagal na magkakilala."

"Julie Anne, naririnig mo ba ang sinasabi mo ha? Kayo ni Kyle, anong nangyari sainyo? Diba ganyan din? Niyaya kang magpakasal tapos bigla ka nalang iniwan? Hindi mo ba naisip na baka ganun din ang gawin sayo niyang lalaki na yan!"

Napatayo na ko. Nakapag-usap na kami ni Papa na ayoko ng pag-usapan si Kyle. Tumayo ako. Nagsisimula nanaman kasing tumulo ang luha ko.

"Papa, iba si Elmo at si Kyle!"

"Anong magkaiba? Hindi sila magkaiba! Pareho silang lalaki, Julie Anne. Pareho silang lalaki na pwede kang saktan! Masasaktan ka lang!"

"Pa..hindi naman po. Magkaiba sila. Hindi ako sasaktan ni Elmo."

Nakita ko ang galit sa mukha ni Papa. Naglakad siya palabas ng veranda. Sinundan ko siya. Hindi ko na napigilan. Umiyak na ko ng umiyak.

"Pa!" Sigaw ko.

Pumunta si Papa sa kwarto ko. Pumasok siya dun at may kinuha. Lumapit siya sakin at inabot yun sa kamay ko.

"Ito! Ito ang dahilan diba? Nung naghiwalay kayo ni Kyle ito ang dahilan diba?"

Binigay niya sakin yung singsing na binigay ni Kyle nung niyaya niya kong magpakasal.

"Kasal. Kasal nanaman! Ano bang meron at atat kang magpakasal? Naniniwala ka kasi sa mga librong nababasa mo! Hindi porket nakita mo na ang taong mamahalin mo eh siya na ang makakatuluyan mo hanggang sa dulo! Hindi yun ganun Julie Anne. Hindi ganun ang takbo ng buhay!"

Hindi ako makasagot. Parang nag flashback sakin lahat ng ginawa ni Kyle.

"Jonathan? Julie?"

Tumakbo si Mama. Pinapakalma niya ko. Si Papa lakad dito, lakad doon.

"Anong nangyayari?"

"Hindi mo siya papakasalan, Julie Anne."

Umiling ako. "Papakasalan ko po siya."

"Jonathan, wag mo ng pigilan ang anak mo. Malay mo si Elmo na talaga ang lalaki na para sakanya."

"Marivic, pati ba naman ikaw? Ganyan din ang mga katagang sinabi mo kay Kyle noon diba? Pero anong nangyari? wala naman diba? Nasaktan parin yan anak mo."

"Parte ng magmahal ang masaktan."

"Yun na nga eh. Yun na nga ang iniiwasan ko. Ang masaktan ulit yang anak mo! Ano bang nangyayari at atat kang magpakasal?"

"Mahal ko po siya." Nanginginig kong sabi.

Naibato niya ang mga libro na nasa mesa ko. Sobrang galit na galit si Papa.

"Kelan ba maliliwanagan yang utak mo Julie! Ang pag-ibig hindi yan biro! Hindi yan mabilisan!"

"Julie? Julie?"

Napalingon kaming lahat ng makita ko si Carly a Elmo. Si Carly may dala dala pang wine. Si Elmo naman sobrang nag-aalala ang mukha. Lumapit siya sakin.

"Yam.."

Yumakap ako kay Elmo. Tumingin sakin si Papa.

"Sir, mahal ko po si Julie. Alam ko pong bago po satin ang lahat ng ito. Yung magpakasal po kami kahit na kakagaling lang namin sa break up at magpapakasal kami kahit napaka-iksi lang ng panahon na magkakilala kami. I can assure you, i really love your daughter. Ang saktan po siya ang hindi ko magagawa."

Huminga ng malalim si Papa. Pumikit siya. Nang minulat niya ang mata niya ganun pa din ang nakikita ko. Galit.

"Umalis na kayong dalawa. Gawin niyo ang gusto niyo. Ito lang ang sasabihin ko, hindi kami dadalo sa kasal niyo."

"JONATHAN!" Sigaw ni Mama.

"Kung gusto nila magpakasal, sige bahala sila. Pero ito ang tatandaan mo Julie Anne. Wag na wag kang lalapit samin kapag nasaktan ka nanaman."

Lumabas si Papa at pumasok sa loob ng kwarto nila ni Mama. Halos mahimatay na ko sa mga nangyayari. Mabuti nalang at yakap ako ni Elmo kasi kung hindi baka kanina pa ko nakaluhod ngayon.

"Kakausapin ko ang Papa mo." Umalis na si Mama.

Tumingin naman ako kay Elmo. Pinunasan ang luha sa mata ko.

"Yam.."

Umiyak lang ako ng umiyak kay Elmo. Lumapit sakin samin si Carly. Pinatahan din niya ko.

"Yam..bakit ganun? Bakit ayaw maniwala ni Papa na mahal kita? Na ikaw na ang tamang choice ko?"

Pinapatahan lang ako ni Elmo. Naramdaman ko na tumayo siya.

"Carly, ikaw na muna ang bahala kay Julie."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Saan ka pupunta? Iiwan mo na ko?"

Umiling siya. Hinalikan niya ko sa noo ko.

"I'll be back."

"Yam.." Pigil ko parin sakanya.

Ngumiti siya sakin. "Tandaan mo toh, hindi kita iiwan okay? Never. Let me talk to him."

"Elmo, hindi mo kilala si Tito. Kapag nakapag desisyon siya, final na yun. Kapag pinilit mo baka patayin ka na niya."

"Then go. Kill me."

"YAM!" Sigaw ko.

"Trust me."

Lumabas siya ng kwarto. Tumingin ako kay Carly.

"Besh.."

Ngumiti siya sakin. "Kaya niya yan, Julie."

Nakatingin lang ako sa pinto kung saan lumabas si Elmo. Please be back. Come back to me with some good news.

To be continued..

Love at First SightWhere stories live. Discover now