Thirty-Second One

1.2K 63 3
                                    

Thirty-second One


Japan. 


Ito na ang last na bansang pupuntahan ko for this day. Nakausap ko na din si Daddy na wag na ako ang ipadala niya para naman makauwi na ko kaagad. Ilang araw ko na din palang hindi nakakausap si Julie. Hindi ko na kasi nahahawakan pa ang cellphone ko. Pinapa check ko naman siya sa secretary ko kaya panatag ang loob ko. 


"Sir Elmo?" 


Napatingin ako sa may pinto. 


"Oh Jun? Pasok ka." 


Pumasok naman siya. "Sir, meron din po palang may gustong mag franchise dito sa Japan. Gusto daw po niya kayong mameet mamaya." 


Tumango naman ako. 


"Okay lang naman. Sige. Mag set ka ng meeting after lunch." 


"Yes, Sir." 


"Kamusta na pala? Nakakapag adjust naman ba ang bago nating managers?"


"Yes, Sir. Okay naman po sila." 


"That's good to know." 


"Maiwan ko na muna po kayo. Sasabihin ko nalang po sa client natin na after lunch niyo siya kikitain." 


Lumabas na siya at naiwan ako. Umupo muna ako sa kama ko. Nasa hotel pala kami ngayon. Binabasa ko ngayon ang mga folder na dinala dito kaninang umaga. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng biglang may tumawag sakin. Sinagot ko ito.


"Cheska!" 


"Makasigaw ka naman! Wala bang hello muna?" 


Natawa naman ako. "Sorry na. Kamusta? Kanina ko lang nabasa yung DM mo sakin na natulog ka sa condo nila Julie nung isang araw." 


"Yes. Ang saya nga eh pero feeling ko kami lang ni Carly ang nag-enjoy." 


"Oh? Bakit naman? Hindi ba nag enjoy ang Yam ko?" 


"Slight lang siguro. Namimiss ka nun eh." 


"Hayy. Namimiss ko na din siya, Cheska. Wala naman akong makuhang magandang time para kamustahin siya eh. Every now and then kasi palagi akong may meeting." 


"Hayaan mo na. Uuwi ka naman na diba?" 


Napangiti ako. "Oo. Uuwi na ko."


"That's good." 


"Pina-check ko na rin sa isa sa mga empleyado ko kung kamusta ang panahon kung makakauwi na ba ako kahit mamayang hapon kasi diba? Kailangan ako ni Julie." 

Love at First SightWhere stories live. Discover now