Forty-Seventh One

1.1K 47 3
                                    

Forty-Seventh One 


 Maaga akong nagising dahil marami akong aasikasuhin sa school. Kasama ko ngayon si Carly.

 "So kelan na ang kasal? Totoong totoo na ba yan?" 

 Ngumiti ako. "Oo besh. Mamaya pupunta kami nila Mama sa mga kilalang resto na pwedeng mag cater sa kasal namin." 

 "Ohh. Ano bang motif ng kasal mo?" 

 "Hmm. Nag text si Ate Saab sakin kanina, pinapapili niya ko kung anong gusto ko. Kasi ang suggestion daw ng kaibigan nilang fashion designer is fairy tale." 

 "Wow. Parang bata lang tayo ganun?" Natawa ako. 

"Adik. Kami lang ni Elmo yung prince and princess. Tapos yung mga brides maid naka fairy outfits sila." 

 "Wow!! Bet ko yan! Haha. Ipush na natin yan." 

 "Pag-uusapan na muna namin ni Elmo."

 Tumango naman siya. "So hindi na talaga tuloy yung plano natin?" 

 "Hindi na muna siguro. Naisip ko na pwede naman akong magtrabaho at makapag ipon kahit pa na kasal kami ni Elmo." 

 "Talaga? Maganda yan. Sabihan mo lang ako. Pero teka, ang sabi mo umalis kayo ni Elmo kahapon? Saan naman kayo nagpunta?" 

 Ngumiti ako sakanya. Pinakita ko ang singsing na bigay ni Elmo kagabi. 

 "Waaaaah! Ang ganda! Grabe! Iba talaga kapag yayamanin ang magpapangasawa! Mas maganda ito compare dun sa unang engagement ring na pinakita mo sakin noon na bigay ni Elmo sayo." 

 Natawa naman ako. "Okay lang naman sakin yung singsing namin noon pero heto at nagbigay nanaman siya." 

 "Mukhang spoiled ka kay Elmo ah. Nakikita kita ko na." 

 "Adik ka talaga." 

 "Teka, kelan naman ang bridal shower?" Napakunot noo ako.

 "Bridal shower?" Tumango naman siya. 

"Oo. Bakit? Ayaw mo bang magkaroon ng bridal shower?" 

 "Uhm. Wag nalang. Gastos pa yan eh." 

 "Ano ka ba! Dapat may ganun ka at dahil ako ang bestfriend mo, ako na ang bahala." 

 Wala na kong nagawa. Natapos na ang gagawin namin sa school at umalis na din kami. Nagkahiwalay na kami ni Carly dahil pupuntahan ko pa sila Mama.

 "Oh anak? Natapos mo na ba?" 

 Tumango naman ako. "Opo. Kanina pa po kayo Mama? Sila Papa po nasaan?" 

 "Nandun at kasama ng mga kapatid mo. Nakahanap ng timezone si Jac kaya naglaro muna sila ni Joanna. Dito natin kikitain ang napili namin ng Papa mo na mag hahandle ng catering sa kasal niyo ni Elmo." 

 Naupo ako sa tabi niya. "Talaga po?" 

 "Oo naman. Alam mo ba nakita namin sa top five list ng most visited restaurant in the Philippines ang resto ni Elmo. Sakanya pala ang El Grande Restaurante." 

 Natawa naman ako. "Opo Mama. Pasensya na po at nakalimutan kong banggitin sainyo." 

 "Oh anak? Nandito ka na pala." Dumating na si Papa. 

Humalik naman ako sa pisngi niya. Mukhang naiwan si Joanna at Jac sa timezone. 

 "Naglalaro yung mga kapatid mo. Napagod ako eh." 

 Hinintay namin ang mga mag cater sa kasal namin. Nag cellphone muna ko baka sakaling mawala ang pagkainip ko. 

 "Good afternoon din sainyo." Bigla akong nakaramdam ng pagsiko. Tumingala ako at halos lumuwa ang mata ko.

Love at First SightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu