Fifteenth One

1.5K 58 4
                                    

Fifteenth One

Alam ko kung anong ibig sabihin ni Elmo sa tanong na yun. Gusto na niyang malaman ang nakaraan ko. Ang tungkol samin ni Kyle. Tumayo ako. Nakatingala siya sakin. Nagpalakad lakad ako. Okay, magsisimula na akong magkwento.

"Kyle Gamboa. Basketball MVP player. Nakilala ko siya dahil sa mga ka-squad ko. Dahil ako ang napiling maging captain ng squad, dapat kilala ko kung sino ang mga ipag-cheer namin. Nang makilala ko siya napakabait niya. Madalas siyang nanunuod ng mga practice namin. Naging magkaklase din kami. Habang lumilipas ang panahon, hindi ko inakala ma mahuhulog ang loob ko sakanya. Dumating ang araw kung san maraming ginagawang activities dito sa school. Yun ang pinaka nakakapagod na araw para sakin noon at yun din ang pinaka memorable dahil yun ang araw kung san nagtapat si Kyle. Kinantahan ako ng banda ng school sa gym. Isa isang lumabas ang mga ka-team niya habang may dala dalang papel na may nakasulat na i love you. I'm young. Naniniwala ako sa love. Hopeless romantic. Nahulog ako sa mga ginawa ni Kyle. Lumuhod siya sa harap ko habang may dalang flowers. At yun ang araw na sinagot ko siya. Tumagal kami, mas lalo akong napamahal sakanya. Niyaya niya kong magpakasal."

Tumigil muna ko sandali at huminga.

"Naging maganda naman ang takbo ng relasyon namin matapos niya kong yayain magpakasal hanggang sa isang araw may bagay siyang hiniling sakin."

Kyle: Babe, diba matagal tagal na din naman tayo? At tsaka magpapakasal na din naman tayo diba?

Julie: Oo bakit?

Kyle: Baka pwede na nating gawin yun.

Julie: Ano yun?

Kyle: Sex.

"Hindi ako pumayag sa gusto niya. Hindi ko pa kaya ibigay sakanya ang bagay na yun. Tulad nga ng sabi ko, hopeless romantic ako. Gusto ko kung ibibigay ko man ang bagay na yun kapag nagpakasal na ko sa lalaking mahal ko. Dumating ang mga araw na hindi ako kinakausap ni Kyle. Hindi niya sinasagot ang tawag at text ko. Iniwan niya ko. Nag-alala ako kasi nagsimula ang bagay na yun nung tumanggi ako sakanya na gawin namin yun."

Naluluha na ko. Hindi ko na kaya. Parang bumabalik lahat. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa pero nung makita ko si Elmo na nakatingin lang sakin. Alam ko na gusto niyang malaman ang susunod kong sasabihin. Hindi dahil ayaw niyang mabitin sa kwento ko kundi dahil gusto niyang harapin ko ang takot sa puso ko.

"Monday. Matapos ang isang linggo na pagbabalewala niya sakin at hindi pagpapakita nakapag desisyon na ko na haharapin ko na siya. Na kakausapin ko na siya. Alam ko na may practice siya so pinuntahan ko siya sa gym. Gulat na gulat ang mga kaibigan niya na nandun ako. Halos ayaw pa nila akong papasukin. Nagpumilit ako. Pagbukas ko ng pinto ng locker room nila, nakita ko siya..may babaeng nakahiga sa table. Nakapatong siya dun. Wala silang damit..."

Napaluhod ako sa sahig. Sobrang sakit maalala nun. Ang sakit sakit.

"Tumakbo ako..hinabol niya ko...sinampal ko siya..pilit siyang nagpapaliwanag...hindi ako nakinig. Ilang araw akong hindi pumasok simula nung nakita ko ang kababuyan na ginagawa nila. Nilabas ako ni Carly. Hindi daw pwedeng magkulong nalang ako sa kwarto. Patuloy sa pagtetext si Kyle sakin. Hindi ko sinagot lahat yun. Hanggang sa may nagsend sakin ng picture. Si Kyle at Mitch, nasa isang kama. Hubad. Nung gabi nakatanggap naman ako ng video nila. Sa CR ng campus. Hindi ko alam kung kanino galing ang lahat ng yun. Nagdesisyon akong lumayo muna. Nabalitaan ko na lumayo din siya pero tatlong araw lang siyang nawala. Pumunta ako sa Paris. Diba ang tanga ko? Dun pa ko pupunta alam ko naman na puro lovers ang nandun pero pumunta pa din ako. Mas sinaktan ko ang sarili ko."

Napatakip ako ng mukha. Naramdaman ko nalang may tao ng nagtatanggal ng kamay ko sa mukha ko. Nakatitig lang siya sakin. Nakaluhod din siya sa harap ko. Pinunasan niya ang bawat luhang pumapatak sa mata ko. Isang ngiti ang ibinigay niya sakin.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon