Eighteenth One

1.5K 61 1
                                    

Eighteenth One

Matapos kong ihatid si Julie sa condo agad kong tinawagan ang taong dahilan kung bakit nakakaramdam ng takot si Julie. Sinabi ko sakanya na makipagkita siya sakin. Pumayag naman siya. Pumunta muna ko sa condo ko at nagpalit. Nagkita kami sa isang coffee shop.

"Kanina ka pa?"

Umiling naman siya. "Hindi naman."

Umupo at umorder muna ko. Tahimik lang siya na nakatingin sakin.

"Paano mo nalaman ang number ko?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Marami akong connection, Mr. Gamboa."

Seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"Sino ka ba talaga?"

"Importante pa ba yun? Pero sige, magpapakilala ako. I'm Elmo Magalona. 22 years old. Business man. Graduate na ko. May hotels at restaurants na ko sa iba't ibang sulok ng pilipinas at asia."

Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

"Kung tatanungin mo kung bakit nasa school niyo ko, kumuha ako ng course na HRM. Gusto ko din kasi yun. Hinihintay ko din kasi maka graduate si Yam."

"Paano kayo nagkakilala ni Julie?"

Uminom ako ng kape. "Nagkakilala kami ng dahil sayo, Kyle."

"A..ano?"

"Sinaktan mo siya saktong nagkita kami. Then na inlove kami sa isa't isa."

"Are you kidding me? Nainlove kayo agad sa isa't isa? Tell me, nung kami pa ba magkakilala na kayo?"

Umiling ako. "No. Sa Paris kami nagkakilala."

"Pero bakit..bakit ikakasal na kayo? Gaano na ba kayo katagal?"

"Hmm. Two week and a half. Ganun na kami katagal na magkakilala. Because we love each other. Yun ang dahilan kung bakit magpapakasal kami."

Umiling siya. "But she loves me."

Ngumiti ako sakanya. "She loved you. Noon yun hindi na ngayon."

"So bakit mo ko gustong makausap gusto mo bang ipamukha sakin na ikaw na ngayon ang mahal ni Julie?"

"No. Hindi yun ang intensyon ko kasi kung yun man, isasampal ko sayo na pinakawalan mo ang isang babae na walang katulad."

"So bakit? Anong dahilan mo?"

"Listen, ikaw ang dahilan kung bakit natatakot siya. Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan siya. Ang gusto ko mag-usap kayo. Magpaliwanag ka."

Alam kong nagugulat siya sa mga sinasabi ko.

"Hindi niya ko kinakausap, paano ako magpapaliwanag?"

"Yun lang ba? Sige, magkikita kasi kami mamayang dinner. Kausapin mo siya. Magpaliwanag ka. Sumama ka samin."

"Okay lang sayo?"

Tumango ako. "Hindi ko ito ginagawa para sayo Kyle. Para kay Julie. Para sakanya ang lahat ng ito. Dahil ikaw ang naging dahilan kung bakit natatakot siya, sure akong ikaw din ang dahilan para mawala ang takot na yun. Bigyan niyo ng closure ang nangyari sainyo."

Hindi siya nagsalita. Napayuko nalang siya.

"Mahal mo pa ba si Julie?"

Tumingin siya sakin at tumango.

"Mahal ko siya pero mahal ka na niya. Malaki din ang naging kasalanan ko sakanya, sobra ko din siyang nasaktan. Hindi na ako ang karapatdapat para sakanya."

Love at First SightWhere stories live. Discover now