Twenty-third One

1.5K 62 4
                                    

Twentythird One

Nung narinig ko sa mga kapatid ko na ayaw nila kay Elmo sobrang nainis ako. Si Kyle pa din ang gusto nila. Hindi kasi nila alam ang nangyari samin eh. Nakakainis lang yung ginawa nila sa harap pa ni Elmo.

"Ate?"

Napatingin ako sakanila. Hindi ko sila pinansin.

"Ate, sorry na oh. Wag ka ng magalit."

Tumingin ako sakanila. "Bakit kailangan niyong magsalita ng ganun? Hindi ba kayo nahiya dun sa tao?"

"I'm sorry Ate...namimiss lang namin si Kuya Kyle."

"Jac, Joanna, wala na kami ni Kuya Kyle niyo. Nasabi naman sayo yun nila Mama at Papa diba?"

"Pero Ate.." Sabi ni Joanna.

"Ate, si Kuya Kyle po ang gusto namin. Ayaw namin sakanya." Sabi naman ni Jac.

"Bahala kayo. Siya ang gusto ko sa ayaw at sa gusto niyo. Kung ayaw niyo sakanya, desisyon niyo yan."

Aalis na dapat ako ng biglang magsalita si Joanna.

"Bakit ba Ate? Ano bang ginawa sayo ni Kuya Kyle?"

"Oo nga po Ate? Bakit po ba?"

Naluluha akong tumingin sakanila.

"Sinaktan niya ko."

Natahimik silang dalawa. Umalis na ko at pinuntahan si Elmo. Nakita ko na nakaupo na sila sa lobby. Nakakasama talaga ng loob yung dalawa kong kapatid. Niyaya niya na ko sa cottage kasi nga nagkaroon ng problema. Nung kinausap ko si Elmo, mabuti nalang at naintindihan niya ko. Naiintindihan niya ang dalawa kong kapatid.

"Aaaaaaaaah!"

Narinig ko ang sigaw ni Jac. Pareho kaming napatakbo ni Elmo. Kitang kita ko na ang daming dugo sa paa ni Jac. May naapakan daw ito sabi ni Joanna. Inutusan ako ni Elmo na kunin ang bag niya dahil may first aid kit daw dun. Nagmadali naman akonh ibigay yun sakanya.

"Tahan na. Okay na wala na." Sabi ni Elmo.

Yumakap sakanya si Jac at itinago ang mukha nito sa leeg niya. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Nakaupo kami ng magsalita si Joanna. Nagpapasalamat ng nanghingi siya ng tawad kay Elmo. Natutuwa naman ako kasi okay na.

Papunta na kami ngayon sa kabilang resort. Labas palang nagandahan na si Papa. Si Jac nakayakap pa din kay Elmo. Ayaw na atang bumitaw. Nakatulog na kasi. Sinamahan ko si Elmo sa may front desk para makapagtanong kung san ang room namin.

"Miss? Nagpareserve kami dito. San na yung keys namin?"

Humarap siya samin. Nakita ko na nagulat si Elmo. Para siyang nakakita ng multo.

"Elmo?" Sabi nung babae.

"Li..Liza?"

Tiningnan ko yung babae. Maganda siya. Maamo ang mukha. Parang nakita ko na siya. Bigla kong naalala yung drawing sa white room sa bahay nila Elmo. Liza? Siya yung ex girlfriend ni Elmo.

Si Liza lang naman ang may-ari ng isang napaka sikat na beach resort sa subic. Alam ko yun kasi nakapunta na ko dun and siya pa ang nag-aasikaso. Mabait siya at sobrang ganda.

Yan ang mga katagang sinabi ni Carly. So siya nga talaga ang ex ni Elmo. Ang ganda nga talaga niya at mukhang mabait talaga.

"Elmo? Is that you?"

Bigla kong naramdaman ang kamay ni Elmo. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. Alam ko. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Liza dito.

"Yeah..uhm.."

Love at First SightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu