PROLOGUE

4.5K 72 4
                                    

"Love at first sight"

FREEZE!

"Wait..wait! Teka lang. Anong sinabi mo?"

Uminom ako ng wine bago ko siya sagutin.

"I'm getting married." Ngiti ko sakanya.

"The FUCK! Seryoso ka?"

Tumango ako. "Yes."

"WHY?"

Napakunot noo ako at napapailing nalang sa bestfriend ko.

"Because I love her."

Napahawak siya sa noo niya. Bigla naman niyang hinampas ang mesa sa harap namin.

"Elmo Moses Magalona! Love? Love agad? Nasisiraan ka na ba ng bait ha?"

"Bakit ba?"

"Look, bago ka umalis dito sa Pilipinas eh halos magpakalunod ka na sa alak dahil sa paghihiwalay niyo ni Liza then now na bumalik ka sasabihin mo sakin na magpapakasal ka na? Where's your brain? Naiwan sa Paris?"

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil yun.

"Cheska, believe me. Trust me. I really love this girl. Napatunayan ko yun nung nakita ko siya sa Paris. Ito ata yung tinatawag nilang love at first sight."

Nakita ko siyang napanganga. Maya maya nakaramdam ako ng paghampas sa ulo ko.

"Ouch! Bakit mo ginawa yun?"

"Para bumalik yung utak mo! Love at first sight ka dyan? Really Elmo? Ano toh? Hopeless romantic ka na?"

"Basta, papakasalan ko siya." Sabi ko sakanya.

Napahilamos siya sa mukha niya. Gusto kong matawa kasi sobrang inis na inis na siya sakin.

"Gago ka talaga! Hindi mo ba naisip na baka mamamatay tao o kung ano pa man yung babaeng yun? Tsaka Moe, 10 days! 10 days ka lang nawala inlove ka na sakanya? Baka nga wala ka pang alam tungkol sakanya."

"Meron." Uminom ulit ako ng wine.

"Fine. Favorite color?"

"Orange."

"Favorite song?"

Napangiti ako. "Thinking out loud."

"Favorite food?"

"Salad."

"Favorite movie?"

"Horror."

"Hobby?"

"Reading books,parties,music, and everything under the sun."

"First pet?"

Napaisip ako. "Hmm, fish."

"Ok last, first boyfriend?"

Natawa tuloy ako ng maalala ko yung araw na tinanong ko siya nun.

"Christ Brown."

Napakunot noo si Cheska. "Seryoso?"

Umiling ako. "No. Pero sa panaginip niya naging boyfriend niya si CB" natatawa kong sagot sakanya.

"Ayy naku Elmo! What about your parents? Alam na ba nila ito?"

Umiling ako. "Balak kong sabihin bukas."

"Bakit bukas pa?"

Ngumiti ako sakanya. Yung smile na abot hanggang langit.

"Dadating siya bukas galing Paris."

Napailing nalang siya.

"Gah. Bakit ba kita naging bestfriend?"

Inakbayan ko siya. "You love me right? Please support my decision. Mahal ko talaga siya."

"Yes, I do love you kaya nga ayokong masaktan ka nanaman. What if hindi pala siya ang babaeng para sayo? Moe, ang pagpapakasal hindi yan parang sapatos na kapag napagsawaan mo na eh huhubarin mo nalang. Kasal yan eh. Maiintindihan ko pa siguro kung nililigawan mo palang siya."

Napangiti naman ako sakanya. Mahal ako ng bestfriend ko at sigurado ako na papayag siya sa magiging desisyon ko.

"Tama ka. Ang lahat ng nangyayari ngayon parang pagbili ng sapatos. Para siyang sapatos."

"Ano?"

Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Alam mo yung moment na pumipili ka ng sapatos tapos nung nakita mo na yung sapatos na gusto mo, lalapitan mo ito at sasabihin na, ito, sure akong bagay ito sa paa ko."

Tumingin ako sakanya.

"Ganun din siya para sakin Frencheska Farr. Nung unang tingin ko palang sakanya, sure na ko. Bagay kami. Siya na talaga. Love at first sight."

Pwede kayang ma-inlove ka kaagad pagkatapos mong makipagbreak?

Masasabi mo bang siya na talaga ang taong mamahalin mo panghabangbuhay, sa unang tingin palang?

At pwede rin bang ma-love at first sight ka ng paulit ulit sa iisang tao?

Well, basta love ang pinag-uusapan lahat tayo ginagawa ang lahat. Hindi mo na hihintayin at iisipin pa ang magiging resulta basta ang alam mo, mahal mo yung taong yun.

Masaya ka.

Nagmamahal ka.

Maaaring nasaktan ka pero hindi ibig sabihin na hindi ka na pwedeng magmahal muli.

Mapatunayan kaya nila na hindi mali ang desisyon nilang mahalin ang isa't isa? Mapatunayan kaya nila na meron ngang..

Love sa "Love at First Sight"?

My comeback Fanfiction :))

Love at First SightWhere stories live. Discover now