Eleventh One

1.5K 61 2
                                    

Eleventh One

Nagpupunas ako ng biglang nagsalita si Carly.

"Besh, anong sabi sayo ni Elmo?"

"Nasa Bicol pa ata siya. Hayy, namimiss ko na siya."

"Ano ba yan, miss agad? Parang hindi magkasama kahapon ah?"

Tumango naman ako. "Ganyan talaga kapag mahal na mahal mo yung tao."

"Besh.." Bumulong si Carly sakin.

"Oh bakit?"

"Nandyan si Kyle."

Napakunot noo naman ako. Wala na akong pakialam sakanya. Hindi na ko magpapaapekto. Masaya na ko ngayon. Unti unti kong ibabalik ang sarili ko. Alam kong kaya ko kasi nandyan su Elmo para alalayan ako.

"JULIE!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Kyle na tumakbo papalapit sakin. Halos matulala ako at mapaatras. Bakit? Anong kailangan niya?

"Hi.."

Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sakanya.

"Julie, gusto ko lang mag sorry. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo kasi iniwan kita. Nahiya kasi ako sayo.."

Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan pero bakit parang napako ako. Hindi ako makapag salita. Napaatras pa ko nung lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko. Binawi ko kaagad yun.

"Hoy Kyle! Ano nanaman ang kailangan mo sa bestfriend ko ha?" Sigaw ni Carly.

"Gusto ko lang sanang ayusin ang gulong nagawa ko. So Julie.."

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nanghihina ako ngayon na nasa harap ko siya. Parang bumabalik yung sakit. Akala ko kaya ko na. Akala ko kaya ko na siyang harapin pero ang sakit talaga. Elmo..Elmo, tulungan mo ko. Please save me from these pain.

"WAAAAAAAAAAAAAAH!"

Napatigil kaming lahat ng makarinig kami ng tilian. Napatingin ako sa lalaking naglakakad. Nakatingin ang mga mata nito sakin. Habang papalapit ng palapit siya, pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"Omg! Besh! He's here!" Kinikilig na sabi ni Carly.

Unti unti akong napapangiti.

"Elmo.." Pabulong kong sabi.

Nasa harap ko na siya ngayon. Medyo malayo layo pa ang agwat namin sa isa't isa. Nakangiti siya habang may hawak hawak na bouquet of flowers.

"Hi Yam."

Nang marinig ko yun bigla akong tumakbo sakanya at niyakap siya. Sobrang higpit. Naramdaman kong hinalikan niya ko sa noo. Napangiti naman ako. Tumingin ako sakanya.

"Yam.."

"You like it?"

Kinuha ko ang bulaklak sa kamay niya. Inamoy ko yun. Ang bango.

"Yes."

"Julie?"

Napatingin ako kay Kyle. Kumunot ang noo ko. Ngayon na nandito si Elmo, kaya ko na siyang harapin.

"Kyle, hindi mo na maibabalik ang dati so tigilan mo na."

Hindi niya ko sinagot. Nakatingin lang siya kay Elmo.

"Pare?"

Tumingin ako kay Elmo.

"Salamat sa game kanina. Nag-enjoy ako." Sabi ni Elmo.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon