Forty-Fifth One

1.3K 67 6
                                    

Forty-Fifth One


Narinig ko na may nag doorbell. Siguro sila Elmo na yun. Pumunta ako sa salamin at tiningnan kung ayos lang ba ang itsura ko. 


"Ate? Maganda ka na." 


Napatingin ako sa may pinto. Nandun si Joanna. 


"Kinakabahan ako Joanna. Kahit pa nakilala ko na ang parents ni Elmo, kinakabahan pa din ako." 


"Wag ka ng kabahan Ate. Wala ka ng oras kahabahan dahil nandyan na si Kuya Elmo sa ibaba." 


Lumunok naman ako. "Sige Joanna. Mauna ka na at susunod na ko." 


"Okay, Ate."


Humarap ulit ako sa salamin. 


"Okay Julie. Relax ka lang. Ito na ang pinakahihintay mo. Maghaharap harap na ang mga magulang niyo. Wag kang kabahan. Mahal ka ni Elmo. Mahal mo siya at malapit na kayong ikasal. Relax." 


After kong kausapin ang sarili ko bumaba na ko. Wala ng tao sa sala so baka nasa dining na sila. Nakita ko sila na nag-uusap usap na. Kumpleto din ang mga kapatid ni Elmo. 


"Game." 


Naglakad na ko palapit sakanila. Biglang tumayo si Elmo ng makita niya ko. Hindi ko muna siya pinansin.


"Good evening po." 


Ngumiti naman silang lahat sakin. Tumingin naman ako kay Elmo na ngayon ay nakatulala sakin. 


"Good evening, Yam.." 


Hindi siya sumagot kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi. Napatingin naman siya sakin. 


"Ang ganda mo.." 


Napangiti naman ako. "Thank you." 


Umupo kaming dalawa. Magkatabi kami. Nagsimula na din kaming kumain. 


"So anong balak natin sa kasal ng mga bata?" Tanong ni Papa. 


"Ang sabi ni Elmo gusto niya na siya ang gumastos sa lahat lahat sa kasal pero hindi naman ako pumayag." Mommy ni Elmo.


Tumango tango naman sina Papa. 


"Oo nga. Elmo, hayaan mo kami na gumastos para sa kasal niyo. Si Julie ang unang anak ko na ikakasal. Gusto ko sana na magkaroon ako ng ambag sa kasal ng prinsesa ko." 


Ngumiti naman si Elmo. "Kung yun po ang gusto niyo, sige po." 


Love at First SightWhere stories live. Discover now