Thirty-Ninth One

1.1K 58 8
                                    

Thirty-Ninth One


Maaga akong dumating sa pictorial ng mga graduates. Kasama ko si Carly. 


"Besh? Ang aga naman ata natin masyado? Bakit kasi ang aga ng call time eh." 


"Ayaw mo nun? Less hassle sa pagpila." 


"Sus. Kahit naman maaga tayo hindi naman tayo mauuna. Sure akong alphabetical nanaman ang gagawin nila." 


Natawa naman ako. "Ang adik mo talaga." 


Nag-uusap kami ni Carly ng biglang dumating ang grupo ni Mitch. 


"Oh, nandito na pala ang Queen of the night ah?" 


"Ano nanaman bang problema mo Mitch the bitch?" Angas na tanong ni Carly. 


Tinaasan lang siya ng kilay ni Mitch. 


"Wala lang. Masama ba na batiin ang nanalo sa graduation ball?" 


Tumawa naman si Carly. 


"Paka bitter mo naman! Hindi niya kailangan ng pagbati mo!" 


Umalis na si Mitch. Hindi naman siya ganun kalayo samin. Ilang sandali pa nagsimula na ang pila. 


"Alam niyo girls, dapat ako talaga ang nanalo eh. Ano kayang ginawa niya at siya ang nanalo?" 


Nakita kong nakatingin si Mitch sakin. 


"Alam ko na! Kinilig siguro dahil dun sa fiance niya! Kaya naman pala! Siguro plano niya talaga yun!" 


Lumapit sakin si Carly. 


"Papatulan ko na tong babaeng hitad na ito!" 


"Carly.." 


"Aba! Tingnan mo nga? Pinaparinggan ka!" 


"Hayaan mo nalang." 


Hindi nalang namin pinansin. 


"Siguro hindi naman talaga siya mahal nung fiance niya. Siguro ginagamit niya lang yung fiance niya kuno para matakpan ang katotohanan na hindi siya ang pinili ni Kyle." 


Natawa naman ang mga kasama niya sa grupo. 


"Nanalo nga siya pero mangagamit naman! Haha! Kawawa! Dapat talaga ako nalang ang nanalo eh." 


"Hindi ko siya ginagamit."


Tinaasan niya ako ng kilay. 

Love at First SightWhere stories live. Discover now