Forty-Second One

1.1K 58 8
                                    

Forty-Second One


"Hindi ba tayo bababa? Baka hinahanap ka na nila." 


Umiling naman siya. Mas niyakap niya lang ako. 


"Dito na muna tayo." 


Natawa naman ako. "Kanina po pa sinasabi sakin yan." 


"Gusto ko lang dito eh. Naririnig ko ang tibok ng puso mo." 


Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakahiga kasi siya sa dibdib ko. Sinusuklay ko naman ang buhok niya. 

Pareho kaming nanahimik tapos nagsalita siya. 


"Yam.." 


"Hmm?" 


"Umamin si Kyle sakin. Mahal pa daw niya ko." 


Napatingin naman ako sakanya. Umupo naman ako. Nakatingin lang ako sakanya. Parang walang salita na lumalabas sa bibig ko. 


"Sabi niya hindi na ba daw namin maibabalik ang dati.." 


"Anong sagot mo?" 


Umiling ako. "Hindi na kasi may iba na kong mahal." 


"Julie.." 


Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yun. 


"Wag kang mag-isip ng kung ano ano, Yam. Ikaw parin ang pipiliin ko. Ikaw lang ang pipiliin ko." 


"Salamat dahil ako ang pinili mo." 


Humiga siya sa lap ko. Nakatingin lang siya sakin. 


"May regalo nga pala ako sayo.." 


"Ano yun?" 


May kinuha akong envelope sa side table. Napabangon naman si Julie. Binigay ko naman sakanya yun. Binuksan niya yun at napangiti sa nakita niya. 


"Oh my! Totoo?" 


Tumango naman ako. "Diba yun naman ang hiniling mo sakin? Ayan na. Trip to anywhere na." 


"Bakit anywhere?" 


Natawa naman ako. "Hindi ko kasi alam kung san mo gusto pumunta kaya ayan, kumuha ako ng madaming tickets domestic and international. Kahit saan mo gusto pumunta, puntahan natin ng magkasama." 


"Talaga? Eh paano yung resto mo? Hindi ka kaya kailanganin dun? Eh yung kasal natin?" 


Love at First SightWhere stories live. Discover now