Twenty-Eight One

1.5K 65 2
                                    

Twenty-Eight One


Maaga palang tinawagan na kaagad ako sa isa sa mga branch ng restaurant ko. May naging problema nanaman. Kailangan ko munang ayusin yun kaya wala akong choice kundi pumunta. 


"Kuya? Ang aga mo naman magising? Mamaya pa pasok mo diba?" 


Inaayos ko ang necktie ko habang pababa ng hagdanan. Nakasunod naman sakin si Arkin. 


"May problema kasi sa isa sa mga branches ng resto ko. Kailangan ako eh." 


"So hindi ka papasok ngayon? Alam na ba ni Ate Julie?" 


Shit! Oo nga pala. Hindi pa niya alam. Hinanap ko ang cellphone ko at kita mo nga naman. Low bat! Paano na? 


"ELMO!"sigaw ni Mommy. 


"Mom? Bakit po?" 


"May tumawag galing sa resto mo. Hinahanap ka na nila." 


Napakamot ako sa ulo ko. Ang aga aga. Naku naman.


"Sige po Mom. Paalis na din naman po ako. Arkin, may lakad ka?" 


"Hmm. Wala naman. Bakit Kuya?" 


"Sumama ka sakin." 


Nang makalabas kami sa bahay nakita ko na ang driver ko na binuksan ang pinto ng kotse. 


"Magmamaneho ako mag-isa papunta sa resto." 


"Hindi po kayo sasakay dito, Sir?" 


Umiling ako. "Pakisundo nalang si Julie sa condo niya. Pakihatid nalang sa school." 


Tumango naman siya. "Sige po, Sir." 


Pinakuha ko ang isa ko pang sasakyan. Sumakay kami ni Arkin. 


"Kuya? Bakit mo ba ko isasama?" 


"May papagawa kasi ako sayo Arkin eh. Pinapapunta kasi ako sa company ni Daddy. Sure akong hindi ako makakalabas dun." 


"So?" 


"Tawag tawagan mo naman si Ate Julie mo para sakin." 


Natawa siya. "Ang sweet mo Kuya! Hanep ka talaga." 


"Mamaya mo na ko asarin." 


"Basta may bayad yan ah?" 


Tumango ako. "Oo na. Ako ng bahala sayo." 


Love at First SightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang