Fourteenth One

2K 62 3
                                    

Fourteenth One

Napakagandang umaga ang bumungad sakin ng makakita ako ng natutulog na anghel sa tabi ko. Napangiti ako at hinaplos ang kanyang pisngi.

"I love you.."

Bulong ko sakanya para hindi siya magising. Dahan dahan akong bumangon. Tiningnan ko ang orasan. 6am palang. 8am pa ang pasok niya. Mamaya pa kasing 10am yung class ko. Pumunta ako kaagad sa kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang mga kakailanganin ko. Lulutuan ko kasi siya ng breakfast.

Hindi ko maiwasan na matawa sa suot ko. Sando hanggang boxers naka Elmo the muppet ako. Napapailing nalang ako. Mahal talaga ako ni Julie pati ba naman sa cartoons naaalala niya ko. Natapos akong magluto at inayos ko na ang mesa. Naglagay ako ng juice sa baso.

"Done."

Naglakad ako papasok sa kwarto niya. Natutulog pa ang anghel ko. Umupo ako sa may gilid niya. Paano ko ba gigisingin ang mga anghel na tulad niya.

Pangarap ko ang ibigin ka..

At sa habang panahon, ikaw ay makasama..

Kinakantahan ko siya para magising siya. Nakita ko naman na unti unti niyang minulat ang kanyang mata. Nakatingin siya sakin.

Ikaw nalang ang siyang kulang..

Sa buhay kong ito..

Pangarap ko...ang ibigin ka...

Ngumiti ako sakanya. "Good morning! Yam."

Nginitian naman niya ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa may pisngi niya.

"Good morning din Yam. Nakatulog ka ba ng maayos? Bakit ang aga mo atang nagising?"

Hindi ako sumagot sakanya. Binuhat ko siya na parang prinsesa at dinala sa may kusina. Inupo ko siya dun.

"Nagluto ka?"

Tumango ako. "Kumain ka ng marami para hindi ka magutom sa school."

"Aww. Thanks Yam. Ikaw na talaga. Ikaw na ang best singer at best cook ever."

"Best cook agad?"

Tumango siya at pinisil ang pisngi ko.

"Sure kasi ako na sobrang sarap niyang niluto mo. Kain na tayo?"

Nagsimula na kaming kumain. Nang matapos kami ako na ang naghugas ng pinggan. Gusto nga niya na siya nalang ang gumawa pero sabi ko malalate na siya. Hinayaan ko na muna siya maligo. After kong ligpitin ang kalat sa kusina, pumasok na ko sa loob ng kwarto niya.

"Yam, classmate pala kita sa isang subject dito eh. Minor nga lang."

"Really? That's good. At least magkikita at magkakasama tayo sa iisang klase." Sigaw niya mula sa CR.

Lumabas naman ako ng makarinig ako ng pag doorbell.

"Kuya, ikaw pala yan. Pasok ka muna."

"Magandang umaga po, Sir Elmo."

"Pagkatapos ko pong maligo ihatid muna natin si Julie sa school."

Tumango naman siya. Pumasok ulit ako sa kwarto niya at nakita ko naman na bihis na siya.

"Ang ganda mo."

Natawa naman siya. "Thanks. Sino yung nasa labas?"

"Driver ko. Dinalhan niya ko ng gamit. Wait lang Yam, maliligo na muna ko para maihatid kita sa school."

Pumasok na ko.

"Yam, mamaya pang 10am ang pasok mo, bakit sasabay ka na sakin?"

"Ihahatid kita sa school tska dadaan muna ko sa bahay."

Love at First SightWhere stories live. Discover now