Fifty-Second One

711 36 0
                                    


Fifty-Second One

Mabilis dumaan ang mga araw. Sa Sunday na ang kasal namin ni Julie. Halos hindi na din kami nagkikita dahil sa maraming kaming inaasikaso para sa kasal namin. Halos bawat tao sa pamilya namin busy para dito. Ngayon pa nga lang ako magpapahinga. Kakagaling ko lang sa isa sa nga branch ng resto ko. Nagkaroon kasi ng food tasting para sa mga idadagdag na menu at kailangan nandun ako. Hindi ko naman pwedeng pabayaan yun.

"Kuya?"

Bigla akong napatingin sa may pinto ng kwarto ko. Napangiti naman ako.

"Pasok ka baby."

Pumasok si Clara at umupo sa tabi ko. May dala siyang juice at cookies.

"Para sakin ba yan?"

Tumango naman siya.

"Salamat."

Kumagat naman ako sa cookies na binigay niya.

"Masarap ah."

Ngumiti naman sakin si Clara.

"Kuya? Friday na ngayon at Saturday bukas. Pagkatapos ng Saturday eh Sunday na.."

Natawa naman ako. "Oo Clows."

"Hmm. Ikakasal ka na Kuya. Hindi ka na uuwi dito. Hindi na kita makikita."

At yumuko naman siya matapos niyang sabihin yun. Inakbayan ko naman siya.

"Hindi mo naman kailangan malungkot. Dadalaw naman ako dito at paminsan minsan dito din kami matutulog ni Ate Julie mo. Kung gusto mo minsan sa bahay ka namin matulog eh."

Napangiti naman siya sinabi ko.

"Talaga Kuya?"

"Oo naman. Ipapasundo kita para makapag bonding naman kayo ni Ate Julie mo."

"Thanks Kuya."

Niyakap naman niya ko sa sobrang saya na nararamdaman niya. Maya maya may kumatok sa kwarto ko.

"Señiorito, may bisita po kayo sa ibaba."

Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon ah?

"Sino yun?"

"Sef Cadayona daw po ang pangalan."

Napakunot noo ako. Bumaba ako at nakita ko si Sef na nakaupo habang ka-kwentuhan si Daddy.

"Sef?"

"MOE!"

Niyakap naman niya ko. Brothers hug lang. Nginitian ko naman siya. Ang tagal kong hindi nakita ang pagmumukha ng lalaking ito ah? Last time na kita ko sakanya eh yung nagpunta ang ko Germany. Classmate ko nga pala si Sef nung college.

"Kamusta na? Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na pala?"

Tumango naman siya. "Oo. Ikakasal na kasi ang Campus Crush ng batch namin."

"Paano mo nalaman yan?"

Tumingin naman siya kaagad kay Daddy. Nginitian ko naman si Daddy. Siguro kasali sila sa dadalo sa kasal namin. Wala na kasi akong pagkakataon na makita pa ang invitation card namin.

"Maiwan ko na muna kayo."

Umalis na si Daddy. Umupo kaming dalawa ni Sef.

"Sa sunday pa ang kasal ko. Ano nanaman ang binabalak mo?" Ngisi ko sakanya.

Ngumisi din siya pabalik sakin.

"Alam na alam mo talaga na may binabalak ako. May Stag party ka mamayang gabi."

"Ha? Teka, bakit mamayang gabi na? Tska diba sabi ko ayoko na ng mga ganun?"

Natawa naman siya. "Kailangan mo yun noh! Dali na wag ka ng maarte!"

"Teka lang naman. Aalis kasi ako mamaya pupuntahan ko si Julie. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Puro Good morning at Good night nalang kami this past few days."

Binato naman niya ko ng unan.

"Ikaw Elmo! Ang clingy mo sa fiancee mo! Makakasama mo naman siya Forever eh. Dali na. Masaya ito. Ito na ang last na magiging binata ka."

Napabuntong hininga nalang ako. Sigurado kasi ako na may kinalaman sila Cheska dito. Sila lang naman ni Carly ang push ng push sa Stag party at Bridal Shower.

"Oo na pero susunod nalang ako dun. Pupuntahan ko muna si Julie."

Napangiti naman si Sef.

"Sige. Basta wag mo kaming tatakasan ah? Isesend nalang namin sayo yung location ng party mo."

Napailing nalang ako.

"Oo na."

Umalis na din si Sef kasi may aasikasuhin pa daw siya. Tiningnan lo ang orasan at nakita ko na 4pm palang. Tamang tama. Hindi na masyadong mainit. Sumakay na ko sa sasakyan ko. Papunta ako kala Julie.

"Sana magustuhan mo.."

Marami ng nangyari sa nakalipas na araw. Mabuti naman at okay na ang lahat. Si Janina? Wala na siya. Umalis na siya ng bansa. Si Mitch naman hindi na ginugulo si Julie. Balita ko din na buntis siya sa isa sa mga kaibigan ni Kyle sa basketball team. Si Kyle? Ayun, nililigawan si Carly. Ewan ko nalang kung may pag-asa yung dalawang yun. Si Liza at Quen naman aalis sila pagkatapos ng kasal namin. Kapag nanganak nalang daw si Liza tska sila magpapakasal. Okay na ang lahat. Kasal nalang namin ni Julie ang kailangan.

Bumaba ako ng kotse. Nakita ko si Julie na nilalakad si Cookie.

"Yam!"

Napatingin naman siya sakin. Bigla nalang tumakbo si Cookie kasi nabitawan siya ni Julie dahil sa gulat. Agad naman na nagpakarga sakin si Cookie.

"Hi Cookie! Namiss mo ba si Daddy?"

Lumapit sakin si Julie.

"Yam?"

At bigla niya kong niyakap. Niyakap ko din naman siya. Yung sakto lang kasi hindi pwedeng maipit si Cookie.

"Namiss kita. Ang tagal nating hindi nagkita." Sabi niya.

"Mas namiss kita. Sorry ah kung busy tayo palagi."

Nginitian naman niya ko.

"Para satin din naman ito."

Binaba ko si Cookie. Sumandal kami sa kotse ko.

"Ang sabi mo sa text mo sakin kanina nagpunta ka sa resto mo, kamusta naman? Nagpahinga ka na ba?"

Tumango naman ako. "Ayos lang. Nagpahinga? Oo naman pero gusto talaga kitang makita eh para maging maayos na talaga ang araw ko."

Natawa naman siya. "Ang cheesy ah."

Natawa din naman ako. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan yun.

"Come with me?"

"Ha? Saan naman?"

Nagmamaneho na ko papunta sa lugar kung saan ko siya dadalhin. Hindi naman siya nagtatanong na. Kanina nung bago kami umalis tinadtad na niya ko ng tanong pero ngayon hindi na. Ilang sandali palang nakarating na kami sa pupuntahan namin. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Anong ginagawa natin dito?"

Nginitian ko lang siya. Nasa isang private village kami. Ngumuso ako sa likod niya. Tumingin naman siya sa tinitingnan ko.

"Ano yan?"

May inabot naman akong box sakanya. Binuksan naman niya yun. Napatingin siya sakin.

"Moe.."

Hinalikan ko siya sa noo.

"Our very own castle."

To be continued..


Love at First SightWhere stories live. Discover now