Marry Me, Beki! #Wattys2017

Par MoonLightFairy

1.2M 20.7K 2.2K

"Ang pag-ibig na pinilit, nakakapilipit." Sinong matinong babae ang itatali ang sarili sa isang beki?! P.S. I... Plus

+ P R O L O G U E +
2 - Kasal agad-agad
3 - the wedding song
4- Atlantis Resort
5 - active birdie
6 - anakan
7 - deal again
8 - tonight is the night
9 - curious
10 - dakma
11 - harlem shake
12 - bukol
13 - DARNA
14 - ang sikip
15 - kilig
16 - Fafa Chuck
17 - s*x daw?!
17.2
18 - gwiyomi
19 - tuloy o tigil?
20 - necktie
20.2
21 - competition
22 - Chucka doll?!
23 -hinde!
24 - confession
Author's Note. Important!
25 - Bekimon Club
26 - I'll understand
27 - Jealous
27.2
28 - Tent
29 - Let's make love
30 - truth hurts
30.2
31 - kuskos
31.2
32 - Knight-in-shining-armor
33 - promise
34- call
34.2
35 - Kalapati
36 - together again
37 - mahiwagang tinidor
37 -kidnap
38 - cold coffee
39 - pampatulog
39.2
40 - lost
41 - konsensya ni Sophie
42 - someday
43 - KUYAs
44 - lalaki sa sinehan
44.2
45 - minions
46 -Sorry
47 - stay
48 - De javú
49 - buyers
50 - Mamu
51 - Operation: Balik Dom kay Andrea!
52 - second step
52.2
53- langit
54 - His side
55 - Kakayanin ba?
56 - Team Building
57 - consequence
57.2
58 - I Love This
59 - memory
60 - revelations
61 - another de javu!
62 - please forgive me
63 - Ang Pabor
FINAL PART
PAHABOL NI MAMU
SOME FACTS ABOUT MMB
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!

1 - How it all started?

31.6K 559 52
Par MoonLightFairy

Chapter One - How it all started?

Dominador's Point of View


Sabi nila, nagsisimula daw ang buhay ng tao kapag naramdaman mo yung chubachuchung tunog na tawag ng iyong katauhan. Ito iyong bulong na nagpapa-realize sa iyo kung ano ka talaga.

Kung tao ka ba o hindi.

Kung aswang ka ba o normal lang na walang thrill sa buhay.

Kung ambisyoso ka ba o normal lang na walang thrill sa buhay.

Parang itong pinagsasabi ko, paulit-ulit nalang na wala ng thrill sa buhay. But to summarize it all, malalaman mo lang ang tunay na halaga ng buhay kapag napagtanto mo na ang tunay mong pagkatao, kung ano yung gusto mo talaga at kung saan ka sasaya ngayon at magpakailanman. Sorry Ate Charo.

And when the time comes na alam mo na ang mga iyon, kailangan mo itong tanggapin at yakapin nang buong puso. Kahit pa ang kapalit niyon ay pagsalungat at panlalait ng mga tao sa paligid mo ukol sa nagawa mong desisyon.

The truth is, hindi naman talaga natin kailangang sundin ang sinasabi ng iba. Madalas, kailangan lang natin itong iconsider, timbangin kung tama ba o mali... pero sa huli, yung desisyon mo ang mananaig. Yung gusto mo at ikasasaya mo ang dapat na mangibabaw.

"Lumayas ka dito! Sinira mo ang dignidad at pangalan ng pamilyang ito, bakla!"

Kaya naman kahit palayasin na ako nitong step-pudra ko ay gora pa rin ako sa paglaladlad ko. Hindi niya kasi matanggap na ako ang tinanghal na Miss Baranggay sa aming barangay. Baka may ibang bet si pudra kaya ganyan siya kagalit ngayon.

Dinaig ko pa nga si Cinderella sa pang-aalipusta nila sa beauty ko! Eh ano naman kung lahat ng kamag-anakan kong maton ay navy na?! Waley aketch pakels kung ang dalawang tiyuhin ko ay mga sailors! Never kong pinangarap na sumunod sa mga yapak nila, dahil ang number one dream ko ay maging SAILORMOON!



"Talagang lalayas ako ditey! Chenes! Hmp!" sabay wagas na irap kay step-pudra na namumula na sa galit.

Sa sobrang inis ay ibinato niya na sa akin ang remote control ng TV.

"Pasalamat ka't nakakapagkontrol pa ko, kundi naibato ko na sayo itong TV!"

"Mahal! Mahal ang TV!" sigaw ni mudra habang inaawat si step-pudra.

"Tsk! Gogora na akez!"

"Dominador, anak!"

"Hindi mo na ko mapipigilan pa muder, sobra na ang pagpapahirap saken ni step-puder, sana maintindihan mo na ko this time," naluluha-luha kong paliwanag kay ina.

"Dominador, anak!"

"Muder, ang baho ng name ko. Dominique nalang please..."

"Dominador, anak..."

"Nak ng tokwis naman Nay! Ano po ba yun? Quotang-quota na sa Dominador?"

"Kasi anak, Dominador—"

"Nay!"

"Anak, manghihingi lang sana ako ng pambili ng bigas natin. Dadating na ang mga kapatid mo eh wala pa tayong sinaing."

Napa-face palm nalang ako kay Nanay sabay abot ng singkwenta pesos sa kanya.

"Nak dalawang kilo na sana isasaing ko, kulang kasi sa mga kapatid mo ang isang kilo," pahabol pa ni Nanay.

"O ayan!" mabigat man sa loob at sa bulsa ay ibinigay ko na rin ang isandaan.

"Salamat anak ha! Maaasahan ka talaga!"

"Opo 'Nay, akin na yung singkwenta. Baka nagkakalimutan tayo."

Matapos ibigay ni mudrakels ang singkwenta pesos at halikan ako ng goodbye sa noo at ibless ng good life and healthy skin ay gumora na talaga ako nang tuluyan.

"Haaay, mabuti na rin 'to noh. Atleast wala ng mambubugbog saken every hour every minute. Wala na rin kong maririnig na tatawag saken sa nakakadiring pangalan na yun. Tss. San kaya napulot ni muder yung mabahong name na yun! Dominador? Ang eeew-eeew kaya!"

"HOY DOMINADOR!"

"O? BAKET? TANGNA, AYAW TALAGA TIGILAN!"

Nilingon ko si Kuya Denver.

See, pagdating sa kanya kaganda-ganda ng pangalan.

Aish. Ang unfair lang talaga!

"Life is soooo unfair---aray!" napakamot ako sa ulo kong di nakaligtas sa batok ni Kuya.

"Ano na namang drama 'to?"

"Lalayas na ko kuya, magdiwang ka na."

"Talaga? Papa-fireworks na ba ko?"

Psh. Sabi na nga ba eh.

"Wala na talagang nagmamahal sa akin dito! Pera ko lang minamahal niyo. Pera ko lang!

"Tanga! Mahal ka namin, 'di lang halata."

Naguluhan naman ako sa sinabi ni Kuya.

"HA?"

"Hindi ka lang bakla no? Bingi ka din eh, palinis mo 'yang tenga mo pag may time. Ang sabi ko mahal ka namin, lalo na ako, pero hindi nga lang halata hehe."

"Psh, mahal daw? Bakit papa-fireworks ka kamo nung nalamang lalayas na ang beauty ko?!"

"Bopols! Syempre, papa-fireworks kasi sa wakas naisip mo rin yan. Naisip mo rin na mamuhay nang mag-isa. Sa tinagal-tagal ng pambubugbog ni Tatay—"

"Para namang hindi ka rin nakikisali sa pangre-wrestling saken," pagputol ko sa kanya.

"Patapusin mo nga muna ako, sasapukin kita dyan eh."

"Sabi ko nga tatahimik nalang ako. Amp."

"Oo, inaamin ko nakikisali rin ako sa pananakit sayo. Pero hindi ko ginagawa yun dahil galit ako sayo o sa kabaklaan mo. Ginagawa ko yun, para naman magising ka dyan sa kamartiran mo at maisipan mo ng umalis sa bahay na yun at mamuhay nalang ng tahimik."

Naramdaman ko ang pagpatak ng isang luha mula sa aking mata dahil sa sinabing iyon ni Kuya.

"Pero bago ka umalis, pautang muna ako ng 150 pambili ko lang ng isang kahang yosi."

Umurong bigla ang luha ko sa pangungutang ni Kuya Denver, "Mahal mo nga ko no, Kuya? Hehe..."

"Sige na 'to naman, last na 'to oh!"

"Bakit 150, isandaan lang isang kaha ng yosi mo."

"Syempre candy tsaka softdrinks, 'to tanga."

"Sweet talaga ng Kuya ko, oh eto pakabusog ka sa yosi!" muli, mabigat man sa loob at sa bulsa ay pilit ko pa ring binigay ang isandaan at ang singkwenta pesos na pilit kong kinuha kay mudra kanina.


"OMG! San naman kaya ako pupunta? eh ni isa sa mga tita ko, ayaw akong patuluyin sa kanila."

"Pasensya ka na Dom ha, magagalit ang mga pinsan mo eh."

"Masyado na kasing masikip dito samin."

"Wala kaming ipapakain sayo."

Tss. Sa luwag ng bahay niyo, kasya pa nga ata ang tatlong bayawak! At excuse me, hindi naman ako magiging palamunin noh! may trabaho kaya ako!

Haay, ang buhay nga naman.

Sariling kamag-anak mo na, pinagdadamutan ka pa.

Ang ending, sa park tuloy ang bagsak ko.

"Lord... tulungan Niyo naman po ako. send me an angel..." pag-eemote ko habang nakatingala sa langit.

"...yung poging anghel po ha. as in Guardian Ange—OUCH!"

Tss, imbyernang babaeng 'to. Panira sa pag-eemote ko.

At anyare? Bakit tulaley na siya habang nakanganga? Insekyora na naman ba sa kagandahan ko? Hays, iba na talaga ang isang oh-so-hot-gorgeous girl na tulad ko.

"Sorry po, kuya nasaktan ka ba?"

HUWAT? KUYA?!

Ewwww! Mas mukha pa kaya siyang matanda saken.

"Demoiselle!"

Napansin kong parang nataranta siya nang may sumigaw ng demo...ano daw? 'Yun ba ang pangalan niya? Ang eewy ha!

"Patay! umoo ka na lang kuya ha? promise, iti-treat kita sa starbucks ng kape."

Malditang 'to, pinagmuka pa kong pulubi. Kaya kong bumili kahit sampung kape sa Starbucks noh! Sabunutan kita dyan eh!

"Demoiselle!"

"Ayan na malapit na siya! One, two, three acting!"

Ha? Pinagsasabi nito? Baka akala niya artista ako at shooting 'to. At cinareer niya nga ang acting ha. Bigla ba namang lumuhod sa harap ko at inextend ang dalawang kamay. Tss, ano kayang natira nitong babaitang 'to?

"MARRY ME!" aba, loka 'to! Kaya pala naka-extend ang pangit niyang mga kamay eh nagpi-feeling mag-propose! Eew, 'di tayo talo noh!

"I LOVE YOU! PLEASE MARRY ME!"

Baboy nito, kadiri! Nasusuka ako sa pinagsasabi mong bruha ka!

"Beki ako," tugon ko.




"Then marry me, Beki..."


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

8.6M 138K 50
Si Avery Lefevre ay isang simpleng babae na may simpleng buhay. Siya ay natutulog, kumakain, pumapasok sa eskwelahan kahit sa labag sa kalooban, guma...
24.3K 1.3K 27
She had three ex-boyfriends, but none of them allowed her to have a healthy relationship. The first one left her, the second one fell out of love wit...
25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
239K 7.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.